02

One week na ang nakalilipas pero patuloy pa rin sila sa panunukso sakin. Walang alam ang boys pero ang dalawang 'to hindi parin nakakalimot.

"Alam mo Besh hindi na ako magtataka kung kayong dalawa ni James ang magkakatuluyan sa huli," Faith said while grinning. Tumango naman si Laine.

Katatapos lang kase namin magsagutan ni James dahil lang sa tubig. Ang lame diba? Nag aaway kami dahil lang sa tubig. Kaya ayan na naman ang dalawa. Inaasar na naman ako.

"Tama ka jan Faith. Para silang aso't pusa kung mag away. Pero bagay silang dalawa sa totoo lang," Laine said na sinang-ayunan naman ni Faith.

Napairap ako. "Alam nyo kayong dalawa kung hindi lang din naman maganda sa pandinig ang sasabihin nyo wag na kayong magsalita."

"Asus! Si James oh." sabay turo ni Faith sa may pinto ng cafeteria. Sa hindi alam na kadahilanan ay napatingin ako dun. Pero hindi naman si James ang pumasok junior high ata yun.

"Hindi naman si James eh." sabi ko tsaka humarap sa kanila pero iba ang nadatnan ko. Naka ngisi na ang dalawa sakin.

"Yyiieeee!" mas panunukso pa nila.

Ano ba ang dapat kong gawin para tigilan na nila ako. Baka yung panunukso pa nila ang maging dahilan ng pagkahulog ko sa mokong na yun. Ayaw kong irisk ang puso ko.

"Hey boys! Dito!" pagtawag ni Faith at alam kong yung tatlo na yun.

"Kyaaahhh! Ang swerte talaga nang tatlong yan noh? Nakakasama nila palagi ang S.B."

"True! Samantalang tayo hanggang tingin na lang. Huhuhu"

"Sila kase ang girlfriend kaya sila ang priority."

"Pero si James wala pang gf. At friend lang sila ni Miya. May pag-asa pa."

"Asa ka naman girl. Di ka mapapansin nun. Inlove yun kay Jasmine."

Rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid ng makalapit na ang boys. At sinong Jasmine? Inlove si James?

"Oh? Kulang ata kayo ng isa. Asan si James?" pagtatanong ni Laine. Nagulat nga ako nang nakitang sila lang dalawa ang nandito.

Asan kaya ang mokong na yun? Baka ayaw pumarito dahil alam nyang inis pa ako sa kanya dahil sa nangyari kanina sa tambayan. Takot sigurong masapak ko.

"Dunno!" maikling sagot ni Nate saka umupo sa tabi ng kasintahan.

Edi sila na may jowa. Hhmp!

"Ikaw? Alam mo?" pagtatanong naman ni Faith kay Axell. Umiling lamang ang lalaki.

Himala at wala. Buti nga at nang gumaganda ganda ang paligid ko. Walang bwiset na mokong akong nakikita.

Hanggang sa maguwian ay wala akong nakitang Jameson sa paligid.

"Ano kayang nangyari kay James. Hinala ko talaga may alam ang dalawang iyon kung nasan si James." Nagkibit-balikat na lang ako.

Kinabukasan,

"Alam nyo ba ang kumakalat na chismiss mga sis?"

"Chismosa ka. Ano ba yun?"

"May nakakita daw kay Jameson sa mall kahapon may kasamang girl. At eto pa nagpunta sila sa isang Karaoke Bar para kantahan lang si girl. Ang sweet diba?"

"Oh my! Totoo ba?"

"Sino kaya ang malanding babaeng yun at nang makalbo ko. Hmp!"

"Hindi kaya si Jasmine yun?"

"Hala! Nagkabalikan na kaya sila?"

Umagang umaga eh yan agad ang bumungad sakin. Chismisan dito, chismisan doon. Hindi ko naman pinapansin ang mga bulungan sa paligid pero this time iba ito. Si James at yung girl ang pinag uusapan sa buong campus.

"Hey!" may bigla na lang umakbay sakin kaya nasuntok ko ang kamay nito.

"Oh my gosh!" Napalayo naman agad ako.

"Aray ko naman Rae. Ang sakit mo talagang sumuntok. Babae ka ba talaga?"

"James?"

"Sino pa ba? Alangan namang si Nathan diba?"

Napangiwi naman ako dahil sa itsura nya. Napalakas ba masyado? Hawak nya ang kamay na habang iniinda ang sakit ng pagkakasuntok ko.

Nilapitan ko sya. "Sorry! Ikaw naman kase eh nang gugulat ka na lang bigla. Malay ko bang ikaw pala yan?" pagtataray ko saka kinuha ang kamay nya at tiningnana kung nagkapasa ba.

"Wala namang sugat o pasa. Hindi ka pa mamamatay nyan." sabi ko habang chinicheck parin ang kamay nya.

"Ah Rae."

"Ano?" tumingin sya sakin na para bang may gustong sabihin pero hindi masabi.

"Ahm.. yung.."

"Yung ano? Pabitin ka namang mokong ka eh."

May tinuro sya at napatingin ako dun. Ngayon ko lang napagtanto na magkahawak kamay pa rin pala kami. Dahil sa hiya ay agad ko iyong binitawan.

Shocks Miya nakakahiya ka.

"Sorry!" paghingi ko nag paumanhin sa kanya saka muling naglakad.

"Sabay na tayo." Sabi lang nya at hinabol ako. Wala na akong nagawa dahil feeling ko pag humarap ako sa kanya ay malalaman nyang namumula na naman ako.

Sabay kaming maglakad papunta sa rooms namin. Dahil sa nakayuko ako ay hindi ko nakitang may makakasalubong pala ako kaya ang dating eh muntik na akong mabunggo nung lalaki. Buti na lang nahila agad ako ni James palapit sa kanya.

"Watch out bro! Alam mong may babae sa harap mo padalos dalos ka. Sinasadya mo ba?" may bahid ng galit na sigaw ni James dun sa lalaki.

Tumigil naman ito sa paglalakad at humarap samin. Ngumisi ito kay James at humarap sakin.

"Sorry miss. Nagmamadali kase." Alam kong hindi sincere ang pagsorry nya dahil mahahalata mo pa rin ang ngisi nito.

"James awat na." hinila ko na sya pero bago kami tuluyang makalayo ay kumindat pa ito sakin.

Creepy!

"Gago yun ah. Alam kong sinadya nya iyon. Buti na lamang at naging maagap ako kundi sya ang sasalo sayo at kunwari'y hindi nya sinasadya. Tsk! Mga galawang hokage." Inis na sabi nya.

"Sa susunod pag nakita mo ulit ang lalaking iyon layuan mo agad. Alam kong type ka nun at nagpapapansin. Maling paraan nga lang." Sinuklay nya ang buhok gamit ang mga daliri. Hot!

"Naiintindihan mo ba ako? Hah Rae?" tumingin sya sakin kaya napatango agad ako. Sabi ko na nga ba at nakakahipnotismo ang mga tinging iyon.

Hinatid nya ako hanggang sa labas ng room namin.

"Salamat. Salamat din sa kanina."

"No prob! Anything for you." He said then waved goodbye. Hindi ko namamalayan nakangiti na pala ako. At hindi ko din namamalayan nasa tabi ko na pala si Laine.

Classmate ko kase si Laine sa subject na English samantalang si Besh naman eh Marketing ang class ngayon.

"Ano yun ha? May pahatid hatid na ngayon samantalang kahapon kung mag asaran wala ng bukas."

"Wala lang yun. Nagkasabay lang kami tapos may bumunggo sakin kaya hinatid na ako paparito."

"Ang sweet na ni James. Yiieee! Nakangiti sya."

Ayan na naman sya buti na lang wala dito si Faith kung hindi. "Halika na nandyan na si Ms. Romero." Hinila ko na sya paupo sa seats namin.

Hanggang sa paglabas namin ng room nang aasar pa rin sya. Ang nakakainis pa dun yung ngiti nya para bang nakakaloko.

"Akala ko ba mahinhin ka? Dalagang pilipina? Scam ka pala Laine," saad ko. This time ako naman ang ngumiti sa kanya ng pangasar.

She pout bago nya hampasin ng mahina ang balikat ko.
"Ang sama mo." Tinawanan ko lang sya. "Ini-scam mo lang din siguro si Nate no?" Pangaasar ko pa kaya mas lalo syang nagpout sa harap ko. I laugh at her cuteness.

"Joke lang! Naiiyak ka na eh. Hahaha," sabi ko sa kanya saka kumapit sa braso nya.

Aalis na sana kami ng biglang mag ring ang phone nya. Kinuha nya iyon mula sa bulsa at sinagot.

"Faith? What happened?" Tanong nya sa kabilang linya.

Tumingin sakin si Laine.

"Yes, im with her. Yeah. Yeah. What? Sige pupunta na kami," pinatay nya ang tawag bago tumingin sakin. Tingin ng may pag-aalala. Bakit? Anong meron?

"Anong sabi? Laine?" naguguluhang tanong ko.

"Kailangan na nating magmadali baka makapatay pa si James," natataranta nitong sagot saka agad akong hinila patakbo.

"W-what? A-anong sinasabi mo Laine?"

Ano ba kaseng sinasabi nyang baka makapatay si James? I don't understand her.

"Basta."

Nakarating kami sa soccer field. Ang daming estudyante. Ano bang meron? Nakarinig pa ako na para bang may nag-aaway.

"Excuse me lang. Excuse us." Nagtabihan naman ang ibang studyanteng nandito kaya nakarating kami sa may gitna.

"Pare tama na. Baka mapatay mo pa iyan."

"Papatayin ko talaga ang gagong 'to. Wala kang karapatang bastusin si Rae sa harap ko. Gunggong!"

Nang marinig ang pangalan ko agad akong kinabahan. At ang boses na iyon. Kilalang kilala ko. Agad akong napatakbo nang maaninaw ko kung anong nangyayari.

Akmang susuntukin nya ulit ang lalaki ng pigilan ko sya.

"JAMES WAG!" sigaw ko saka tumakbo papalapit sa kanya.

"Please James tama na. Baka mapa principal's office ka pa." Hinawakan ko ang braso nya.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig nito dahil sa galit. Napatingin ako sa lalaking naka higa sa field, basag ang mukha, literal. Napangiwi ako dahil sa ginawa nya.

"Sa susunod na makita ko pa ang panget mong mukha, magigising ka kinabukasang mas papangit pa iyan. O baka nga di ka na magising eh," sigaw nya ulit dito tsaka tumayo at hinila ako papalayo.

Nadaanan pa namin sina Faith. Sinenyasan ko na lang siya na sila na ang bahala dun sa lalaki at kailangan naming magusap ni James. Tinanguan naman nya ako.

"James stop nga muna. Ang bilis mo maglakad eh." Hindi nya ako pinakinggan at patuloy lang sa paghila sakin sa kung saan.

"James will you stop? Sasapakin na kita pag hindi kapa tumigil jan," singhal ko sa kanya kaya napatigil naman sya at humarap sakin. Tiningnan nya ako ng masama.

Aba! Sya pa ang galit nyan?

"Oh?" He said lazily.

"Why did you do that? Hindi mo manlang ba naisip na baka mapatawag ka sa principal's office ha? Sikat ka pa mandin panu kung may maglabas sa media na nakikipag away ka sa loob ng sch----"

"Yan pa talaga ang inisip mo? Bagay lang sa kanya ang ginawa ko. Binastos ka nya sa harap ko anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang iyon?"

"Pero kahit na. Sana pina princip----"

"Magaguidance lang sya pero hindi nun maiaalis na bastos sya. Sa ginawa ko binigyan ko sya ng leksyong hindi nya malilimutan."

"Alam mo Jame-----"

"Hindi ko alam at wala akong paki alam." Nakakabwiset talaga ang lalaking ito. Hinampas ko sya sa braso dahil sa inis.

"Aray naman. Bakit na naman ba?"

"Try mo kayang patapusin muna mga sinasabi ko. Lokong 'to." I rolled my eyes. He just laugh at me.

"Kahit naman lagi kitang inaasar at lagi mo din akong inaaway hindi ko naman kayang hayaan na lang na may mambastos sayo. You're my friend at matagal na tayong magkasama. You're special to me kaya hindi ako makapapayag na ganunin ka na lang ninuman. Ako muna ang makakaharap nila." He said in a serious voice.

My world stop for a second and my heart is throbbing really fast. Bakit ganito? Bakit sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko?

He smiled at me then bigla nyang ginulo ang aking buhok.

"Don't think to much Rae. Walang mangyayari sa career ko as long as buo ang S.B." pinitik nya ng mahina ang noo ko kaya agad akong natauhan. Sht!

"Natulala ka na naman jan. Gwapong gwapo na ba ako sayo?" Tanong nya na may ngisi sa labi.

"Kapal moks ka talaga James. Asa ka naman. Hhmmp!" pagtataray ko.

Tumawa sya ng mahina at hinila na naman ako. "Hatid na kita sa next class mo. Mahirap na baka may panget na naman na bumunggo sayo. Baka makapatay na talaga ako nyan." Tumigil sya saglit.

"Bakit ba kase ang ganda mo." Sabi nya pa pero mahina na kaya diko naintindihan. Tsk!

Hay naku James baka pag nagpatuloy ka pa sa ginagawa mong ito mahulog na talaga ako sayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top