01
Being a fan is not my intention but i get to use it. And now I'm being addicted to it. I'm Miya Rae Acosta at masasabi kong hindi naman masama maging fan.
Si Faith ang nagtulak sakin para magustuhan ang Southeast Boys. Dahil bestfriend ko sya at boyfriend nya si Axell na Vocalist ng grupo nasanay na din ako. Sabi nya pa sakin their songs is really catchy at nakakapa LSS. Hindi daw ako malulugi. Natawa nga ako dahil I know naman na totoo ang sinasabi nya. I'm with her kaya since day one.
Sobrang sikat na ang S.B ngayon. College na kami pare-pareho at hanggang ngayon patuloy silang nakikilala.
"Rae asan si Faith?" tanong ni James na kararating lang.
Nandito ako ngayon sa tambayan ng S.B. Sobrang tahimik kase dito. Pag WALA si James, unfortunately nandito na sya kaya wala na ang peace na kailangan ko.
"Nasa canteen."
Maikling sagot ko saka pinagpatuloy ang pagbabasa. Naramdaman ko namang umupo sya sa tabi ko.
"Ano ba yang binabasa mo?" pagtatanong nya ulit pero hindi ko sya sinagot.
"A walk to remember? Haha... Ang baduy hah." basa naman pala nya ang title nagtatanong pa. Tsaka anong baduy. Tsk
"Anong baduy pinagsasabi mo jan? Wala ka lang talagang taste. Che! Manahimik ka nga," singhal ko sa kanya at muling nagfucos sa pagbabasa.
"Ako? Walang taste? Ayaw ko lang talaga ng nakakaiyak dahil pang bakla lang iyon. Try mo Possessive Series. Maganda yun." sabi nya na nakangisi at may pataas taas pa ng kilay sakin.
I rolled my eyes. "Pervert!"
"Wow! Maka pervert ah. Nakakahiya naman sayo. Nahuli nga kitang nanonood ng k-drama tapos may kissing scenes."
Namula naman ako sa sinabi nya. Shocks.
"Oh anu? You're blushing Rae. Hahaha... Ang cute mo. Para kang nahuli ng jowa mo na gumagawa ng milagro. Hahaha."
Mas uminit pa ang pisnge ko sa sinabi nya. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Feeling ko nahuli nya akong nanonood ng bold kahit hindi naman.
"Its normal naman to have kissing scene sa k-drama. For your info romance yun. At isa pa hindi naman sya tulad ng sinasabi mong Possessive na yan. Its just a kiss," pagdipensa ko sa sarili.
Tinawanan lang ako ng mokong.
"Normal lang din naman saming mga lalaki ang ma-"
"STOP! Wag na wag mong itutuloy ang sasabihin mo kundi makakatikim ka ng isang tadyak," pagpigil ko sa dapat nyang sasabihin.
He chuckled then smirk. "Ano ba dapat ang sasabihin ko Rae? Mukhang may naiisip ka ah? Tell me ano ba dapat ang sasabihin ko sana? Hhmm?" lumapit sya sakin kaya lumayo naman ako.
"A-ano? W-wala. Wala akong naiisip ah. P-pinatigil lang kita kase ang ingay mo. Y-yun lang yun." Shit! Bat ba ako nauutal?
May sumilay na namang mapang asar na ngiti sa labi nya saka sya lumayo sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"Eh bat nauutal ka?"
"Ang lapit mo kase."
"So may effect pala ako sayo kung ganun?" sinamaan ko naman sya ng tingin. Kapal ng mukha.
"Feeling ka. Umalis ka nga dito kita mong busy ako nanggugulo ka. Shupe! Layas," pagtataboy ko sa kanya.
"Makataboy ka ah. Iyo 'to? Property mo?" inis na sagot nya.
Wow! Sya pa may ganang mainis. Samantalang kanina pa sya nanggugulo sakin.
"Hindi ka aalis o gusto mong makatikim na ng tadyak sa mukha?" sigaw ko sa kanya.
"Tsk! Eto na nga aalis na. Amazona!" sigaw nya pabalik sakin.
Lalabas na sana sya nang saktong bumukas ang pinto at iniluwa nun si Faith na may dalang snacks at drinks. Napatigil naman si James at kinuha ang iba nitong dala at nilagay sa mini table.
"Saan ka pupunta? Aalis ka na?" tanong ni Faith kay James habang inaayos ang binili nya.
"Sa room lang. May masamang hangin kase ang nagpapa alis sakin dito." sagot ni James saka ako tiningnan sabay irap.
Bakla ba sya?
Napatingin naman sakin si Faith bago kay James ulit. Tumingin ulit sakin si Faith kaya ngumiti na lang ako na para bang sinasabi sa kanyang paalisin nya na si James, pero hindi yun nangyari.
"Nag aaway na naman kayong dalawa. Umupo ka na nga James at paparito na din yung iba."
I just sigh at what Faith said. Nagkibit-balikat naman si James saka sinunod ang utos nito.
"Bakit ba kase ang tagal mo sa cafeteria? Naiwan tuloy akong kasama ang mokong na yan," bulong ko kay Faith pagka upo nya sa tabi ko.
Faith rolled her eyes. "Alam mo Besh nakakahalata na ako ah. Bakit ba sa tuwing magkasama kayo ni James eh lagi kang inis?" tanong nya sabay inom ng apple juice.
"Paanong hindi ako maiinis eh lagi rin nya akong binubwiset. Bwiset kaya yan sa buhay ko." I said then pout.
"Sus! Baka naman. Hahaha," pang aasar nya saka ako tinawanan. Haaaiissttt!
Bumukas ang pinto.
"Hey guys!" masiglang bati ni Lalaine samin pagkapasok nila. Bumitaw sya sa braso ni Nate saka lumapit samin ni Faith.
"Gago kang Clifford ka. Nandito ka lang pala pinaghanap mo pa kami kung saan saan." singhal agad ni Nate kay James pagkalapit dito.
"Words Nate." ma autoridad na suway ni Laine sa kasintahan.
"Ooppss! Sorry Hon bigyan mo na lang ako ng punishment mamaya." makahulugang sabi ni Nate na ikinapula ng cheeks ni Laine.
Ibang punishment ata.
"Langyang hayop ka. Alam mo bang pinagod mo kami mahanap ka lang."
This time si Axell naman ang nagsalita.
"Baby? Hindi mo ba ako bibigyan ng punishment? Nagsalita din ako ng bad words oh hindi mo ba narinig?" malambing na tanong ni Axell sa busy sa pagcellphone na si Faith.
"Mamaya. Bibigyan kita ng punishment." sagot ni Faith na tuloy pa rin sa pagcellphone.
Ngumiti naman si Axell na kala mo'y nanalo sa lotto.
Ano bang meron sa punishment? Akala ko ba'y nakakatakot maparusahan? Pero bakit ang dalawang ito ay tuwa pa?
"Talaga ba baby?"
"Oo. Ipalilinis ko sayo yung tulugan ni Chuchay saka ng mga babies nya. Saka palalabhan ko na din sayo madami akong gagawin mamaya kaya sayo ko na ipagagawa yun. Humihingi ka ng punishment diba? Yan parusa mo."
"Hahahahahahaha." hagalpak sa tawanan sina James at Nate samantalang si Axell ay hindi maipinta ang mukha.
"Baby naman."
"Magtigil ka Ramirez at baka ika'y ihampas ko sa sahig."
Natawa naman ako dahil sa kasupladahan ni Besh minsan. Ganyan talaga yan pag ginugulo sa panonood.
"Hahaha.. Buti nga sayo. Gaya-gaya ka kase eh. Bleh!" pang aasar ni James saka nagtawanan ulit sila ni Nate.
"Shut up Clifford!" nainis yata si Axell kaya pasalampak na umupo sa sofa.
Mga sira ulo talaga. Tsk! Tsk! Napatingin naman ako kay James na tumatawa pa rin.
Ang gwapo nyang tumawa no? Sarap ivideo saka pabayaran ko sa may gusto. Baka yumaman pa ako dahil sa kanya. Haha
"Oh? Tingin tingin mo jan? Inlove ka na sakin noh?"
Nagulat naman ako sa nagtanong. Napatingin ako kay James na nasa tabi ko na pala. Bakit di ko namalayan na napunta yan jan?
"Bakit nandyan ka? Dun ka diba? Alis nga jan guguluhin mo na naman ako eh," pagtataboy ko sa kanya. Nagawa ko pang hampasin sya at itulak palayo.
"Aray! Kanina ka pa nananakit hah. Kung hindi ka lang kaibigan ni Faith pinarusahan na din kita." mahina lang ang pagkakasabi nya nung huli pero narinig ko pa rin.
"Anong parusa parusa pinagsasabi mo jan? Alis nga. Huwag mo ako guluhin magbabasa ako," tinulak ko ulit sya paalis pero dahil bwiset sya ayan mas lalong dumikit sakin.
"Paparusahan na talaga kita. Isa pang talak at kakatikim ka na."
Napanga-nga naman ako sa sinabi nya.
"Aba! Bakla ka ba ha? Parurusahan mo ako? Anong gagawin mo sasaktan mo'ko hah? Huh? Wala ka pala eh nananakit ka ng babae." I provoke him.
"Hoy anong parusa parusa yang sinasabi nyo dyang dalawa?" sigaw ni Faith na nasa mini kitchen na. Nagluluto ata sila ni Laine ng lunch namin.
"Eh panu kase Besh. Itong mokong na'to parurusahan na daw nya ako pag di pa ko tumigil. Pinapaalis ko lang naman sya dahil magbabasa ako." parang batang sumbong ko sa kaibigan.
Sumilip naman si Faith mula sa kusina. "Hoy James the Drummer sinasabi ko sayo ah dalawa na kayo ng jowa ko na ihahampas ko sa sahig pag nagkataon," sinamaan nya pa ito ng tingin.
"Hehehe. Suko na ko Master." Nagtaas pa ng dalawang kamay na kala mo'y susuko talaga sya sa pulis.
Ngumiti si Faith. "Good!" At bumalik na ulit sya sa ginagawa.
Nasulyapan ko pang sumimangot si Axell dahil sa sinabi ng kasintahan.
"Dito lang ako sa tabi mo. Promise hindi na talaga kita parurusahan. Takot ko lang kay Master eh." Sabi nya saka ngumiti.
fck that damn smile.
Tinaasan ko naman sya ng kilay. Saka pinagpatuloy ang naudlot kong pagbabasa.
"Sabi ko kase sayo yung Possessive ang basahin mo. May libro yung sister ko pahiramin kita tapos sabay tayong magbabasa." Rinig kong sabi nya. Kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Titigil ka o ako ang magpaparusa sayo?" masungit na sabi ko.
He just smirk saka nilapit ang mukha sakin. Sa sobrang lapit eh naduduling na'ko. "Sige! Parusahan mo'ko at tatanggapin ko ng buong puso." he said with a bedroom voice.
Dug..dug..dug..dug..
Sht! Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Nagkatitigan kami saglit.
Ang ganda ng mga mata nya. Pag tinitigan mo ay mahihipnotismo ka. Ang haba din ng pilik-mata nya tinalo pa ako. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. At ang labi.... shocks! Ang pula. Yummy!
Ngumiti sya sakin na ikinabalik ko sa ulirat. Shocks sinabi ko ba talagang yummy? Ewww.
"Lumayo ka nga." Tinulak ko ang mukha nya gamit ang palad ko palayo sakin.
Tumawa sya ng mahina. "Sorry! Hindi na kita guguluhin. Basta ang alam ko lang ang ganda mo pag namumula." May sumilay na munting ngiti sa labi nya saka sumandal sa sofa.
Hindi agad ako nakapagreact dahil hindi pa din humuhupa ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Mas bumilis pa nga nang sinabi nyang maganda ako.
Lanya ka talaga Jameson Clifford. Grrrr!
Hindi ko sya pinansin hanggang sa pumasok na ulit kami sa kanya kanya naming klase. Kasabay kong maglakad si Besh at Laine. Kaya naisipan kong itanung yung about sa punishment.
"Sabihin nyo nga sakin anong meron sa punishment? Bakit tuwang tuwa ang tatlong ugok na mabigyan ng punishment?"
"Ay teh saang world ka ba naglalagi?"
"Sa earth?"
Paakk!
"Aray naman Besh." Batukan daw ba ako. Nagtanong sya sumagot lang naman ako ah.
Natawa naman si Laine. "Punishment Kiss kase yun Miya." sagot nito.
"Oo, punishment kiss kaya ang magaling kong boyfriend sabik. Ang lalaking iyon talaga." asar na bulalas ni Besh saka naunang maglakad.
Kaya pala nung sinabihan ko si James na ako na lang magpaparusa sa kanya ngumiti pa. I felt my cheeks getting red now by that thought. Me? Kiss HIM? Oh my goodness. Napasapo ako sa noo.
"Wait! Sabi mo tatlong ugok? What do you mean?" pagtatanong ni Laine. Sht eto na nga bang sinasabi ko eh. Napatigil din si Besh sa paglalakad at humarap sakin.
Lagot!
"Bakit namumula ka? Miya don't tell me.... James kissed you?" Nanlaki ang mata ko.
"MIYA RAE ACOSTA!" sigaw ni Besh habang papalapit.
"No! Hindi ganun. Ano kase. Ako ang nagsabi sa kanya na parurusahan ko sya. Pero hindi ko naman alam na ganun pala ang ibig sabihin nun ngayon lang."
"WHAT?"
Sabi ko nga patay ako. Sht bakit ba hindi muna ako nagiisip bago patulan ang mokong na yun. Argh! Naisahan na naman ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top