chapter 168 "Baguio"

Drixon's Pov.

Pasado alas-dies y medya na ng gabi at pauwi pa lang ako. Galing kami sa resto bar kanina para magpalamig galing sa lakad namin.

Nakauwi na rin ang apat nang maghiwa-hiwalay kaming lima.

Tahimik na nagmamaneho lang ako pauwi habang nakatingin sa daan at nag-iisip sa mga nangyayari kanina.

Why they are not complete?

Tse!

Napabuntong-hininga na lang ako.

Ang lintik ma bihag ay ayaw pa rin magsalita. Ang tigas ng ulo paaminin. Hinihintay pa ata niyang gamitin ko ang importanteng mga tao sa buhay niya.

Mukhang gusto niyang makipaglaro.

Makikipag tigasan siya ng ulo puwes ibibigay ko rin sa kaniya ang gusto niya.

Kung matigas siya mas matigas ako.

Tse!

Uminit talaga ang ulo ko kanina sa inis sa gagong 'yon. Aasarin pa ako ng hinayupak.

Sarap talaga basagin ng bungo ng pesteng bihag na iyon. Dagdag lang siya sa mga isipin ko.

Kung nandito lang sana si Panget mananatiling kalmado lang ako.

But fvck!?

Mababaliw ako kakaisip na wala siya at hindi ko alam kung nasaan siya.

She's drivin' me crazy!

Damn!?

Napahinga na lang ako ng malalim at napatingin sa reer view mirror.

Parang may sumusunod sa akin lintik na 'yan!

Binalewala ko na lang at itinuon sa daan ang mata ko. Pero hindi pa man lumagpas ng isang minuto ay napansin ko ang papabilis na pagsunod ng itim na kotse sa akin.

Anak ng!

Napatingin ako sa likod at halata ngang ako ang sinusundan ng mga ito. Nagsalubong ang mga kilay ko.

Sino naman ang mga hunghang na ito at sinusundan ako?

Nanatili akong kalmado habang gano'n pa rin ang takbo ng kotse ko. Hindi ako nagpahalatang napapansin ko sila.

Pero napamura ako ng malutong nang barilin nila ang kotse ko.

What the fvck!?

Mabilis na iniwas ko ang kotse at medyo binilisan ang takbo. Napalingon pa ako sa likod at nakita ko ang nakaitim na lalaking nakatutok sa gawi ko ang baril nito.

Damn!?

*Bangg!

Mabilis na lumihis ako kaya hindi natamaan ang kotse ko.

Mukhang tatlo silang nasa loob ng kotse. Binilisan ko ang takbo ng kotse ko.

Kundi ako nagkakamali ay kasamahan sila ng bihag namin.

*Bangg!

"Fvcking asshole!?" malutong na mura ko at iniwas ang kotse ko.

Iilan lang ang mga kotseng dumadaan dahil papalalim na ang gabi.

Nakita kong bumilis ang takbo ng kotse nila at pilit na hinabol ako. Makikipag karera kayo sa akin, ah.

Hindi ko kayo aatrasan mga gago!?

Binilisan ko rin ang takbo ng kotse ko at inilihis ang daan. Hindi na muna ako uuwi sa bahay baka masundan nila ako.

Madamay pa ang pamilya ko.

Panay lang ang iwas ko kapag babarilin nila ang kotse ko.

Peste!

Ayaw ko pa namang mapuruhan ang kotse ko.

This is my fvcking favourite limited edition sports car!

Tapos pupuruhan lang nila?

Fvck them to hell!?

Babasagin ko ang bungo nila kapag nasira 'tong sports car ko.

(0_0)

"What the fvck!?" malakas na mura ko at mabilis na iniwasan ang itim na kotse sa unahan.

Papatayin ako ng mga peste!

Shit!?

Tiningnan ko ang kotseng 'yon at napangiwi ako ng makitang kasamahan ng humahahol sa akin kanina ang kotseng 'yon.

Damn you asshole!

Hinabol nila ako pero hindi nila ako mahabol.

Tse!

Paano pa't naging racer king of 2012 ako noong nakaraang taon kung magpapahabol ako, right?

Psh!

Mga bobo!?

Napatingin ako sa unahan. May nakita akong kanto.

Smirk.

Agad na lumihis ako habang malayo pa sila. Pinaharurot ko palayo ang sports car ko.

Mga weak!

Tse!

Napatingin pa ako sa paligid. Mukhang malayo na ang narating ko, ah.

Saang lugar ng Makati na ba ako? Malayo na kasi 'to sa bahay namin. Napatingin ako sa unahan.

May nakita akong bukas na coffee shop.

Hininaan ko ang takbo ng kotse ko at napahinto sa tapat ng coffee shop.

Magpapahinga na muna ako rito. Hayaan nating magdamag nila akong hanapin.

Psh!

Tiningnan ko pa ang paligid bago bumaba. Sinuot ko ang hood ng coat na suot ko bago pumasok sa loob.

Hindi naman na nila ako masundan dito.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong lumapit sa counter para bumili ng cappuccino macchiato.

Kape lang ang in order ko. Busog pa ako at gusto ko lang magpalipas ng oras.

Naupo ako sa vacant table. Iilan lang ang mga tao rito sa loob. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Nang tingnan ko ay si Lyle pala ang tumawag. Hindi pa ba tulog ang isang 'to?

Tse!

"[Oh?]" sagot ko sa tawag nito.

"[Nakauwi ka na?]" tanong nito.

Sumipsip muna ako ng cafe ko bago sumagot.

"[Nope.]" maikling sagot ko.

Rinig ko ang kaluskus sa kabilang linya. Mukhang palabas ng banyo ang loko, ah.

"[Why? You still looking for Ashi?]" tanong nito.

Napabuntong-hininga ako.

"[No. I'm here at the coffee shop. May humahabol sa akin kanina. Mukhang kasamahan ng bihag natin.]" walang gang sabi ko pa.

Rinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.

"[Nahabol ka ba nila?]" tanong niya.

Smirk.

"[What do you think?]" balik tanong ko sa kaniya.

Natawa ito at kahit hindi ko nakita ay alam kong napapailing na ang loko.

Psh!

"[Well, no need to think about it.]" natawang sagot pa niya.

Psh!

"[Tse! Ba't ka pala napatawag?]" tanong ko sa kaniya.

"[Ah, yeah! Nagtext si Dwayne na nagawa na niya ang pinapagawa mo sa kaniya.]" sagot nito.

Napatango-tango ako as if makikita nito.

"[Well, good. Let's discuss it tomorrow.]" malumay na sabi ko sabay inom ng cafe.

"[Mmm. That's all and take care of yourself, dre.]" huling sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Tse!

Ibinaba ko na lang sa table ang cellphone ko sabay sandal sa upuan. Napatingin ako sa paligid.

Nahagip ng mata ko ang isang taong nakatagilid sa gawi ko.

Naka purong itim ito habang tulad ko ay nakasuot ng hood.

Napakunot ang noo ko. Parang pamilyar ang pustora nito.

Hindi ba siya 'yong taong naglig-----

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako ro'n.

Isang text galing kay Xandra.

From: Xandra
Hey! Nagtext si Ashi na ayos lang daw siya. Ingatan mo rin daw ang sarili mo. Lagot ka kapag may nangyari sa'yo.

Basa ko sa text nito.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa text nito.

Nagtext si Panget sa kaniya? Bakit sa akin hindi? Pwede naman niyang sa akin i-text ang gusto niyang sabihin, eh.

Hayst!

Nagreply ako sa kaniya kung sinabi ba ni Panget kung nasaan ito bago ibinaba ang cellphone ko.

Hanggang sa maubos ko ang cafe ko ay walang reply si Xandra. Tumayo na lang ako at saktong lumabas ang taong nakita ko kanina.

Mabilis na lumbas ako at sinundan ng tingin ang taong 'yon.

Nakita kong sumampa ito sa malaking motor niya.

Shit!?

Siya nga!

Iyon ang motor na ginamit niya noong niligtas niya si lolo.

Akmang lalapit na sana ako nang bigla nitong pinaharurot paalis ang motor niya.

Arghh!

Lumapit na lang ako sa kotse ko at pumasok sa loob bago pinaharurot pauwi.

Pagdating sa bahay ay tulog na sila Mom. Buti na lang pinagbuksan ako ni Manong guard.

Agad na akong pumasok sa loob at umakyat sa kwarto ko.

Naligo na muna ako bago nahiga sa kama ko at napatitig sa kisame.

Sino ba ang taong 'yon? Bakit nando'n rin siya sa coffee shop kanina?

Hindi kaya tama ang hinala namin na kasamahan siya ng bihag? At isa siya sa humabol sa akin kanina?

Pero nakamotor naman siya, ah. Tapos wala akong nakitang nakamotor kanina.

Hayst!

Napapikit na lang ako. Hating gabi na rin at inaantok na ako.

In off ko ang lampshade bago umayos ng higa at natulog na.

***

Palabas pa lang ako ng bahay ng tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay bigla akong napangiti.

Si Panget!

Nagtext siyang nakauwi na siya at gusto niyang makipagkita sa akin.

Mabilis na pumasok ako sa kotse ko at pinaharurot paalis. Agad akong pumunta sa bahay nila Panget.

Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Nakaramdam ako ang sobrang tuwa dahil sa wakas makikita ko na uli siya.

Halos ipalipad ko ang sports car ko makarating lang agad sa bahay nila Panget.

Pagdating ko ay agad na akong bumaba ng kotse at pumasok sa bahay nila Panget.

Hindi na ako kumatok at pumasok sa loob. Naabutan ko sila Xandra na nasa sala habang nanonood ng tv.

Sininyasan pa nila ako at tinuro ang hagdan.

Tumango na lang ako at nakangiting umakyat sa taas. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Panget.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko itong kalalabas lang ng banyo.

"Panget!" nakangiting sigaw ko at mabilis na lumapit sa kaniya.

Kita ko pa ang gulat sa mukha niya pero niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"I miss you." mahinang bulong ko sa kaniya.

Ramdam kong niyakap ako nito pabalik na ikinangiti ko.

"Where have you been? I badly miss you." tanong ko nang kumalas ako sa yakap at hinawakan an magkabilang pisngi niya.

"Nagpapalamig lang ako ng sama ng loob. Sa Baguio ako nagpunta at binisita ang puntod ng tunay kong ina." mahinang sagot nito.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Hinala ko siya paupo sa kama niya at nyakap uli.

"Ayos ka na ba? Nasasaktan ka pa rin ba sa nalaman mo?" sunod-sunod na tanong ko habang nakayakap sa kaniya.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago sumagot.

"I'm not. Nagtatampo pa rin ako sa pamilya ko. Hindi pa rin mawala ang bigat na nararamdaman ko, Bisugo." malungkot na sagot niya.

Napahigpit ang yakap ko sa kaniya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kalungkot.

"Tell me what can I do to less your hardship right now, Panget. I can do everything for you." paos ang boses na bulong ko sa kaniya.

"Yakap mo lang ang kailangan ko, Bisugo." mahinang sabi niya.

Napangiti ako.

"Really?"

"Mmm."

"Did you miss me?"

"How can't I?"

"Then, what are you doing there without me?"

"Nothing."

"Nothing? Akala ko ba na miss mo ako?"

"Oo nga,"

"Then why is it nothing?"

"Nothing. I didn't do nothing except on missing you."

Napangiti ako.

"Then, can I asked?"

"Mmm."

"Do you love me now?" tanong ko.

"What's the meaning of being missing you?" balik tanong niya.

Napangiti ako.

"So, it's confirmed."

"Confirm what?"

"That you love me."

Nakangiting sabi ko. Tiningnan niya lang ako sa mata at ngumiti. Bumaba ang tingin ko sa labi niya.

It's so inevitable to kiss her.

"Can I kiss you?" paos ang boses na tanong ko habang nakatingin sa labi niya.

Hindi ito nagsalita kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

I kissed her.

Hindi naman siya pumalag kaya napangiti ako. Mas lalo akong napangiti nang tumugon siya sa halik ko.

"Bisugo, I love you."

Parang sandaling tumigil ang mundo dahil sa wakas narinig ko na rin ang salitang gusto kong marinig mula sa kaniya.

She love me------

*Tok! Tok! Tok!

"Hijo! Gising na! Nakahanda na ang agahan!" rinig kong sigaw ni Manang sa labas.

Bigla akong napabangon at napatingin sa paligid. Nasa loob ako ng kwarto ko?

Nasaan si Panget?

Kausap at kahalikan-----napahimalos ako ng mukha.

"Damn!"

Nanaginip lang pala ako.

Shit!?

I thought it was for real! Umuwi na si Panget at nagkausap pa kami.

Nakahalikan ko pa siya at sinabi niyang mahal niya ako.

Tapos----arggh!

PANAGINIP LANG ANG LAHAT!!?

Fvck!?

Inis na bumaba ako ng kama at pumasok sa banyo. Napahilamos ako ng mukha sa inis.

Akala ko totoo na 'yon.

Tse!

Napatingin ako sa salamin at napahawak sa labi ko. Feeling ko totoo ang panaginip ko kanina.

Hayst!

Naligo na lang ako pagkatapos ay nagbihis bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko naabutan ko sa hapag kainan sila Mom. Wala si Dad.

"Good morning." bati ko sa kanila sabay upo sa upuan ako.

"Good morning din, anak." nakangiting bati ni Mom.

"Where's dad, Mom?" tanong ko.

Nilagyan ni Mom ng kanina at ulam ang pinggan ko bago nagsalita.

"Maaga siyang nagpunta sa kompaniya, anak. May kailangan lang siyang tapusin dahil ilang araw na lang ay pasko na." nakangitimg sabi pa nito.

Napatigil ako. Malapit na ang first monthsary namin ni Panget.

Hayst!

Napatango na lang ako kay Mom at nagsimulang kumain. Nag-uusap si Mom at Manang tungkol sa lulutuin nila sa pasko.

Hanggang sa matapos ay umakyat ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ito pero walang text galing kay Panget.

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

Pero bigla akong napatigil ng may maalala ako sa panaginip ko kanina.

"Nagpapalamig lang ako ng sama ng loob. Sa Baguio ako nagpunta at binisita ang puntod ng tunay kong ina."

"Sa Baguio!" bulalas ko.

Kinuha ko ag wallet ko.

Mabilis na lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nagtatakang tiningnan pa ako ni Mom pero tuloy-tuloy lang ako sa pagmamadali palabas ng bahay.

Agad akong pumasok sa kotse ko at mabilis na pinaharurot paalis.

I need to go to Baguio. Baka nando'n si Panget!

Mabilis na pinatakbo ko ang kotse ko patungo sa mansion ng mga Ibañez.

Tatanungin ko lang sila kung saan sa Baguio ang lugar ng mga Acosta.

Pagdating ko ay agad na akong pinapasok ng guard sa loob. Kilala naman na nila ako.

Pagpasok ko la loob ay nakita ko ang Daddy ni Panget.

Naptingin ito sa akin bago lumapit. Seryuso lang ito.

"Hijo, why are you here?" takang tanong pa nito.

Nagbow pa ako sa harap niya na ikinatawa nito.

"Ah, sumadya po talaga ako rito, Tito." magalang na sabi ko pa.

"Let's take a sit first," yaya pa nito.

Tumango lang ako sabay upo at nagsalita.

"Salamat ho, may itatanong lang sana ako." sabi ko pa.

Tiningnan pa niya ako bago napatango at naupo rin.

"What is it?" he asked.

Napakamot pa ako ng batok bago nagsalita.

Nakaka tense kasi kaharap ang Daddy ni Panget, eh.

"Ahm... saan po sa Baguio ang lugar ng mga Acosta?" nag-aalalangang tanong ko.

Natigilan pa ito habang nakatingin sa akin. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Parang binabasa niya rin kung ano ang nasa isip ko.

Napahinga pa siya ng malalim bago nagsalita.

"La Trinidad the capital of Benguet in Baguio." sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Why do you asked about it?" seryusong tanong niya.

Napalunok ako.

"Ah, hahanapin ko lang si Panget---I mean si Ashi." alanganing sagot ko.

Hindi siya nagsalita kaya kinabahan ako bigla.

(0_0)

Nagulat ako ng bigla itong tumawa at napapailing.

"Mmm. I understand." parang maiintindihang sabi pa nito.

Nahihiyang ngumiti na lang ako sa kaniya.

Ipinaliwanag niya sa akin kung saan sa La Trinidad sa Benguet ang eksaktong location sa lugar ng mga Acosta.

Ang Strawberry farm sa La Trinidad ay pag-aari pala ng mga Acosta. May Mansion ang mga ito roon at ang pamilya ni Xandra raw ang namamahala sa farm ng mga Acosta.

Marami pa siyang sinabi na pinakinggan ko ng maayos. Sinabi ko rin sa kaniya na napanaginipan kong nasa Baguio si Panget.

Natawa pa uli siya sa akin pero kalaunan ay naging comfortable naman akong kausap ang Daddy niya.

Kahit seryuso ito tingnan ang bait naman pala.

No wonder kung saan nagmana si Panget.

Tse!

Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako.

"Gusto mo talagang pumunta roon?" tanong pa niya nang makatayo ako.

Tumango ako kaya napahinga na lang soya ng malalim

"Mag-iingat ka papunta roon, hijo. Mababait naman ang mga tao roon. Kapag nakita mo ang anak ko ikaw na bahala sa kaniya." dagdag pa nito.

Nakangiting tumango at nagbow uli sa kaniya.

"Makakaasa ka po, Tito." huling sabi ko bago umalis.

Agad na akong nagbiyahe papuntang Baguio. Nagkotse na lang ako para mas madali. 3-5 hours ang biyahe kapag buss.

Pero kapag sariling sasakyan ay 2-3hours ata 'yon.

Pero sa akin ay gagawin ko na lang isang oras.

What's the use of being a racer king if I wouldn't use it right?

Psh!

Lahat gagawin ko para kay Panget. Kahit saan pa siya magpunta hahanapin ko pa rin siya.

Naintindihan ko namang gusto niyang mapag-isa. Pero mas maganda kung may kasama siya.

At ako 'yon.

I can do everything for her.

Gusto kong tulungan siyang ibsan ang bigat na nararamdaman niya.

I can't bear to stay at home while waiting for her to come home.

Hayst!

Panay lang ang tingin ko sa kalsada. Nakita ko pa ang malaking lion's head na laging pinupuntahan ng mga tourista para mag picture.

Napakaganda ngang tingnan at pambungad sa daan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbiyahe papuntang La Trinidad sa Benguet.

***

Namangha ako habang nakatingin sa paligid paglabas ko ng kotse. Nandito na ako sa La Trinidad strawberry farm ng mga Acosta.

Kita ko ang mga taong busy sa pagbili  ng mga hinog ng strawberries. Kahit na hindi kabuwanan ng strawberry ay may iilan namang bunga ang mga ito.

Ang fresh pa tingnan ang mga bunga ng strawberry.

May mga disenyo rin sa paligid bilang tanda na pasko. Tatlong araw na lang kasi at pasko na.

Halata ang saya sa mga mukha ng mga taong narito.

Lumapit ako sa isang Ginang para magtanong kung saan ang bahay ng mga Acosta.

Pasado alas-dies y medya pa naman ng umaga.

"Magandang umaga ho," magalang na bati ko sa Ginang.

Napatingin ito sa akin at tiningnan ako ng mabuti bago nagsalita.

"Magandang umaga naman, hijo. Anong atin?" tanong pa nito.

Parang sinusuri pa niya ako.

"Pwede ho bang magtanong kung saan ang residence ng mga Acosta?" magalang kong tanong.

Sandali pa itong natigilan na animo'y may inisip bago nagsalita.

"Bisita ka ba nila, hijo?" tanong pa nito.

Napakamot ako ng batok. Ano bang sasabihin ko? Hindi naman nila alam na bisita ako ng mga Acosta.

Ako lang naman ang nagpunta rito para hanapin si Panget.

Hayst!

"Ah, kilala ko ho sila. Girlfriend ko ho si Ashi Vhon Acosta Ibañez." ang tanging sagot ko.

Kita ko ang gulat sa mga mata nito at mabilis na tinawag ang mga kasamahan niya.

Lahat sila napatingin sa amin sabay lapit!

"Ano bang meron, Ising?" takang tanong pa ng isang Ginang.

Hinila siya ng tinatawag na Ising at hinarap sa akin.

"Ang gwapong binata na nasa harap natin ay ang nobyo ni Ashing!" manghang sabi pa ng Ginang sa kaharap nito.

Ang lahat ng nakarinig ay agad na nag react. Halatang hindi makapaniwala dahil sa sinabi ng Ginang.

Nahihiyang napakamot na lang ako ng batok.

"Abay totoo ba ang sinabi ni Ising, hijo? Ikaw ang nobyo ni Ashing?" paniniguro ng Ginang.

Ashing?

Si Panget ba 'yon?

Pfft!

Ashing pala, ah.

"Ah, oo ho," magalang na sagot ko.

Agad na nagbubulungan ang mga Ginang.

May bigla namang dumating na mga tatlong lalaki. Sa tingin ko ay parang tauhan ng mga Acosta o bodyguard?

Nagulat pa ako nang lumapit sila sa akin.

"Ikaw ba si Drixon Chevalier?" tanong ng isang lalaki.

Napatango ako. Bigla itong ngumiti at binigyan ako ng daan.

"Kami ang pinapasundo sa'yo ni Master Luis Acosta. Dito po tayo," sabi pa ng isa.

Master Luis? Siya ba ang Daddy ni Xandra?

Tsaka, pa'no niya nalamang pupunta ako rito? Hindi kaya ay tumawag ang Daddy ni Panget dito kanina at sinabing darating ako?

Siguro nga.

Tiningnan ko pa sila bago napatingin sa kotse ko.

"Pa'no ho ang kotse ko?" tanong ko pa.

"Ah, ang kasama ko na lang ang bahalang magdala niyan sa bahay ng mga Acosta." magalang na sabi nito.

Tumango na lang ako at ibinigay ang susi. Pinasakay nila ako sa isang Mercedes Benz.

Pinagtitinginan pa rin ako ng mga taong nandito.

Hayst.

Sana naman nandito si Panget.

Hindi nagtagal ang biyahe namin at mga tatlong minuto lang ata ay nakarating na kami sa tapat ng malaking bahay o mansion.

Pinagbuksan ako ng pinto kaya bumaba na ako.

Pumasok sa loob ng malaking gate ang lalaki kaya sumunod ako.

Nakahawak pa ako sa coat na suot ko. Medyo malamig, eh.

Malaki ang bukaran ng bahay nila habang parang nasa dalawang palapag ang bahay.

Mala makaluma ang istilo ng malaking bahay pero napakagandang tingnan.

Ang gaganda pa ng mga bulaklak sa paligid.

Halatang mahilig sa nature ang mga tao rito. Kaya pala si Panget ay kadalasan sa Garden siya lagi tumatambay sa university namin.

Minsan sa may mga ilog.

Pumasok kami sa loob ng bahay at namangha ako dahil sa ganda.

Mala spanish din ang disenyo ng bahay. May mga antique pang mga paintings at base.

Napakalinis din tingnan ang bawat gamit at sulok ng sala nila.

May mga palamuti rin para sa pasko.

"Maupo ka na muna riyan. Pababa na si Master Luis," sabi pa nito bago ako iniwan.

Inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid matapos maupo.

Hindi na rin kailangan ng aircon dito dahil malamig naman na.

Napatingin pa sa amin ang ibang kasambahay nila. Mukhang mga bata pa sila.

"Oh, you're here." biglang sabi ng kung sino.

Pagtingin ko sa hagdan ay nakita ko ang isang lalaki na ka-edad lang ni Dad.

Nakangiting lumapit ito sa at inalahad ang kamay sa akin.

"I'm Luis Acosta ang daddy ni Xandra at Tito ni Ashi and you are Drix, right?" nakangiting sabi pa nito.

Tumango ako at inilahad ang kamay sa kaniya. Pagkatapos ay naupo siya at tinawag ang isang kasamabahay.

Inutusan niya itong magdala ng makakain.

"By the way, I heard that you are my niece's boyfriend?" tanong pa nito.

Nahihiyang tumango ako na ikinatawa niya.

"Opo," maikling sagot ko.

Napatango siya bago nagsalita.

"Oo nga pala, huwag kang mahiya rito, hijo. Feel at home." nakangiting pa nito.

Tumango na lang ako. Inilapag ng katulong ang dalawang baso ng juice at cassava cake.

Ang sarap tingnan. Sininyasan pa ako ng Daddy ni Xandra na kumain.

"Ahm... pwede ho ba akong magtanong?" magalang na tanong ko.

"Go on," sabi nito.

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Nandito ho ba si Panget----I mean si Ashi?" nag-aalangang tanong ko pa.

Natawa pa ito bago napabuntong-hininga at nagsalita.

"You are looking at her?" tanong niya.

"Mmm. Tatlong linggo na siyang hindi umuwi simula nang umalis siyang walang pasabi." mahinag sabi ko.

Napabuntong-hininga uli ito.

"Dito siya namalagi sa tatlong linggo na hindi siya umuwi ng Makati." mahinahong sabi nito.

Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko. Ibigsabihin makikita ko na si Panget ngayon?

I can't wait!

"Naintindihan ko kung ano ang ikinikilos ng pamangkin ko ngayon. Alam kong hindi madali sa kaniya ang mga nalaman niya." nakakaunawang sabi niya.

Natahimik na lang ako. Halata rin sa boses nitong naaawa siya sa pamangkin niya.

"Naintindihan ko rin kung may sama ng loob siya amin na pamilya niya. Ngayon lang naging ganiyan ang batang 'yon. Ngayon ko lang din siyang nakitang mahina, at
nakakaawang tingnan." patuloy pa nito.

Nakaramdam ako lalo ng awa kay Panget.

Gusto ko na tuloy siyang makita agad para mayakap at iparamdam na nandito lang ako para sa kaniya.

Hayst!

"Sa tatlong linggo na namalagi siya rito ay kita ko ang lungkot sa kaniya. Bagay na ngayon ko lang nakita dahil malakas at matapang ang pagkakakilala namin sa batang 'yon." Dagdag pa uli nito.

Pati tuloy ako nalungkot at nasaktan para kay Panget.

Hindi ko rin naman lubos maisip na gano'n siya ngayon.

Nasasaktan ako dahil sa sinapit ni Panget ngayon. Kaya gusto ko siyang samahan hanggang sa maging okay na siya.

Marami pang sinabi si Tito tungkol sa nangyari kay Panget dito sa tatlong linggo na namalagi ito rito.

Sinabi niya ring hindi niya pinaalam sa mga Acosta at Ibañez sa Makati na nandito si Panget.

Si Panget daw mismo nagsabing gusto niya munang mapag-isa.

Hayst!

Napatingin ako uli kay Tito nang magsalita ito.

"By the way, umalis siya kahapon and I don't know where did she go. Ilang beses na rin siyang umalis at umaga na kapag babalik." biglang sabi pa nito.

Ano?

Saan naman siya pumupunta?

At ibigsabihin wala siya rito ngayon? Nakaramdam ako ng pagkadismaya.

Biglang nawala ang pag-aasam kong makita siya ngayon at mayakap.

Bagsak ang balikat na nagsalita ako.

"Ibig po'ng sabihin na wala siya rito ngayon?" nanlulumong tanong ko pa.

Bigla itong tumawa at napapailing.

Mana sa kaniya si Xandra. Seryuso tapos tatawa.

Pero mukhang hindi sa kaniya naman ni Xandra ang pagiging mataray at pagkasungit ng babaeng 'yon.

Psh!

"She's arrived this morning. Bumalik agad siya kaninang umaga." nakangiting sabi pa nito.

Nabuhayan ang dugo ko---este ang loob ko dahil sa sinabi nito.

I thought hindi ko siya makikita ngayon.

"Pwede ko na ba siyang makita?" masayang tanong ko.

Nakangiting tumango siya sabay tayo. Lumabas siya ng bahay at nagtungo kami sa palikuran.

"Nando'n siya tumambay, sundan mo na lang ang daan na 'yan. Nasa dulo siya nitong hardin. D'yan siya lagi tumatambay. Ikaw na bahala sa pamangkin ko, hijo." nakangiting sabi niya at itinuro ang daan.

Nakangiting tumango ako.

"I will." sabi ko.

Tumango lang ito bago tumalikod at bumalik sa loob ng bahay.

Ramdam na ramdam ko ang saya sa dibdib ko habang tinahak ang daan papunta sa itinuro ni Tito kanina.

Napatingin pa ako sa mga tanim sa hardin. Iba't ibang bulaklak at halatang inaalagaan ng mabuti.

May mga iilang malalaking puno rin sa paligid.

Ang lamig din ng simoy ng hangin pero fresh naman langhapin.

Ang ganda tumira sa ganitong lugar. Sa Makati kasi ay mga usok at langis ng sasakyan ang lagi mong malalanghap.

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng tunog ng isang flauta.

Napatingin ako sa unahan. Mukhang doon galing ang tunog.

Parang hinaplos ang puso ko habang pinakinggan ang tunog ng flauta o bansi.

Ang galing naman! Nakaka-relax pakinggan at nakakapagpagaan ng loob.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinapakinggan ang tunog ng flauta. Papalapit nang papalapit ang tunog.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa harap. Kita ko ang plantation ng mga strawberries.

Pati ang ibang mga kabahayan na nakapaligid dito.

Manghang mas lumapit pa ako.

"What a beautiful view." wala sa sariling bulalas ko pa.

Parang isang perfect na sandali ang oras na ito.

Patuloy sa pagtunog ang flauta kaya napalingon ako sa paligid.

May nakita akong tao sa may parang kubo na sinadyang ipagawa upang maging tambayan.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa taong nasa kubo.

Dahan-dahan akong lumapit habang lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Animo'y may karera sa loob.

Nang makalapit ako ay doon ko lang napagtantong si Panget pala ang nasa kubo at nagpapatunog sa flauta.

Nakapikit ito habang hinihipan ang hole ng flauta.

Animo'y dinama niya ang pagpatunog nito.

Parang hinaplos uli ang puso ko habang nakatingin sa kaniya.

I miss her. I badly miss her.

Mabilis na lumapit ako sa kaniya ng hindi niya ako namamalayan. Pinagmasdan ko siya ng mabuti.

Halata ang lungkot sa mukha niya kahit nakapikit ito. Parang hindi siya ang Panget na malakas at matapang na lagi kong nakikita.

Hindi ko namamalayang pumatak na pala ang luha ko habang nakatingin sa kaniya.

Hindi na ako nakatiis pa at mabilis ko siyang niyakap dahilan para matigilan ito pati ang pagpatunog niya sa flute ay napatigil rin.

Mahigpit na niyakap ko siya.

"Panget, I miss you." basag ang boses na sabi ko.

Hindi ito nagsalita at natitigilan pa rin ito.

"B-Bisugo, I c-can't breath." rinig kong sabi nito.

Mabilis na niluwagan ko ang pagkakayakap sa kaniya.

"I really miss you so damn much, Panget." bulong ko sa kaniya at tuluyang bumuhos ang mga luha ko.

Ramdam kong mas natigilan ito.

"B-Bisugo, huwag ka ngang umiyak." sita niya pa sabay kalas sa yakap ko.

Napatingin ako sa mga mata niya. May nakikita pa rin akong lungkot sa mga mata nito kahit pa halatang nagulat siya kung bakit ako nandito.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko pa.

Napakurapkurap pa siya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" takang tanong niya.

Pinunasan ko ang luha ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"How can I can't? It's been three weeks since you left without saying where did you go. I've been finding you but I can't find you everywhere." basag pa rin ang boses na sabi ko sa kaniya.

Napaiwas siya ng tingin at napabuntong-hininga. Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya.

"Sorry. Gusto ko lang mapag-isa kaya hindi ko sinabi kung saan ako pupunta." malumay ang boses na sabi niya.

Tinitigan ko ang mukha niya.

"I understand, don't be sorry." mahinang bulong ko.

Napabuntong-hininga siya at hinayaan akong yakapin siya. Tahimik lang kaming dalawa.

"Malungkot ka pa rin ba hanggang ngayon?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko na ang sagot.

Hindi siya nagsalita. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinarap sa akin.

Hinalikan ko ang noo niya bago nagsalita.

"Don't be sad, ok? I'm here. I will stay here beside you. Just don't leave me again, ok?" mahinahong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Kasi mababaliw ako kapag iniwan mo uli ako." dagdag ko pa at hinaplos ang pisngi sabay ngiti.

"At kung iiwan mo uli ako hahanapin at hahanapin pa rin kita. Kahit saan pa 'yan basta makita lang kita." patuloy ko pa.

Napaiwas siya ng tingin. Dinaman ko ang sandali. Parang pakiramdaman ko panatag na ang loob ko dahil nakita ko na siya ulit.

"Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Gano'n kita ka mahal, Panget." sinserong saad ko pa.

Hindi pa rin siya nagsalita at nanatiling tahimik.

Niayakap ko na lang uli siya. Pinakakiramdaman ko lang ito.

Napatingin ako sa flute na hawak niya. Nakangiting kinuha ko ito.

Napatingin pa siya sa akin.

Isinandal ko sa dibdib ko ang ulo niya bago itinapat sa bibig ko ang hole ng flute.

Hinipin ko ito kaya tumunog.  Napatingin pa ako kay Panget nang pumikit ito.

Napangiti na lang ako. Patuloy lang ako sa pag-ihip sa flute habang nimanman ang mga sandali.

This is the perfect moment kasama ang taong mahal ko.

I didn't thought that I will saw her right now.

Nagbabakasali lang ako kanina na nandito siya kaya pumunta ako kahit malayo sa Makati.

Mahal na mahal ko siya. At kahit gaano pa man 'yon kalayo ay pupuntahan ko para lang makita siya.

That's how I love her the most.

Napatitig lang ako sa kaniya matapos kong patugtugin ang flute. Nakatulog siya sa dibdib ko.

Napangiti na lang ako. Hinubad ko ang coat na suot ko at ibinalot sa kaniya para hindi siya masyadong ginawin.

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Huwag mo uli akong iiwan, ha? Dahil kahit sa Mars ka pa pupunta para mapag-isa ka. Susundan at susundan pa rin kita kahit na ikamatay ko pa." bulong ko sa kaniya.

Ang sarap ng tulog niya sa dibdib ko. Even though I don't have a camera to capture this moment.

It's ok. Because from this moment, my heart captured it already and hide this forever.

"I love you, Panget. I always do. Cross my heart even if I die with you." nakangiting bulong ko sabay halik sa pisngi niya.



To be continued...

A/N: Yeah! I hope you lik it guys! Habaan ko na lang ang bawat chapter para sulit!

Buti pa ang Drixon natin nahanap na uli ang Panget ng buhay niya. Eh, ikaw na nagbabasa? Hanggang ngayon wala pa rin ba? Nah! Punta ka sa Baguio baka roon mo mahanap ang the one ng buhay mo. Yiieehh!😉

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top