[11] Baddest Woman

Life is like a mirror, we get the best results when we smile at it.




Ace's Point of View



Nang marinig ko ang boses ng aking girlfriend ay nagkumahog akong lumapit sa kanya saka siya siniil ng malalim na halik at yinapos ng mahigpit.



She's been away for almost a week now. She never answered my calls and messages. And I miss her so bad.



Nagalit yata sa ginawa ko the last time I saw her with the transferees. Yeah, I knew those two jerks. Lahat ng nangyayari sa Vernidiax College ay alam ko at walang may hindi nakakarating sa akin.



I met Preona--- my girlfriend in this place. Birthday noon ni Andreion at naisipan naming mag barhopping. Medyo lasing na kaming magkakaibigan ng marating namin ang Preona's-Bar-BQ Track. The first time I saw her, love at first sight. And yes, it's true and it really happened to me.



She stilled. She's not used to it, I know. Pero anong magagawa ko? Sobra ko siyang namiss. Without hearing her voice and see her beautiful face is like a hellish life.



Iginiya ko siya papalapit kay Darwin na kasalukuyang matiim na nakatitig kay Preona. I know what's running inside of that dirty mind buddy!



"Hon, meet my bestfriend Darwin. Darwin, this is Preona my girl. At last, nag meet na rin kayo." Pinaupo ko siya sa pwesto ko saka tumabi sa kanya nang nakatayo. Tumango lang siya without looking back at Darwin. That's my girl.



Nag offer ako sa kanya ng drink na hindi niya rin naman tinanggihan. She chose tequila. Her favorite as always. Inisang lagok niya lang iyon, hindi alintana ang pait at hapdi na gumuguhit sa kanyang lalamunan dahil sa lasa niyon.



Liningon ko ang mga kasama ko na nakangiwing nakasulyap kay Preona. Tumabi si Zeno sa may kaliwa ko saka bumulong sa akin. "May problema yata 'yang girlfriend mo. Lakas umiinom." Hindi makapaniwalang saad niya.



Kasintahan ko siya pero pakiramdam ko ay may itinatago siya sa akin. Walang emosyon ang kanyang mga mata, hindi palasalita kahit minsan sa akin at kapag magkasama kami ay wala sa akin ang atensiyon niya. Kasama ko nga siya pero feeling ko ay nag iisa parin ako. I know wala akong karapatang mag demand sa kanya dahil ginusto ko ito. Kaya kailangang panindigan ko.



Lumapit sa amin ang isa sa mga pinagkakatiwalaang bouncer ni Preona dito. "Excuse me po sir Ace, I need to talk to my boss."



Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ng binatilyong bagong dating. "Just spill it."



Hindi niya ako sinagot. Ibinalik niya ulit ang tingin sa kanyang amo. "Boss, may problema ho. Ayaw pong magpaawat ni Sir Apro. Kasama niy---" Hindi siya pinatapos sa pagsasalita ni Preona. Walang salita na tumayo siya.



Hinawakan ko ang kanang kamay niya para pigilan siya sa pag alis. "Hon, hayaan mo na silang ayusin ang proble---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang talikuran niya ako at nagsimulang ihakbang ang kanyang mga paa.



Wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Sumunod din sa akin ang mga kaibigan ko. Mga tsismoso talaga kahit kailan. Tsk



Nadatnan namin ang agaw- eksenang pagwawala ng isang lalaking tinutukoy nung bouncer na kumausap kanina kay Preona. Nagbabasag ng mga baso, bote at iilang mga pinggan. Pati ang ilang mga stool at round tables ay hindi rin pinatawad. Tumigil sa pagsasayaw ang iilan na malapit sa kinaroroonan nung nagwawala.



"Please don't do this. Hindi mo kailangang gawin ito." Pigil ko sa tangkang paglapit niya sa lalaki.



Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa may braso niya and without uttering a word he removed my hand.



Tumalikod siya sa akin at hinarap ang lalaki.
"What the hell is your problem, you filthy animal." Mahina lang ang pagkakabigkas niya ng mga katagang iyon but it sent shivers to my spines. Minsan iniisip ko tuloy na mas gusto ko pang tahimik si Preona because everytime she speaks it sent a creepy feeling in my whole system.



"Leave me alone. I don't need you here. You bitch." Maangas na tugon nung guy. Pero hindi umalis sa kanyang kinatatayuan si Preona. Nang mapansin iyon nung lalaki ay nilapitan siya nito at marahas na itinulak.



Gayon na lamang ang gulat ko nang hindi manlang natinag si Preona. Sigurado akong malakas ang pagkakatulak sa kanya pero bakit parang wala lang sa kanya iyon?



Tumaas ang isang sulok ng labi ni Preona at taas noong mas inilapit pa ang sarili sa lalaki. Ngunit isang lalaking nakasuot ng itim na t-shirt ang pumagitna sa kanila at tangkang hahawakan si Preona sa balikat nang suntukin niya ito sa mukha ng pagkalakas lakas na lumikha pa ng tunog na animo'y may buto na nag crack. Isa pang lalaki ang lumapit at umuklong susuntukin si Preona nang sipain niya ito. Nawalan ng panimbang ang lalaki at natumba.



Nang matumba ang lalaki ay nilapitan niya pa ito at inapakan sa bandang leeg. It's a deadly move. Dahil ang bandang heel niya na sadya atang pinatulis ang tip niyon ay nakatusok sa lalamunan nung guy. Isang maling galaw lang ay siguradong babaon iyon sa leeg nito.



Dalawa pang lalaki ang sabay na sumugod kay Preona. May bahagi sa utak ko na sumisigaw na tulungan ko ang girlfriend ko baka tuluyan na siyang mapahamak. Pero may nag uudyok din sa akin na manatili nalang sa kinatatayuan ko at wag ng makialam pa. Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya pero ni hindi ko manlang maigalaw ang mga iyon.



Mabilis siyang nakipagpalitan ng suntok at sipa sa dalawang lalaki.
Napabagsak niya ang isa.



Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ng baril ang isang lalaki. Pero mabilis iyong naagaw ni Preona gamit ang isa lang niyang kamay. Gayunpaman, pinatamaan niya ng suntok sa lalamunan ang lalaki saka marahas na hinablot ang isang kamay nito kapagkuwan ay binali. Dahilan para mapaigik ito bago nawalan ng malay.



Gamit ang baril na inagaw niya sa lalaki ay isa isa niyang pinaputukan ang mga lalaking umatake sa kanya kanina. Lahat ay kapwa niya inasinta sa kanang bahagi ng kanilang mga tuhod. Pati ang huling lalaking inagawan niya ng baril na kasalukuyang nakalupasay sa sahig dahil nawalan ng ulirat ay hindi pinatawad.



Naestatwa kami sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Puno ng paghanga at takot ang mga mukha ng mga taong kanina pa nakamasid sa nangyayari pati na rin ang mga kaibigan kong mga tulala at nakanganga pa.



Sinulyapan ni Preona ang lalaking nagwala kanina na nagngangalang Apro na nahihintakutan na sa kinatatayuan nito dahil sa nasaksihan. "Sa lahat ng ayaw ko ay 'yong mga taong papansin. Gagawa gawa ng kalokohan tapos kapag nahuli, nabisto at iniwan ay mag eemote. I know, you have an idea what the hell I'm talking about. Right Mr. Galvez? Now, run for your life."



Parang asong ulol na napasunod sa kanyang amo na lumapit ang lalaking tinawag ni Preona sa pangalang Galvez saka lumuhod sa harap niya. Ngunit mabilis siyang tinalikuran ni Preona. Gusto niya pa sanang habulin si Preona pero mabilis siyang nahawakan ng kanyang mga kasama para pigilin.



Susundan ko na sana siya nang maka- receive ako ng text mula sa kanya.



From: Honey Prey



Stay with your friends. I have to go. Take care.



Nilingon ko ang lalaki na parang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa hitsura niya. May limang lalaki ang nakaalalay dito na tiyak ko ay mga kaibigan niya. Pinipigilan nila itong sumunod kay Preona.
"Don't you dare. Baka ikamatay mo pa kapag ipinilit mo ang gusto mo. You know how evil our big boss is." May diin nitong wika saka inalalayan ang lasing na si Galvez. Bumaling ito sa katabi saka nagsalita. "Zen, please call an ambulance para madala kaagad sa hospital ang mga bodyguard ni Galvez." Maawtoridad na sambit ng lalaki na kasama niya.



"Pero ang big boss lang ang tanging nakakaalam kung nasaan siya." Nanlulumo nitong pahayag.



Hindi parin ma-absorb ng utak ko ang nangyari. Hindi ko alam ang totoong pagkatao ng aking kasintahan. Ni hindi nga kami formal na nag uusap, akala ko dati ay wala akong pakialam sa pinagmulan niya. Pero sa nasaksihan ko kanina ay nagkaroon ako ng dahilan para alamin ang totoo at lahat ng may kaugnayan sa kanya.



Isang tapik sa aking balikat ang nagpapukaw sa malalim kong pag iisip. "Your girlfriend is scary and hot." Di makapaniwalang bulalas ni Zeno.



"And she's the baddest woman I've ever seen in my whole damn life." Napapailing pang saad ni Andreion.



"Sigurado ka bang 'yun yong sinasabi mo sa aking girlfriend mo? Bakit parang hindi tugma sa description na ikinukwento mo sa akin?" Usisa naman ni Darwin.



Hindi ko sila pinansin. Tinalikuran ko sila at naunang bumalik sa pwesto namin kanina. Sunod sunod kong inisang lagok ang whiskey na nasa ibabaw ng table habang patuloy paring iniisip si Preona.








Mhidz's Point of View



Simula no'ng nagdate si Enel at 'yong lalaking epal hindi na mawala wala ang ngiti sa kanyang mga labi.



"Wow! Saya natin today." Bungad ko sa kanya pagkapasok niya sa dining room para mag-breakfast.



Ngumiti na naman siya ng pagkatamis tamis na parang nakakain ng isang kilong asukal na nanggaling pa sa Victoria Sugar Mills. Choz!



Umupo siya sa silyang nasa harap ko. "Happy lang ako. Kasi may date na ako sa darating na Acquaintance Party natin." Luminga siya na parang may hinahanap. "Where's Gia?"



"Nandon sa taas. Ginigising ang ating prinsesa."



"Good Morning Gals." Bungad ni Ayie. Tumango lang ako samantalang binati rin siya pabalik ni Enel pati si Gia na nakasunod kay Ayie papasok ng dining. Naupo siya sa tabi ni Enel.



"Hinay hinay lang Enel, hindi natin alam ang likaw ng bituka no'ng lalaking yun." Hindi ko na napigilang sabihin. Concern lang ako. NBSB siya at alam kong wala rin siyang alam pagdating sa relasyon.



"Wow! Expert?" Sikmat ni Ayie na nakataas pa ang isang kilay.



"Oo. Hindi naman kasi lahat ng nagkakajowa ay mga expert, at hindi lahat ng walang bf ay tanga sa larangan ng pag-ibig. Minsan kong isa pa ang may mga karanasan sa pag-ibig ay sila pa ang mga manhid at nagpapakatanga. Hindi rin lahat ng bagay ay kailangang subukan, ano pang gamit ng pagmamasid gamit ang common sense?" Sagot ko.



"Mhidz, kaya nga may kasabihang 'Learn from your mistakes' diba? Minsan kailangan din nating sumubok at maexperience ang mga bagay bagay para matuto. To learn and to make it better." Agap naman ni Gia na kalalabas lang galing kitchen na may dalang pagkain.



"Gals, iniisip niyo ba na magsesettle down na ako? Partner lang naman kami sa Acque. e. Anong mga hugot yan?" Nalilitong tanong ni Enel.



"See? She's really clueless. Ang lawak kasi ng imahinasyon mo." Baling sa akin ni Ayie.



"Edi wow! Anong pinaglalaban mo!? Pagiging play girl mo!? Oh, Edi bigyan ng jacket yan!" Asar ko sa kanya. Uh-oh! I think I hit a nerve.



"What the-- porket madalas akong makipagbreak hindi ibig sabihin no'n na play girl ako. Sadyang wala lang talagang bumabagay sa taglay kong alindog at wala rin sa kanila ang kacompatible ko. Hmp." Naiinis na sagot ni Ayie.



"Ikaw na defensive. Maybe you are destined to be an old maid." Pang-aasar ko pa sa kanya.



"Tama na yan Mhidz. Let's eat." Singit ni Gia. Sabagay nakakagutom din ang makipagsagutan kay Ayie.



Pag si Gia kausap ko, minsan na kakatuyo ng brain cells. Pag si Enel nakaka-pagdrain ng dugo at pag si Ayie naman nakakakalam ng sikmura. Si Monster Tuko naman nakaka- high blood. Teka ba't siya napasok sa usapan? Can't get you out of my head? Kylie Minogue? Chee. Di kami close!








Vernidiax's College








Ayie's Point of View



After magpark ng van ni Gia ay nagmamadali naming tinungo ang first subject, which is Filipino. Borringgggg. Choz!



Hindi pa kami nakakarating sa aming room ay hinarang na kami ng grupo ni Valentina este nang TIWB. Ang haters lang naman naming apat.



"Well..well..well... Look who's here? The great amazon!" Nang-uuyam na saad ni Shannon saka tumingin kay Mhidz mula ulo hanggang paa.
"A brat." Pati ako ay pinasadahan din ng tingin. "Weird!" Pati si Enel ay hindi rin pinalagpas saka si Gia. "And a nerd." Aba! Ang kapal ng mukha ng butiking mukhang palaka na 'to.



"Seriously? Your face is like a trashcan as ever. Get out of our way. Wala kaming oras para sayo. Wag ka na ring pumasok, ipapakick out kita. Let's go Gals. Hmp." Nakataas noo'ng wika ko saka umirap.



Nakita kong namutla siya sa sinabi ko. Who wouldn't be? Wala pa akong pinapakick-out dito sa school. Kahit ano pa ang atraso nila sa akin. Ngayon pa lang nangyari ito sa akin at sa loob pa ng teritoryo ko. Yan' ang napapala niyo sa maalindog na kagaya ko.



"Feel that?!" Nanunuyang asar ni Mhidz na naka-crossed arms. "Goodbye the itchy witchy bitches." Dagdag pa niya.



Nilapitan kaagad si Shannon ng mga alipores niya. Ang kambal sa uma na sina Madison at Allison. Mukhang makikisimpatya sa lider nila.



Narating na namin ang classroom. Wala pa ang Prof. May out of town meeting daw. Bukas pa ang balik.



"Ayie, kailangan mo pa bang ipakick out si Shannon?" Nakatungong tanong ni Enel. Nilingon ko siya. Saka si Mhidz na nagkibit balikat lang.



Napabuntong hininga ako. "What do you mean? Alam mo namang ayaw ko nang binabangga ako diba? Lalu na sa loob ng teritoryo ko."



Nag-angat siya ng mukha at tinititigan ako sa mga mata. "Wag mo nalang siyang patalsikin. Give her another chance. Kakausapin ko siya. Pretty please?" Pakiusap nito.



Hay, pa'no ko ba mahihindian ang kanyang puppy eyes at tinig na nangungusap.



"Ok. Pero ngayon lang ito."



Ngumiti siya sa akin. "Oo promise. Thank you!" Tinawid nito ang aming pagitan saka yinakap ako.



I just hugged her back. "Welcome."



Half day lang ang lahat ng klase para sa araw na ito dahil may urgent meeting ang mga professors. Ang iba ay nagkanya-kanya ng uwi.



"Are we going home now? Wait! Is that Ceasar?" Tanong ni Enel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top