07
Dumating ang Sabado.
Kahapon ng hapon ay inihatid ni James yung damit na susuotin ko. Ipinagpaalam din nya ako kina Mama at Papa at pumayag naman sila. Sino ba namang makakatanggi sa isang Jameson diba?
"Yyyiieee! Ang sweet naman ni James ikaw pala ang inaya nyang maging date. Yiieee," ani ni Laine habang inaayusan ako.
Nandito silang dalawa ngayon sa bahay. At napag alaman ko ding invited din sina Axell at Nate syempre jowa ang date.
"Sino ba yung may birthday? Hindi ko kase kilala eh. Baka mamaya nasa harapan ko na pala hindi ko manlang nabati. Wala din akong gift. Girl ba o Boy?" pagtatanong ko.
"Hindi din namin alam kung sino. Ang sinabi lang ni Ax eh kaibigan nila way back in elementary."
"Ganyan din sinabi sakin ni Jamea kung tinanong ko kung sino."
"Wierd noh?"
Yeah! Its kinda wierd. Why they didn't tell us kung sino ba.
Nakasuot ako ngayon ng white na long dress. Fit sya mula sa dibdib ko pababa hanggang sa may hita kaya kitang kita ang kurba ng bewang ko then flowy na sya pababa. Tube sya at nanginginang.
Para tuloy akong dyosa na mukhang anghel na bumaba mula sa langit. Choors! Haha.
"Ang ganda mo talaga sa white Besh. I'm jealous!" Faith said then pout. Cute!
"Oo nga Miya. You're beautiful in white!" Laine said.
"Diba kanta yun? Hahaha."
"Oo nga noh?"
Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
"Mga anak nandyan na sa baba sina James. Tapos na ba kayo?" sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo ma. Palabas na."
Paglabas namin ng room.
"Oh tita anong say nyo? Ganda diba?" pagmamalaki ni Besh.
"Syempre naman. Saan ba magmamana edi sakin diba?" sagot na mama.
"Hay naku Ma nambola ka pa. Sige na alis na kami ah. Love you!" kumiss ako sa cheeks nya at ganun din ang ginawa nina Besh.
Habang pababa ay dahan-dahan ako baka biglang matapilok nakakahiya naman sa nag gagwapuhang nilalang sa sala namin kasama ni papa.
Nang nasa may dulo na'ko nagulat ako ng lumapit sakin si James at naglahad ng kamay.
"Sabi ko na nga ba babagay sayo ang white. Ganda!" puri nya sakin kaya nag init na naman ang pisnge ko.
Shocks! Kilig ako.
"Sus! Mambobola." nakangiting sagot ko at tinanggap ko naman ang kamay nya.
Ganun din ang ginawa nang dalawa.
"Bye Pa! Ma! Alis na kami," paalam ko.
"Bye po Tita, Tito!"
"James iho ikaw nang bahala sa prinsesa ko ah. Before 11 dapat naka nandito na sya," sabi ni papa.
"Sure Tito. Ako na pong bahala kay Rae. At iuuwi ko po sya dito before 11," nakangiting sagot naman ni James.
Then we go to his car. Tahimik lang kami habang nasa byahe.
"We're here!" sabi nya tsaka lumabas para pagbuksan ako ng pinto.
Wow! Gentleman naman pala.
"Thank you!" sabi ko pagkababa.
Pumasok kami sa Royal Hall. Sosyal noh sa Royal Hall nagcelebrate ng birthday kung sino man 'to. She is defenitely a Princess.
Pagpasok namin sa loob mas lalo akong namangha. Sobrang ganda.
"Dito tayo," hinila ako ni James papunta sa table namin.
Umupo sa tabi ko si James tapos sa kabilang side naman ay si Besh then Axell. Katabi ni Axell si Nate then Laine. Hindi ko kilala yung iba. Classmate yata nila nung elem.
"Thank you for coming to this especial occasion blahh blahh blahh blahh blahh blahh."
Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ng mc dahil I'm not familiar with the celebrant or not?
"Let's welcome our dear celebrant Miss Jasmine Ianah Mckenly."
Nagpalakpakan ang lahat kaya nakipalakpak na din ako. Jasmine?
And with that lumabas ang isang magandang dilag. She smile sweetly. Ang inosente nyang tingnan para syang anghel. Sana all kasing ganda nya. Kaso nga lang hindi ako magiging sya.
"Good evening everyone! Thank you for coming in my birthday!" she smiled and then look in our table especially with James.
Tiningnan ko si James at nakatitig lang din sya kay Jasmine.
Ginawa nya lang ba akong date para makita ito? Para ipamukha sakin na may mahal syang iba? Pero in some point he really knows what im feeling for him kaya hindi nya kasalanan.
Yun ang mas masakit pa sa masakit. Sinasaktan ka nya ng hindi nya nalalaman.
"Enjoy everyone!" she said then left the stage.
"Anong gusto mo Rae? Ikukuha kita," James insist pero i decline.
"Hindi na James. Sasama na lang ako kina Besh." ngumiti ako sa kanya.
"Sure ka?"
Tumango ako.
"Okay! Ahhmm. Faith kayo na munang bahala kay Rae ah. May pupuntahan lang ako saglit. Don't worry I'll be right back."
"Sure James."
James face me and kiss my forehead before went away.
That's sweet?
"Sweet ha! Anong meron?" makahulugang tanong ni Laine sakin.
Umiling ako. "Wala. Ano ka ba Laine. Friendly kiss you know?" dipensa ko.
"Sus!"
"Si Jasmine pala yung may birthday. Now we know. And where do you think James will go?" Faith suddenly ask.
"Probably kay Jas." Laine answered.
"Yeah! Ax and Nate is busy chitchating with their old friends and wala doon si Jasmine. And also James."
Hindi ako nag abalang magsalita o sumagot manlang. Tahimik lang ako.
"Miya sundan kaya natin si James ano sa tingin mo?"
Napa iling naman ako.
"What? Why? Ayaw mo bang malaman kung anong pag uusapan nila? Hindi ka man lang ba nagseselos or what? Kase you know kung sakalaing may mabuo ulit na pagtitinginan sa dalawa kailangan mong pigilan. Jasmine hurt him. And once is enough!"
Naseselos ako. At kung puso ko ang susundin kailangan kong pigilan kung sakali man dahil minsan na syang sinaktan ni Jasmine at kung may pangalawa pa hindi na nya iyon kakayanin. Masyado nang masakit yung nauna at tama na yun. Pero, wala akong karapatan para pigilan si James sa tunay nyang nararamdaman. Its his choice not mine, besides kung doon sya masaya then be it.
"Stop it girls! They need to talk. James need explanations. Kaya please lang," nahihirapang sabi ko tsaka tumayo para pumunta sa buffet table.
Bumuntong hininga ako to calm my body.
Hindi pa ako gutom kaya pumunta muna akong comfort room to retouch. Nagtanong ako kung saan ang cr.
Tumingin ako sa salamin na nasa may sink. Anong kulang sakin? Why James didn't see me as a woman. Kaibigan lang ba talaga ako para sa kanya? Hayyy.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako. Bago ako makabalik sa main hall ay may nadaanan akong kwarto. And I'm heard some voices inside.
Dahil sa curiosity ay para akong ewan dito na nakikinig. Kung may makakakita lang sakin dito ay baka mapagkamalan na akong chismosa.
"Jas Happy Birthday!"
"James ano ba kaseng sasabihin mo? Anyways thanks sa pagpunta."
"Syempre ikaw pa eh malakas ka sakin. Ahhmm.. Jas just this once please. I want to know why? Why did you break-up with me?"
"James sinabi ko na sayo ang rason ko diba? I fall out of love."
"Hindi ako naniniwala. Jas alam kong mahal mo ako at mahal din kita. May iba pang rason kaya ka nakipag break. Please tell me Jas? Please!"
Jasmine? James?
Gusto kong lumayo at umalis para hindi ko na marinig pa yung pag uusapan nila pero ayaw kumilos ng mga paa ko.
"I'm really sorry James. Hindi ko lang talaga kase kayang saktan ng Mommy ang pamilya mo. Kaya ako na lang ang gumawa kahit masakit, kahit labag sa loob ko ay nakipag break ako sayo."
Iyak! Umiiyak si Jasmine.
"James you know my Mom and she what capable of. Kaya nyang gawin lahat kahit manakit ng kapwa nya para lang makuha ang gusto. Kaya natakot ako ng malaman na pababagsakin nya ang company nyo. I love you James at hindi ko kayang makitang nahihirapan ka at ang pamilya mo kaya yun ang naisip kong paraan para tigilan ka na ni Mommy."
"Kaya naman kitang ipaglaban Jas. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sayo kahit na ano man ang mangyari eh. Why did you not tell me? Aayusin naman natin ang problema basta magkasama tayo."
"James I know. Pero wala akong magawa kontrolado lahat ni Mommy even if my Dad. Kukunin nya ang lahat sakin pag hindi ako nakipaghiwalay. She blockmailing me. I'm so sorry James. I'm sorry for hurting you."
"Umalis ako para umiwas at para na din maka move-on. Alam kong pag araw-araw mo akong makikita masasaktan ka. Nakikita ko sa mga mata mo ang sakit ng dinulot ko at nasasaktan din ako dahil nandyan ka parati para sakin, para ipaglaban ako. Pero anong ginawa ko? Sinaktan pa rin kita. Sobrang tanga ko diba?"
"Jas maaayos pa naman natin 'to diba? Tell me!"
Katahimikan.
Wala na akong narinig mula sa loob. Pero yung huling sinabi ni James na kung maaayos pa ba nila kung anong meron sa kanila ay sobrang sakit na para sakin, yun pa kayang malaman kung anong isasagot ni Jasmine sa kanya?
Ngayong nalaman ko na kung bakit sila nagbreak ay tama na para umalis dito. Kung pakikinggan ko pa ang usapan nila ay baka di ko na kayanin at sumabog na lang ako bigla.
Nasasaktan ako. At mas masasaktan lang ako kung ipagpapatuloy ko pa ito.
Kaya bumalik na lang ako sa ibaba para kahit papaano ay malibang ako.
Samantala sa loob ng room.
"James sorry pero I think its not right. Hindi na kita mahal. M-may boyfriend na ako. At isa pa alam kong hindi na ako ang tinitibok ng puso mo. Hindi na ako ang babaeng nagpapasaya sayo ngayon. Sana palayain na natin ang nakaraan at magsimula tayong muli bilang magkaibigan. Diba?"
"How did you know na-"
"Because I saw you! With her. And she is the right girl for you. I know at hindi pa nagkamali ang instinct ko. The way you look at her, the way you smile and laugh sa tuwing naiinis sya sa kalokohan mo, you concerned about her at ni minsan hindi ko pa nakitang manakit ka ng husto para lang sa kanya. James you love that girl hindi mo lang napapansin. And trust me malalaman mo lang yun pag nawala sya sayo."
"Jasmine!"
"I think we're now really over. Thank you for everything and I miss you James."
"Tama ka its now over for the two of us. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit para mailabas ko na din yung sakit na matagal kong tinago. And Miya is my friend. Magkaibigan lang kaming dalawa. Yun lang."
"Yun ang akala mo. Pero sya ba kaibigan lang din ang tingin sayo?"
"What do you mean?"
"Hayyy naku James. Torpe at manhid ka pa rin hanggang ngayon. Its for me to know and for you to find out."
Tinaasan lang ni James si Jasmine ng kilay dahil sa hindi nito maintindihan kung anong ibig ipahiwatig ng dalaga.
"Sige na! Bumalik ka na sa ibaba at baka maagaw pa ng iba yun. Madami akong gwapong pinsan na nandito sige ka ikaw rin."
Tinawanan sya nito ng mahina. Alam nyang nagbibiro lang ito pero nakaramdam sya ng kakaiba sa isiping may kasayaw na ibang lalaki si Rae sa hall. At naiinis sya dun.
"I think I really need to do that Jas. Sige balik na ako. Happy Birthday ulit. Take care!"
"Sige na. Ayusin mo na buhay mo ah." Natatawang sigaw ni Jasmine sa papalabas na si James.
He just salute at her then wink.
Pasalampak na umupo ako sa chair ko pagkagaling ko sa taas.
"Tagal mo ah. San ka nanggaling?" taas kilay na tanong ni Besh.
"Sa buffet table," maikling sagot ko.
"Weh? Nasan food mo? Ano yun kinain mo na doon?"
Napasapo naman ang palad ko sa aking noo. Oo nga pala wala akong dalang food. Nagugutom na ako dahil natagalan din ako sa taas.
"Nagpunta ako sa cr nalimutan ko."
"Pre-occupied ka ngayon Besh ah. May nagyari ba?"
Then naalala ko na naman yung pag uusap nina James.
Ano kayang sagot ni Jasmine? Nagka ayos na kaya silang dalawa? Ahhhh! Nakakainis naman.
"Wala. Walang nangyari. Kumain na nga lang kayo. Kukuha lang ako ng food ko," akmang tatayo na sana ako nang may humarang na gwapo sa gilid ko.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Anong kailangan mo mister?" mataray na tanong ko sa kanya. Oo na gwapo na sya pero i don't talk to strangers kaya sorry na lang sya.
"I just want to know whats your name lady. Oh by the way I'm Shaun," naglahad sya ng kamay sakin.
Nagulat ako ng may ibang nakipag kamay sa kanya. Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa likod ng upuan ko.
"Nice to meet you too, bro!" James said to the guy.
"Jameson pare. Kilala mo?" tanong naman ni guy kay James. So, magkakilala pala sila?
"Yeah! Mga kaibigan ko."
"Pakilala mo naman ako sa magandang dilag na ito oh!"
"Back off Shaun. May nagmamay ari na jan," sagot nya tsaka tinaboy paalis si guy.
Anong problema ng lalaking ito? At nasaan si Jasmine? Diba dapat magkasama na sila ngayon?
"Eat!" nilapag ni James ang plate na may pagkain sa harap ko. May apple juice din.
"Bro asan si Jasmine? Babatiin lang sana namin," pagtatanong ni Axell.
"I think she's with her boyfriend. Hanapin nyo na lang jan nandyan lang yun," seryosong sagot nya.
Boyfriend? Kaya ba ganyan ang mood nya dahil may boyfriend na si Jasmine? Naiinis ba sya?
"Ohhh!" tanging nasagot ni Axell tsaka nanahimik.
Nanatili ang isang braso nya na nakadantay sa sandalan ng upuan ko. Nakakunot noo pa rin sya hanggang ngayon.
"Anong problema mo?" pagtatanong ko.
"Kumain kana lang Rae!"
Natahimik naman ako dahil ang seryoso nya.
********
a/n: heyyyyy guys! Medyo napahaba. Ang hirap kaseng hatiin eh!😁
Read! Read! Read! And don't forget to click the star for voting! Kamsahamnida.
Read at your own risk.
xoxo
_heyitsmejesika
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top