Fall in Line

Mariin akong napapikit nang marinig ko ang napakaingay kong ringtone. Expected ko na nga pala ‘to pero nakalimutan ko pa ring i-silent mode ang phone ko at naka-max pa talaga ang volume. Argh!!

“Ano?!”

“ANO'NG ANO?!”

Napabangon ako bigla at kinuha ang damit kong ginayak ko na kagabi pa. “Naliligo na ako, bye muah, see you!” At agad kong binaba ang tawag.

Pagpasok ko ng cr ay lumabas din agad ako para ibalik sa kama ang phone ko at i-charge saglit saka ako uminom ng tubig. Tuluyan na akong pumasok sa cr at nagsimula na sa gagawin. Tili ako nang tili dahil sa lamig ng tubig. Gustuhin ko man mag-init ng tubig pero mas magandang magising sa lamig with matching ngatog at ginaw.

Nagbibihis na ako nang marinig ko na naman ang pag-ring ng maingay kong cellphone kaya mas nagmadali pa ako lalo.

Paglabas ko ay inayos ko na ang gamit kong hinanda. Sakto rin namang narinig ko ang busina ng motor sa labas kaya agad kong hinila ang cellphone ko pati na rin ang jacket na susuotin ko.

“Akala ko paghihintayin mo pa ako nang matagal.”

Nginitian ko naman siya nang napakalambing kong ngiti. “Mabait ako, hindi ako nale-late.” Nag-kiss sound pa ako sa kaniya bago sumakay sa likod niya.

“Kung hindi pa ako tumawag, talagang male-late ka.”

Patago akong umirap sa kaniya. “Ikaw lang naman ang gustong magparehistro, dinadamay mo pa ako.”

“Be a concern citizen, Emilia Carolina. Your vote matters right now kaya dapat lang na magparehistro.”

“Sus, pare-pareho naman sila.”

“Ewan ko sa’yo, Easy. Kung wala ako, wala kang gagawin sa buhay mo.”

Napangiti ako at yumakap mula sa likod niya. “Meron,” malambing kong sabi. “Matulog habang buhay.” Maingat niya akong tinulak dahil umaandar na ang motor niya kaya natawa ako at umayos na lang ng puwesto.

“Woah, ang daming tao na, 4am pa lang,” hindi makapaniwala kong comment nang mag-park na si Heidi.

“At kapag talaga hindi tayo naabutan ng bilang, anim na taon mo akong ililibre.”

Nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa kaniya. “Wow, mayaman ako?”

Ngumisi siya. “Anim na taon nakaupo ang mga nasa itaas kaya kapag hindi ako nakaabot sa bilang, anim na taon kang maghihirap.”

Napailing na lang ako at agad siyang hinila papunta sa pila. Natawa naman siya dahil lakad takbo ang ginawa ko at ganon din siya dahil sa paghila ko.

8am pa magbubukas ang precinct pero ang pila para sa comelec, mahaba na. Ayos. Sa bilang nakasalalay ang magiging bulsa ko sa anim na taon. At kapag hindi kami umabot, maghahanap na ako ng tataguan sa babaeng ‘to.

Kumain kami ng biscuit na baon ni Heidi habang nakaupo sa lapag. Mahaba ang pila at kung titignan namin ang mga nauna, mga nakahiga sila at may kumot pa. May overnight palang naganap dito.

6am nang pinaayos kami ng pila. Nalapit kami sa precinct dahil nagtayuan ang mga nakahiga kanina. Lumabas na rin ng kalsada ang pila sa likod namin at tingin ko lagpas na lagpas na iyon sa bilang. Napailing na lang ako.

“Kung ako sa kanila, uuwi na lang ako dahil berdeng buwan na ang hinihintay nila.”

Natawa naman ako sa suggestion na bulong ni Heidi sa akin. “Uwi na tayo?”

Tinignan naman niya ako at nginitian. “Six years no expenses? Sure, tara.”

Ang ngiti ko ay naging ngiwi at pinigilan siyang tumayo sa pagkaka-indian sit. “Walang uuwi.” Umiling pa ako. Siya naman ang natawa ngayon kaya tinakpan ko ang bibig niya gamit ang pagkaing bitbit niya. Tumango-tango lang siya habang ngumunguya.

Mga 7:30am nagbibigayan na ng form kaya busy kami sa pagsagot, halos ang lahat.

Nabigyan tayo ng form, siguro naman aabot tayo?” bulong ko kay Heidi nang nagsusulat ako sa likod niya dahil nauna siyang pumatong sa likod ko.

“Number, Easy. Need natin ng number.”

Patago akong nanggigil kay Heidi bago nagbuntong hininga. Kung puwede lang sumingit sa harap ginawa ko na. Huhu. Six years finances? Noooo! Horror ‘yon.

Lagpas 8am nang magpamigay sila ng number. Kaya sobrang dami ng daga sa dibdib ko sa sobrang kaba dahil may naririnig kaming nagsisingitan sa harap kahit bagong dating lang.

“Pakiayos po ang pila! Fall in line tayo! Fall in line!” Tumayo agad kami ni Heidi at kulang na lang ay mag-arms forward kami para umayos ang pila namin. Ngiting-ngiti akong yumakap kay Heidi nang mabigyan kami ng numero.

“No more six years deal, Heidi,” bulong ko sa kaniya at humagikgik ako. Pang 202 siya habang 203 naman ako kaya hindi kami umabot sa cut off. “Saan tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya dahil puwede raw kaming bumalik na lang dahil nasa second batch pa kami.

“Huwag na tayo umalis, may baon akong pagkain, hindi tayo magugutom.”

Nawala naman ang excitement ko. “Dito lang tayo hanggang abutin ang number natin?” hindi makapaniwala kong sabi. “Huwag kang martyr, sis! Parang awa, hindi ko kaya!” Umarte pa akong nag-tantrums pero bumalik siya sa pagkakaupo.

“Maupo ka kung hindi mo kaya. Huwag tayong engot.”

“Nakakamanhid kaya sa paa!”

“Edi magpalit ka puwesto, basic,” asik pa niya. “Utak, Easy, utak. Pagamit.”

“Nawawala po, Heidi, Nawawala ‘yung utak ko, pakihanap.” Umirap lang siya at naglabas na naman ng panibagong mamon. Palibhasa nabubusog siya sa ganito. Paano naman ako? Hindi puwedeng hindi ako nakakakain ng kanin. Huhu.

“Hello po, excuse me.”

Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita namin ‘yung grupo na nasa umahan namin na umabot sa cut off ng first batch. Pero ang alam ko may isa sa kanila ang nasibak. 200 persons lang kasi sa first batch. Halos nagmamakaawa na sila sa nagbibigay ng number kanina pero ang rules ay rules lalo na at tagapresinto sila. Dapat lang. Kahit kami naman ni Heidi nanghinayang.

“Aalis po ba kayo ng pila?” magalang na tanong ng maliit sa kanila. Tumingin ako kay Heidi at nakitang umiling siya. Nagbulungan naman sila at nagturuan pa.

“Papabantay kayo puwesto?” tanong pa ni Heidi sa kanila. Pinigilan ko na lang ang pag-make face ko dahil alam ko na ang kasunod.

“Sana,” sagot pa nung bumati sa amin. “Mag-uumagahan lang po kami, hindi pa kasi kami kumakain, matagal pa naman kami kaya makikisuyo sana.”

Yumuko na lang ako sa likod ni Heidi. “Sige lang, kain na kayo, kami bahala sa puwesto niyo,” sagot ni Heidi sa kanila.

“Sabi ko ako na lang, hindi naman ako first batch,” rinig ko pang angal ng lalaki nilang kasama. 5 silang babae at may tatlong lalaking kasama. Magtrotropa ata. Sana all.

“At sino naman ang kasama mong kumain mamaya ah?” rinig kong tanong ng isa pa.

“Bakit ka naman pumayag?” mahinang tanong ko sa kaniya. “Chance na natin ‘yon eh.”

“Maayos na nakiusap, Easy,” bulong niya sa akin. Narinig ko pang nagpaalam na sila kaya naramdaman ko ang pagtango ni Heidi na dahilan ng pagsimangot ko. “Pinila nila ‘to mas matagal sa pila natin tapos aagawan mo?” may halong pananaway pa niya sa akin kaya mas lalo akong yumuko kaya natutulak ko siya.

“Ano…,” may narinig na naman akong nagsalita. Boses ata ‘to nung hindi nasama sa cut off. “Salamat sa pagpayag na pagbantay sa puwesto,” ramdam ko pa ang hiya sa tono niya kaya inaarte ko rin ang pagsasalita niya habang nakayuko ako dahilan kung bakit ako sinisiko-siko ni Heidi. “Baka may gusto kayong ipabili?”

Inangat ko ang ulo ko na sakto ang bibig ko sa tainga ni Heidi at bumulong. “Gusto ko a la king.” Agad naman akong dumaing sa pagsiko sa akin. “Aray ah!”

“Demanding mo,” saad pa niya kaya nag-pout ako.

“Ayun lang ba?”

“Huwag na, marami naman kaming baon,” tanggi pa ni Heidi at umiling-iling.

Agad ko namang kinuha ang wallet ko at kinuha ang 100 ko. “A la king, ‘yung with fries and coffee float ang drinks,” mabilis kong sabi sabay abot ng pera. “Thanks in advance, ingat.” Nginitian ko pa siya at halatang nagulat siya sa akin kahit man si Heidi. Sasawayin pa sana ako ni Heidi pero tinawag na ‘yung lalaki ng mga kaibigan niya kaya nagpaalam na siya.

“Nakakahiya ka talaga!”

Sumimangot naman ako. “Kinakahiya mo na ako?”

“Oo! Sobra!”

“Ayaw mo naman kasing umalis tayo!” Nagbuntong hininga na lang siya at napailing. “Nagmabuting loob lang ‘yung tao, grab ko na!”

“Kung makapag-grab ka, halos utos na ‘yung pagkaka-deliver mo ng order mo,” paninita niya sa akin. “Akala mo kaharap mo na counter ng McDonald’s.”

“May pasunod naman akong pasasalamat ah,” pagma-make sense ko, “saka pinag-ingat ko pa siya.

Nakukunsumisyon siyang napabuntong hininga kaya napangiwi na lang ako. “Kala mo 30s kung mag-utos.”

“30s lang ba puwedeng mag-utos?”

“Ilugar mo kasi ‘yang pananalita mo sa edad mo, wala ka pa ngang 18—nako ka!”

“Opo, Nanay Heidi.” Mas nakunsumisyon naman ang pag-react niya sa pamimilosopo ko. Lihim akong natawa.

Halos 30 minutes na, gutom na gutom na ako. Gusto ko man magreklamo pero mapapagalitan na naman ako ng nanay na kasama ko. Inayos na rin ulit ang pila at nakasilong na ang mga nauna sa tent. May mga nagtatanong din about sa space na nakalaan sa grupo na umalis pero si Heidi ang sumagot na may tinatao kami sa puwesto na ‘yon.

Gumagala ang paningin ko kakahintay nang maaninag ko ang pamilyar na damit na small stripes at napangiti ako nang masiguro kong iyon ‘yung pinagsuyuan ko—na sa term ni Heidi ay inutusan ko—dahil sa McDonald’s plastic na bitbit niya. Nagkunot noo naman ako nang wala siyang kasama at patakbo ang bilis niya.

Inabot niya sa akin ang pagkain ko pati ang sukli kaya nagpasalamat ako. Hawak-hawak niya ang tagiliran niya at medyo naghahabol din ng hininga. Umayos ako ng upo at nagsimula na kumain.

“Nasaan na ang mga kasama mo?” may pagtataka sa tono na tanong ni Heidi. Napatingin naman ako sa lalaki nang sumubo ako.

“Ahh—ano… pasunod na rin,” hinihingal pa niyang sagot kaya kumain ulit ako. “Bagal nila maglakad.”

“Mukha ngang ang bilis ng lakad mo,” sarcastic pang sagot ni Heidi at nakita kong napatingin pa sa akin bago napailing.

Ilang minuto pa bago dumating ang mga kaibigan niya at nagpasalamat kay Heidi bago ko narinig na pinapagalitan nung mga babae ‘yung lalaking nauna dahil sa pagtakbo at hindi raw pagkain nang maayos. Napapataas ang tingin ko sa kanila habang umiinom ng coffee float ko at nahuli ko ang isa sa kanilang babae na mga kasing tangkad ko ata na may sinasabi sa maliit habang nakatingin sa akin. Umiwas siya ng tingin nang nahuli ko siya at ‘yung maliit naman ang napatingin kaya pinapak ko na lang ang fillet ko dahil ubos na ang kanin at binigyan ko rin si Heidi.

“Tignan mo na, mukhang naging obligado pa ‘yung tao sa pag-utos mo,” mahina niyang sabi nang malulon ang pagkain.

Nag-pout naman ako. “Siya kaya nag-alok.”

“Si tanggap ka naman.”

“Bakit hindi?”

Nagpaalam ako kay Heidi nang maubos ko ang coffee float ko para itapon at mag-cr. Pagbalik ko, kausap ni Heidi ang grupo sa harap kaya tahimik akong nag-cellphone.

Almost 12nn na nang makapasok ang huling grupo. Dahil nasunod ang bilang, hininto talaga sa lalaki ang pagpasok kaya naupo na lang ulit kami sa sahig. Buti may tent na rito dahil kanina pa kami nakatayo ni Heidi dahil mainit ang sahig dahil sa araw. Tinanggal ko na rin sng jacket ko at iyon ang inuupuan ko ngayon.

“Umuwi muna kayo, mamaya pa ‘yan. Hindi naman saktong ala-una magpapapasok sa loob,” suggest nung isang traffic enforcer sa amin.

“Hindi na po, malayo pa po uuwian,” mabait na sagot ni Heidi sa kaniya.

Tipid lang akong ngumiti at bumulong sa kaniya. “Hindi ka talaga nagugutom?” naiirita kong tanong. “Ako gutom na ako, Di!” umarte pa akong umiiyak.

“Sige—” Agad na lumawak ang ngiti ko. “—dito ka lang, ako na bibili.” Magrereklamo na sana ako nang umiling siya. “Ayokong mawalan tayo ng puwesto, Easy!” Tinuro naman ng mata ko ang lalaking nakatayo sa harap namin. Umiling naman siya. “Matagal kapag kasama ka. Ano ba papabili mo?”

Sinabi ko na lang din ang gusto ko kaysa magtagal pa siya dahil magtatagal din ang pagkain. Nakita kong tinawag pa niya ‘yung lalaki sa harap kaya napaharap siya sa amin.

“Baka may ipapabili ka? Matagal pa ‘yan, magugutom ka,” tanong ng concern citizen kong kaibigan.

Halatang nagulat naman ang lalaki sa alok ni Heidi at umiling. “Busog pa ako, salamat—”

“Para namang hindi ko kayo nakita ulit na kumain pagkatapos nung kaninang umaga,” bigla kong sabi. “Paanong busog ka pa?” tanong ko pa. Agad akong tinignan nang may pananaway Heidi. “Mabagal ba metabolism mo?”

Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko. “Burger na lang,” sagot niya kay Heidi at nag-abot ng pera.

Sinamaan pa ako ng tingin ni Heidi bago tanggapin ang pera. “Pasensya ka na riyan. Hinahanap ko pa utak, nawawala,” sabi niya pa at pumunta sa motor niyang naka-park.

“Pagkatapos ng mga kaibigan mo, kakain sila kaya maiiwan ka pa rin unless okay lang mawalan ka ng puwesto,” dagdag ko pa. Tumango-tango naman siya. “Bakit naman kasi hindi pa pinagbigyan, kakaiba talaga ang sistema,” napapailing ko pang sabi habang nakatitig sa mga enforcer na-nag-ayos ng pila kanina.

“Tama lang na hindi pagbigyan,” sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.

“Puwede ka umupo,” sarcastic kong aya sa kaniya dahil nangangalay ang leeg ko sa pagtingala.

Sumunod naman siya. “Kapag pinagbigyan ako, maraming magrereklamo at gagaya.” Nag-make face na lang ako dahil kung nandito si Heidi, ako ang ituturo niyang manggagaya.

“Bulok naman sistema,” mahina ko pang daing.

“Wala kasing disiplina ang tao,” sagot pa niya. “Kung may disiplina, aayos ang sistema.”

“Tumakbo ka na lang. Pagani-ganiyan ka pa.”

Narinig ko ang pagtawa niya kaya tuluyan akong napairap. “Easy ka lang,” natatawa niyang saway kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Easy ako, hindi Easy lang.” Nagkunot noo naman siya kaya umiwas na lang ako ng tingin. “Sino president mo?” tanong ko na lang. Ayoko man siyang kausapin pero wala si Heidi. Pa-lowbat na rin phone ko kaya hindi ko magamit.

“Rather not to say.”

Tumaas naman ang kilay ko. “Wow, sis, english yern?”

“Wow sis.” Natawa pa siya. “May mga narrow-minded kasi na tao na hindi tanggap ang opinion ng iba kaya mas gusto ko na lang isarili ang choice ko.”

“So mukha pala akong narrow-minded,” agad kong sabi.

Nakita ko ang paglaki ng mata niya. Dali-dali siyang umiling. “Hindi… ano—hindi ‘yon ang ibig kong sabihin,” agad niyang bawi kaya natawa ako.

“Joke, masyado kang seryoso.”

“Mukha ka kasing masungit.”

Napataas naman ang kilay ko sa narinig ko. “Wow ah! Hindi ako masungit!” react ko pa. “Bawiin mo ‘yan, hindi ako masungit!”

Napanguso naman siya at parang nagpipigil pa ng ngiti. “Mukha lang kako.”

“Kahit na!” Napailing pa ako. “Na-offend ako ah!” Bumuga pa ako ng hangin para ipakita na offended talaga ako.

“Hinaan mo naman boses mo,” mahinang saway niya sa akin. “Baka akalain ng mga pulis dito inaaway kita, nasa presinto pa naman tayo at 18 na ako.”

Natawa naman ako. “Takot ka makulong? Pangarap ko kaya ‘yan.”

Siya naman ang natawa ngayon. “Hindi ka nga masungit. Baliw ka.”

Mas nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Ano?!” Natatawa pa rin siya. “Ma-attitude lang po ako at sabi ni Heidi, demanding, pero hindi ako masungit! Mabait ako! Sobra!” Mas natawa siya at tumango-tango. Para bang pinagbibigyan niya lang ako sa mga sinasabi ko. “Mabait nga ako, promise!”

“Oo, sige-sige.” Tumango-tango pa siya ulit. “First impression lang naman sa’yo dahil kanina.”

Nagkunot noo naman ako. “Ikaw nga akala ko shy type boy ka, mapang-asar ka palang animal ka.” Natawa na naman siya. “Tawa ka nang tawa, mukha ba akong clown?” Umiling naman siya pero hindi siya sumagot at may tumatakas pa rin na tawa sa kaniya. “Ikaw ‘tong mukhang baliw, tawa nang tawa. Parang tanga.”

“Kanina kasi napansin ko lang na parang ayaw mong pumayag sa pagbantay tapos ‘yung pag-utos mo pa—”

“Hindi kita inutusan,” agad kong saad. “Ikaw nag-alok, nag-take advantage lang ako.”

Tumango-tango naman siya. “Totoo naman, iba lang ‘yung way mo.”

“At sino’ng hindi magta-take advantage sa puwesto na puwedeng magpaaga sa pag-uwi namin?”

Natawa siya. “May point.”

“Kaya ka siguro nagmamadaling ibigay ‘yung order ko, nasusungitan sa akin.” Natigilan naman siya. “Pinapagalitan ka pa nila dahil hindi ka maayos kumain at nangunguna ka pa sa kanila. Ang sabi mo mabagal sila, pero ikaw ‘tong lakad takbong bumalik. Hindi na ako magtataka magkaka-appendicitis ka.” Hindi siya makapagsalita kaya napailing ako. “Mukhang usapan pa ako nung mga kaibigan mo dahil sa kinakain ko kanina.”

“Sino?”

“At malay ko ron, sama pa ng tingin nung maliit sa akin.” Tumango-tango naman siya. “Hindi pa ako kilalang tao pero may bashers na ako.” Napangisi pa ako.

“Pagpasensyahan mo na,”

Ngumiti naman ako at tumango-tango. “Hindi naman ako nag-iipon ng grudge kaya okay lang. Malaki naman ang municipality natin para makita ko ulit kayo. Masyado akong mabait para magpaapekto sa sama ng tingin niya.”

Natawa siya. “Dapat ko na rin bang kalimutan ang pagsusungit mo kanina?”

“Hindi nga ako masungit!” atungal ko. “Ewan ko sa’yo!” Natawa pa siya. “Tagal ni Heidi,” pagrereklamo ko. Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman na ang pagmamanhid kaya tahimik ko ‘yong iniinda at dahan-dahan nag-iba ng puwesto. “Aray,” mahina kong daing.

“Manhid?”

Tumango ako nang hindi tumitingin pabalik sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan niya ang binti ko kaya napaiwas ako.

“Namamanhid nga diba?!” naiinis kong saway sa kaniya kaya siya natawa at mas lalo akong inasar sa paghawak sa binti ko. “Masakit, isusumbong kita sa pulis!”

“Mukhang magiging pangarap ko na ang pagkakakulong.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Tigilan mo!” Pero imbis na tinigilan niya ako, hinawakan niya pa ng dalawang kamay ang binti ko at piniga-piga. Tawa siya nang tawa habang sinasaway ko siya. Tumigil lang siya nang sinaway na kami sa ingay at harot namin. Lihim naman akong napairap. “Ikaw kasi!” asik ko sa kaniya at sinubukang tumayo.

Tumayo siya at nag-alok ng tulong kaya naman sinubukan kong buhatin ang sarili ko patayo pero nahihirapan ako kaya tinanggap ko na lang din. Natawa pa siya kaya binitawan ko agad ang kamay niya at nagpagpag.

“Bakit kayo tumayo?”

Napatingin naman ako sa bagong dating kaya napangiti ako at kinuha ang pinabili ko. “Namamanhid na paa ko sa tagal mo.”

“Uupo ka rin dahil kakain ka, engot.” Umalis naman ‘yung lalaki kaya hindi ko na lang din pinansin si Heidi at kumain kahit nahihirapan. “Mabilis na ako kung titignan, buti walang pila masyado.”

“Nanghiram ako monoblock, dito ka kumain.” Napatingin naman ako sa kaniya at sa monoblock na nilagay niya sa puwesto ko. Napatingin pa si Heidi sa akin nang may malisya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay bago mag-thank you sa lalaki. Nag-iwan ako ng space para makaupo rin si Heidi dahil nag-rice meal din siya samantalang nakatayong kinakain nung lalaki ang burger niya.

“Ano? Close na kayo?” mahinang tanong sa akin ng katabi ko.

“Wala lang ako makausap.”

“Sus, sis, kilala kita.”

Tumango naman ako. “Oo, ako si Easy.”

Inirapan naman niya ako. “Engot.”

“Ka,” pamimilosopo ko pa. “Huwag ka ngang maingay, kumakain ako.”

“Alam ko.”

“Manahimik ka na.”

Halos 1pm na lumabas ang mga kaibigan ng nasa harap namin at tulad ng theory ko, nagpaalam sila rito na kakain sila at babalikan siya after kaya lihim akong napailing. Napatingin pa sa akin ‘yung lalaki kaya ngumisi ako.

“Told you.”

1:30pm na nagpapasok kaya naman nauna kami. Dahil naiinis na ako sa mga boses nung nasa mga likod na pila dahil ang ingay nila. Ingay ng pagrereklamo dahil naging first come first serve ulit imbes na numbering. Buti na lang nasa unahan talaga ang number namin. Hindi pa kami umalis ng pila kaya walang karekla-reklamo.

Nakapila pa rin kaming pumasok sa comelec area at nasa counter agad kami dahil binigay lang ang requirements. Nasa gilid kami nakaupo at pinaggigitnaan ako ng lalaki at ni Heidi. Tawagin pa kami para sa mga susunod na process kaya nag-intay na kami. Tinawag na ‘yung lalaki tapos si Heidi kaya naiwan na ako mag-isa sa upuan kapalit nung mga bagong naupo. May picture pa kasi at fingerprints process, may hinihingi ring pirma habang pinapanood ko ang ginagawa nung lalaki.

Malaki ang ngiti niya pero hindi labas ang ngipin. Halos hindi na makita ang mata niya pero hindi naman siya singkit. May maliit na dimple na lumilitaw sa kaliwang pisngi niya kapag tumatawa siya o nagsasalita. Hinliliit ng kamay ko ang haba ng buhok niya at halos natatakpan ang noo niya dahil dito. Makakapal ang kilay. Maganda ang pagkakatayog ng ilong niya. Matangkad siya, mas matangkad sa amin ni Heidi. White and black small stripes ang pang-itaas niya habang torso naman ang pang-ibaba at naka-sandals siyang panlalaki.

Natigil ako nang marinig ko ang pangalan ko na tinatawag sa pinag-puwestuhan ni Heidi na tapos na ngayon.

“Sa hagdan kita hintayin, mabilis diyan kaya huwag kang makupad,” reminder niya sa akin kaya naman umayos agad ako at mabilis na kumilos.

Tulad ng sabi ni Heidi, mabilis nga ang proseso at masungit din. Feeling ko nga hindi pa ako nakakangiti, tapos na ang pag-picture. Isang slip lang ang binalik sa akin kaya naman lumabas na ako sa kumpulan ng mga tao at nakita si Heidi sa hagdan. Dumiretso na siya sa pagbaba at lumabas na kami.

“Natapos din!” Nag-unat pa ako habang naglalakad kami papunta sa motor ni Heidi nang may makita akong pamilyar na nagce-cellphone sa gilid ng motor ni Heidi.

“Dek!” pagtawag ni Heidi sa lalaki. Napatingin naman siya sa amin at ngumiti kaya lumabas ang maliit na butas sa pisngi niya. “Nasa’n mga kaibigan mo?”

“Hinahantay ko sagot nila kung nasaan sila, pero baka pabalik na ‘yon,” inform niya kaya tumango-tango si Heidi at napatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinago ko na lang ang slip ko sa shoulder bag bago sinuot ang pinagpag kong jacket at kinuha ang helmet na baon ni Heidi sa akin.

“Sige, mauuna na kami.”

Tumango naman siya. “Salamat ulit kanina, Heidi.”

“Salamat din mula kay Easy.”

“Nag-thank you naman ako kanina ah!” agad na hasik ko kay Heidi. Natawa naman ang isa pa naming kasama.

“Inulit ko lang,” sabi niya at sumakay na kaya gumilid ako sa puwesto ng lalaki.

“Nice to meet you, Benedict,” mahinang sabi ko habang pinapanood si Heidi magsuot ng helmet. Napatingin pa ako saglit sa kaniya. Halatang nagulat naman siya akin. “Patawad kung nasusungitan ka sa akin.”

“Wala ‘yon,” agad niyang sabi. Umatras na si Heidi kaya umusod pa lalo ako sa tabi niya. “Salamat sa pagdaldal sa akin kanina kahit mukhang napipilitan ka.”

Napatingin naman ako sa kaniya. “Hindi ako napipilitan ah!” Natawa siya. “Ayos ka ah.”

“Salamat pa rin.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Tara na!” tawag ni Heidi sa akin. Inangat niya pa ang kamay niya para magpaalam sa katabi ko. Nagpaalam din naman na ako sa kaniya bago sinuot ang helmet.

“Nice to meet you too, Emily,” habol niya pa kaya napatingin ako sa kaniya bago siya nginitian at sumakay kay Heidi.

“Nako, Easy,” naiiling na sabi ni Heidi nang makarating kami sa amin.

“Ano na naman?”

“Sabi ni kuyang nagbigay ng number, fall in line diba? Bakit ang ginawa mo fall in love?”

Nanlaki naman ang mata ko sa kaniya. “Ano’ng fall in love na pinagsasabi mo?!” hindi makapaniwala kong tanong.

“Bakit defensive ka?”

“Hindi ako defensive! Biktima ako, accusations ‘to!”

Natawa naman siya at umiling. “Nako! Hindi mo ako malilinlang, Easy. Kilala kita. Hindi lang sa pangalan.”

“Gutom ka lang, Heidi.”

Napailing siya. “Hindi kita tinatawag na Easy for nothing, Emilia Carolina.” Napairap naman ako. “Easy ka dahil easy ka. Napakadali mong mahulog. Ang easy mong ma-fall. Nako ka, Easy!” pinagdidinan niya pa ang mga easy na word na binitawan niya. “Fall in line, sis, fall in line,” pag-uulit niya pa. “Bakit ka nahulog sa taong nakapila?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top