[10] First Date

The best way to cheer yourself is to try to cheer someone else up.






Enel's Point of View



I was wearing a white, sleeveless, above the knee, silk and fitted Versace dress. White LV stiletto heel, light make up and Hermes Matte handbag.



Kay Ayie ideya ang lahat ng ito, except sa red tube dress na nauna niyang pinili para sa akin na tinanggihan ko rin. She really has a good taste in fashion.



After fifteen minutes, I heard Gia's voice.



"Nel, come down. Your date is already here."Sigaw niya mula sa baba.



Pinasadahan ko pa ng tingin ang aking sarili sa whole body mirror.



Sadya talagang pinagpala ang mga kamay ni Ayie. Medyo gumanda ang hitsura ko.



Woah. Ganito pala ang feeling ng ide-date. Exciting na parang kinakabahan. Sabagay, first time ko to'.



Pinihit ko ang sedura ng pinto ng aking kwarto at tumambad sa akin ang nakaabang na si Mhidz.



Ngumite ito. "You look so beautiful. Mas na-enhance pa ang beauty mo, Nel."Puri nya sa'ken.



"Thanks."I replied while smiling back at her.



Bumababa na ako. Nakasunod naman ang dalawa.
Biglang tumayo si Ceasar mula sa pagkakaupo sa single sofa pagkakita niya sa akin.



Namilog ang mga mata nito at medyo nakaawang ang labi.



Gwapo siya sa suot niyang polo shirt saka black na slacks. Nakaayos din ang buhok niya. Nakadagdag din ang kanyang mga mata at labi na animo'y palaging nakangiti.



"Hi."Bati ko kay Ceasar na di magawang kumurap man lang.



Natauhan lang ito ng siniko ni Mhidz sa may dibdib na hindi niya napansing at namalayang nakalapit na pala sa kanya.



"H-Hi. You look gorgeous. Alam ko namang maganda ka. Pero hindi ko alam na mas gaganda ka pa." Malapad siyang nakangiti habang pinupuri niya ako.



Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin. At ginanap ko naman iyon.



Ito ang unang pagkakataon na nagkadikit kami. Skin to skin.
Makapigil hininga ang bolta boltaheng kuryente na dumadaloy sa buong sistema ko dulot ng aming pagkakadikit.



Nararamdaman din kaya niya?
First time rin niya kayang makipag date? Malamang hindi.
Tanong ko sa likod ng aking isip.



"Anong oras mo siya ihahatid dito?" Ang tanong na iyon ni Mhidz ang nagpapukaw sa malikot kong isip.



"Mhidz naman. Hindi pa nga sila nakakaalis, hatid agad? Let them enjoy their date."Sabad naman ni Ayie.



"Since, first time naman ni Enel ang makipag date. Send her home before midnight. Understood?"May awtoridad na saad ni Gia.



Tumango naman si Ceasar. "Sure. No problem. Mauna na kami." Pagpapaalam niya.








Mhidz's Point of View



"Sundan kaya natin sila." Pangungumbinsi ko sa kanila nang makaalis na sila Enel.



"Just let her be. Mukha masaya si Enel sa date niya at saka harmless naman si Ceasar."Tugon ni Gia.



"Oo nga. Invading their privacy is disrespectful. Baka magtampo tuloy sa atin si Enel niyan." Nakangusong sagot din ni Ayie.



Hmp. Wala na akong sinabi.



Umakyat na si Ayie nung humikab. Inaantok na raw siya.
Itinuloy naman ni Gia ang pagtipa sa laptop na nakapatong sa study table na nandito sa sala .



Nanood nalang ako.
Tamang tama basketball ang palabas. Toronto Raptors vs. GSW.








Enel's Point of View



Nang makapasok kami sa restaurant na pinagdalhan niya sa akin ay sinalubong kami ng isang lalaki. "Any reservation Sir?



Tumango si Ceasar. "Ceasar Hilton. Table for two."



"This way Sir, Madam." Iginiya kami ng lalaki sa pandalawang mesa. "Enjoy yourselves." Sabi nito bago kami lubusang iniwan.



Ipinaghila niya naman ako ng upuan. Gentleman. Isa sa mga katangian na gusto ko sa isang lalaki.



"Thanks."Ani ko.



"Welcome. Alam mo bang kanina pa sila tingin tingin sayo. Hindi ko tuloy alam kong matutuwa ako dahil sobrang ganda ng date ko o maiinis dahil kanina pa sila nakasulyap sayo."Parang nagtatampo niyang sabi. Sino ba ang tinutukoy niya? Bakit parang hindi ko alam na may tumitingin sa akin? Bakit alam din niyang may nakatingin sa akin, eh, hindi niya naman hinihiwalay ang mga mata niya sa akin mula pa kanina? Mga tanong sa isip ko na hindi ko masagot.



Nginitian ko siya. "Don't be. Ako naman ang date mo. Let's just enjoy the night. Since this is my first time, just make it memorable."



Nag-order na kami at kumain.
Nang matapos ay linisan na namin ang lugar.



Next stop ay ang building na may nakalagay na 'Territorio', isa itong mini musem na kanyang pag aari. Mahilig din ako sa arts kaya naappreciate ko ang lahat ng mga naka-displayed.



"Hindi ka ba nabobored? Arts kasi ang past time ko na naging collection ko na rin kalaunan."Nag aalangang sabi niya.



"Nope. Actually, mahilig din ako sa Arts. Particularly, Performing arts. I love singing, playing instruments and dancing. Sa totoo lang, sa dancing si Mhidz lang yung nagturo sa akin."Proud kong sagot.



Si Mhidz kasi ang pinaka mahilig at magaling sumayaw sa aming apat. At kapag may activity rin kami sa school na may kinalaman sa pagsasayaw. Siya rin ang nagco-choreograph sa amin.



Nahagip na aking paningin ang isang painting na medyo may kalakihan na nakasabit sa puting wall. Nag-iisa rin lang ito doon.



"Ang ganda ng painting na yun."Itinuro ko ang painting na black and white na may konting mix na kulay indigo.



"I called that obra as, Chasing Boracay Night."Mababakas ang lungkot sa kanyang boses. At ang pag-iwas niya ng tingin doon.



Nacu-curious tuloy ako kung anong nangyari. Pati kasi ang atmosphere medyo lumungkot din. Sana di nalang ako nagtanong.



Naisip kong ibahin ang topic baka sakaling magbago ang mode niya. "Alam mo hanga ako sayo. Ang bata mo pa tapos successful kana agad. Ako gusto ko ring sumikat. Gusto kong maging singer." Usal ko na ikinangiti niya.



"Really? Well, in that case... I'm just here to support you." Aniya nang nakangiti.



"Do you have a date for the upcoming Acquaintance Party?" Sabi niya kapagkuwan.



"Wala pa naman. Bakit?"Di ko tuloy maiwasang mag-blush.. Siya na nga ang first date ko. Siya rin ang partner ko. Mas nakakaexcite tuloy.



"Pwede bang ako nalang? If you don't mind." Nahihiya niyang saad.



"Sure. I don't mind. Nakakasawa na rin kasi na palaging celebrity ang partner ko. Everytime kasi na may party sa school. Aside from gowns and dresses, pati partner ko prino-provide rin ng parents ko. First time ko tuloy ngayon."Pahayag ko na ikinailang ni Ceasar.



Lahat ng needs ko ay prino- provide ng parents ko kahit na malayo sila sa akin. Pati na rin yung mga naging scorts ko sa mga gatherings, parties at ibang events. Anh lahat ng mga iyon ay pawang mga celebrities.



"Ganun ba? Okay lang ba sayo na hindi celebrity ang partner mo this time?"



"Oo naman. At least, ikaw walang bayad." Ikinatawa niya naman ang sinabi ko.



Nilibot namin ang museum na tanging kami lamang na dalawa ang nasa loob dahil sinadya niya iyong isara para raw masolo namin ang lugar.



Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Halos parehas pala kami. Nasa ibang bansa rin ang mga parents niya. Kasama niya ang family niya ngunit nagdesisyon siyang umuwi rito sa Philippines para mamuhay ng mag-isa at magtayo ng negosyo.



Malungkot ang mag isa. Iyon ang tanging isang bagay na hindi ko makakayang gawin. Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa Maykapal na ibinigay niya sa akin ang mga kaibigan ko. Habang buhay ko iyong ipagpapasalamat.



Nagkwentuhan kami hanggang magdamag at nang malapit ng mag-midnight ay inihatid na niya ako.



Huminto siya sa harap ng gate ng bahay namin. Lumabas siya ng kotse at umikot sa bandang kinaroroonan ko. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kotse at inalalayang makababa.



"Thank you for this wonderful evening with you. Sana maulit muli 'to. Kahit ang makasama ka lang na mamasyal sa mall or sa park." Mahina niyang usal.



"Eh, di ulitin natin bukas. Sama ka nalang sa amin bukas. Magsisi mba kami nila Mhidz. Nag enjoy rin naman ako sa company mo." Masigla kong sagot.



"Really? Sobra rin akong nag enjoy na kasama ka. Pero, ok lang ba sa mga kaibigan mo kung sasama ako sa inyo?"



Tumango ako. "Syempre naman. Mababait naman sila e, tsaka para formal na din kitang ipapakilala sa kanila."



"Sige. Ahm.. Goodnight and sweet. Mauna na nga pala ako sayo. Pumasok kana sa loob dahil medyo mahamog na dito sa labas." Naalala ko bigla yung mga ganitong mga scenes na napapanood ko sa mga movies. Dahil sa kaba na naramdaman ko na baka halikan niya ako ay agad kong binuksan ang gate. Kumaway ako sa kanya at nagpaalam na.



"Umuwi kana para makapagpahinga ka na. Ingat sa pag uwi. Sweet dreams din sayo. Bye." Nagmamadali kong sabi saka isinara ang gate at ini lock iyun.



Bago ko maisara ang gate ay nakita ko pang nagtaka si Ceasar at napakamot pa sa ulo nito. Napangiti nalang ako sa tinuran niya.



Masaya ako sa naging karanasan ko ngayon. Ito ang unang beses na lumabas ako na may kasamang lalaki, kasalong kumain at kakwentuhan. Ganito pala ang feeling. Masaya at exciting..



Inilabas ko ang duplicate key ng bahay. Kaming apat ay may kanya kanyang duplicate key in case of emergency. Ayoko rin namang istorbohin ang tulog ng mga kaibigan kong tumulong sa akin kanina.



Nakapatay na ang lahat ng ilaw pero hindi na ako nag abala pang buksan ang mga iyon. Sa halip ay kinuha ko ang cellphone ko sa hand bag at iyon ang ginamit ko.



Bago ako tumuloy sa silid ko ay inisa isa ko munang tignan ang mga kaibigan ko. Mahimbing nang natutulog sina Ayie at Mhidz sa kani kanilang mga silid. Ngunit, nang akma ko nang bubuksan ang silid ni Gia ay hindi iyon mabukas bukas. Naka lock iyon kaya hindi ko na pinilit pa.



Nagtungo nalang ako sa aking silid at natulog na may mga ngiti sa aking mga labi.








Cesar's Point of View



I met a lot of girl--- beautiful girls in US even in here. Pero iba siya. Iba si Ellery. Mula sa kanyang kagandahang taglay, sa mayumi at mahinhing pagkilos at pagsasalita at sa kabutihang loob. Hindi pa rin siya nagbabago. Just like the old times.



Pagkahatid ko sa kanya ay dumeretso agad ako sa Preona-Bar-BQ Track.



Pagkapasok ko ay nakita ko agad sina Ace kasama ang iba pang barkada.



"Woah. Where that face come from? Magse- settle down ka na ba buddy? Bakit parang galing kang kasal? Who's that lucky girl?" Usisa ni Zeno nang makalapit ako sa kanila. Hindi ko siya sinagot. Bumaling ako sa nakaupong si Ace na bahagyang nakayuko.



Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Hey, buddy what's up?"
Nilingon niya lang ako pero hindi nagsalita. Tumingin ako kay Andreion with a look in my face saying, what's-going-on-here? Nagkibit balikat lang siya at pasimpleng itinuro si Zeno.



Napailing siya bago sumenyas na nasasaktan ang dibdib--- puso. So, may problema na naman siya sa girlfriend niya.



"That's ok. Magkakaayos din kayo ni Preona. Ok? Ano bang problema?" Tanong ko sa kanya.



"She didn't answer my calls and messages. Ayaw niya na ba sa akin?" Uh-oh. Mukhang nadali ang playboy kong bestfriend ng isa ring playgirl.



Ace is my bestfriend. Wala itong sineryoso ni isa mang babae. Mukhang ngayon lang mangyayari. One year na sila ng girlfriend niya pero ni isang beses ay hindi ko pa nakita at nakilala ang ipinagmamalaki niyang gf. May pag aari rin si Ace na exclusive hotels and bars pero dito siya madalas na magpunta.



Dahil sa pag iisip ay hindi ko na namalayan pa ang paglapit ng isang babae sa bandang kinaroroonan namin.



"Miss me already." Masarap sa pandinig ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasang hindi iyon sulyapan.



Maganda at may maamong mukha na natatakpan ng make up ang mukha nito. Matangkad, may magandang katawan na halata sa sobrang hapit na hapit nitong kasuotan. Nakadagdag din dito ang hindi pagsusuot ng alahas. She's like a ramp model of Victoria's Secret. No doubt.



Nagkukumahog na lumapit sa babaeng bagong dating si Ace at siniil iyon ng malalim na halik at yumakap ng mahigpit.



"I miss you so much honey. Where the hell have you been?" Nagtatampo nitong tanong sa babae.



Nagulat ang babae sa ginawa ni Ace.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top