Beast 8
~Lu Han~
Napapatingin nalang ako sa paligid habang ina-absorb lahat ng ito. Sobrang laki ng bahay pero tatlo lang kami. Nakakatakot na nga minsan eh. Pakiramdam ko, may mga nakatingin sakin na hindi ko alam.
Alam niyo yung ganung feeling?
Kakaupo ko palang sa isang stool dito sa kusina nang pumasok si Kyungsoo na bihis na bihis. Napakunot noo ako.
"Anong meron, Kyungsoo?" tanong ko. "Saan lakad mo?"
Napangiti si Kyung at umiling. "Wala naman." sagot niya."Ngayon kasi darating yung home school teacher ni Master Seth. Kailangan maging presentable tayo."
Napatingin ako sa suot kong simpleng t-shirt at shorts. "So sa tingin ko, kailangan ko ding magpalit, hindi ba?" tanong ko sabay tayo para ipakita sakanya yung suot ko.
Natawa si Kyungsoo at tumango. "Tama." sabay thumbs up.
Agad naman akong pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Natutulog nga pala ako sa isang disenteng kwarto sa may second floor. Sina Master Seth at Kyungsoo, nasa may third floor ang mga kwarto nila.
Pinili ko ang isang simpleng polo at pants. Nagsapatos na din ako kasi mukhang mas disente pag ganun. Maya-maya ay bumaba na din ako at nakita si Kyungsoo na may kausap na lalake. Matangkad at nakabusiness attire. Lumapit ako sakanila.
Napatingin sakin si Kyungsoo at tinawag ako. "Mr. Smith, this is Lu Han. Luhan, this is Mr. Smith, Master Seth's home school teacher."
Nagbow ako at ngumiti. "Good morning." bati ko. Nagbow din naman siya at binati din ako.
"Luhan, doon ka muna sa kusina. May pag-uusapan lang kami." bulong ni Kyungsoo. Tumango naman ako at naglakad pabalik sa kusina.
Mula sa counter, nakikita ko sina Kyungsoo at Mr. Smith. May sinasabi si Kyungsoo at biglang nagbago ang kanina lang na nakangiting itsura ni Mr. Smith. Napakunot noo siya at napahawak sa bibig niya.
Nagsimulang mag-explain si Kyungsoo ng mabilis. Sinasamahan din niya ng gestures. Umiling si Mr. Smith at tumingin sa itaas ng bahay.
Pinag-uusapan ba nila si Master Seth?
Tumigil sa pagsasalita si Kyungsoo at mabagal na tumango si Mr. Smith pero namumula siya. Halata sa mukha niya ang takot. Pero hindi ko alam kung bakit.
Nagsimula na silang maglakad paakyat sa kwarto.
Matapos ang ilang minuto, bumaba si Kyungsoo na may kaba ang mukha. Napakunot noo ako.
"Kyung, ayos ka lang?" tanong ko at nilapitan siya.
Napatingin siya sa taas, parang may hinihintay. "A-ah." simula niya. "O-oo. Ayos lang ako." sagot niya pero halatang hindi naman. Kahit na hindi ako convinced, hinayaan ko nalang siya.
Wala pang isang oras nang may narinig kaming mga ingay mula sa itaas ng bahay.
Namuti ang mukha ni Kyungsoo ata agad na tumayo. Susundan ko na sana siya nang pigilan niya ako.
"Luhan, diyan ka lang." seryosong sabi niya. "Huwag ka nang sumama." at agad siyang tumakbo pataas.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Anong nangyayari sa itaas? Ano yung mga ingay na yun?
Isang hingal at tumatakbong Mr. Smith and nakita kong pababa ng hagdan. Agad akong lumapit sakanya bago pa siya makalabas ng bahay.
"Mr. Smith—" tawag ko pero hindi na niya ako pinatapos.
"I'm never going back into this house!" sigaw niya at may binatong makapal na envelop sakin. "I was not informed that i would be teaching a monster! This is not the job for me! I deserve something better that this! DISGUSTING!"
Napa-pikit nalang ako nang isara niya ng malakas ang pinto.
Ano bang sinasabi niya? Anong monster?
Napatingin ako sa itaas at saktong pababa na si Kyungsoo. May mga luha sa mata niya. Nilapitan ko siya agad.
"Kyung..." tawag ko. "A-anong nangyari?"
Tumingin sakin si Kyungsoo at ngumiti ng maliit. "Wala Luhan." sagot niya. "May mga bagay lang na hindi kayang tanggapin ng iba. Hindi nila maintindihan."
Wala akong nasabi sa sagot niya. Lumayo siya sakin at pinulot ang binato ni Mr. Smith na envelop kanina. Pera pala ang lama nun. Madaming pera.
Napabuntong hininga si Kyungsoo. "Mukhang kailangan kong maghanap ng bagong homeschool teacher ni Master Seth." bulong niya sa sarili niya.
Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Mr. Smith kay Master Seth.
Ano bang nakita niya? Ano bang meron?
Gusto kong magtanong kay Kyungsoo. Gusto kong malaman kung may sikreto ba sa bahay na ito pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.
Natatakot ako sa pwede kong malaman.
"Luhan, tapos ka na bang magluto?" tanong ni Kyungsoo habang papasok siya dito sa kusina. Na sobrang laki din.
Tumango ako at inilapag sa tray ang niluto kong scrambled eggs, sausage, at toast. "Ako na ba ang magbibigay kay Master Seth?" tanong ko.
Umiling agad si Kyungsoo. "Hindi!" sagot niya. "Ako na. Ako nang bahala. Ilagay mo nalang diyan, may kukunin lang ako sa kotse."
Kahit na nagtataka talaga, tumango nalang din ako. Pinanood ko nalang si Kyungsoo palabas ng main door.
Pero maya-maya lang, biglang nag-ring ang isang maliit na mechanical bell sa gilid ng kusina. Nasa kwarto ni Master Seth and switch doon. Tumutunog ito kapag may kailangan siya. Pero dahil sabi ni Kyungsoo, siya na ang bahala, hindi ko na pinansin.
Ayaw naman ni Kyung na ako magbigay eh.
Naglakad nalang ako pabalik sa kitchen counter para ihanda ang lulutuin ko para sa lunch. Pero hindi pa ako nakakaupo sa isang stool, nag-ring ulit ang bell. Pero sobrang tagal na sa pagkakataong ito.
Napatayo ako at napatingin sa paligid.
Asan na ba kasi si Kyungsoo?
Maglalakad na sana ako palabas ng bahay para tawagin si Kyung nang magring ang bell. Tuloy-tuloy ito at sobrang bilis. Ramdam ko na ang inis ni Master Seth.
Wala na akong choice.
Agad kong binuhat ang tray ng pagkain at nagsimulang umakyat papunta sa third floor. Kinakabahan din ako kasi first time kong papasok sa kwarto ni Master Seth. First time ko din siyang makikita nang malapitan.
Pagkarating ko doon, may dalawa lang na pinto.
Isa sa kanan at isa sa kaliwa.
Isa dito ang kwarto ni Young Master.
Pinili ko ang kanan at napatingin sa pinto. Kumatok ako ng tatlong beses.
"You're late, Kyungsoo." may nagsalita mula sa loob. "Come in."
Napahawak ako sa door knob at inikot ito. Madilim sa loob at galing lang sa isang maliit na lampshade ang ilaw.
"M-master Seth," tawag ko at sumilip ng kaunti sa loob. "S-si Luhan po ito."
******
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top