04
Four days akong pinag isip ng eksenang iyon at nang mga nalaman ko.
Four days na ding hindi nagpapakita si James. Hindi sya pumapasok sa klase nila. Ang sabi lang nina Axell his with his family in a vacation.
I know na hindi lang iyon. I think he's in somewhere right now, yung sya lang mag-isa. He needs to think and calm himself. Kailangan nyang lumayo muna saglit. Away from hurt and from that person hurting him. Emotionally.
Hindi ko man alam kung ano ba tagalang nangyari sa dalawa pero ang alam ko lang kailangan na nilang palayain ang nakaraan, lalo na si James. That Jas girl, nakamove on na sya pero hindi pa si James. He's still inlove with that girl.
And that was hurt in my part.
"Hey Besh are you okay? Kanina ka pa tulala. Ahh no.. scratch that kahapon ka pa ganyan. Is there something bothering you? You can tell us naman eh," Besh said with a concern.
I just smile at her. "Noh ka ba Besh. Okay na okay ako. Don't mind me na lang," sagot ko pero tiningnan nya ako na para bang hindi sya kumbinsado.
"Is it because of James? Ayos lang yun nasa bakasyon lang daw diba. Kaya wag ka nang mamroblema jan. Babalik din yun agad. Huwag mo masyadong mamiss baka mayamaya nandyan na sa tabi mo," Laine said na nang-aasar.
"Di ah. Di ko yun mamimiss. Sino ba sya?"
"Sino nga ba sya para sayo Miya?"
Natigil ako sa tanong nyang iyon. Gusto kong sabihin yung totoo sa kanilang dalawa dahil they're my friend pero may pumipigil sakin. Probably, takot.
"Sino si Jas?" tanong ko out of the blue. Imbes na sagutin ang tanong ni Laine tanong din ang ibinalik ko.
"Jas who?" taas kilay na tanong ni Besh.
"I know na may problema ka Besh. I'm your bestfriend bakit hindi ka magsabi? Me and Laine, we're here for you. All you need to do is magsabi lang samin," lumapit sakin si Besh.
"Faith is right Miya. Anong bumabagabag sayo? At sinong Jas?"
Sino nga ba si Jas? At sino sya sa buhay ni James? Anong meron sa kanila?
Sobrang daming tanong pero hindi ko alam ang sagot. Siguro nga kailangan ko ng may mapagsasabihan. Tama sila. They're my friend.
"Sino si Jas?" muli kong tanong.
I looked at Laine. Matagal na nyang kasama ang S.B. Boyfriend nya si Nate at cousin nya si Axell. Hindi ako naniniwalang wala syang kilalang Jas. Unless tago ang relasyon ng dalawa.
"I-i don't know if sya nga ang tinutukoy mo Miya. I just heard that name Jas kina Axell eh nung first year high school pa lang kami at wala ng sumunod pa dun. It almost four years na and her name is Jasmine. Ano ba kaseng meron."
Jasmine? That name is really familiar.
Familiar dahil narinig ko na iyon sa mga schoolmates naming girls nung may chismis na kumalat tungkol kay James.
Hindi kaya sya ang babaeng iyon?
Ahhhh... ang sakit sa ulo. Kahit kailan talaga bwesit sa buhay ko ang lalaking iyon.
"I-i saw James bago ang araw ng di nya pagpasok. He's waiting in Fine Arts Building then," i paused and take a deep breath before continuing what im saying.
"Then may girl na lumabas sa room. And.... and i heard something about break-up."
"Miya sya ba yung sinasabi mong Jas?" Laine immediately ask. Tumango naman ako.
Laine thinking something. Kumukunot pa ang noo nya na para bang hindi makapaniwala.
"Naaalala nyo ba yung time na maghapong hindi nagpakita si James pagkatapos ng away nyo Miya tapos may nabalita agad na may nakakita sa kanya sa mall with a girl?"
"Ahh! Yung kinantahan nya pa yung girl daw? Totoo ba Laine? Akala ko fake news lang kaya di ko nababanggit."
Ako din. Akala ko fake news lang.
"Totoo sya. Si Nate mismo ang nagsabi sakin bago nya ako ihatid pauwi. Actually nadulas lang sya pero dahil takot syang magalit ako sinabi nya ang totoo."
"I think that... That girl... Tungkol sa kanya yung tinatago nila," sabi kong bigla.
"If sya nga bakit kailangan pang itago satin? James is also our friend," Faith said.
"Hindi tayo ang makakasagot ng tanong na yan. Kundi sila lamang."
Tama si Laine. Ang tatlong boys lang ang makakasagot sa tanong namin. Sa mga katanungan na nasa isip ko.
"Hindi ba narinig mong may break-up na pinag usapan ang dalawa?" Tanong sakin ni Besh. Kaya tumango ako bilang sagot.
"Laine wala ka ba talagang alam about kay Jasmine? If sya nga iyong Jas na tinutukoy ni Besh. Or about sa kanila ni James?"
"Wala eh. Elementary pa lang naging magkakaibigan na ang tatlo at nung highschool naman lumipat na ako ng school kaya hindi ko na sila madalas makasama. Pero one time nga eh nabanggit nila iyong Jasmine na name pero wala ng sumunod," pagpapaliwanag nya samin.
"Isa lang naiisip ko.... kung hindi nila naikukwento ang about kay Jasmine hindi kaya secret ang relasyon nila ni James?" suhestyon ko.
"Posible. Dahil highschool nagbabalak na talaga silang gumawa ng banda. At unti-onti yung nakikilala sa iba't ibang school diba?"
"Yeah! Naging school mate ko na sila nung junior high tapos senior eh nakilala ko na si Miya. Papasikat na nga ang banda nila pero ni minsan wala akong narinig tungkol kay James at dun sa girl. Siguro yung ibang fans may alam pero kokonti lang. Yung mga mahilig lang mag invade ng privacy ng sikat."
"Hayyysss..."
"Sorry guys ah. Pinag isip ko pa kayong dalawa."
"Noh kaba Besh. Problema ng isa, problema ng lahat. Gamit ng isa, gamit ng lahat. Boyfriend ko akin lang." Faith said na ikinatawa namin.
Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko silang dalawa. Kung hindi, hindi ko din makikilala si James the mokong.
"Punta tayong tambayan mamayang hapon. Wala na tayong class after 2pm right? So, lets corner that dmn two assholes. Wala si James kaya yung dalawa na lang. Yari talaga sakin yang Axell Josh Ramirez na yan pag di pa sya umamin," nanggigigil na saad ni Faith na ikina iling ko at ikinatawa ni Laine.
After our last class dumiretso nga kami sa S.B Tambayan.
Nasa harap na kami ng pinto. Nagulat kami ni Laine ng biglang sipain ni Besh yung pinto para bumukas. Buti na lang hindi lock.
"The fck! Sino ba yan? Sisirain mo ba pinto namin? Ha?" sigaw mula sa loob. Its Axell. Yari kang Axell ka sa jowa mo.
Hindi pa kase kami pumapasok kaya hindi nila nakita kung sinong may gawa ng pagsipa.
"Oo, sisirain ko talaga at ihahampas ko sa bibig mong lalaki ka. Minumura mo ba ako?" sigaw pabalik ni Besh saka kami pumasok sa loob.
"Ayyy... sht!" Axell whispered then face his girlfriend with a wide smile.
"Baby ikaw pala yan hehehe." Inirapan naman sya ni Besh.
"Minumura mo ba ako?" muli nitong tanong.
"Ahh.. ano.. H-hindi baby ah. Si ano... si Nate ang sinasabihan ko nun. Gago kase yan eh."
"Bakit ako? Inaanu ba kita?" inosenteng tanong ni Nate.
"Ohhh... hi Hon. Hi Miya." Nginitian ko lang sya at umupo sa single sofa.
"Come here Hon. Let's play baraha. Madaya yung isa dyan ayaw ko syang kalaro. Psh!" pagpaparinig nito kay Axell na busy sa pagsuyo kay Besh.
"Ikaw kaya ang madaya. Pinapasa mo sakin yang kabaklaan mo." sagot naman ni Axell na yakap-yakap na sa likod si Besh.
Naol!
"Ang rupok mo naman Besh. Hahaha," sabi ko saka sya tinawanan. Sinamaan naman nya ako ng tingin.
Nagpatuloy sa paglaro ng baraha ang dalawa kaya tuloy din ang dayaan nila tapos mag-aaway. Mga wala talagang magawa sa buhay.
"May itatanong kami sa inyong dalawa. Pag hindi kayo sumagot ng maayos relationship over na," pananakot ni Besh. Alam ko namang biro lamang iyon.
Natigilan naman yung dalawa sa paglalaro at seryosong tumingin samin.
"Seryoso ba baby at kailangan mo pang manakot ha?"
"Ah so hindi ka natatakot sa relationship over?"
"Hehehe. Joke lang naman baby."
"Under," bulong ni Nate kay Axell kaya nakatikim sya ng sapak mula dito.
"About saan ba? English? Philosopy? Physics? Math? History or what?" Nate ask.
Hindi ko alam kung seryoso ba sya o nagbibiro lamang.
"Nathan!" Laine said with autority.
"Ayyy... Mukhang seryoso nga. Kailangan nating sumagot ng maayos bro." Nate whispered to his friend.
Napailing na lang ako sa ka abnuan ng dalawa. Nawala lang si James eh.
"Sino si Jas?" agad na tanong ko. Huwag na nating patagalin pa. Mas lalong pinapatagal mas lalong dadami ang katanungan.
"Jas who?" taas kilay na tanong ni Axell pabalik.
"I saw James and he's with a girl. Sa Fine Arts Building. Sino sya? Sino si Jas?"
Nagkatinginan ang dalawa na para bang isang malaking problema yung tanong ko.
"Fck!" mahinang usal ni Axell samantalang napahilamos naman ng mukha si Nate.
"Ano?" Faith said.
"Hindi dapat kami ang sumagot sa tanong mo Miya. Si James dapat," Nate answered.
"How? Tell me paano ko tatanungin ang isang taong nagtatago?"
"Hindi sya nagtatago Miya. He needs to relax himself. Masyado lang syang nasaktan kaya kailangan muna nyang lumayo. Lumayo kay Jasmine."
That name, Jasmine. Si Jas at Jasmine ay iisa.
Natawa ako ng mahina.
Halata naman kaseng iisa lang sila.
"Hindi naman ako, kami, tayo si Jasmine. Bakit kailangan nya pang lumayo satin? Bakit kailangan nyo pang itago samin?"
"Dahil ayaw nyang lumayo ang loob mo sa kanya."
Bakit? Bakit ayaw nya? Is that a big deal for him?
"Napapalapit na kayong dalawa sa isa't isa. Kahit lagi kayong nag-aaway, hindi naman na tulad ng dati na you so distant with him. Nakikita namin Miya. Alam namin ni Nate na nahuhulog ka na sa kanya," Axell said while looking at me intently.
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Axell.
"H-how? How did you know?" nauutal kong tanong.
"Sa mga panunukso sayo nina Faith. Sa asaran nyo ni James. Hanggang sa mga patagong sulyap at ngiti na pinupukol mo pag hindi nakatingin ang bro namin," Nate said while grinning.
"Besh! I'm sorry! Kasalanan namin ni Lalaine. Lagi ka naming tinutukso kay James. Hindi namin napapansin na nahuhulog ka na pala," hingi ng paumanhin ni Faith sakin.
Nginitian ko sya. "Don't be sorry Besh. Hindi nyo kasalanan. At isa pa huwag kang magsorry na para bang napakalaking kasalanan ang mafall," she smiled at and hug me tigthly. Ganun din ang ginawa ni Laine.
"Tama! Hindi nyo kasalanan Hon. Ang mokong na iyon ang may sala. Pafall yun eh."
Natawa ako sa sinabing iyon ni Nate. Ngumiti ako sa kanila at gayon din ang ginawa nila.
"Kailan nyo pa napapansin?" pagtatanong ko.
"Simula pa lang. Nagbibigay na kami ng hint pero manhid ang isang iyon."
Naalala ko yung biruan nila. (Chap. 03) Akala ko wala lang iyon yun pala may napapansin na sila. Ganun ba talaga ako ka obvious?
"Wala tayong magagawa may ibang mahal eh," mahinang sabi ko. I try not to be sad and jealous pero ayaw maki cooperate ng sarili ko.
Besh pat my shoulder and look at me na para bang sinasabi nyang magiging okay din ang lahat.
"Ano? Gusto mo pa bang malaman ang lahat Miya?" seryosong tanong sakin ni Axell.
"Tutal may nakita ka na isagad na natin. Malalaman at malalaman mo din naman. Uunahan na namin si James," dugtong pa nya.
"Gusto kong malaman ang lahat. Para sa pagbalik nya macomfort ko sya nang bukal sa puso. Nang walang halong inis at pagseselos."
I need to know. Kailangan kong malaman ang lahat para sa susunod na muli ko silang makitang magkasama hindi ako makaramdam ng matinding sakit.
At para maintindihan ko din yung sakit na nararamdaman nya.
Ginusto ko sya kaya dapat handa ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top