[12] Inlove
Wheresoever you go, go with all your heart.
Confucius
†
Ceasar Darwin's PoV
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama na may ngiti sa mga labi.
I'm happy. Definitely happy. I had a terrible crush on her since elementary. We attended classes on the same school but we weren't classmates. Hindi niya rin alam na gusto ko siya. Matagal na. Ngayon na abot kamay ko na siya ay sisiguraduhin kong she'll like me back. Naiisip ko palang na makakasama ko siya ulit ay sobrang kaligayahan na ang nararamdaman ko.
Ganito pala ang feeling nang inlove. Para akong nasa cloud nine. Tama, mahal ko na siya. At hindi nawala ang damdamin ko para sa kanya kahit ilang taon na ang lumipas.
Now that I had a chance to be with her, sisiguraduhin kong mapapasaya ko siya. Excited na tuloy ako sa upcoming Acquaintance Party.
The sun brightens the day and moon brightens the night but Enel, truly brighten my life. Napangiti ako sa isiping iyon.
Mabilis akong naligo at nagbihis para pumasok sa school. Late na naman ako. Ang aking Ducati ang napili kong gamitin para makaabot ako sa aking klase. Siguradong traffic na kasi sa mga oras na 'to.
Pagka park ko ng sasakyan ko ay patakbo akong nagtungo sa aking first subject. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko napansin ang babaeng nakasalubong ko na naglalakad patungo sa may direksiyon ko kaya nabangga ko siya. Tumilapon ang mga books na hawak niya.
"I'm sorry Miss. I'm in a hurry." Tinulungan ko siyang damputin ang mga aklat niya without looking at her face.
"That's ok. Hindi rin kasi kita napansin e." Ani ng babae. Iniabot ko sa kanya ang mga librong pinulot ko.
"Thanks. By the way, I'm Ianny." Pagpapakilala niya. Inilahad niya ang kamay sa akin.
Tinanggap ko iyon. "I'm Ceasar. I have to go." Tumango siya. Tinalikuran ko na siya at walang lingon na iniwan siya para magpunta sa aking klase. Bad trip! Late na naman. Hindi na ako masyadong gigimik sa gabi para maaga akong magising nang hindi na ako ma- late.
Shenyl Ellery's PoV
Nandito kaming apat sa may hallway ng unang palapag ng Engineering building. Minor subject naming tatlo nina Mhidz and Ayie. At major subject naman ni Gia.
Napalingon kaming tatlo sa may gawing kaliwa ng makarinig ng babaeng napa 'ouch', nagkataon namang kasama namin si Mhidz na inakalang may binu- bully na naman. Siya lang naman kasi ang nag iisang rescuer, depender and protector ng mga bullies sa eskwelahang ito.
Titig na titig kay Ceasar ang babaeng nabangga. Kababakasan ng paghanga ang mga mata nito. Mas lalu pang nangislap ang mga mata ng babae nang ngitian at makipagkamay sa kanya si Ceasar.
"Wow! Just wow! Inaya ka palang makipag date and then, the other day, may ka- shake hands ng iba? At may ka- smiling darling na? Ano 'to? Hitting two birds with one stone?" Eksahederang bulalas ni Mhidz.
Wala namang masama sa nakikita ko a. Nag- she- shake hands lang naman silang dalawa. Tsaka, nag date nga kami but it doesn't mean na in relationship na kaming dalawa. Wala akong karapatang sa kanya at ganoon din siya sa akin.
Bakit ba ganito makapag react si Mhidz! Parang malaki ang galit sa mga kabaro ni Adan.
Siniko siya ni Ayie sa may tagiliran. "Mhidz naman. Baka naman nakipagkilala lang yung girl. At nagkataon na hindi snob si Darwin kaya tinanggap niya ang nakalahad na kamay nung babae." Agap ni Ayie.
Parehas silang may point. Ang mabuti pa ay kakausapin ko nalang mamaya si Darwin. Sasabihin ko nalang na tigilan ako, kung balak niya lang naman akong saktan. I understand Mhidz. Kung anuman ang ipinu- punto niya yun ay dahil ayaw niyang may masaktan na babae lalu na kung isa iyon sa aming apat.
"Don't me. Sa paanong paraan ba nag uumpisa ang lahat? Hindi ba't sa getting to know each other? Nag kakamayan silang dalawa dahil nagpapakilala sila sa isa't isa. Ibig sabihin lang nun--" Mhidz paused for a moment. She glanced at me and continued talking. "Hindi siya tapat kay Enel. He might even realize that Enel is not enough. Kaya naghahanap siya ng iba. Ganyan naman silang mga lalaki e, kahit anong ibigay mo. Hindi parin sapat. Kahit kayo na, naghahanap parin ng iba. Wala silang alam gawin kundi saktan ang mga kababaihan." May hinanakit niyang pahayag.
Bakit ganun? Parang feel ko talaga ay may pinagdadaanan si Mhidz. Sobrang ramdam ko ang bigat, pait at pighati sa bawat katagang binanggit niya.
Magiging katulad ko ba siya kapag na broken hearted ako? Nakakatakot na tuloy magmahal kung masasaktan din lang ako. But wait?! Sa pagkakaalam ko ay hindi pa nagkaka- boyfriend si Mhidz ever since the world begun.
Pero sa tono nang pananalita niya, the way she talked, it came from her heart. Parang pinagdaanan niya na ang ganoong stage--- break up, hatred and misery. Naniniwala akong hindi niya masasabi ang mga yon kung concern lang siya akin. Alam kong may pinagdadaanan siya pero wala akong karapatang panghimasukan at pangunahan siya.
Sa mga sinabi niyang yun ay nahulog ako sa malalim na pag iisip. Ano ba talaga kasi ang pakay sa akin ni Darwin. Maari bang may katotohan ang lahat ng sinabi ni Mhidz? Isa lang ang nakikita kong solusiyon. Ang iwasan siya. Tama! Hangga't maaga pa ay iiwasan ko na lang siya para hindi ako masaktan sa bandang huli.
"Ano ka ba naman Mhidz, bini- brain washed mo naman si Enel e. Unang pag ibig niya 'to. Imbes na sinisiraan mo sa kanya si Darwin, bakit hindi nalang natin suportahan ang kaibigan natin." Kontra ni Ayie sa mga sinabi ni Mhidz.
Binalingan niya ako. "Ok ka lang ba Enel? Kung may mga tanong ka... Talk to him. Ikumpirma mo muna ang lahat ng nakita natin. Ok?" Ngumiti siya.
Tumango ako kay Ayie. Kapagkuwan ay sumulyap na naman kay Mhidz nang magsalita siya. "Talk to him? Para ano pa? Para i- deny ang lahat? Sus, trust me Nel, sasabihin niya lang sayo na don't worry 'bout the thing dahil wala lang yun. At sa gagawin mong iyon ay bibigyan mo lang siya ng pagkakataon na pagtakpan ang kasinungalingan niya. Magpapatuloy lang ang kalokohan nun. Trust me." Nakasimangot na saad ni Mhidz pagkuwa'y nag walk out.
Hindi naman talaga big deal ang nakita ko a. Napailing nalang ako sa tinuran niya. Kapagkuwan ay sinundan siya.
Nauuna siyang naglakad sa amin. Nasa may likuran niya kami. Pero hindi niya alam. Hindi naman kasi siya lumilingon sa likod niya e.
"Enel, wag mo nalang pansinin si Mhidz a. Alam mo naman yun diba? Leader ng mga hater sa mga kabaro ni Adan. Wag mong pigilan ang puso mong magmahal. Nandito lang kami para sayo." Ani Ayie saka ako inakbayan.
Tiningnan ko naman si Gia na tahimik lang sa tabi ko. Napapagitnaan kasi ako nilang dalawa.
"Ikaw Gia, wala ka bang word of wisdom para sa akin?" Tanong ko.
Akala ko ay hindi niya ako sasagutin kaya gayon na lamang ang gulat ko nang magsalita siya na hindi tumitingin sa akin. Sa amin.
Deretso lang ang tingin niya sa aming daraanan. "As I've said before. Love is not a feeling. Love is just an illusion. But not everybody knows that. So if you feel like you're really in love.. Don't let them touch your heart because if you do---" She paused for a while, look me in the eyes before she continues.
"They will crush your heart into tiny pieces." Napalunok ako sa sinabi niya. May hatid na kilabot ang sinabi sa buo kong sistema.
"Gia naman. Wag mo namang tinatakot si Enel. My Gosh! Ano bang problema niyo sa pag- ibig? Bakit ba ganyan kayo makapag react ni Mhidz?" Ayie hissed.
"What?! I'm just saying what's in my head." Sagot ni Gia. Minsan lang magsalita si Gia. But everything that came out in her mouth is true. It always makes sense.
"Paano pa siya gaganahang magmahal kung ngayon palang ay tinatakot niyo na siya? Hindi namang mahirap gawin ang suportahan ang kaibigan diba? Bakit hindi nalang yun ang gawin natin?" Naiiritang saad ni Ayie.
"I just want to tell her that love--- if it is really love she is feeling for that guy, that love is not always about happiness, about attachment, about sharing. It's also includes heartbreak, grief and misery." Depensa ni Gia.
"Enough!! My gosh! Ganito nalang. Enel, para malaman natin ang sagot sa nakita natin kanina, ang mabuti pa ay kausapin mo si Ceasar. Let him explain everything. His side. I'm sure naman na magsasabi siya ng totoo sayo. At kung ano ang idinidikta ng puso mo na sa tingin mo ay tama then, follow your heart. Whatever the consequences are, nasa likod mo lang kami." Paliwanag na Ayie. Nginitian ko siya at napatango tango na naiintindihan ko siya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
Nakita naming pumasok si Mhidz sa Cafeteria kaya naman sumunod nalang kami sa kanya. Ginugutom na naman siguro. Mabuti nalang at hindi siya tumataba kahit ang takaw niya. Tsk.
Gayon na lamang ang gulat naming tatlo nang pagkapasok namin ay isang milagro ang aming nadatnan. Pati ang ibang naroon ay napapanga nga sa kahindik hindik na pangyayari.
Seriously?! Si Mhidz ba itong nakikita ko?!
Kendra Ayesha's PoV
Aaminin ko, tinamaan ako sa mga salitang binitiwan ni Gia. I mean? Hello?! Lahat ng sinabi niya ay totoo. Hindi lahat ay puro saya lang. Hindi lahat ay puro tama. At hindi lahat ay palaging buo. Pagkatapos ng saya ay lungkot. Hindi lahat ay tama, minsan kahit alam nating mali ay nagbubulag bulagan parin tayo kahit hindi na tama. Dahil doon tayo masaya. At hindi lahat ay palaging buo. Lahat ng buo ay nawawasak.
Tama naman siguro ang desisyon kong i- push si Enel kay Ceasar. Sa kislap ng mga mata niya ay alam kong malaki ang gusto niya sa lalaki. Gusto ko siyang i- encourage na magmahal. At sisiguraduhin kong nasa tabi niya lang ako sa oras na masaktan siya. Naniniwala akong may darating, na magmamahal kina Mhidz and Gia. Magmamahal ng tapat at totoo. At sisiguraduhin ko na kapag dumating ang araw na iyon ay nasa tabi lang ako nilang tatlo.
Sumulyap ako kay Enel. Mukhang malalim ang iniisip. Siguradong pinag iisipan niyang mabuti ang tungkol sa mga sinabi namin kanina ni Gia and Mhidz.
Sinulyapan ko rin si Gia. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko talaga siya ma- gets. Ano kayang iniisip niya?
Dinukot ni Enel ang cellphone sa bulsa ng kanyang uniform skirt na suot.
"Anong gagawin mo?"
"Itetext ko sana si Ceasar. Gusto ko siyang makausap after class." She replied.
Nasa may bungad na kami ng pinto ng cafeteria nang matulos ako sa aking kinatatayuan.
OMG?! Is this even real? What is happening to the world? Totoo ba itong nakikita namin? Nagbagong buhay na ba si Mhidz? Huling hugot niya na ba kanina kaya gayon na lamang siya makapag react kanina kay Ceasar? Hindi pwede to. Hindi ito maaaring mangyari dahil alam kong nadarating ang araw na pagsisisihan niya rin ang lahat. Hindi siya pwedeng magpadalos dalos. Kailangan ko silang pigilan. Kailangan kong ipaunawa kay Mhidz na hindi dapat minamadali ang mga bagay bagay. Lalu na sa ganitong usapin.
Tiningnan ko rin ang dalawa kong kasama. Kababakasan din ng gulat ang mga mukha nila.
Nang medyo makabawi silang dalawa sa pagkakabigla ay tumingin silang dalawa sa akin. Nagkibit balikat lang ako sa kanila.
Gia's PoV
Is that Mhidz? Anong ginagawa niya? Nila? Akala ko ba ay malaki ang galit nila sa isa't isa? Naka move on na ba siya sa past niya?
Sina Mhidz at Marcus' ay nakaupo nang magkaharap sa pandalawahang mesa. Nagtititigan at animo'y walang pakialam sa mga matang nakamasid sa kanilang dalawa.
Halos lumuwa ang mga eyeballs ko sa kinalalagyan ng mga niyon dahil sa ginawa ni Marcus'.
Sinubuan niya si Mhidz. At nakangiti namang tinanggap iyon ng bunganga ni Mhidz. Buong pusong nginuya ni Mhidz ang pagkaing isinubo sa kanya ni Marcus'.
"Gia, nagugunaw na ba ang mundo? Totoo na ba 'to? Kailan pa naging sila?" Sunod sunod na tanong ni Ayie sa akin sa mahinang boses. Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kanya kaya nagkibit balikat lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top