chapter 165 "Mysterious"
Xandra's Pov.
Tatlong linggo na ang lumipas simula ng malaman namin ang totoong pagkatao ni Ashi at ang tungkol sa totoong Nanay niya.
Umalis siya sa mansion ng hindi nagpapaalam at hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik.
Noong araw na 'yon din mismo ay nakita namin si Drix sa labas ng mansion.
Kita namin ang lungkot sa kaniya at ang dismaya nung araw na 'yon.
Iyon pa naman ang araw na naging official sila ng pinsan ko.
Nakaramdam kami ng awa sa kaniya dahil mukhang may sinabi sa kaniya ang pinsan ko para masaktan siya.
Pero hindi namin masisisi ang pinsan ko dahil alam naming mabigat ang nararamdaman niya dahil sa nalaman nito.
Kahit mga kami ni Kyla ay nagulat at hindi rin makapaniwalang hindi siya totoong anak ni Tita Irish.
Hindi rin ako makapaniwalang ang kambal ni Tita ang tunay niyang ina. Wala naman kasi kaming alam na may kambal pala si Tita Irish.
Kundi pa kami umakyat sa atik sa mansion ng mga Acosta ay hindi namin malalaman ni Ashi.
Tapos nakakalungkot isipin na wala na rin pala ang tunay niyang ina.
Masakit 'yon para sa kaniya. Tinago nila sa kaniya ang katotohanan na dapat niyang malaman dati pa.
Hayst!
Ang hirap din minsan na mabilang sa ganitong pamilya.
May responsibility kang protektahan ang buong pamilya mo tapos sila mismo may tinatago sa'yo.
Medyo nagtampo rin ako kay Dad. Kung bakit hindi niya sinabi sa akin na may isa pa pala silang kapatid.
Tss!
Ilang beses na rin namin tinatawagan si Ashi pero hindi ito ma contact. Mukhang in off niya ang cellphone niya.
Nag-aalala kami sa kalagayan niya.
Alam kong kaya niya ang sarili niya pero ang pinag-aalala namin ay ang mga taong sumugod sa mansion.
May hinala kaming may kinalaman ang mga 'yon sa pagkamatay ng tunay na ina ni Ashi.
Kaya pinuntahan naming lahat ang pwede niyang puntahan pero wala siya.
Kahit si Drix ay tumulong sa paghahanap dahil nag-aalala siya sa girlfriend niya.
Halos nga hindi na siya magpahinga kakahanap kay Ashi.
Buti na lang nakinig siya amin na hayaan na lang muna namin si Ashi.
Alam na rin nila Keith ang dahilan kung bakit biglang umalis si Ashi. Hindi rin sila makapaniwala sa nalaman nila.
Tss!
Sa tatlong linggo ay nag imbistaga kami tungkol sa mga nangyayare. Ipinaalam na rin namin kela Lyka at Clark ang tungkol sa mga sumugod sa mansion.
Habang sila Drix naman ay nag imbistiga rin tungkol sa mga taong may binabalak na masama kay Dean.
At ang weird nilang apat. Kung dati kami ang weird ngayon naman sila. Lagi na silang seryuso lalo na si Drix.
Dinaig pa nila kami, eh.
Tapos panay ang lakad nung apat na parang may laging pinupuntahan. Pero hindi na lang din namin sila pinakialaman pa.
May sariling lakad din kaya kami ni Kyla.
Minsan naman ay sumama sila sa amin sa resto bar. Tumutulong sila Bella sa pagserve sa resto.
Tuwang-tuwa pa nga si Joyce at Mina dahil mas lalong dumami ang customers sa resto bar dahil ang gaganda at gwapo raw ng server niya.
Psh!
Dati pa naman talaga marami ang customer kapag naka duty kaming tatlo, eh.
Tss!
Ngayon nandito kami sa rooftop para magpahinga at magpahangin. Kakatapos lang naming lahat na maglunch.
"Hayst! Ang lungkot tingnan ni Drix." Sabi ni Bella habang nakatingin kay Drix.
Nakasandal ito sa railings habang nakatingin sa baba. Ang lungkot nga niya tingnan kahit pa blanko lang ang mukha niya.
Lagi lang siyang ganiyan.
Para kasing gumuho ang kalahati ng mundo niya.
"Tch! Ikaw ba naman ang iwan ng girlfriend mo sa araw mismo kung saan naging official kayong dalawa." nakangiwing sabi pa ni Keart.
Napabuntong-hininga na lang kami.
"Hindi natin masisisi si Ashi kung umalis siya ng walang pasabi kung saan siya pupunta. Marami ang nangyare nung araw na 'yon tapos nalaman pa niya ang totoong pagkatao niya." nakakaunawang sabi ni Kyla.
Napatango ako. Tama si Kyla. Hindi namin masisisi ang pinsan ko.
"Kyla's right. We can't blame Ashi for leaving without saying where did she go. Maybe, she just need to freshen her mind." sabi ni Lyle.
Tumahimik sila kaya nagsalita ako.
"Yeah. Alam naman nating hindi madali sa kaniya ang mga nalaman niya. Matapang at malakas siya, oo. Pero may kahinaan rin ang isang 'yon at napapagod lalo na kapag marami siyang iniisip." saad ko na ikinatango nila.
Naiintindihan ko naman ang pinsan ko sa mga ikinikilos niya. Alam namin kung kailan siya okay at hindi.
Kung kailan siya mapapagod sa kakaisip ng mga problemang dinadala niya.
"Let's understand her. She need space to think for," sabi ni Keith.
"Oo nga naman, tayo na lang ang umintindi sa kaniya." sabi ni Bella.
Napatango kaming lahat.
"Babalik din 'yon kapag okay na siya." sabi ni Stella.
"Kaloka naman kasi ang tungkol sa lola niyo mga bakla. Hindi ko inakalang may gano'n pa lang tinatago sa kaniya." nakangiwing sabi ni Mello.
Napabuntong-hininga na lang uli kami. Nag-uusap na lang kami habang panay ang bangayan ni Mello at Stella.
Napapailing na lang kami sa kanila.
"Oo nga pala, malapit na ang Christmas. Anong gagawin niyo?" tanong pa ni Theresa.
Yeah, malapit na ang Christmas. December 20 na ngayon at last day of school na.
Sa January 05 pa kami babalik.
"Magpaparty tayong lahat!" nakangiting sabi ni Bella.
Agad namang sumang-ayon sila Stella na animo't excited pa.
"Pero saan naman?" tanong ni Theresa.
"Wait, ano kaya kung rentahan natin ang KJMAX resto bar? Doon tayo magparty!" nakangiting sabi ni Stella.
"Ay! Gora ako bakla!" sang-ayon pa ni Mello.
"But wait, it was a Christmas. Ayaw niyo bang makasama ang pamilya niyo sa Christmas eve?" tanong pa ni Lyle.
Oo nga naman. Pero sa amin ni Kyla ay okay lang. Nasa Baguio sila Dad, eh. Habang ang magulang ni Kyla ay nasa Cavite.
Ayos lang sa amin ang hindi sila makasama sa Christmas eve sanay naman na kami, eh.
Tss!
"Ayos lang 'yon! Ngayon taong lang naman, eh. Tutal, last year na natin sa highschool kaya sulitin na natin." nakangiting sabi pa ni Stella.
Tumango rin sila Theresa at Mello.
"Agree! Mas mabuting magsama-sama tayong lahat sa Christmas!" sang-ayon pa ni Mello.
"Oo nga, para mas enjoy!" sabi ni Theresa.
Napatango-tango na lang kaming lahat.
It was the first time na makipag party kami sa kanila kaya ayos lang.
Sana nga lang babalik na si Ashi.
Hayst!
"Count in ako," sabi ni Keart.
"Same here!" sabi naman ni Keith.
Napatingin sila sa amin kaya natawa kami ni Kyla.
"Sama rin kami," nakangiting sabi ni Kyla.
Napa 'yes' naman sila. Napapailing na lang ako.
"Dre, sama ka sa Christmas eve party sa resto bar?" tanong ni Lyle kay Drix.
Napaisip pa ito bago umiling. Napangiwi kaming lahat.
"Kayo na lang. Just enjoy the party." kaswal na sagot niya sabay tingin sa relo niya at nakapamulsang naglakad paalis.
Nagkatinginan kaming lahat at napapailing.
"Ang kj na naman ng lolo niyo." nakangiwing aabi ni Mello.
Hindi na kasi sumasama sa amin ang isang 'yon kapag lalabas kaming lahat.
Laging passed kapag yayain ng mga kaibigan niya.
Tss!
"Hindi kj ang isang 'yon. Baka nakalimutan niyong 25 'yong Christmas eve? That they is their first monthsary ni Ashi," nakangiwing sabi ni Lyle.
Natigilan kaming lahat. Muntik na naming makalimutang first monthsary nga pala nila ni Ashi sa 25.
Kaya pala ayaw sumama ng isang 'yon.
"Putcha! Monthsary nga pala nila Ashi sa 25, ah!" sabi pa ni Keart.
"Kaya pala ayaw sumama," nakangiwing sabi ni Keith.
"Aw! Kawawa naman pala ang pinsan ko." sabi pa ni Bella.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kawawa nga naman si Drix.
Iniwan na nga siya ni Ashi sa unang araw na naging sila, pati ba naman sa first monthsary ay wala pa rin.
Hayst!
Sana bumalik na ang isang 'yon.
"Let's go downstairs it's time for the afternoon class." sabi ni Keith.
Tumayo kaming lahat at sabay na bumaba. Pagdating namin sa room ay sakto namang pumasok ang lec namin.
Naupo na lang kami at nakinig sa dicussion.
Nasa kalagitnaan kami ng pakikinig kay Miss nang sumigaw ito.
"Mr. Chevalier! Are you just gonna sleep on my class?!" sigaw pa nito.
Napalingon kami sa likuran. Nakadukdok si Drix sa armchair.
Tinapik pa siya ni Keart para gisingin. Nag-angat ito ng tingin sa amin bago sumandal sa upuan niya.
Napapailing na lang kami. Lagi siyang ganiyan these past few days.
Ilang beses na siyang napapagalitan ng mga lecturer namin dahil panay ang tulog niya sa klase.
Para siyang laging puyat, eh.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Nagpatuloy sa pagdiscuss si Miss kaya nakinig na lang uli kaming lahat. Hanggang sa matapos ang afternoon class.
Sabay-sabay kaming lahat na lumabas ng room. Agad pang lumapit sa'min si Mello at sumabay pababa ng building.
Nag-uusap na lang kaming lahat tungkol sa party sa Christmas.
Habang tahimik lang si Drix na parang ang lalim ng iniisip. Nakita ko pang kinausap siya ni Lyle.
Napapailing na lang ako.
Wala nga ang reyna ng katahimikan at ka blankuhan pero nandito naman ang hari.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Tss!
************************************
Drixon's Pov.
Tahimik lang ako habang pababa kami ng building. Iniisip ko lang si Panget.
It's been three weeks since she left.
Hanggang ngayon hindi pa siya bumalik. Nag-aalala ako sa kaniya. Hindi ko alam kung nasaan siya.
Kung ayos lang ba siya.
Lagi ko siyang tenext o kaya ay mag send ng voice mail sa kaniya pero wala siyang reply.
I badly want to see her. I miss her and I want to hug her right now.
"Dre, ayos ka lang ba?" tanong pa ni Lyle.
Tumango na lang ako at hindi nagsalita. Hanggang sa makababa kami ng building.
Pagdating sa hallway ay napatigil kami nang may humarang sa amin. Pagtingin ko si Alvin.
Nakangiti ito habang may inabot sa akin.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.
Tiningnan ko si Alvin at ang hawak nito.
"What's this?" takang tanong ko pa.
Napakamot ito ng batok bago nagsalita.
"Ah, peace offering ko." sagot pa niya.
Pinangkunutan ko siya ng noo. Napabuntong-hininga pa ito na animo'y hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Bakit mo naman ako binigyan ng peace offering?" tanong ko pa.
Napakamot uli siya sabay tingin sa mga kasamahan ko bago uli nagsalita.
"Malapit na ang pasko at gusto kong magbagong buhay. Gusto kong makipag bati sa inyo ni Ashi," sabi pa niya.
Tiningnan ko siya ng mabuti. Halata ngang sincere siya sa mga sinabi niya.
Actually, hindi na siya nanggulo pa. Mukhang nasindak ata siya ni Panget dati sa locker at sa pamatay na linya ni Panget.
"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead."
Napabuntong-hininga na lang ako at akmang magsasalita ng magsalita si Xandra.
"Abah! Gusto mo pa pa lang magbagong buhay? Buti naman baka kasi hindi ka na umabot sa pasko." mataray na sabi ni Xandra sa kaniya.
Napalunok naman ito at napaiwas ng tingin.
"Wait, totoo ba talagang makipag bati ka sa pinsan ko o palabas mo lang 'yan?" tanong pa ni Bella.
Napahinga ng malalim si Alvin bago tumingin sa akin.
"I'm sincere na makipag bati kay Drix at Ashi. Alam kong naging masama ako pero pinagsisihan ko na 'yon." sinserong sabi ni Alvin.
Tumango-tango pa ang mga kasama niya.
"Dapat lang baka ako ang babalat sa'yo ng buhay." banta pa ni Xandra.
Agad naman siyang sinita ni Kyla dahil parang natakot si Alvin.
Napabuntong-hininga na lang ako bago nagsalita.
"Ok, as long as na hindi ka na manggugulo." seryusong sabi ko pa.
Mabilis na tumango siya sa akin.
"Makakaasa ka, pare." sabi pa nito at nakipag fist bump sa akin.
Pormal na nagpaalam pa siya sa mga kasamahan ko bago ito umalis kasama ang mga kaibigan niya.
Tse!
Napahinga na lang ako ng malalim bago kami nagpatuloy sa paglalakad palabas.
Hindi pa man kami nakakaabot sa gate ng makarinig kami ng mga sigawan sa labas.
Napatingin ako kela Lyle bago kami nagmamadaling lumabas.
Pagdating namin sa labas ay nagkakagulo ang mga studyante habang natatakot.
"Anong nangyare?" takang tanong ko pa.
"Muntik ng dukutin si Dean ng dalawang lalaki buti na lang may dumating." hindi mapakaling sabi ng kaklase namin.
Ano? Si lolo?
Mabilis na tumakbo ako papunta sa harap. Nakita ko si Lola na hindi mapakali habang binakuran ng mga bodyguards niya.
"Lo, are you ok?" nag-aalalang tanong ko pa.
Nilingon ako ni Lolo bago nagsalita.
"I'm fine. They almost got me but luckily someone came." hindi makapaling sabi ni Lolo sabay tingin sa harap.
Napatingin ako ro'n at nagulat ako ng makita ang taong naka purong itim na inapakan ang lalaking nakadapa sa lupa.
Sino siya?
Nakasuot siya ng bonet na itim habang naka leather coat na parang Japanese. Naka leather pants rin ito at naka boots ng leather black.
Tiningnan ko ito ng mabuti. Hindi ko makilala kung babae o lalaki ba siya dahil sa pustora nito.
Ang cool niya tingnan at animo'y isang detective tingnan.
"Who are you?" seryusong tanong ko pa.
Nilingon niya ako at gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang mata namin.
Napalunok pa ako.
Ang blanko ng mata nito at wala kang makikitang kahit anong emosiyon sa mata niya.
Ramdam ko rin ang kakaibang aura na dala niya.
Tiningnan niya lang ako bago sininyasan ang mga bodyguard ni lolo para lumapit sa kaniya.
Mabilis akong kumilos at hindi na hinintay na lumapit ang mga bodyguard.
Ako na ang kusang lumapit sa kaniya. Seryusong nakatingin lang ako sa kaniya.
Naka gloves na itim pa ito.
"Who. Are. You?" mariing tanong ko ng hindi inaalis ang mata ko sa mata niya.
Hindi siya nagsalita at bigla na namang suminyas. Mabilis na nakuha ko ang ibig niyang sabihin.
"Gawin niyong pain ang bihag." mahinang basa ko sa isininyas nito.
Napakunot ang noo ko.
Akmang magtatanong pa uli ako sa kaniya ng mabilis itong kumilos at tinalikuran ako.
Sa isang iglap lang ay nakasampa na siya sa malaki at itim na motor niya bago pinaharurot paalis.
Napapanganga ako sa bilis niya. Halos ipalipad pa nito ang motor niya.
What the hell!?
Sino ba siya?
Halata sa tindig at kilos nito halatang bihasa siya sa kahit ano.
Damn!?
Sino siya at bakit niya iniligtas si Lolo? Bakit siya nandito?
"Drix!!"
Mabilis na napailag ako dahil sa biglaang pagbangon ng bihag at akmang pagsaksak sa akin buti na lang mabilis na sinipa ni Xandra ang kamay nito.
"Wag mo siyang puruhan baka sa lamay agad ang punta mo kapag nalaman ng nobya niyang pinuruhan mo siya." mariing sabi ni Xandra at sinapak ang bihag dahilan para pumutok ang gilid ng labi nito.
Napakurap-kurap ako.
Ang bilis kumilos ni Xandra. Napangiwi pa ako dahil pahablot niyang hinila ang bihag.
Napanganga pa sila Bella habang nakatingin kay Xandra.
Mabilis na lumapit si Keith sa kaniya at hinawakan ang bihag.
Tse!
Agad akong lumapit sa bihag at seryusong tiningnan ito.
"Sino ka? Anong binabalak niyo sa lolo ko?" mariing tanong ko.
Nginisihan lang ako nito bago nagsalita.
"Bakit ko sasabihin?" parang nang-aasar na sagot nito habang nakangisi.
Damn!
Napakuyom ang kamao.
"Sasabihin mo o tatapusin ko ang buhay mo?" mariing saad ko.
"Drix! What are you talking about!?" seryusong sigaw ni Lolo.
Napabuntong-hininga na lang ako at sinamaan ng tingin ang bihag bago bumaling kay Lolo.
"You need to go home now, Lo. Baka bumalik pa ang gagong kasama nito." sabi ko sabay turo sa bihag.
Napabuntong-hininga si Lolo at halata pa pag-aalala sa mukha niya.
"Ok. Just call the police or bring him to the police station." seryusong utos ni Lolo.
"No. We will handle him, Lo. We need to convince him what are they planning to you." seryusong sabi ko pa.
Akmang tututol pa si Lolo nang magsalita si Lyle.
"It's ok, Dean. Kami na ang bahala sa bihag. Kailangan niyo ng umuwi dahil hindi ka ligtas dito." sabi ni Lyle sa kaniya.
Tiningnan pa kami ni Lolo bago napabuntong-hininga.
"Just take care." huling sabi nito bago pumasok sa kotse niya at umalis.
Napahinga ako ng malalim. Inutusan nila Kyla sila Brix na ihatid sila Stella bago humarap sa amin.
"Kayo na ang bahala sa lintik na 'yan. Bantayan niyo baka makatas pa at malagot tayo." seryusong sabi ni Xandra.
Tumango na lang kami at akmang aalis na nang pigilan kami ni Kyla.
"Kapag uuwi na si Ashi kakausapin namin kayo." biglang seryusong sabi ni Kyla.
Tse!
Alam kong may napapansin sila sa amin.
Well, gano'n din naman sila. May hindi rin sila sinasabi sa amin.
Napabuntong-hininga na lang ako at kumaway bago pumasok sa kotse ko.
Dumeretso kami sa lagi naming tinatambayan dati.
Psh!
***
Nakaupo lang ako sa couch habang kalalabas lang nila Lyle galing sa pinagdalhan ng bihag.
Hinagisan pa ako ni Keart ng incan beer bago naupo.
Napaisip ako dahil sa misteryusong tao na 'yon kanina.
Sino siya?
Bakit nando'n siya kanina sa parking lot at iniligtas si Lolo?
Alam kong hindi basta-basta ang taong 'yon dahil sa mga kilos nito.
Pero bakit gano'n ang kabog ng dibdib ko kanina nang magtama ang mga mata namin?
Parang may kakaiba sa taong 'yon.
Ang mga mata niya. Parang... parang kilala ko ang mga matang 'yon.
Hayst!
Napainom na lang ako ng beer. Parang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
"Who the hell are you." mahinang bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa incan beer.
To be continued...
-Sino kaya ang misteryusong taong nagligtas sa lolo ni Drxi?
-Sino naman kaya ang bihag? Anong pakay nila sa Lolo ni Drix?
-Nasaan kaya si Ashi?
Abangan...
A/N: Keep reading! Always keep safe guyss!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top