Prologue





Napangisi nalang ako habang pinapanood ang pagkulubot ng mukha niya. Mula sa isang gwapong nilalang, andito siya ngayon, nakaluhod sa harap ko at nagmamaka-awa na bawiin ang sumpang alam naming dalawang, nararapat lang sakanya. 



Napanganga nalang siya nang bumalik ako sa tunay kong anyo. Isang magandang dalaga. 



"Nakiki-usap ako!" sigaw niya at humawak sa paa ko. "Ibalik mo na ako sa dati! Please! Ayoko ng ganito! AYOKO!" 



I rolled my eyes at tinaas ang isa kong kilay. "Sorry, pero nagawa na ang dapat magawa. Sorry nalang." 



"You're a demon!" sigaw niya at tumayo. "Demonyo kayong lima!" 



Umirap ako at ginamit ang kapangyarihan ko para mapaupo siya ulit sa sahig. "We're not demons!" sigaw ko pabalik. "Trabaho namin ang parusahan ang mga kagaya mo. Kaya wala ka nang magagawa. You deserve this!" 




Humagulgol siya sa harap ko pero hindi na ako nagsalita pa. Pinanood ko nalang ang pagtubo ng mga buhok sa katawan niya. 



Lumuhod ako at hinarap siya. Nakakasuka ang itsura niya ngayon. 



Isang halimaw. 




Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya at ngumisi. "Tandaan mo, Chen." bulong ko. "Kapag nalanta at nahulog na ang lahat ng petals ng bulaklak na yan, habang buhay ka nang ganyan." 



Tumayo ako at tumingin sakanya ulit. 



"True love. Mahahanap mo kaya sa tamang oras? Hm?" natawa nalang ako at tumalikod na. Hinihintay na ako sa labas. 



Naririnig ko pa ang mga hagulgol at sigaw ni Chen sa loob pero hindi ko na siya pinansin. Dapat lang sa mga kagaya nila yun. Mga mayayabang at walang puso. Tignan ko lang kung may magmamahal pa sakanya ngayon. 



Pagkalabas ko ng bahay ni Chen, hinihintay na ako nina Amber, Sulli, Krystal, at Luna. 



"Victoria! Bat ang tagal mo naman?" tanong ni Amber. 



Ngumiti ako at umiling. "Ang tagal kasi ng drama nun. Nakaka-stress." natatawang sabi ko at nilabas ang isang Book of Spells na parati naming hawak. Andito nakalagay lahat ng spell na gagamitin namin. 



Napa-iling si Krystal at ngumiti. "Sya nga pala," sabi niya at tumingin sa aming apat. "May next mission tayo." 



Napa-ngiti kami. Isa nanamang misyon? Exciting to ah. 



"Pero ngayon, si Sulli naman ang pupunta." tuloy niya at agad namang nanlaki ang mga mata si Sulli. Kagagaling lang niya sa China noong isang linggo para sa isang Cassanovang naging kagaya din ni Chen.



"Eh sino bang susunod kong babantayan?" tanong ni Sulli habang hinahawakan ang mahaba niyang buhok. Mukhang hindi pa siya ready na magbagong anyo. 



Napangiti ng malawak si Krystal. 



"The name's Oh Sehun. Ang 'prince charming' ng Hao Min Academy." 






******





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top