SC: The XiuChen Chap
Di tulad ng sa HunHan, hindi ganun ka-drama ang buhay ng XiuChen. Masama ang ugali ni Jongdae dahil isa siyang troll. Alam niyo na, mahilig manloko at manira ng araw. Mahilig din siyang mang-api ng mga taong trip niya. At ang TRIP niya parati ay si Kim Minseok.
Bakit?
Simple lang... crush kasi niya ito.
Playboy din kasi si Chen. Mahilig siyang mag-uwi ng babae at paglaruan sila. Wala namang nangyayaring kababalaghan. Tinitrip lang niya talaga. Paaasahin at paiiyakin.
Dahil pinipili niyang kalimutan si Xiumin. Sad no?
Nang maging halimaw siya, nawala siya sa Hao Min Academy na parang bula. Pero hindi siya tinakwil ng mga magulang niya katulad kay Sehun. Sinubukan nila lahat ng paraan para bumalik siya sa dati. Pero... nawalan din si Chen ng gana.
"Chen, anak..." bulong ng Mommy niya habang hinahawi ang mga buhok nito sa mukha. Umiwas ng tingin si Chen at napatitig sa malayo. "Pack some of your things so we could--"
"No." mariin na sabi ni Chen habang nakahawak ng mahigpit sa kumot niya. "Ayoko na, Ma. I don't care anymore, okay? Ayoko nang maghanap pa ng solusyon! I'm a monster! And i would stay like this for forever!"
Namuo ang luha sa mga mata ng Mama ni Chen. "A-anak... huwag mo--"
"NO!" sigaw ni Chen. "Umalis nalang kayo, Ma." he said through gritted teeth. "Leave me alone! Just LEAVE!"
Umiiyak na lumabas ng kwarto ni Chen ang Mommy niya. Hindi na niya alam ang gagawin. Ayaw nilang tumigil sa paghanap ng solusyon sa nangyari kay Chen pero paano na kung si Chen mismo, ayaw nang lumaban? Sobrang hirap diba?
Isang araw, tumigil na sa pagkain si Chen. Unti-unting bumabagsak ang mga petals mula sa rosas na binigay sakanya ni Victoria pero wala siyang pakialam.
Nagkukulong lang siya sa kwarto niya, umiiyak o di naman, nakatulala sa malayo.
"Nakikiusap ako, Minseok." naiiyak na sabi ni Mrs. Kim sa kanyang therapist na si Kim Minseok. "T-tulungan mo ang anak ko."
Part time therapist lang si Xiumin sa isang spa noon. Magaling kasi siya kaya, nakayanan niyang pagsabayin ang pag-aaral niya sa HMA. Isa ang mama ni Chen sa mga madalas niyang customer.
"Ma'am..." simula ni Xiumin habang hawak-hawak ni Mrs. Kim ang kanyang kamay. "Therapist po ako, hindi po ako psychiatrist. Baka hindi ko din po matulungan yang anak niyo."
"Hindi naman baliw ang anak ko, Minseok." iyak ni Mrs. Kim. "Kailangan lang niya ng makapag-papagaan sa pakiramdam niya. Hindi ko kayang nakikita si Chen ng ganun. Tulungan mo ako please?"
Nanlaki ang mata ni Umin sa narinig. "C-chen?" nauutal na sabi nito. "Si... K-kim Jongdae po ang anak niyo?" gulat na tanong nito at napahigpit ang hawak sa kamay ng mabait niyang customer.
Tumango si Mrs. Kim habang umiiyak. "Pakiusap, Minseok." sabi nito. "Help my son."
At wala na ngang nagawa si Xiumin kundi ang tanggapin ang trabahong ino-offer sakanya. Hindi niya gusto si Kim Jongdae. Sa katunayan ay inis na inis siya dito dahil parati nalang siyang inaaway ng walang dahilan. Parati nalang na siya ang nakikita nito.
Pero nang makita niya ang kalagayan ni Chen, napalitan ng awa ang inis na nararamdaman niya. OO... awa. Hindi pagmamahal.
Huwag kayong excited, okay?
Nang unang makita ni Chen si Minseok na papasok sa kwarto niya, naka scrub suit pa ito at may hawak na tray ng pagkain. Nanlaki ang mga mata nito at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ang matagal na niyang gusto ay nandito, aalagaan siya. Agad niyang hinila ang kumot at tinakpan ang sarili.
Natawa ng mahina si Xiumin at inilagay ang pagkain sa beside table nito.
"Huwag ka nang magtakip diyan." natatawang sabi nito. "Nakita na kita. Kahapon pa, habang tulog ka."
Unti-unting binaba ni Chen ang kumot at napatingin kay Xiumin na nakataas ang isang kilay habang nakangiti. "Y-you're not... afraid?" tanong nito habang nauutal.
Umiling si Xiumin at umupo sa kama ni Chen. "Hindi naman." sagot nito at mapang-asar na hinawakan ang kamay ni Chen at agad silang nakaramdam ng kuryente o sparks. Hehehe. Tinitigan niya ang mahahaba nitong kuko. "Ikaw parin si Kim Jongdae para sakin." sabi nito na nagpa-pula ng todo sa mukha ni Chen. Mabuti nalang at natatakpan siya ng mga buhok.
Binitawan niya ang kamay ni Chen at kinuha ang bowl ng soup. "Kumain ka na." malumanay na sabi nito. "Sabi ng mommy mo, ilang araw ka nang hindi kumakain."
Iniabot niya ang bowl pero tinitigan lang ito ni Chen. Hindi niya kinuha.
Napabuntong hininga si Xiumin at ngumiti ng maliit. "Sabi ko nga..." sabi nito at kinuha ang kutsara. "...susubuan kita." at iniangat ito papunta kay Chen.
Lihim na napangiti si Chen sa ginawa ni Xiumin. Hindi niya alam pero nararamdaman niya na may pag-asa pang bumalik siya sa dati. May pag-asa pang maging normal muli siya. Napatingin siya kay Xiumin na napapatingin din sakanya basta susubuan siya nito. Napakaganda ng mga mata niya, pati na din ang kutis nito. Yung mga pisngi niya na sobrang sarap pisilin at halikan.
"Huwag mo nga akong titigan." biglang sabi ni Minseok. "Baka matunaw ako niyan." sabi pa niya at napangiti ng maliit.
Namula ulit si Chen at saka umiwas ng tingin.
Sa buong buhay niya... unang beses na walang masabi si Kim Jongdae.
Ilang linggo na nagsilbi si Xiumin kina Chen, walang araw na hindi ito pumupunta sakanila matapos ang trabaho niya. Hihintayin niyang makatulog si Chen at panonoorin ito sa mahimbing niyang pagpapahinga. Minsan, inuuwian din niya ito ng maraming pasalubong tulad ng candies at crackers, na wala sa bahay nila.
Kahit pa kumakain na si Chen at lumalakas na din, hindi makaalis si Xiumin sakanila dahil ayaw kumain ni Chen kung hindi si Umin ang magpapakain sakanya.
At may kung anong dahilan din si Kim Minseok kung bat hindi niya magawang umalis.
Nahuhulog na siya para sa dakilang troll na kina-iinisan niya.
Nalate isang gabi ng dating si Xiumin at naabutan nalang ang tulog na Chen.
Napabuntong hininga si Xiumin at lumapit sa inaalagaan niya. Tumabi ito kay Chen sa kama at inayos ang kumot nitong nakatakip sakanya. Inialis niya ang librong nakapatong sa katawan nito at inilagay sa shelf. Matapos nun ay umupo siya sa tabi nito at sa di malamang dahilan ay hinawakan nito ang kamay ni Jongdae na natatakpan ng buhok at may mahahabang kuko.
"Sorry, Chen ah." bulong nito at ngumiti ng maliit. "Sobrang arte kasi nung huli kong customer. Ang daming demands, yung tatay ni Oh Sehun. Ang sama ng ugali. Hay." hinawi ni Xiumin ang buhok sa mukha ni Chen na tumatakip ng mukha nito. Napa-ungol si Chen at biglang humigpit ang hawak sa kamay ni Xiumin.
Napangiti si Minseok ng mas malaki. "Alam mo... never kong inakala na mangyayari to satin. Akalain mo, dependent ka na sakin ngayon? Pero ewan ko ba kung bat ganito ang nararamdaman ko. Ayaw kong umalis sa tabi mo Chen. Parang ayaw kong... gumaling ka." napabuntong hininga si Xiumin. "Ayaw kong maging masama, Kim Jongdae. Pero... ganun eh. Gusto ko kung anong meron tayo ngayon. Ayaw kong mawala."
Napakagat labi si Xiumin dahil sa kaba. "Parang ayaw kong mawala ka."
Tumayo si Xiumin at binitawan ang kamay ni Chen. Tumayo ito sa tabi ng kama niya at muling inayos ang higaan nito. "Siguro nga... mahal na kita." bulong nito.
Yumuko ito at marahan na hinalikan ang noo ni Chen. Matapos nun ay ibinaba niya ang kanyang labi sa tenga nito.
"Tama." bulong nito sa tenga ni Chen. "Mahal kita Kim Jongdae. Sana... maging maayos na ang lahat para masabi ko sayo yan."
Tumayo na ng maayos si Xiumin bago tumalikod paalis ng kwarto.
"Mahal din kita... Kim Minseok."
Napatigil si Xiumin sa paglalakad at unti-unting lumingon sa taong nagsalita nun.
Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita si Chen, nakaupo sa kama niya at nakatingin sakanya. Nakangiti ito at medyo maluha-luha ang mga mata. Puno ng pagmamahal ang mga ito at alam niyang hindi siya nagsisinungaling. Nararamdaman niya iyon.
Pero may mali.. may iba.
Napasinghap si Xiumin nang marealize kung ano ang nasa harap niya mismo.
"C-chen..." utal na sabi nito. "Your normal self... I-it's back."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top