[2] Bastard's Little Revenge

Nothing can dim the light
That shines from within

Maya Angelou





Someone's Point of View



Shit! I cussed in mind as I walked out the Cafeteria.
This place is fuckin' me off and I'm gonna kill that bitch for ruining my first day here. I really hate this place. I hate her. You'll gonna pay me, bitch. You just messed up with the wrong person.





Ayie's Point of View



Nandito kami ngayon sa last minor subject naming apat, which is Psychology!



Whatta boooringgg subject!



Nakatunganga lang ako while Enel is writing on her diary and Gia is reading.



Siguro, she's writing 'bout what happened earlier. 'Yong muntikan na kaming mabangga.



Hobby + passion + happiness na talaga ni Gia ang reading.



And speaking of reading...
Kahapon niya pa binabasa 'yon ah!
Something came up in my mind.



Ting!



"Mhidz, pustahan tayo?"Tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya.



"What?"Nagtatakang tanong niya.



"Pustahan tayo kung anong book ang binabasa ni Gia."Pabulong kong sagot.



"Geh. Sali natin si Enel."



Napagpasyahan din namin na dapat may pusta rin kami para mas exciting.



"Two days vacation sa El Nido Resort sa Palawan ang pusta ko. Maybe it's an encyclopedia."Excited kong sambit. Super sure ako sa sagot ko. As in one hundred percent sure! Ngayon pa lang ay feel ko na ang aking pagkapanalo.



"Ipupusta ko si Sweet heart (Ferrari) ko. Hula ko Literature ang binabasa niya, specifically, one of the best writings of Shakespeare."Nakangisi na sabi ni Mhidz.



"Pusta ko, yung condo unit ko sa Makati. I guess ... I guess.... I guess it's a Bible?!"Nag- aalangang wika ni Enel.



"Hahhahahahhahahahh..."Sabay tawa namin ni Mhidz.



Seriously? 'Yon ang naisip niya?!



"Enel, seriously?!"Maarteng tanong ko sa kanya.



"What! Nagbabasakali lang naman ako eh. Ang kapal kaya ng book niya"Naka-pout niya pang saad.



Porket makapal na book bible agad? Naglipana kaya sa mundo ang makakapal---



MAKAKAPAL ANG MUKHA!



"Ok.ok. Ako na magtatanong kay Gia."Mahinang sabi ni Mhidz.



Actually, kinabahan ako no'ng sinabi ni Mhidz na literature+Shakespeare. Marami kasing collection ng mga writings si Gia nun ee. Pero mas marami naman ang collection niya ng mga encyclopedias. Dahil lahat ng volume ay mayroon siya.



Ngunit, ang nakakaintriga ay si Enel. I really want to laugh out loud. Kaya lang baka mahurt siya.



"Ehem... Ehem...
Ahm, excuse me Gia. Pwede ko bang matanong at malaman kung anong book ang binabasa mo? You know, curious kasi si Ayie ehh , 'lam mo naman...... Curiousity kills a cat!"Nakangiteng tanong ni Mhidz kay Gia. Ako pa ang ipinanggatong ng loco.



"Well, this is actually a book bine of all Shakespeare's play and poems. And I am currently reading about the tragedy of Macbeth. It supplied it's audience with a sensational view of witches and supernatural apparitions and equally sensational accounts of bloody----- "Seryosong paliwanag ni Gia na akala niya ay totoong interesado sa binabasa niya si Mhidz.



"Hep...hep.... Enough.
Title lang nung book ang tinatanong ko. Diba? So, thank you."Nakangite kong wika.



As expected.....



"YES! I fucking won!"Sigaw ni Mhidz. Lumulukso lukso pa sa tuwang kinuha ang key card ng condo unit mula kay Enel.



Bumaling siya sa akin. "And you, kelan naman iyang vacation na sinasabi mo?"



Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Kung gusto mo ngayon na. Bakit free ka ba today? Ilalaan ko sana iyon pagdumating na ang tamang panahon. Panahon ng iyong pagkasawi. Yung feeling na gusto mong lumayo at magmove on kasi nabigo ka sa pag-ibig?!" Litanya ko sa kanya.



"In your dreams. Kahit kelan ay hinding-hindi ako iiyak nang dahil lang sa isang lalaki. At hindi rin ako masasawi sa pag-ibig. Itaga mo 'yan sa Biak-na-bato." Aniya saka umirap.



Tumayo siya at akma na sanang magwa-walk out nang dumating si Prof.



"Ms. Allende, sit down please."
Nakangiteng saad ni Prof. Buencamino nang makapasok sa room.



It's a miracle. Hindi ata masungit si Tanders este si Prof. Buencamino ngayon.



Knowing of Mhidz! Ayun she just raised her left eye brow .






Mhidz's Point of View



Nakakagulat naman 'tong si Tanders. Naks, hindi siya masungit ngayon. Baka naman nakaraos na siya sa menopausal stage niya.



"Ladies and Gentleman. We have transferees from US, let us all welcome Mr. Franchiarchs and Mr. Austianne. Please introduce yourselves."Medyo kinikilig na wika ni Tanders sa dalawa.



Yuck! Kadire si Tanders, napaghahalataan masyado. Kung tutuusin parang mga apo niya na lang ang dalawang bagong dating.



Palibhasa ay MDMM.
Matandang Dalagang Matagal Mamatay.



"Kaayyahhhh...
Ang hot naman nila."Hindi na napigilang purihin ng classmate kong babae kahit harap-harapan.



"They're beyond hot and gorgeous. I like them."Tulo laway na compliment ni Shannon, ang babaeng leader ng haters naming apat.



"Hi. Handsomes."Pa cute nong isa.



Shit! Bakit nandito 'tong tuko na to? Bad trip naman. Wag niya lang akong susubukan baka mabasag ko na talaga ang pagmumukha ng bastardong yun.



"I'm Cyd Dykstar Franchiarchs, enrolled in Engineering Department."Seryosong saad nung guy.



"OMG! Pati yung voice niya ang gwapo rin."Kinikilig na saad nung nasa front.



Pati boses gwapo? Oh, eh di', dapat naging boses nalang siya.



"Gwapo, akin kana lang. Please. "
Parang tanga na wika ni Madison, ang dakilang alalay ni Shannon.



Please? Desperate much?
Tsk.



"Hey, handsome may girlfriend ka na ba?"Ani Allison, ang kambal ni Madison. Isa pang desperada na akala mo ay mauubusan ng lalaki sa mundo.



"I wanna bring you home.."Di na napigilan mapabulalas nung isa pang desperada.



Gosh !



Hmpp.. Hindi manlang nag abalang ngumite sa kabila ng mga papauri sa kanya. Parang boy version ata siya ni Gia .



Grabee naman reactions ng mga classmates ko parang lahat ng parasites nila sa buong katawan eh biglaang nagkaron ng General Assembly.



Buti pa kaming apat dito. 'Deadma' lang. Dapat ang mga katulad namin ang tinutularan ng nakararami. Dahil kami ay mga dalagang pilipina (yeah).



"Silence..Mr. Franchiarchs, what about your ideal woman, since, you were the first one who talked to the class... It's our recitation, anyway..."Ani Tanders.



Waah! Ano bang klaseng recitation yan. Ideal woman? Parang inaaalam lang ni Tanders kung ilang percent ang pag-asa niya sa boy version ni Gia. Tsk.



Bakit kailangan pa magkaron ng recitation ang pagtatanong niya ng ideal woman ng dalawang hinayupak na 'yon.



"And Mr. Austianne, you'll do the same. Is that clear ?"Dagdag pa ni Tanders.



Hmm. So, dalawa talaga ang type niya?



Tumango naman si hambog.



"My ideal woman is perfect and all."Walang emosyong saad ni Franchiarchs.



Well, good luck finding your perfect and all..
High standard ! Over sya..



Ayun si Tanders. Nganga! Alam niya sigurong hindi niya marereach ang inaasam na ideal woman ng BVOG(boy version of Gia).



Pagkatapos magsalita ay tinahak niya na ang daang matuwid.. Este daang paupo. Guess what? He's behind Gia.



Ano kayang meron sa likod ni Gia at doon niya naisipang pumwesto. Hmm. Matingnan nga later.



"Hi everyone. I'm Marcus' Tyris Austianne. I took up Law and my ideal woman is beautiful, sexy, hot, and talented."Nakangiteng wika ni Tuko, sabay wink. Ang hambog talaga ng gago.



Inirapan ko lang siya sa tinuran nya.



Baka akala mo nakalimutan ko na ang atraso mo sa akin. Pwes, nagkakamali ka..



Unfortunately, umupo siya sa tabi ni Franchiarchs.. It means nasa likod ko ang hambog na tuko.



"Hello devil. Miss me?"Bulong sa akin ni tuko.



"Shut the fuck up or else .... You'll see death."Marahas kong bulong sa kanya.



"Really? Oh! I'm scared to death. Hahaha... We'll see, coz you'll gonna taste my sweet revenge."
Ganting bulong niya saka nagpanggap pa na parang takot.



"Yeah. We'll fuckin' see your bastard's little revenge dumbass."Ani ko saka tinaasan ng maganda kong kilay.



Buti at tumahimik na siya. Isa pang bulong diyan at baka masapak ko na talaga kita.



"Next, Ms Vernidiax, then just follow the pattern. I want to hear some unique and appropriate ideas from you."Ani Tanders.



"Oh! Great!"Ayie murmured.



Tumayo na sya at nagsalita.



"Well, my ideal man is my one week boyfriend. The owner of ZGF Brewery Incorporation. That's all."Ayie proudly said.



Mga classmates ko....



JAW DROPPED !



hahahhahahhahahahhha



First time niya palang kasi umabot ng one week sa isang relationship. Yung mga past bf nya, hanggang 3 days lang ang pinakamatagal.
Tsk..tsk..tsk..



What a lucky guy! Paano niya kaya natagalan ng isang linggo si Ayie?



Well, sa mga judgemental diyan. Hindi po call girl at lalakero si Ayie. Pihikan at mapili lang po talaga siya, may karapatan naman kasi siyang mamili eh.



Isa pa sa mga dahilan kung bakit nakikipaghiwalay siya agad ay dahil ayaw niya sa mga gentleman kong manligaw tapos kapag sinagot ay aayain siya maghotel para gumawa ng milagro.



Alam ko namang nasa 20th century na tayo ngayon, ika nga ng nakararami ay modern world. Pero hindi po lahat ng uso ay sinusunod, ginagaya at ina-apply namin.



May mga bagay po kasi sa mundo na akala ng iba ay wala lang at maliit na bagay lang, pero big deal ang dating sa amin.



Ang ayoko sa lahat ay yong mga mahilig mangialam. Gusto ko wala tayong pakialamanan as long as I am not invading your privacies. Pinapahalagahan lamang po namin ang aming mga pagkababae.



Pero sana ay seryoso na talaga si Ayie this time. Medyo marami-rami na rin ang naturuan ko ng leksyon sa mga ex-boyfriend niya.



Ang lawak talaga ng imahinasyon ko. Napailing na lang ako sa aking mga naisip.



Umupo na siya at ang next ay si Enel.



"A man of pure heart, responsible, and caring is my ideal man."Enel said while smiling sweetly.



Pagkatapos ay umupo na siya.



Shit!



Ako na sunod.



Wala pa akong naiisip na ideal man.
Bakit ba kasi masyado akong nag-enjoy sa mga sagot nila. Naku naman.



Bahala na si I.P. man.



Tumayo na ako at buong tapang na nagsalita...


"My ideal...... My ideal....... M-my ideal man is..... The man who is outside of the kulambo, under-de-saya and over the pader."Nauutal at nakayukong sabi ko.



"Hahhahahhahahhahahah aha"
Nagtawanan naman silang lahat except kay Gia at Franchiarchs.



Bigla akong nag-angat ng mukha at tiningnan ng masama ang mga classmates ko. Tumahimik naman sila.
Subukan lang nila. Baka pati sila ay hindi santohin ng kamao ko.



Napailing naman si Tanders sa sinabi ko.
Umupo nalang ako.



"Nice one "Bulong ni tuko pagka- upo ko.



Napapikit ako sa sobrang inis. Sinabing tigilan ako. Dumagdag pa talaga siya sa bad mode ko.





Boggsshhh......





At ayun sinapak ko ang tuko....



Sinabi nang tigilan niya ang kabubulong sa akin. I don't know why I am making it a big deal, but, his whispers makes me feel uncomfortable.



"Ms. Allende, what's happening there?"Sigaw ni Prof. nang makita niyang sinapak ko si tuko.



Lumingon ako sa kanya. "Prof, tinaas niya po kasi ang skirt ko pagkaupo ko po."Pagdadahilan ko with matching sad face and paawa effect.



Nanlalaki ang mga matang tumingin si tanders ng masama kay tuko. "Is that true Mr. Austianne?"



Humarap ako kay tuko na hindi parin nakakabawi sa pagkabigla sa inasal ko.



I smirked. That's what you get from me bastard.



Mas lalung nagtaas ng boses si Prof. "I'm asking you Mr. Austianne." Shit. Mukhang hindi kumbinsido at kapani-paniwala ang acting ko.



Tutal nasimulan ko na ito, ako na rin ang tatapos.



"No Pro--."



I cut him off. "Don't you dare deny what you've done to me. Hindi lahat ng babae ay magkakagusto sayo. At hindi rin ito America na lahat nang gagawin mo ay magugustuhan at maiintindihan ng lahat." Mangiyak-ngiyak kong pahayag.



Ngunit, sa ikabutiran ng aking puso ay gusto kong gumulong sa tuwa.



Medyo nagulat ako sa mala-kidlat na sigaw ni Prof. "MR. AUSTIANNE, DETENTION HALL AFTER CLASS!"



Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga. At ang nag-aalab na apoy sa mga mata niya. Sinalubong ko ang kanyang tingin at nakipagtitigan sa kanya.



Ganyan nga. Magalit ka habang ako ay nagsasaya sa kaloob-looban ko.



Kasalanan mo rin naman iyan eh, kung tumatahimik ka sana ee di wala sana tayong problema.



Sa susunod ay ilulugar mo ang sarili mo pagnasa paligid ako.



Binigyan ko siya ng isang nang-uuyam na ngite habang nakataas ang isang kilay ko bago ko siya talikuran.



Tumalikod na ako sa kanya at ipinagpapatuloy ang pakikinig na parang walang nangyari.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top