[7] The Game

No trusts, no relationships







Marcus's Point of View



Bigla-bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin. Kanina lang ang sungit at ang taray niya tapos ngayon ang friendly na niya sa amin. Tsk. Masama ang kutob ko sa kanya.



"I'm just bored." Tamad na usal ni Preona.



Takhang bumaling ako sa kanya without uttering a word.



"What? Oh c'mon! I know you're wondering why I became friendly."Pagpapatuloy niya. Oh, you are absolutely right lady!



"Wow! So, kung hindi ka pa na bored ngayon ay wala kang balak na makipagkaibigan at makipagkilala sa amin?"Nang-uuyam kong tanong sa kanya.



Ngumiti pa siya bago sumagot dala siguro ng nainom niyang alak.



"Maybe. Maybe not. I don't know, ok? And besides, nakakatamad ang mag stay rito nang mag isa." Tugon ni Preona.

Lumapit siya sa isang bakanteng billiard table at sinenyasan ang isang lalaking parang bouncer dahil sa laki ng katawan nito na ayusin ang mga maliliit na bola pa tatsulok gamit ang parang tripod.



Akala ko pa naman kanina ay kung ano na ang gusto niyang laruin. Nagkamali pala ako.



"Ok..So here's the deal. Anong mga pusta natin before we play?"Tanong niya bago humarap sa amin ni Dyks.



What the? Bakit parang hindi ko gusto ang kahinanatnan nito?
Bakit parang masama ang kutob ko dito?



"How much?"Walang pag- aalangang tanong ni Dyks.



"Well, hindi pera ang kailangan ko. Marami ako no'n. Kayo? Ano'ng gusto niyong ipusta ko."Nakangiti niyang tanong bago kami nilingon.



Lumingon naman sa akin si Dyks. And he give me that what-do-you-want-in-return look.



I just shrugged my shoulders.



"I need a date for our coming Acquaintance Party. And you'll be my date if you lose."Naka smirk na saad ni Dyks.



"What about you?"Baling sa akin ni Preona.



Hindi ako sumagot. I just shrugged my shoulders to her with a look in my face saying, i-don't-need-anything.



Nginitian niya lang ako bilang tugon.



"Shall we start. Don't worry hanggang tatlong game lang naman 'to. Kung sino ang unang manalo sa tatlong game, automatically, siya ang panalo. Toss coin?"Pahayag niya. Saka naglabas ng isang coin mula sa bulsa ng short nya.



"No need. You first. Ladies first. Ano naman ang ipupusta mo?"Tanong ni Dyks saka inabot ang isang tacco stick na malapit sa kanya.



"Secret. Sasabihin ko nalang pag kailangan ko na. For now, let's just play and enjoy. Sure ka ba na ako muna? Baka pagsisihan mo ito, Star?"Tugon naman ni Preona at kumuha na rin ng tacco stick.



We decided na sa amin ang lahat ng stripe at sa kanya naman yung solid ang mga kulay.








Preona's Point of View



Ako ang unang tumira. Playing billiard is my favorite sport and my past time most of the time.



Tinanggal ko muna 'yong parang tripod saka malakas na inasinta 'yong mga balls na may kabigatan.



Dalawa kaagad ang pasok. Isa-isa kong tinira lahat ng targets ko.



Naipasok ko lahat. So, sa unang game ay ako ang panalo.



Nag-order ako ng tatlong shot ng tequila. Saka mabilisang linagok iyon at hindi alintana ang lasa at hapdi na nararamdaman ko sa aking lalamunan habang bumababa patungo sa aking stomach ang alak.



"Wow! Your one of a hella girl." Nakamaang wika ni Marcus' na hindi maiwasang humanga.



Samantalang si Dyks ay tahimik lang sa isang sulok at mukhang hindi makapaniwala sa nakikita.



Second game na. Si Marcus' na ang nag volunteer na mag-aayos ng mga bola.



Nag-umpisa na ulit akong tumira. Sunod sunod ko ulit tinira isa-isa hanggang sa maipasok ko lahat.



Hindi ko napansin na nakaagaw na pala kami ng atensyon ng iba. 'Yong iba ay hindi maiwasang pumalakpak, may sumisipol at pumupuri sa akin ng harapan.



"Weetweew!"Sumipol 'yong isa na nasa tapat ng billiard table namin.



"Your hot baby."



"Please be mine tonight honey."



Napailing nalang ako sa kanila.
W

ala akong panahon sa kanila. Sorry boys.



Saka ipinagpatuloy ang paglalaro.








Cyd's Point of View



Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. Naramdaman ko nalang na bigla nalang akong nairita dahil sa mga lalaking naagaw ng pansin ni Preona.



Gusto ko siyang hilain at itago sa likod. Pero hindi pwede.



Natapos na ang second game na ipinanalo na naman niya. Sana pala hindi ko nalang siya pinauna. Eh di' sana nagkaro'n pa ako ng chance na magpakitanggilas.



Tsk. Di ko in-expect na magaling siya, sobrang galing niya na pati si Marcus' ay napapanganga at puno ng paghanga ang mga mata sa tuwing naipapasok niya ang mga bola ng walang kahirap hirap.



Naghihiyawan na ang mga boys dahil sa tirang nakakamangha ni Preona. Imbes na pumalya siya dahil sa madami na itong nainom na alak ay mas lalu pa tuloy itong nakamamangha.


Sunod sunod parin ang pagpasok ng mga targets niya sa mga butas na lumikha ng malakas na tunog dahil sa malakas na impact nang pagsasalpukan ng mga bola.
Talo na talaga kami.








Marcus's Point of View



I just couldn't believe it! Sa tatlong game na 'yon hindi manlang kami nakatira ni Dyks.



Tsk. Tsk. Tsk.
Eto kasing si Dyks, may nalalaman pang ladies first. Ayun, talo tuloy kami.



Well, she's really good and unbelievable, academic skills nalang ang kulang at maniniwala na akong she's perfect and all.



"So, Star, give me your number and I'll call you when I needed to. For now, I gotta go. Bye."Nakangiteng sabi ni Preona after the game.



Nagkibit lang ako ng mga balikat. Kala niya, tampo pa kaya ako sa kanya dahil sa pagdeadma niya sa akin kanina.



"Wait. I'll drive you home." Agap ni Dyks saka naglakad palapit kay Preona.



"Thanks but no thanks, Maybe some other time." Nag wink pa siya sa amin.


Napatigil siya sa pagtangkang pagkuha ng sling bag niya na nakapatong sa ibabaw ng stool nang may umakbay sa kanya. "Are you having fun, honey?"



"Hindi mo ba kami ipakikilala sa kasama mo, Preona?" Tanong ko sa kanya.



Hindi siya sumagot sa halip ay ang bagong dating na lalaki ang nagsalita.



"I'm Ace, her boyfriend. Sorry we have to go." Seryosong saad niya saka umalis na kasama si Preona.


Boyfriend niya ba 'yon? Bakit feeling ko parang napipilitan lang siya?
Kawawa naman si Dyks may nauna na pala sa kanya.



Bumalik ako sa first floor para uminom ulit kasama si Dyks na nagpatianod lang sa akin. Bad mode siguro dahil taken na si Preona.








Enel's Point of View



Who's that girl? 'Yan ang unang tanong na pumasok sa isip ko pagkagising ko kaninang umaga.



Alam ko sa sarili ko na nakita ko siya pero bakit kaya bigla nalang siyang naglaho?



"Enel, kinulam ka ba? O may sayad ka na?"Pukaw sa akin ni Mhidz sa malalim kong pag-iisip.



"My Gosh Mhidz! 20th century na ngayon. Sino pa ang mag- aabalang mangkukulam sa panahong ito? Baka nga imbes na mangkulam sila ay nakatelebabad sila sa phone, or busy sa ka-fe-facebook, IG, Tweeter at COC. But, kung may sayad na nga siya... Possible pa!"
Ani Ayie.



"Tumigil nga kayo. May nakita kasi ako kagabi. Isang magandang babae. Pero 'di ko kilala." Seryoso kong tugon.



"Parang fairy? Maganda at may ability na maglaho? Gano'n ba?"Tanong ni Mhidang.



"Oh My Gosh! Mhidz, hindi na magandang biro yan alam mo naman n---"Naputol ang sasabihin ni Ayie dahil biglang sumingit si Enel.



"Oo. Sobrang ganda niya, mabango pero biglang naglaho no'ng kumurap ako. Kaya lang nakapagtataka dahil naka-modern attire siya."



"Hey, kumain na kayo at marami pa tayong gagawin ngayong araw. Mamaya na 'yang usap usap." Ani Gia na kalalabas lang ng kitchen na may dalang four glasses of milk.



Inilapag niya iyon sa dining table saka umupo sa tabi ko.



"Don't think about it anymore, Nel, baka ako 'yong nakita mo. At dahil antok ka pa at baka nasa maganda kang dreamland, siguro pati ako nahawaan mo rin ng kagandahan mo." Usal ni Gia.



"Hindi ako nawala bigla. Tinakbo ko ang c.r. dahil sobra na akong naiihe no'n."Pagpapatuloy niya at nag-umpisa ng kumain.


"See. Hindi naman pala big deal. Kumain na tayo upang mabilis at maaga nating matatapos ang lahat ng house chores saka tayo magshoshopping at magpaparty. Wooohoooo. Excited na ako."Masyang sambit ni Ayie.



Mukhang nahawaan na nina Mhidz at Ayie si Gia. Nagiging palabiro na din kasi siya ngayon.



Kumain nalang kami at masayang nagkwentuhan



Pagkatapos naming magbreakfast ay nagvolunteer akong maghugas ng aming mga pinagkainan. Si Gia ang maglalaba, si Mhidz sa car wash at si Ayie naman sa pag-aayos at paglilinis ng buong bahay pero tutulong din ako sa kanya after kong maghugas ng mga pinggan.








Marcus's Point of View



Kanina pa ako paikot-ikot dito sa mall. May usapan kami ni Dyks na sasamahan ko siya ngayon sa pamimili ng mga gamit niya para sa bahay na nabili niya.



Pero ni anino niya ay hindi ko mahagilap. Kanina ko parin siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.



After one hour ay naka-received ako ng text message galing sa kanya.



From: Dyks



Sorry man. Punta kana lang dito. Here's the address, Kefauver Freedom Ville Subd. I'll be waiting.



Tarantado. Kanina pa ako dito tapos papapuntahin niya lang pala ako sa place niya.



Tatlong oras bago ko narating ang place ni Dyks ngunit biglang tumirik ang sasakyan ko. Hindi ko pa naman natanong ang house number niya. Huminto iyon sa harap ng isang puting bahay. Outside of the gate, there was someone fixing the car.



Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensiyon ko. Kundi ang mabibilog, makinis at mahahabang mga hita na waring nakalabas sa ilalim ng sasakyan.








Cyd's Point of View



Shit. Hang over. Ang dami ko kasing nainom kagabi. Bad trip naman kasi taken na pala siya.



Hindi siya mawala sa isip ko. She's different from other girls I've known. Hindi ko alam kung ano'ng meron siya na natutuliro ako. Kagabi ko lang siya nakita in my whole damn life but I feel like I'm already attached to her the first time I laid my eyes on her.



Tumawag ako sa guard house na may inaasahan akong bisita. Isa ito ang nagustuhan ko dito sa subdivision na 'to. High class ang security system at maaasahan ang mga tao rito. May kamahalan man ang mga bahay dito pero sulit naman sa kalidad ng mga bahay pati na sa mga designs.








Mhidz's Point of View



Eto talaga ang gustong-gusto kong gawin.



Ang maglinis at mag-ayos ng mga sasakyan.



Nakasuot ako ng isang napakaikli na maong short at puting sando na may kaluwagan. Labas na nga ang katamtamang laki kong side boobs e, pero ok lang, puro mga babae naman kami dito. Ipinuyod ko rin ang mahaba kong buhok para hindi makasagabal. Imbes na de-kolor ang isuot ko kapag naglilinis at nag-aayos ng mga sasakyan ay malinis na puting sando ang paborito kong suotin. Para madaling makita ang mga mantsa ng langis mula sa mga auto.



Nasa ilalim ako ng aking Lamborghini. Kalahati lang ng katawan ko ang nasa ilalim ng sasakyan ko at ang kalahati ay nakalabas ng sasakyan. Inaayos ko ang pagkakakabit ng brakes ko at pagkatapos ay tsinek ko rin ang ilang parts.



May narinig akong humintong sasakyan ngunit ipinagwalang bahala ko lang iyon. Napahinto ako sa ginagawa nang may magsalita.



"Excuse me, pwede bang magtanong kung saan banda nakatira dito si Dyks?" Close ba kami ng Dyks mo para sa akin mo hanapin? Tss.



Hmm? Bakit parang familiar sa akin 'yong boses niya? Iling iling. Hindi porket hate ko siya ay maririnig ko na siya sa teritoryo ko. Hmp. Di kami close.



Hindi ko iyon pinansin sa halip ay ipinagpatuloy ulit ang ginagawa dahil sa inis na naramdaman. Ngunit muli na naman iyong nagsalita.



"Pwede bang magtanong? Wala kasi akong mapagtanungan. Tinatamad na kasi akong bumalik sa may guard house dahil medyo malayo, eh tumirik ang sasakyan ko ngayon lang." Ang kulit naman. Bakit pa siya nagpunta dito kung hindi niya rin lang alam kung saan siya pupunta.



Dahan-dahan kong tinulak palabas ng sasakyan ko ang hinihigaan kong may maliit na mga gulong.


Maingat naman iyong gumulong palabas ng sasakyan. Hindi siya nakapagsalita nang makita ako. Bumangon ako at nakapamewang na pinaningkitan siya ng mga mata.



"What the hell are you doing in my territory?" Singhal ko sa lalaking kinamumuhian ko.








Marcus's Point of View



Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa babaeng nagmamay-ari ng makinis, mahaba at bilugang mga hita. Shit! I cussed in mind as she snorted at me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top