chapter 166 "Bihag"

Drixon's Pov.

"Who the hell are you." mahinang bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa incan beer.

Damn!?

"Ang lalim ng iniisip mo, dre." sabi pa ni Lyle.

Napabuntong-hininga ako sabay sandal sa couch at napatingin sa kaniya.

"Iniisip ko kung sino ang taong 'yon kanina." sabi ko habang napapahilot sa sintido ko.

"Yon din ang iniisip ko," sabi ni Keith.

Inubos nito ang laman ng incan bago inilapag sa mini table.

"Nagtataka ako kung bakit siya nando'n kanina at iniligtas ang lolo mo, dre." Naguguluhang sabi ni Keart.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Kalaban kaya siya o kakampi?" tanong pa ni Lyle.

I don't know either. Biglang nagsalita si Keith.

"Hindi ko masasabing kalaban siya at hindi ko rin masasabing hindi siya kalaban." sabi pa ni Keith.

Napatingin kami sa kaniya ng nagtataka.

"Bakit?" tanong pa ni Keart sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago umayos ng upo at nagsalita.

"Look, niligtas niya si Dean kanina at hinuli pa ang isa sa dalawang dumukot sana kay Dean. Kaya hindi ko masabing kalaban siya sa part na 'yon." paliwanag ni Keith.

"And?" tanong ko.

Nagbukas siya ng panibagong incan beer at uminom bago nagpatuloy.

"Hindi rin natin alam kung bakit siya nando'n kanina. They have possibilities na magkasabwat sila ng bihag at palabas lang ang ginawa niyang pagligtas kay Dean. Pero kung palabas lang 'yon hindi dapat niya hinuli ang isa sa kanila at gawin nating bihag, 'di ba?" paliwanag pa niya.

Napaisip ako. May point si Keith. Dahil kung palabas lang nila 'yon upang hindi sila paghinalaan o lituhin kami ay dapat wala silang iiwang bakas.

Hindi dapat hinuli ng taong 'yon ang bihag kanina kung magkasabwat sila.

Dahil sa part na 'yon may posibilidad na malaman namin ang binabalak nila kay Lolo.

Kung gano'n, sino ang taong 'yon at ano ang alam niya?

Bakit niya nalamang dudukutin ng mga 'yon si Lolo?

Shit!?

"The question is, sino ang taong 'yon? Bakit niya kailangan iligtas si Dean? Bakit niya tayo tinulungan? Anong alam niya sa mga nangyayari?" sunod-sunod na tanong ni Lyle.

Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga sinabi nito kaya inubos ko ang laman ng hawak kong incan beer.

Damn it!?

Nag-aalala na nga ako kay Panget dumagdag pa ang pesteng pangyayari na ito!

"Tse! Pagtuonan na lang muna natin ng pansin ang bihag. Ngayong wala na tayong pasok ay asikasuhin na muna natin ito." seryusong sabi ko.

Hindi sila nagsalita at tahimik na uminom na lang.

Hanggang sa matapos kami ay napagdisisyunan naming umuwi na muna.

Tinawagan ko ang isang kasamahan namin at siya ang inutusan kong magbantay sa bihag.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sila Mom and Dad na nasa sala. Nag- uusap sila at halata ang pag-aalala sa mga mukha nila.

"Mom, Dad!" tawag pansin ko sa kanila.

Napalingon sila sa akin kaya lumapit ako.

"Son, where did you go?" nag-aalalang tanong pa ni Dad.

Naupo ako sa sofa bago nagsalita.

"May pinuntahan lang kami ng mga kaibigan ko, Dad." sagot ko.

Tiningnan nila ako ng hindi kumbinsidong tingin.

"Big boy, sabi ng lolo mo ay hawak niyo ang isa sa taong dudukot sana sa kaniya." nag-alalang sabi ni Mom.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa couch.

"Yeah." malumay na sagot ko.

Napahinga ng malalim si Dad at halatang hindi mapakali.

"Son, bakit kayo ang humawak sa taong 'yon? Dinala niyo na sana sa mga police." sabi pa ni Dad.

Tse!

Anong magagawa ng mga police? Baka bayaran lang sila makakatakas agad ang gagong 'yon.

"We need him, Dad. We will make some ways to convince him kung sino ang nag-utos sa kanila." seryusong sabi ko pa.

"Pero big boy-----"

"Mom, don't worry. We will handle this," pigil ko kay Mom.

Umiling siya at lumapit sa akin. Nag-aalalang hinawakan niya ang kamay ko.

"Big boy, I'm worried about you. Ano bang nangyayari? Malaki ang ipinagbago mo these past few days. Ayos ka lang ba talaga?" nag-alalang tanong nito.

Napaiwas ako ng tingin at hindi nagsalita.

"Big boy, please tell me. Are you, ok?" tanong pa uli nito.

Napabuntomg-hininga ako bago sumagot.

"I'm fine, Mom. Don't worry about me." malumay na sagot ko.

"Then bakit panay ang lakad niyo ng mga kaibigan mo? At halos wala ka pang maayos na tulog." pangungulit pa ni Mom.

Hayst!

Bakit ba panay ang tanong ni Mom? I'm just doing this for us.

Tse!

"Mom, ayos nga lang ako. May inasikaso lang kami ng mga kaibigan ko." malunay na sabi ko.

Napapikit pa ako habang nakasandal pa rin sa couch.

Rinig ko ang matunog na pagbuntong-hininga ni Mom and Dad.

I know, they're just worried about me and Lolo.

"Bakit kayo ang humawak sa taong nahuli kanina? Pa'no kung lumaban 'yon anong magagawa niyo? For pete's sake mga studyante kayo at walang alam sa------"

Napabuntong-hininga ako at pinigilan si Dad.

"Dad, don't worry about me. I can protect myself and lolo." pag-a-assure ko sa kaniya.

"Son, hindi niyo kilala ang mga 'yon----"

"Kaya nga kilalanin, Dad. I'll make sure na magsalita ang bihag para malaman natin ang pakay nila. I will protect my lolo and our family." seryusong sabi ko pa.

Napabuntong-hininga silang dalawa ni Mom.

Alam kong naguguluhan at nagtataka sila sa mga ikinikilos ko these past few days.

Tse!

"I'll go upstairs. I want to rest first." paalam ko at tumayo.

Akmang aalis na ako nang magsalita si Mom.

"How about Ashi? Hindi pa rin ba siya umuwi, big boy?" tanong pa ni Mom.

Napahinga ako ng malalim. Alam kong nag-aalala rin sila kay Panget. Sinabi ko na sa kanila ang dahilan kung bakit biglang umalis si Panget.

Hayst!

"Not yet, Mom." Sagot ko bago tuluyang umakyat sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ay ibinaba ko ang bag sa study table ko bago naupo sa sofa.

Napahilamos ako ng mukha sa dami ng mga iniisip ko.

Kung nandito lang sana si Panget ay hindi ako ganito ka frustrated ngayon.

Fvck!?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tiningnan kung may reply si Panget sa mga text at voice mail ko.

Napabuntong-hininga na lang ako ng makita kong walang kahit anong reply si Panget.

Peste!

Mahirap ba sa kaniya ang magtype para magreply sa 'kin?

Ilang linggo na siyang hindi nagpakita. Nag-aalala na ako sa kaniya.

Inis na ibinato ko sa kama ang cellphone ko bago padabog na pumasok sa banyo.

Naligo ako para mabawasan ang init ng ulo ko.

Hanggang sa matapos ako at agad nang nagbihis. Pasado alas-syete na ng gabi. Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya hindi na ako bumaba.

Iniisip ko na naman kung nasaan si Panget.

Malapit na ang first monthsary naming dalawa pero wala pa rin siya.

Kinuha ko na lang ang panda na galing sa kaniya at niyakap.

"Nasaan ka na ba, Panget? Miss na miss na kita." malumay na sabi habang nakatingin sa panda.

Pinuntahan ko lahat ng lugar na pwede niyang puntahan pero wala siya.

Hayst.

"Bakit feeling ko iniwasan mo ako? Alam mo bang nasaktan ako noong sinabi mong hindi mo ako kailangan?" tanong ko pa habang nakatingin pa rin sa panda.

Nasasaktan ako ng araw na 'yon noong umalis siya.

Pwede ko naman siyang samahan para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.

Pero mas pinili niyang umalis.

Napapikit na lang ako sa inis. Wala akong ibang ginawa sa tatlong linggong dumaan na wala siya.

Bukod sa pag iimbista namin ng mga kaibigan ko sa mga taong may binabalak na masama kay Lolo ay hinanap ko siya.

Tuwing naiisip ko siya ay para akong mababaliw.

Kaya ang panda na lang ang kinakausap ko.

Damn!?

Wala akong paki kung sabihin nilang nababaliw na ako. Ang gusto ko ay makita si Panget.

Ngayon lang ako naging ganito.

Hindi naman ako ganito noon. Si Panget lang ang may kakayahang ganituhin ako.

Ang pabaliwin ako sa kakaisip sa kaniya.

I badly miss her right now.

Gusto ko siyang mayakap at makausap. Gusto ko ring pagaanin ang loob niya.

But how?

She left without saying anything.

Fvck!?

Parang nanikip ang dibdib ko at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Ilang beses na ba akong umiyak kapag naiisip ko siyang umalis at hanggang ngayon hindi pa bumalik.

Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya mabilis na pinunasan ko ang luha ko.

Hanggang sa bumukas ang pinto.

"Big boy, gising ka pa ba?" tanong ni Mom.

Nakatalikod ako sa gawi ng pinto. Ramdam kong naupo ito sa kama ko.

"May kailangan ka, Mom?" tanging tanong ko sa kaniya.

"Anak, bakit 'di ka bumaba para kumain?" mahinahong tanong pa nito.

"I'm not hungry, Mom." mahinang sagot ko.

Napabuntong-hininga ito bago uli nagsalita.

"Iniisip mo ba si Ashi?" biglang tanong niya.

Natigilan ako at hindi nagsalita. Hinihintay ni Mom ang sagot ko pero ng mahinuha niyang hindi ako magsalita ay nagsalita siya.

"Anak, kahit hindi mo sabihin alam kong iniisip mo siya. Alam kong namiss mo na siya." nakakaunawang sabi ni Mom.

Hindi pa rin ako umimik at tahimik na nakatalikod pa rin kay Mom.

Ramdam ko na naman ang pag-agos ng luha ko.

Damn!

"Alam kong mahal mo siya, big boy. At alam kong nag-aalala ka sa kaniya. Natural lang 'yon dahil mahal mo siya. But understand her, anak. She needs space para mag- isip at hanapin ang malaking parte ng pagkataong sa tingin niya ay inilihim sa kaniya at ngayon lang niya nalaman." mahinahong sabi ni Mom.

"But I miss her, Mom." paos ang boses na sabi ko.

Hinawakan ni Mom ang balikat ko.

"Look at me, big boy." sabi pa nito.

Bumuntong-hininga ako bago humarap kay Mom. Nakangiting tumingin siya sa akin.

"Normal lang na ma miss mo siya. Mahal mo siya kaya ganiyan ang nararamdaman mo ngayong hindi mo siya nakita. But trust me, big boy. Kapag maayos na siya uuwi 'yon." nakangiting sabi ni Mom.

Napahinga na lang ako ng malalim. Naintindihan ko naman ang ibig sabihin ni Mom, eh.

Pero kasi minsan naiisip ko kung may patingin din ba sa akin si Panget.

Wala pa naman akong narinig na may gusto rin siya sa akin.

Alam kong sinabi ko sa kaniya na hihintayin kong mahalin niya ako.

Pero hindi ko maiwasang maisip ang bagay na 'yon lalo na ngayon na bigla siyang umalis at sinabing hindi niya ako kailangan.

Feeling ko hanggang ngayon wala pa rin siyang kahit kunting pagtingin sa akin.

And it hurts to think about it.

Napabuntong-hininga ako bago bumangon at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Mom, do you think she love me?" malungkot na tanong ko.

Ngumiti si Mom at hinawakan ang kamay ko sabay tango.

"Yes, big boy. She loves you but she didn't show it to you for some reason." nakangiting sabi ni Mom.

Some reason?

"In what reason, Mom?" mahinang tanong ko.

Umiling si Mom bago napabuntong-hininga.

"She's the only one who can answer your question, anak." nakangiting sabi ni Mom.

Natahimik na lang ako at hindi nagsalita.

Sana nga lang mahal ako ni Panget.

I am the most happiest man in the world if she loves me.

"Don't be sad, anak. Malapit na ang Christmas dapat masaya ka lang." sabi uli ni Mom bago ako niyakap.

"Thanks, Mom."

"Your always welcome, big boy." sagot niya sabay kalas ng yakap.

Pinisil pa niya ang pisngi ko kaya napasimangot ako. Natawa pa si Mom.

Napakamot na lang ako ng batok.

"By the way, 'di ba sa 25 ang first monthsary niyo ni Ashi?" nakangiting tanong ni Mom.

Napatigil ako at napaiwas ng tingin kay Mom.

"H-how did you know?" tanong ko pa.

Natawa si Mom at piningot ang tainga ko na ikinamaktol ko.

"I'm your Mom, big boy. How can I don't know about it?" balik tanong niya habang parang nang-aasar ang tono ng boses niya.

Napapailing na lang ako at napabuntong-hininga.

Wala talaga akong maitatago kay Mom pagdating sa amin ni Panget.

Tse!

"Yeah, but she's not here to celebrate with me." malungkot kong sabi sabay higa uli sa kama.

Hinila ko ang panda bago isinubsob ang mukha ko.

Naramdaman kong mahinang hinampas ni Mom ang pwet ko kaya napalayo ako.

"Mom!" maktol ko pa.

Natawa siya bago nagsalita.

"Umayos ka nga, anak. You need to prepare for your first monthsary ni Ashi. Baka umuwi na 'yon bukas o sa makalawa tapos wala ka pang hinanda." pangaral pa ni Mom.

"What if she's not come home?" malunay na tanong ko.

"And what if she came home?" balik tanong ni Mom.

Napabuntong-hininga na lang ako. Para rin siyang si Panget na sagutin ka ng isa pang tanong.

Hayst!

Pero natigilan din ako. Pa'no nga kapag uuwi na si Panget tapos wala akong hinanda para sa first monthsary namin?

Napatingin ako kay Mom nang bigla itong tumayo.

"Think carefully about it, anak." nakangiting sabi pa niya.

"Thanks, Mom." nakangiting sabi ko pa.

Tumango lang siya at tumalikod bago lumapit sa pinto.

"By the way, I hope that you always take care of yourself." biglang seryusong sabi niya.

Napalunok na lang ako hanggang sa tuluyan nang lumabas si Mom.

Humiga ako ng maayos at inilagay ang panda sa tiyan ko.

Tama si Mom. Kailangan kong maghanda para sa first monthsary namin ni Panget.

Baka nga uuwi na siya.

And I hope so. I hope she go home now. I want to see her.

Hayst!

Kung nasaan ka man ngayon Panget I hope that you're ok now.

I hope you're doing good and safe. And I hope you're missing me right now.

Just come home please.

Mahinang sabi ko sa isip ko bago pinikit ang mga mata ko para matulog na.

Hanggang sa makatulog ako.

****

Kinabukasan

Nagising ako ng maaga dahil may gagawin pa kami ng mga kaibigan ko ngayon. Kailangan kong paaminin ang bihag para malaman namin ang pakay nila.

Kung kailangang gamitin ko ang pamilya ng taong 'yon ay gagawin ko para umamin siya.

Hindi nila alam kung paano ako magalit kapag pamilya ko na ang ginalaw nila.

Lalo na kapag ang taong mahal ko pa.

Baka magkamatayan pa kami kapag ang taong mahal ko ang ginalaw nila.

Tse!

Matapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Si Manang ang naabutan ko sa kusina kaya sa kaniya ako nagpaalam na aalis.

Nagtext na rin ako sa tatlo na papunta na ako sa tambayan namin.

Tse!

Pagdating ko ay agad na akong pumasok sa loob. Naabutan ko si Dwayne na nakaharap sa laptop nito.

"Oh? Good morning, dre." bati pa nito.

Tinanguan ko na lang siya bago tiningnan ang ginagawa niya.

"What's that?" I asked.

"I search some information about the captive." sagot nito.

About sa bihag? Nagsalita ba ang gago?

"So, what about him?" seryusong tanong ko bago naupo sa couch.

Umayos siya ng upo at humarap sa akin bago nagsalita.

"Hindi pa rin nagsalita ang bihag kahit anong gawin ko. Ang tigas paaminin kaya nag-utos ako sa kakilala ko upang alamin ang background nito." pormal na sagot niya.

Napatango ako at napabuntong-hininga.

Matigas pala paaminin, ah. Let's see kung hindi ka pa ba aamin.

Tumayo ako at tumalikod. Lumapit ako sa pinto kung saan nakakulong ang gago.

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakita ko itong tulog pa.

Psh!

Sinipa ko ang upuan nito kung saan siya nakatali dahilan para magising siya.

"May gana ka pang matulog sa lagay na 'yan?" tanong ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako ng matalim na tingin bago ngumisi.

Napakuyom ang kamao.

"What do you think?" nang-aasar na balik tanong niya.

Nagtagis ang bagang ko at kinalma ang sarili ko.

"Ginagalit mo ba ako?" mariing tanong ko pa habang naka kuyom ang kamao.

Napa smirk ito na lalong ikinakulo ng dugo.

Masama pa naman akong galitin gago!?

"Bakit? Napikon ka ba?" balik tanong na naman niya.

Fvck!?

Mabilis na sinipa ko siya sa tiyan dahilan para muntik na siyang matumba.

"Masama akong galitin at pikunin gago!?" galit kong sigaw sa kaniya.

Napaubo pa ito bago ako tinawanan. Gusto ko sanang basagin ang bungo niya pero kinalma ko ang sarili ko.

Hindi dapat ako magpadala sa galit.

"Puwes, sasabihin ko sa'yo. Masama rin magalit ang kaaway niyo, bastardo!" mariing sabi niya.

Damn!?

Agad na lumipad ang kamao ko sa mukha niya dahilan para mapadaing siya sa sakit.

Pumutok pa ang labi nito.

"Sabihin mo sa akin. Sino ang nag- utos sa inyong dukutin ang lolo ko?" mariing tanong ko. "Bakit niyo siya binalakan ng masama?" dagdag ko pa habang nakatingin ng seryuso sa mga mata nito.

Nakita ko rin ang pagseryuso ng mukha niya.

"Hindi ako tanga para umamin bata-----"

*Paaakkk!

"Sasabihin mo o kitilin ko ang buhay mo?" galit na tanong ko.

Nginisihan niya ako. Animo'y hindi ito takot sa sinabi ko.

"Sa tingin mo matatakot ako? Kid, hindi ako tulad mong isang banta lang aamin na agad." nakangising sabi niya na ikinaasar ko.

"Damn you!?" galit na sigaw ko at malakas na sinipa ko sa tiyan dahilan para matumba ito sa sahig.

"Wag mo akong gawing bata gago!? Hindi mo ako kilala!?" galit kong sigaw at akmang sisipain uli ito nang bumukas ang pinto.

"Dre! Tama na 'yan!" sigaw pa ni Keith.

"Calm down, dre. Hindi nakakatulong ang galit mo." seryusong sabi ni Lyle.

Napapikit na lang ako sa inis at tiningnan ng masama ang lalaki bago inis na lumabas.

"Hey! Ayos ka lang?" tanong ni Dwayne.

Damn!?

"Hanapin niyo ang pamilya ng gago!?" sigaw ko bago lumabas ng tambayan.

Inis na pumasok ako sa kotse bago pinaharurot paalis.

Kung 'di ka madala sa tanong lang na walang kapalit puwes, tingnan natin kung hindi ka pa kakanta gago ka!?

Mahirap ako galitin punyeta!!

Tse!

To be continued...

A/N: Keep reading! Give me some inspirational comments guys!

Don't forget to Vote, comment and follow!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top