[4] Stalker

Where there's hope, there's life. It fills us with fresh courage and makes us strong again

Anne Frank





Mhidz's Point of View



Buti nga sa gagong 'yon. Akala niya siguro ay hindi ako pumapatol sa gwapo? Este sa hambog na tulad niya? Tsk. Wala ata 'tong sinasanto. Hmpp..



"What took you so long?"Marteng tanong ni Ayie.



"Paumanhin Mahal na Reyna Emperatriz ng Vernidiax College, may isang ginoo po kasi na naghatid ng masamang sirkumstansya sa iyong nasasakupan."Paliwanag ko saka inilagay sa table ang dala kong tray na may pagkain namin.



"Did you teach him a lesson?"Tanong na naman niya.



"Natamo niya na po ang nakaatang na kaparusahan."



"Ahm. Mhidz, anong kaparusahan? Ano ba ang pinag-uusapan niyo? Bakit di ko ma-gets?"Naguguluhang tanong ni Enel na nagpapalit palit Ang tingin sa akin at kay Ayie.



"Ahm. Good manners and right conducts lang naman. Wala yun. Wag mo nalang intindihin yun Enel." Tugon ko sa kanya.



"Talaga?! As in GMRC ?Wow! Iba ka talaga. Di ka lang peace officer, parang guidance counselor ka na din pala."



"Hmpp. If I know, nanuntok kana naman."Mataray na sambit ni Ayie.



"Hey, that's enough. Let's just eat."Saway ni Gia sa amin.



Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain. Nang mahagip ng mga mata ko ang nag-iisang lalaking ayokong makita.



Kung nakamamatay lang sana ang matatalim kong mga tingin. Kanina pa sana bumulagta ang hambog na kumag na 'yon.



I really hate him. Everything about him. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya everytime he's around.



"Mhidz, anong eksena 'yong ginawa mo kanina?" Tanong ni Enel. 'Nu ba 'yan, kala ko pa naman balewala lang sa kanila yung nangyari kanina.



I just shrugged my shoulders as a reply. Ayoko talagang pag-usapan 'bout what happened just a while ago.



Humalakhak naman si Ayie.



"Grabee. I really wanted to laugh out loud about what happened earlier. Lakas talaga ng topak mo Mhidz." Bumunghalit na naman ito ng tawa habang ang isang kamay nito ay nakahawak na sa bandang tiyan nito.



I tsked. As if naman na first time ko iyon gawin. Gan'on naman palagi ang ginagawa ko sa mga lalaking epal ah. Ano pa bang bago sa ginawa ko?



"Wow! Parang naka weed lang ah, hinay hinay lang.. Baka kabagin ka niyan mam'ya. Ikaw rin." Tudyo ko kay Ayie.



"Whatever Mhidz. Sa natutuwa ako eh. Priceless kasi yong mukha ni Austianne kanina." Tumawa na naman ang etchusera. Kaya napatingin na sa amin ang mga kalapit na tables.
Hindi siguro sila sanay na makita ang Vernidiax's princess nila na walang poise kung humalakhak. Parang wala ng bukas.



Hay. Bad trip ang kumag na 'yon. Bigla nalang kumulo ang dugo ko sa pagbulong niya sa akin kanina. May pabulong bulong pa siyang nalalaman. Close ba kami? Kapal talaga ng kumag, ang sarap ipa-kulam.



"They say that, 'The more you hate. The more you love." Ikinalingon ko ang pagsabat ni Gia. Gosh! Pati ba naman siya? Arrgg. I hate them. I really hate them all.



"True." Sabay na pagsang-ayon nila Ayie at Enel.



Tinapik ako ni Ayie sa kanang balikat. "A piece of advice from me, wag mong sanayin ang sarili mong malapit sa kanya. Ikaw rin, baka di mo na gustuhin pang malayo sa tabi niya."



Fuck. Never in my life na kakailanganin ko siya. Buong buhay ko ay hindi ako nangailangan ng lalaki even my own father. Ngayon pa? I can stand on my own.



And besides, hindi naman ako ang unang lumalapit sa taong yun. Itinuon ko nalang ang pansin sa pagkain.



Nasa point na ako kung saan ay sarap na sarap na ako sa pagkain ko ng biglang may dumating.....



"Ms. Peace Officer, excuse me po. Nanggugulo po ang grupo ng STB Gang sa Gym. Wala pong nagawa yung mga assistants niyo kaya sayo nalang po ako lumapit baka magawan niyo po ng paraan."Natatarantang sabi nung guy.



Tumango lang ako sa kanya, hudyat na susunod nalang ako sa Gym.



Nga pala, Ako nga pala ang Peace Officer ng school na to' may 5 assistants ako na puro mga lalaki. Sila ang humaharap sa lahat ng kaguluhan, pinapatawag lang ako pag hindi na nila ma handle ang gulo.



"Gals, pano ba yan. Duty calls. Iiwan ko na muna kayo. May aayusin lang akong maliit na bagay. Babalik din ako kagad."Paalam ko sa kanila.



"Bring it on baby... Turuan mo sila ng leksyon."Naka smirk na saad ni Ayie.



"Sige. Be careful ah. Balik ka agad."Nakasmile na sabi ni Enel.



Tinanguan lang ako ni Gia.





OFF TO GYMNASIUM





Di pa ako lubos na nakakapasok ng Gym ay naririnig ko na ang mga kalalakihang nagkakagulo.



"Ano? Sino dito matapang? Harapin niyo kami!"Galit na sigaw nung isang guy.



"Maangas ka ah.. Titigil ka ba o gusto mong makatikim sa akin?"
Pabulyaw kong ganti sa guy.



"Bakit? Magpapatikim ka ba? Pwede kana rin.
Pagtyatyagaan nalang kita at
-------"Asik na sabi nung guy, pero pinutol ko ang sasabihin niya dahil sobrang napikon na ako sa kanya.



Ginulat ko sya sa pamamagitan nang pagpapakawala ng malakas na upper cut na suntok sa mukha niya.



"Fuck you bitch."Daing nito.



Bigla naman akong sinugod ng mga kasamahan niya.



Binigyan ko ng malakas na tadyak ang guy na nasa likod ko.



"Araaaayy koooo..."The guy groaned.



At isang rumaragasang suntok sa mukha sa isang guy na papalapit sa akin.



"Aaaaahhhhhhhhhh...."Sigaw nya before he passed out.



Natakot naman yung isa pang guy na natitira kaya mabilis na umalis sa gym.



"You'll pay for this. You bitch!"
Sigaw nung pinaka leader nila as they left the gym.



"I'll wait for your return assholes."Ganting sigaw ko sa kanila.





Someone's Point of View



She's now tough and brave, I'm very proud of her.
How I wish I didn't do what I've done to her. She's so different now. And I don't know how to asks for forgiveness for all the heartaches I've caused her.



She changed a lot. If I could just bring back the time when we were together but it seems like she doesn't need me anymore and for that I'll stay as her stalker no matter what. Kung kinakailangan ko siyang sundan araw araw ay gagawin ko.



Alam ko. Hindi ko na maibabalik pa ang dati kahit anong gawin ko.



I can't help to stared on her back as she left the gym.



Kung mayroon lamang sana akong lakas ng loob na harapin ka, matagal ko na sanang ginawa.





Enel's Point of View



Kanina ko pa napapansin yung isang guy na tingin ng tingin sa table namin. Hindi ko nga lang masyadong makita yung mukha niya kasi naka leather jacket siyang black na may hood.



Nag-excuse ako kina Gia at Ayie para mag-cr.



Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo rin 'yong guy saka sumunod sa akin.



Patakbo kong tinungo ang comfort room, ngunit sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang nakasalubong kong isang guy.



Kaya naman nang mabunggo ako sa kanya ay napaupo ako sa sahig. Tiningnan ako nung guy at agad agad akong inalalayang makatayo.



"I'm so sorry Miss. Nagmamadali kasi ako." Nakatungo nitong hingi ng paumanhin.



"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman." Tugon ko.



Ngumite ito at inilahad ang kamay sa akin. "I'm Mossen by the way."



Tinanggap ko naman iyon. "I'm Shenyl. Nice to meet you Mossen."



"Same here. Shenyl is a nice name." Aniya na mas lumawak pa ang pagkakangite kaya nalantad ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin.



"Thank you. I really have to go. See you around." Paalam ko sa kanya.



Nag-insist siyang ihatid ako kung saan ako pupunta pero tinanggihan ko na iyon. Ayoko nang makaabala pa. At isa pa, ang sabi niya ay nagmamadali siya.



Naisip ko na naman yung guy na sumusunod sa akin kanina. Pero bigla siyang nawala nang lingunin ko. Baka naman hindi talaga ako ang sinusundan n'on. Masyado lang siguro akong paranoid.



After kong mag cr ay bumalik na ako sa pwesto namin.





Ayie's Point of View



Nakabalik na si Enel. And after fifteen minutes ay dumating na rin si Mhidz galing sa duty niya. Hinintay talaga namin siya para sabay sabay na kaming umuwi.



But before we go home we decided to stay in the garden for a while.



May malaking puno kasi dito tapos may table na napapaligiran ng mga benches.



Karamihan sa mga designs and styles na nandito ay suggestions ko kay Kuya. Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin iyon. Ako naman daw kasi ang magmamana ng school na 'to.



My parents died. Car accident daw sabi ni Kuya. Maliit pa kasi ako n'on kaya wala akong alam, I was just four back then at ten years old naman ang Kuya ko.



Hindi ko siya kasama kasi sobrang busy siya sa businesses niya--- hotels, bars and restaurants.



Mula nang mag college ako ay bumukod na ako kay Kuya mas sobra kasi akong nalulungkot. Mgkasama nga kami sa bahay ni hindi naman kami nagkikita. Paggising ko sa umaga ay wala na siya dahil maaga palagi siyang pumapasok sa work niya. At kapag umuuwi siya sa gabi ay tulog naman ako. Kaya nang makilala ko sila ay napagpasyahan kong tumira kasama sila.



But we always find time for each other kapag libre kami pareho ni Kuya especially sa mga important occasions.



Nga pala, hindi pa pala nila name-meet ang Kuya ko.



Umupo na kami.



"Ganda talaga dito noh? Very relaxing and refreshing."
Masayang saad ni Enel.



"Gals, diba malapit na yung Acquaintance Party natin? Two weeks from now na 'yon. Aattend ba tayo?" Tanong ko sa kanila.



Ang Acquaintance Party ay ginanap every July. One month after enrollment.



Hindi pa kasi sila Gia at Mhidz umaattend ng mga gatherings and parties sa school. This time, I want all of us to attend the party, para masaya.



"Count me in. Ako ng bahala sa dress ko." Sabi ni Enel.



"I'm not going." Seryosong saad ni Gia. Bakit na naman kaya? Alam ko hindi siya socialite pero ni minsan talaga ay hindi binigyan pansin ni Gia ang lahat ng parties dito sa school.



"Pupunta kami. Two weeks from now pa naman yun eh."
Matigas na sabi ni Mhidz.



"Yeheey..Dapat apat at apat dapat tayong umattend para bongga."
Masayang tugon ni Enel.



"I said no. And that's final. Besides, I have other plans for that day."Inis na sabi ni Gia.



"What? Plans? As in plural ?"
Takhang tanong ko kay Gia. Palagi nalang ganyan ang dahilan niya. I have other plans, I'm busy and I'm not interested. Paulit ulit nalang ang ganyang mga linya niya.



Tumango naman siya bilang
sagot.



"Ah, basta aattend kami. Leave it to me."Nagmamatigas na saad ni Mhidz.



"Gals, Alam niyo crush ko si Austianne."Enel said out of nowhere. Eto na naman si Enel. Pang isang daan na niya sigurong crush si Austianne.



Kahit nga sa mall o sa tabi tabi, makakita lang ng gwapo at cute ay crush niya na.



"YUCK!"Sabay na sigaw namin ni Mhidz.



Saka kami napalingon sa kanya ng sabay.



"Ang cute niya kaya. Di niyo ba pansin?"Naka pout na niyang dugtong.




"Hindi noh !" Sabay na namang sabi namin ni Mhidz.



"Ah. Basta ako, akin lang ang Bryce ko." Sabi ko na may malapad na ngite sa mga labi.



"Eh di' sayo na. Anong kwento mo? Anong pinaglalaban mo? Inaangkin ba namin 'yang Bryce mo? Huh?" Asar na baling ni Mhidz sa'ken.



"Wala naman. Mabuti na ang malinaw." Sagot ko kay Mhidz.



Lumingon naman si Enel at
nagsalita.



"Bakit Mhidz, wala ka bang crush?" Tanong ni Enel na nagpagulat kay Mhidz.





Enel's Point of View



Tinanong ko si Mhidz kung wala ba siyang crush. Bigla siyang natahimik. I can sense that she's not comfortable sa topic pero natanong ko na eh.



Ever since naman kasi ay never pa siyang nag open up sa amin tungkol sa mga crushes niya. And the truth is.. We really don't know if she ever had a boyfriend before. Basta n'ong magkakasama na kami ay wala pa siyang nagiging boyfriend.



Marami na rin ang nagtangkang manligaw sa kanya ngunit walang may nagtagumpay ni isa man sa mga suitors niya.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top