chapter 169 " Perfect moments"

Ashi Vhon's Pov.

Kinahapunan

Nagising ako mula sa pagkakatulog ng makaramdam akong parang may nakatitig sa akin.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumungad sa akin ang mukha ni Bisugo.

Nakangiti lang ito habang nakatingin sa akin.

Hayst!

Bakit ba nanaginip na naman ako kay Bisugo?

"Bakit ba nanaginip na naman ako sa'yong ugok ka?" mahinang tanong ko pa.

Ngumiti ito habang nakatitig pa rin sa akin bago nagsalita.

"You're dreaming because you miss me." nakangiting sagot nito.

Napatitig ako sa mukha niya. Bakit ang gwapo ng loko kapag nakangiti?

"Ba't ang gwapo mo kapag nakangiti, Bisugo?" mahinang bulong ko.

Nakita ko pang napakurapkurap ito.

"A-anong sabi mo?"

"Sabi ko, ba't ang gwapo mo kapag nakangiti, Bisugo?" tanong ko uli.

Kita kong napalunok ito habang nakatitig sa akin.

Lintik! Pati ba naman sa panaginip titigan ako?

Pero bakit ang sarap sa pakiramdaman na matitigan ng ugok na 'to?

"Why I am handsome? Well, asked my parents." nakangising sagot niya.

Ay lintik!

"Bakit sila tanungin ko?"

"Tse! Sila ang bumuo sa akin, eh."

"Ay lintik!"

"Tse! May tanong ako." sabi nito.

"Ano?"

"Na miss mo ba ako?" nakangiting tanong niya.

*Lunok

Bakit parang hindi ako nanaginip?

"Bakit mo natanong?"

"Tse! Sagutin mo na lang."

"Hmm... let me think first----"

"Ano!? Kailangan pa ba 'yan isipin?"

"Oo naman, baka-----"

"Tse! Na miss mo ako o hindi? Sagot!" napangiwi ako.

Bakit parang galit siya?

"Hmm... Hindi-----"

"Ano!?" halos uusok ang ilong niya.

"Bakit ba?" tanong ko pa.

"Hindi mo ako na miss? Ha! Alam mo bang halos mabaliw ako dahil miss na miss kita tapos ikaw hindi mo ako na miss?" animo'y hindi makapaniwalang tanong niya.

"Aba'y kasalanan ko bang patay na patay ka sa akin kaya halos mababaliw ka sa pagka miss sa akin?"

"Inaasar mo ba ako?" tanong nito sa akin sabay lapit ng mukha.

Smirk

"Sa tingin mo?"

"Inaasar mo ako, eh."

"Then?"

"Gusto mo halikan kita?"

Lintik na 'yan. Pati sa panaginip gano'n siya?

Tsk!

"Tsk! Kung magagawa mo?" nakangising tanong ko.

Mas inilapit niya nag mukha niya.

"I can if I want, Panget." paos ang boses na sabi niya.

"Psh! As if you can----hmmmp."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil mabilis niya akong hinalikan na ikinatigil ko.

Anak ng tinapa!

B-ba't parang totoo?

"I can if I want so don't tease me, Love." husky ang boses na bulong niya habang hinahalikan pa rin ako.

"B-bisugo,"

"I love you. Cross my heart even if I die with you." mahinang bulong niya.

Napapikit ako. This is just a dream right?

"P-pati ba naman sa panaginip----"

"You're not dreaming, Panget. I'm here for you. Can we just stay like this for a while?" tanong niya habang nakayakap na sa akin.

Hindi ako nanaginip? Nagpapatawa ba siya?

Pero natigilan ako at mabilis na napabalikwas ng bangon at...

*Blaaaaggggg!

(0_0)

"A-arrgggg!" rinig kong daing.

"What the fvck!?" gulat na sigaw ko ng makita si Bisugo sa sahig.

Namimilipit ito sa sakit habang nakangiwi.

A-anong ginagawa niya sa loob ng kwarto ko? Bakit siya nakapasok?

Teka!

Nasa Baguio ako, ah! Bakit siya nandito?

"T-teka, hindi ako nanaginip?" gulat na bulalas ko.

Napatingin sa akin si Bisugo sabay tayo habang nakangiwi.

"You're not dreaming, tse!" nakangiwing sabi nito sabay upo sa kama ko.

Mabilis na sinipa ko siya dahilan para tumalsik ito at nahampas sa pinto.

*Blaaaggggg!

(0_0)

"A-arrgggghh!" daing na naman niya at bumasak sa sahig bago nawalan ng malay.

"B-bisugo!" sigaw ko ng makitang hindi na ito gumagalaw.

Fvck! Fuck! Fvck!?

Mabilis na bumaba ako ng kama at lumapit sa kaniya.

"B-bisugo! Wake up! Bisugo!" hindi mapakaling sigaw at niyugyog ang balikat nito pero hindi ito gumising.

"Lintik!?" sigaw ko at mabilis siyang binuhat papunta sa kama.

Mas lalo akong hindi mapakali ng makitang may dugo ang kamay ko.

Shit!?

Mabilis na lumabas ako at tinawag ang private doctor namin dito sa Baguio.

****

Kakalabas lang ng doctor kasama ni Tito Luis matapos gamutin ang sugat ni Bisugo sa ulo dahil sa malakas na pagtama niya kanina sa pinto.

Hanggang ngayon kinakabahan ako. Napalakas pala ang pagsipa ko sa kaniya kanina.

Lintik!

Buti na lang ayos na siya sabi ng doctor.

Tsk!

Kung bakit ba kasi siya nandito? Tapos... tapos ang mga pinagsasabi ko kanina at... at ang paghalik-----arggh!

Napahawak ako sa labi ko.

May second kiss! Shit!?

Napahilamos na lang ako ng mukha bago pumasok sa banyo para maligo.

Pasado alas-singko na ng hapon. Sinabi ni Tito sa akin kanina kung bakit nandito si Bisugo.

Pinuntahan pala ako ng ugok.

Kanina pa raw siya pasado alas-dies y medya dumating. Pinuntahan niya raw ako sa tambayan ko.

Ibig sabihin siya talaga 'yun kanina? Akala ko talaga panaginip lang 'yon. Tapos noong pinatunog niya ang flute ko ay nakatulog pala ako.

Ang sabi ni Tito ay dinala ako ni Bisugo rito sa bahay para makatulog ako ng maayos.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng nakatapis lang. Hindi ako nakadala ng damit.

Lintik!

Napatingin ako kay Bisugo na natutulog sa kama ko.

Tsk!

Lumapit na lang ako sa closet at kumuha ng damit. Pagkatapos ay pumasok sa banyo at nagbihis.

Nang matapos ay lumabas na ako at pinatuyo ang buhok ko habang nakaupo sa gilid ng kama.

Napatingin ako kay Bisugo. Payapa itong natutulog habang may band-aid ang ulo niya.

Nakaramdam tuloy ako ng guilty.

Kung hindi ko sana siya sinipa kanina hindi siya masusugatan sa ulo ngayon.

Tsk!

"Done staring at me?" mahinang tanong nito sabay mulat ng mata.

(0_0)

*Lunok

Nakatingin siya sa akin na animo'y-----

"G-galit ka ba?" tanong ko pa.

Hindi siya nagsalita at biglang bumangon.

"Why did you kicked me?" seryusong tanong niya.

*Lunok

Ba't parang natakot ako sa ugok na 'to? Parang nawala ang tapang at angas ko, ah!

Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Bakit ka kasi nandito sa loob ng kwarto ko kanina." nakaiwas tinging sabi ko pa.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Gano'n mo ba ako ka ayaw makita?" mahinang tanong niya.

Natigilan ako.

"H-hindi ko naman sinabing ayaw kitang makita------"

"Then why did you say that day before you left that you don't need me?" pigil niya sa akin.

Napalunok ako habang hindi makatingin sa kaniya.

Lintik!

Bakit ako natameme sa ugok na 'to? Tsk!

Hindi ako nakaimik at rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"You don't even call me or sent a short message to me. I've been texting you and sending a voicemail but I don't receive a reply from you." Dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Naka off ang cellphone ko kaya----"

"Tse! At nakayanan mo ring tiisin na hindi makipag communicate sa akin sa tatlong linggo na lumipas?" tanong niya.

Ramdam ko sa boses niyang dismayado at nasasaktan ito.

Shit!?

"Alam mo bang halos mabaliw ako kakahanap sa'yo? Hinanap kita kung saan-saan pero hindi kita makita. Nag-aalala ako sa'yo ng todo at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa'yo." mahabang saad pa nito.

Napahinga na lang ako ng malalim bago nagsalita.

"Sinabi ko naman 'di ba na gusto ko munang mapag-isa?"

"Pwede namang samahan kita, 'di ba?" Deretsong tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Napapailing na lang ako.

"Hindi mo ba maintindihan ang salitang gusto kong mapag-isa?" balik tanong ko sa kaniya.

Natigilan siya habang nakatitig sa akin bago nag-iwas ng tingin at napabuntong-hininga.

"I understand, Panget. Pero sana sinabi mo kung nasaan ka para hindi kami mag-aalala sa'yo at maghahanap sa wala." malumay na sagot niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya.

Napahinga na lamg ako ng malalim.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at walang nagsalita.

Nagpapakiramdaman lang kami sa isa't isa.

Alam ko namang nag-aalala lang sila sa akin. Pero sinabi ko namang gusto ko munang mapag-isa, 'di ba?

Tsk!

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Young Lady at Young Master, nakahanda na po ang dinner sa baba!" sabi pa ng katulong.

Tumayo na lang ako at inayos ang suot ko.

"Susunod na kami!" sigaw ko pabalik.

Narinig ko ang mga yabag paalis kaya napatingin ako kay Bisugo.

Nanatiling nakaupo at hindi kumikilos.

Ayos lang ba siya?

Tsk!

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Ayaw mo talagang samahan kita rito?" bagkus ay tanong niya.

Napahinga ako ng malalim.

"Sinabi ko naman bago ako umalis na gusto kong mapag-isa-----"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumaba ito ng kama at tumayo.

Napabuntong-hininga pa siya bago nagsalita.

"Don't worry, I'll go home now." walang ganang sabi niya at naglakad palapit sa pinto.

Binuksan niya ang pinto bago nagsalita.

"By the way, wala ka bang maalalang mahalagang araw this week?" tanong niya.

Mahalagang araw?

"Meron." sagot ko.

Dahan-dahan siyang lumingon at humarap sa akin.

"What occasion?" tanong niya uli.

"It's a Christmas." maikling sagot ko sabay lapit sa kaniya.

"What else?"

Meron pa ba?

"Wala na akong maalalang iba-----"

"Then I leave." pigil niya sa akin.

Kita ko ang lungkot sa mata niya bago tumalikod at tuluyang lumabas ng pinto.

Natigilan ako. Anong nangyari sa kaniya?

Bakit parang ang lungkot niyang tingnan sa sinabi kong wala na akong maalalang iba?

Tsk!

Ano bang meron bukod sa Christmas?

Hayst!

Bumaba na lang ako. Naabutan ko siyang kausap si Tito Luis.

"Salamat ho sa pagpatuloy sa akin dito kanina." pormal na sabi niya kay Tito.

Nagtatakang tiningnan pa siya ni Tito.

"Bakit ka nagpapasalamat, hijo?" tanong ni Tito.

"I'll go home now, Tito." sagot niya.

Nakaramdaman ako ng kakaiba sa loob ko.

Aalis talaga siya?

"Ha? Kakarating mo lang kanina, ah. Nag-away ba kayo ng pamangkin ko?" takang tanong ni Tito.

Nakatayo lang ako sa hagdan habang nakikinig sa kanilang dalawa.

Kita ko pang napabuntong-hininga si Bisugo at umiling.

Napatingin pa ito sa gawi ko bago nagsalita.

"Salmat uli, aalis na ho ako." paalam niya at akmang aalis nang pigilan siya ni Tito.

"Sandali lang, hijo. Gabi na at paniguradong matatagalan ka sa daan. Dumito ka na muna." pigil sa kaniya ni Tito.

Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad palapit sa kanila.

"Ayos lang ho ako, Tito. Mabilis naman akong magmaneho." tipid ang ngiting sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang si Tito at napatingin sa akin bago bumaling uli kay Bisugo.

"Kumain ka na lang muna bago umalis para hindi ka gutumin sa daan." Sabi ni Tito sa kaniya at naunang pumasok sa dining room.

Naiwan kaming dalawa ni Bisugo. Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa akin.

"Take care of yourself. I'll go ahead." kaswal na sabi niya sabay talikod.

Pero mabilis na hinila ko siya dahilan para mapaharap siya sa akin.

"Kumain ka na muna," sabi ko at hinila siya papunta sa dining room.

Napatingin pa sa amin si Tita Drean habang nakangiti.

Pinaupo ko si Bisugo upuan at tumabi sa kaniya.

"Ayos ka na ba, hijo?" tanong pa ni Tita sa kaniya.

Napatingin pa si Bisugo sa akin bago tumango at tipid na ngumiti.

"Ayos na ho ako, Tita." sagot nito.

Tumango na lang si Tita at nagsimulang kumain.

Nag-uusap pa silang dalawa ni Tito tungkol sa Christmas eve.

Nagsandok na lang ako ng kanin at nilagyan ang pinggan ni Bisugo. Pagkatapos ay nilagyan ko ang akin at nagsimula nang kumain.

"Eat this," biglang sabi ni Bisugo sabay lagay ng ulam sa pinggan ko.

Kinain ko na lang at tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos.

Umakyat sa taas sila Tita at Tito habang nakaupo kami ni Bisugo sa sala.

Biglang tumunog ang cellphone niya at napatingin pa siya sa akin bago sinagot ang tawag.

"[Oh?]" sagot niya sa tumawag.

Nakasandal lang ako sa sofa habang nakikinig sa kaniya.

"[I'm here at Baguio. Yeah. Don't worry, I'll go home later. Mmm. Just don't let him go. What about his family?]" kausap niya sa kabilang linya.

Sino naman ang kausap niya?

Tsk!

In on ko na lang ang Tv para manood.

"[Mmm. I'm here with her. She's fine. Tell them to not worry about her. Yeah. I'll hang up now.]" huling sabi nito sabay baba ng tawag.

"Sino 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"It's Lyle," maikling sagot niya.

Napatango na lang ako at tumingin sa Tv. Tahimik lang siyang nakaupo habang may kinakalikot sa cellphone niya.

Napakunot ang noo ko. Sino ang ka text niya?

Tsk!

Nakita kong bigla itong tumayo at humarap sa akin.

"It's late. I'll go ahead." paalam niya.

"Tsk! Just stay here." pigil ko sa kaniya.

Tiningnan pa niya ako. Parang inaalam niya kung totoo ang sinabi ko.

Napapailing na lang ako bago pinatay ang tv sabay tayo.

"Hindi ko sinabing aalis ka. Just stay here." saad ko sabay talikod at umakyat sa taas.

Narinig ko pa ang bulong nito kaya natawa na lang ako.

Nandito na siya, eh alangang paalisin ko. Nag effort siyang pumunta rito para sa akin.

Hayst!

Pumasok ako sa kwarto at dumeretso sa banyo. Nagsipilyo ako bago lumabas at nagpalit ng pantulog.

Nang matapos ay naupo ako sa kama ng biglang may kumatok sa pinto.

"Pasok!" sigaw ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Bisugo.

Napakamot pa ito ng batok bago lumapit at naupo sa kama.

"Sure ka bang dumito na muna ako? You want to be alone, right?" tanong niya.

Tsk!

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Nandito ka na alangan namang paaalisin kita. Baka sabihin mong wala akong paki sa'yo." malumay na sabi ko.

Kita ko itong natigilan sabay lapit sa akin. Tumayo siya sa harap ko at tiningnan ako sa mata.

"Do you really care for me?" malamlam ang matang tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita habang nakatingin din sa mata niya. Sari-saring emosiyon ang nakikita kong dumaan sa mata nito.

Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Hahayaan ba kitang umalis kung hindi?" balik tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nakaimik at nakatitig lang ito sa akin.

Tsk!

Napabuntong-hininga pa siya bago tumalikod.

"Saan ako matutulog?" tanong pa nito

"Do'n sa kabilang kwarto." sagot ko sabay tayo at lumabas ng kwarto.

Agad naman siyang sumunod sa akin. Pumasok ako sa katabi ng kwarto ko. Malinis naman ito at dito minsan natutulog si Jiro kapag pupunta kami rito.

"Nice room." rinig kong bulong ni Bisugo.

"Dito ka matulog. May damit sa closet. May boxer na hindi pa nagagamit iyon na lang gamitin mo." sabi ko sabay turo sa closet.

Nakangiting tumango siya. Lumapit siya sa kama at naupo sabay tingin sa akin.

"Can we talked?" tanong pa niya.

"Bukas na lang inaantok na ako." sabi ko.

Tumango uli siya bago nagsalita.

"Sige na, matulog ka na. Good night." nakangiting sabi niya.

Bipolar ba siya? Pabago-bago ng mood ang loko, eh.

Tsk!

"Mmm. By the way, ayos lang ba ang sugat mo?" tanong ko.

"Ayos lang," sagot niya.

Tiningnan ko siya ng mabuti.

"Sorry, I didn't mean to----"

"It's ok. Don't be sorry." Nakangiting pigil niya sa akin.

"Mmm. Good night." sabi ko bago lumapit sa pinto at lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako bago pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Napatitig ako sa kisame.

Gano'n ba niya ako kamahal para puntahan ako rito?

Hayst!

Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina. Napahwak ako sa labi ko at hanggang ngayon ramdam ko ang labi niya.

Damn!?

Bakit may kakaiba akong nararamdaman?

Do I love him now?

Arghhh!

Tsk!

In off ko na lang ang ilaw bago umayos ng higa sabay pikit at natulog na.

************************************

Drixon's Pov.

Kinabukasan

Masayang gumising ako ng maaga at naligo. Pagkatapos ay napatingin ako sa cellphone ko.

May text galing kay Mom.

Shit!?

Hindi pala ako nakapagpaalam sa kaniya kahapon.

Tinawagan ko na lang si Mom at agad naman niyang sinagot.

"[Hello, Mom?]"

"[Big boy? Nasaan ka? Bakit hindi ka umuwi rito?]" Sunod-sunod na tanong niya.

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina dahilan para mapatingin ako sa labas.

"[Sorry, Mom. Hindi ako nakapag paalam sa'yo kahapon. I'm here at Baguio.]" sabi ko pa.

Rinig ko pa ang kaluskos sa kabilang linya.

"[Baguio? Anong ginagawa mo riyan, anak?]" nag-aalalang tanong pa nito.

Natawa na lang ako bago sumagot.

"[Nandito ako sa lugar nila Panget, Mom. Kahapon pa ako dumating dito.]" nakangiting sagot ko pa.

Narinig ko pa ang tili ni Mom at Drixie sa kabilang linya.

Napapailing na lang ako.

"[Talaga, anak? Nand'yan ba si Ashi? Nakita mo na ba siya?]" sunod-sunod na tanong ni Mom.

Pfft!

"[Mmm. She's here, Mom.]" sagot ko.

Napatili na naman silang dalawa ni Drixie na ikinatawa ko uli.

"[Ayieee! How is she?]" tanong pa ni Mom.

"[She's fine, Mom.]"

"[Really?]"

"[Mmm.]"

"[Pwede ko ba siyang makausap, anak?]"

Napakamot ako ng batok sa tanong ni Mom.

"[Ahm... hindi pa siya gising, Mom. Maybe later,]" sabi ko pa.

"[Aw! Okay, just tell her that I miss her na.]" sabi ni Mom.

"[Me too, Kuya!]" rinig kong sigaw ni Drixei.

"[Don't worry, I tell it to her later.]" nakangiting sabi ko.

"[Okay. Take care, anak. Ikaw na bahala sa daughter-in-law ko, ah.]"

*Smile

"[Sure, Mom!]"

"[By the way, uuwi ba kayo sa pasko?]" tanong ni Mom.

"[Kakausapin ko muna si Panget, Mom.]"

"[Okay sige, bye bye! I love you, anak!]"

"[I love you too, Mom.]" nakangiting sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Napapailing na lang ako dahil sa kakulitan nila Mom.

Lumapit na lang ako sa pinto at lumabas. Napatingin pa ako sa pinto ng kwarto ni Panget.

Nakangiting bumaba na lang ako at pumunta sa kusina nila. Nakita ko ang mga katulong na naghahanda ng agahan.

Binati pa nila ako kaya binati ko rin sila. Sinabihan ko rin silang ako na ang magtimpla sa gatas ni Panget.

Naglagay ako ng pagkain sa tray at dalawang baso na may lamang gatas at kape.

Pagkatapos ay umakyat ako sa taas at kumatok sa kwarto ni Panget pero walang nagbukas.

Mukhang tulog pa ata siya.

Pumasok ako sa loob at nakita kong tulog pa ito habang nakadapa sa kama.

Natawa na lang ako.

Para kasi siyang lalaki kung matulog, eh.

Ibinaba ko sa mini table ang tray bago lumapit sa kama niya at pinagmasdan siya habang natutulog.

Nakaharap sa gawi ko ang mukha niya.

Inayos ko ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya at tinitigan ito.

"Bakit ang ganda mo, Panget?" nakangiting bulong ko.

Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo niya. Bahagya pa siyang gumalaw at nagmulat ng mata.

"Good morning." nakangiting bati ko.

Pumupungay ang matang nakatingin siya sa akin bago napabalikwas ng bangon.

"A-ah, good morning din." nahihiyang bati niya at inayos pa ang buhok niya.

Napangiti na lang ako.

"Did you sleep well?" I asked.

"Mmm. Ikaw ba?" tanong niya.

"Same. Panatag ang loob ko dahil malapit lang ako sa'yo." nakangiting sagot ko.

Napaiwas na lang siya ng tingin.

"Tsk! Magsisipilyo lang ako." sabi niya sabay baba ng kama.

Pumasok siya sa banyo kaya tumayo ako at hinawi ang mga kurtina sa bintana niya.

Napatingin pa ako sa labas. Kita ko ang ganda ng mga tanawin sa labas.

Bigla akong napaisip. Kung hindi kaya ako pumunta rito kahapon hindi ko pa rin makikita si Panget.

Hayst!

Narinig kong bumukas ang pinto sa banyo at lumabas si Panget.

Lumapit ako sa mini table at kinuha ang tray bago inilapag sa kama niya.

"Let's have a breakfast in bed." nakangiting sabi ko pa.

Takang lumapit siya at naupo sa kama. Inabot ko sa kaniya ang gatas na tinimpla ko para sa kaniya.

"Bakit gatas?" tanong pa niya.

"Para mas lalo kang maging matibay." nakangiting sabi ko pa.

Napapailing siya sabay inom ng gatas. Ininom ko na rin ang akin na medyo palamig na.

"Let's eat," yaya ko.

Kinuha ko ang isang kutara't tinidor. Sumandok ako at itinapat sa bibig ni Panget ang kutsarang may kanin at ulam.

"Bakit isa lang ang kutsara't tinidor?" kunot-noong tanong niya.

Nagkibit-balikat ako bago nagsalita.

"Share na lang tayo." sagot ko.

Tiningnan pa niya ako kaya natawa ako.

"Kainin mo na tapos papasyal tayo mamaya." sabi ko.

Wala siyang nagawa kaya kinain niya na lang. Sumubo na rin ako at kumain.

Hanggang sa matapos kaming dalawa. Nagpahinga pa siya bago pumasok sa banyo para maligo.

Ako naman ay bumaba at hinatid sa kusina ang ginamit namin. Binati ko pa sila Tita at Tito na nakasalubong ko.

Nagpaalam din ako sa kanila na mamamasyal kami ni Panget ngayon.

Sinabi pa ni Tito at Tita sa akin kung saan ang mga lugar dito sa Baguio ang laging pinupuntahan ni Panget.

Gusto ko lang na aliwin si Panget para gumaan ang loob niya.

Dumeretso ako sa labas ng bahay at pumunta sa garahe nila. Nakita ko ang kotse ko at mukhang nilinisan, ah.

Tamang-tama gusto kong mamasyal kami ni Panget ngayon. Hindi na ako uuwi.

Just stay here daw, eh.

Napangiti ako ng maalalang next day na ang first monthsary namin.

Pero biglang akong napabuntong-hininga ng maalala na hindi naalala ni Panget na sa 25 ang monthsary namin.

Sumandal na lang ako sa kotse ko habang may iniisip.

Napatigil lang ako ng biglang may naglagay ng coat sa balikat ko. Paglingon ko si Panget pala.

Nakabihis na siya at nakasuot ng kulay itim na damit at pants habang may cap.

Tse!

Kinuha ko ang cap sa ulo niya at inilagay sa ulo ko.

"Hey! Ba't mo kinuha?" tanong niya.

"Mas gusto kong makitang nakaganiyan ka lang, Panget. You look good without this cap." nakangiting sabi ko.

Natigilan pa siya bago nag-iwas ng tingin at bumulong.

"Tsk! Dami mong alam." bulong pa niya.

Natawa na lang ako at hinila siya palapit sa akin.

"Let's not quarrel today, ok?" nakangiting sabi ko.

Inismiran niya lang ako. Napapailing na lang ako at hinila siya papasok sa kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong pa nito.

Sinarado ko ang pinto bago umikot at pumasok.

Ikinabit ko pa ang seatbelt niya bago umayos ng upo.

"Punta tayo sa strawberry plantation niyo." nakangiting sabi ko pa.

Pinaningkitan niya ako ng mata sabay turo sa kotse.

"Nang naka kotse?" tanong niya.

Natawa ako at tumango.

"Bibili muna tayo ng camera. Naiwan ko sa bahay ang camera ko kaya bibili ako ng bago." sabi ko pa sabay paandar ng kotse at lumabas ng gate.

Napatahimik na lang ito. Panay lang ang sulyap ko sa kaniya.

She look so beautiful without make up. Her simplicity makes her more attractive and beautiful.

That's one of the reason why I love her.

***

Panay lang ang kuha ko ng litrato kay Panget habang nakatanaw sa malaki at maluwang na plantation ng mga strawberries dito sa La Trinidad.

Pagkatapos namin kasing bumili ng camera kanina ay agad na kaming dumeretso rito.

Bumili rin ako ng makakain namin habang naglilibot sa strawberries plantation.

Mga streets food ang karamihan sa binili ko dahil iyon ang gusto ni Panget.

Masaya ako habang pinagmamadas ko ito.

Halata sa mukha niyang masaya siya.

She really love this kind of place. Nature lover ang mahal ko.

Napangiti na lang ako sabay lapit sa kaniya.

Iniwan namin ang kotse roon sa may mga nagtitindi ng mga streets food kanina.

"Ang ganda talaga rito sa farm nila Lola. Hindi ako magsasawang tingnan ang mga 'to." sabi pa nito.

Napatitig ako sa kaniya sabay ngiti bago nagsalita.

"Yeah, I agree. Napakaganda nga at hindi ako magsasawang titigan sa ganda." nakangiting sabi ko habang nakatitig sa mukha niya.

Napatango siya at nakita kong bahagya pa siyang napangiti.

Damn!?

Why so cute and beautiful, Panget?

"H-hey! Ba't sa akin ka nakatingin?" namumula ang pisnging tanong niya ng makitang sa kaniya lang ako nakatitig.

"Mas maganda at hindi ka nakakasawang titigan, Panget." mahinang sabi ko.

Napatitig pa siya sa akin bago nag- iwas ng tingin.

"Tsk! 'Wag ka sa akin tumingin. Akala ko ba gusto mong makita ang buong plantation ng strawberry?" naka iwas tinging tanong niya.

"Oo nga," sagot ko.

Nilingon niya ako bago uli nag iwas ng tingin kaya napangiti ako lalo.

"Then bakit panay ang titig mo sa akin?" nakatanaw sa malayong tanong niya.

Lumapit ako lalo sa kaniya at niyakap. Hindi naman siya pumalag.

Good.

"Mas maganda at hindi nakakasawang titigan ka pa kesa mga strawberries na 'yan, Panget." banat ko pa habang nakayakap sa kaniya.

Mas lalong namula ang pisngi niya. Kinilig ba siya sa mga sinasabi ko?

Shit!?

Parang tumalon ang puso ko dahil sa naisip ko. Ang isang tulad niya kiligin sa mga banat ko?

Pfft!

"Strawberries is not that attractive to me. 'Cause you're more than beautiful and attractive in my eyes, Love." bulong ko sa tainga niya na ikinatigil nito.

Para pa siyang natuod sa kinatatayuan niya.

Mahigpit na niyakap ko na lang siya sabay subsob ng mukha ko sa leeg niya.

"H-hey! Umalis nga." kinakabahang sabi niya at tinulak ako.

Natawa na lang ako ng makitang mas pumula ang mukha niya.

"You are blushing, Love." nang-aasar na sabi ko pa.

Mas lalo siyang hindi makatingin sa akin.

Damn!?

I'm so proud to myself na ganiyan ang nagagawa ko kay Panget.

"T-tumahimik ka nga! At anong l-love ang pinagsasabi mo?" nuutal na tanong niya.

Halos wala ng pasisidlan ang saya at tuwa sa puso ko habang nakatingin sa kaniya.

Para siyang hindi mapakali at hindi comfortable sa mga salitang binitawan ko.

Nice one Drix.

Nawala ata anv tapang at angas ng mahal ko, ah.

Pfft!

"Love. Love ang gusto kong itawag sa'yo bukod sa Panget." masayang sabi ko at tumingin sa abot tanaw na mga strawberry.

Iilan pa lang ang may bunga at hinog na strawberry dahil hindi naman kabuwanan ng mga strawberry ngayon.

"Tsk!" singhal ni Panget.

Naglakad-lakad na lang kami at panay lang ang banat ko sa kaniya.

Halos hambalusin niya ako dahil inaasar ko siya tuwing namumula siya.

Alam kong kinikilig siya, eh.

Pfft!

"Panget, sabihin mo lang kung kinikilig ka dahil pakikiligin pa kita." nang-aasar na sabi ko pa.

Nakita kong napapailing na lang siya at napatingin sa bunga ng strawberry.

May tatlong strawberry na napaka pula tingnan.

Tiningnan ko si Panget. Nakatingin na siya sa iba pang mga strawberry.

Yumuko ako at pinitas ang tatlong strawberry. Kinuha ko ang bote ng tubig na hawak ng lalaking inutusan kong video-han kami ni Panget.

Isa siya sa mga tauhan ng farm. Siya rin ang nagdala ng mga pagkain namin ni Panget.

Hinugasan ko ang strawberry bago lumapit kay Panget at humarap sa kaniya.

"Panget," tawag ko sa kaniya.

"Mmm?" sagot niya sabay tingin sa akin.

"Gusto mo?" nakangiting tanong ko sabay pakita ng strawberry.

Tiningnan niya ito bago nilingon ang tinitingnan niya kanina.

Tumango siya at ngumiti. Napatulala ako sa ngiti niya.

She look more gorgeous in that smile.

Shit!?

"Akin na," natauhan ako ng magsalita si Panget.

Akmang kukuhanin niya ang strawberry sa kamay ko nang ilayo ko.

"Ako na," nakangiting sabi ko pa.

Kinuha ko ang isa at itinapat sa bibig niya.

"Ahh," sabi ko.

Tiningnan pa niya ako bago lumunok at ngumanga.

"I," sabi ko sabay subo sa kaniya ng strawberry.

"Love," sabi ko uli at isinubo na naman sa kaniya ang isa.

"You." huling sabi ko sabay subo ng last strawberry sa bibig niya.

Ngumiti pa siya habang ngumunguya. Feeling ko nagustuhan niya ang mga sinabi ko.

"How was the taste?" I asked.

"Ang sarap." nakangiting sagot niya.

Napatingin pa ako sa labi niya habang ngumunguya.

*Lunok

Shit!?

Napakagat labi na lang ako habang nakatingin sa labi niya.

"Mas masarap naman ako kesa sa strawberry, eh." nakangiting sabi ko.

Natigilan si Panget habang nakatingin sa akin. Nakatitig lang ako sa labi niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Baka hindi ako makapagpigil at mahalikan ko siya.

(Playing: Ikaw by Yeng Constantino)

"Love, upo na muna tayo rito." sabi ko pa.

Naupo ako sa lupa at hinila siya paupo sa kandungan ko. Papalag pa sana siya pero agad ko siyang niyakap sa beywang.

"Let's stay like this for a while." bulong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at sumandal na lang sa dibdib ko. Tahimik na nakatingin lang kami sa harap.

Pero agad ko naman binasag ang katahimikan.

"Love?"

"Mmm?"

"Did you really miss me when I'm not with you?" mahinang tanong ko.

Natahimik siya sandali bago bumuntong-hininga at nagsalita.

"How can't I?" balik tanong niya na ikinangiti ko.

"Really? Then, why didn't you call or to reply my text?"

"I just want to be alone for a while." Sagot niya.

Napatango ako at natahimik.

"Bisugo," mahinang bulong niya.

"Mmm?"

"Mahal mo ba talaga ako?" tanong niya.

Natigilan ako bago nagsalita.

"Sobra. Hahanapin at pupuntahan ba kita rito kung hindi?" balik tanong ko.

Natahimik siya sandali bago nagsalita.

"Then paano mo nalamang nandito ako?"

"Sa panaginip," sagot ko. Taka niya akong nilingon.

"Bakit sa panaginip?"

"Nanaginip ako noong gabing 'yon bago ako pumunta rito. Sabi mo sa panaganip ko na nasa Baguio ka at binisita ang puntod ng tunay mong ina." Paliwanag ko sa kaniya.

Natahimik siya. At nang tingin ko siya sa mata ay kita ko ang lungkot niya.

"Thank you." mahinang sabi niya sabay tingin sa mata ko.

Nakangiting pinisil ko ang pisngi niya bago nagsalita.

"Thank you saan?"

"Sa lahat. Sa pagpunta mo rito para hanapin ako. Sa oras na nakasama kita ngayon at sa pagpapagaan ng loob ko." sinserong sabi niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Don't be thankful to me. I love you that's why I love to do everything for you." Nakangiting sabi ko habang nakatitig sa mata niya.

Kita ko ang sari-saring emosiyon sa mga mata niya.

"Kailan mo pa ako minahal?" tanong niya.

Hinalikan ko ang pisngi siya sabay ngiti.

"The first day I met you. When you accidentally threw your food on my uniform." sagot ko.

Natigilan siya.

"Paanong nangyari 'yon?" takang tanong niya.

Pinisil ko ang tungki ng ilong niya.

"Silly girl. How did it happen? Well, you caught my attention in that day." nakangiting sagot ko.

Napaiwas na lang siya ng tingin at hindi na umimik. Sumandal na lang uli siya sa dibdib ko at pumikit.

"Love,"

"Mmm?"

"Hindi ka na ba malungkot?" bulong ko sa kaniya.

"Hindi na,"

"Talaga? Bakit naman?"

"It was because of you" sagot niya.

Natigilan ako. Dahil sa akin? Totoo ba ang narinig ko!

"Totoo ba ang narinig ko?"

"Mmm. Dahil sa'yo gumaan ang pakiramdaman ko ngayon. I thought, kapag mapag-isa ako ay madali lang ibsan ang sama ng loob ko. Hindi pala kaya thank you." mahinang sabi niya.

Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya.

"You're always welcome. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo para tuluyan ng mawala ang sama ng loob mo." nakangiting sabi ko.

"Yakap mo lang ang kailangan ko, Bisugo." Bulong niya.

Natigilan ulit ako. Parang naalala ko ang panaginip ko sa kaniya.

This is true! Hindi na panaginip ang mga narinig ko!

"Thank you, Love." paos ang boses na bulong ko sa tainga niya.

"Thank you saan?"

"Sa pagpasaya sa akin."

"Napasaya ba kita?"

"Sobra. Walang pasisidlan ang sayang binigay mo."

"Talaga?"

"Mmm. I love you." nakangiting sabi ko. Humarap siya sa akin at hindi nagsalita.

Tinitigan niya ako sa mata bago bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Napakagat labi na lang ako habang nakatingin din sa mamula-mulang labi niya.

Parang ang sarap halikan----

(0_0)

Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Hinalikan niya ako!

Para akong natuod sa kinauupuan ko habang nakakandong siya sa akin at hinalikan ako.

Parang tumigil ang mundo at ang oras habang ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso mo.

Nakita kong nakapikit pa siya. Natauhan ako ng kagatin niya ang pang ibabang labi ko.

Shit!?

Ang sarap niyang humalik!

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at tinugon ang halik niya. Napahawak pa ako sa likod niya habang naghahalikan kaming dalawa.

Nasa dibdib ko ang dalawang kamay niya habang taas baba ang kamay ko sa likod niya.

"I love you." bulong ko sa gitna ng paghahalikan namin.

Hinila niya ang damit ko palapit sa kaniya dahilan para mas lumalim ang halikan namin.

Sabik na sabik ako sa mga halik niya.

This is the first time na siya ang unang humalik sa akin.

And I never expect that she will kiss me at the middle of the strawberry farm.

This is a perfect moment to both of us.

Pareho kaming naghahabol ng hininga nang bumitaw siya sa halikan namin.

Nagkatitigan kaming dalawa. Kitang kita ko ang bawat emosiyon na sa kaniyang mga mata.

Nakikita kong masaya siya at walang pag-alinlangan sa mga mata nito.

"Are you happy?" nakangiting tanong niya.

Hinawakan ko ang labi niya sabay ngiti.

"Super. And I want more." paos ang boses na sabi ko sabay halik uli sa kaniya.

Hindi siya pumalag at bagkus ay tumugon din naman siya sa mga halik ko.

At that moment, we both shared the best moment in that time. No one can stop us while kissing at the middle of the farm.

Even the person who I please to video our moments can't disturb us. Because it was the perfect time for the both of us.

An I know, she finally love me.


To be continued...

A/N: Wusho! How was this chapter? Is it good? Yeah! Hehehe. Pati ako kinilig sa kanilang dalawa, eh. Hayst!

Ikaw na nagbabasa, huwag ka masyadong kiligin.🤭 Hanapin mo muna 'yong taong magpapakilig sa'yo ng todo. Charot! ☺️

Don't forget to Vote, comment and follow!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top