Beast 7




After 1 week.. 




~Oh Sehun~




Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse habang pinapanood ang pagdaan ng mga puno at buildings. The window tint was dark, making me invisible to the human world. Sino ba naman ang may gustong makakita sakin diba?



Napatingin ako sa driver ko. Bago siya at halos kasing edad ko lang. "Kyungsoo, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko. Tinanong ko na ito kay Daddy pero ayaw niyang sabihin. He said that I don't need to know. It's just... far away. 



Kyungsoo gave an apologetic smile. "I'm sorry, Sir Sehun. Pero sinabihan na ako ng Daddy niyo to keep quiet." malungkot niyang sabi. 



"Will you be staying with me?" i asked. Siya ba yung sinasabi ni Daddy na hinire niya para maging kasama ko sa bago kong titirhan? 



Tumango si Kyungsoo at ngumiti. "Opo, Sir." sagot niya. "Pero sa pagkaka-alam ko po, may kasama pa po tayong ibang mga tao para bantayan ka. Kukuha din po si Sir ng home teacher niyo para sa homeschooling."



Napangiti ako ng mapait. Kahit paano, naisip din ni Dad ang pag-aaral ko. Dapat na ba akong maging masaya? 



"So when would those people come?" i asked. Ngayon palang medyo kinakabahan na ako. Baka matakot lang sila pag nakita nila kung sino ang babantayan nila. But i would try my best not to hurt them.



I don't want to be a monster. 



"Siguro Sir, a few days from now." sagot ni Kyungsoo. "Hindi ko po sure. Pero for the mean time, ako palang po at yung maid niyo ang kasama." 



Napakunot noo ako. "Maid? A girl?" 



Natawa si Kyungsoo at umiling. "Hindi po sir. Lalake po yun. Ayaw po ni Dad niyo na maghire ng babae, baka daw po mag-freak out." 



I sighed. Yeah right. Freak out because of me. 



"Ikaw, Kyungsoo." simula ko. "Why aren't you freaking out?" 



Ngumiti si Kyungsoo ng maliit. "Sir, hindi naman po ako takot sa inyo. Nararamdaman ko po na mabuti naman kayong tao eh." sagot niya. "Siguro, medyo creepy sa panlabas pero mabuting tao naman pala. Parang yung boyfriend ko lang." 



Napangiti ako. "So you have a boyfriend. Who's the lucky guy?" 



"Kim Jongin po ang pangalan niya, Sir." sagot niya. 



Halos mapasinghap naman ako sa narinig ko. Si Kai ang boyfriend ni Kyungsoo? Kaya pala nagalit siya nang laitin ko sina Chanyeol at Baekhyun! Inlove din siya sa isang hindi famous na tao. 



Namula ako at hindi makatingin kay Kyung. "P-pwede bang favor, Kyungsoo?" tanong ko at saka umiwas ng tingin. "Pwede ba akong mag-iba ng pangalan?" 



Napakunot noo naman si Kyungsoo. "Bakit, Sir? Ayaw niyo po ba ang Sehun?" tanong niya. 



Umiling ako. "A-ah. Hindi naman sa ganun." i faked a cough. "I just don't want to live with that name anymore. I'm not Oh Sehun, Kyungsoo. I'm someone else now. I'm a beast and i want to live by it." 



Nalungkot ang mukha ni Kyungsoo at hindi nakasagot agad. 



Maya-maya pa, nagsalita ulit si Kyungsoo. "Gusto niyo ang Sese?" tanong niya. 



I laughed. "Sese?" gulat na sabi ko. "You want to call me Sese?" 



Tumango si Kyungsoo at ngumiti. "Sir, alangan namang ilayo pa natin sa pangalan mo diba? Edi tayo rin ang mahihirapan? Kaya dapat, yung medyo malapit na sa pangalan mo." dahilan niya. 



Napa-iling ako. "Para namang bata yun." sagot ko. 



Napatango si Kyungsoo. "Kung sabagay... may point kayo dun, Sir." sagot niya. "Pero yun na talaga ang pinaka-idea ko, Sir eh, sorry." 



Tumango nalang ako. "Basta sana Kyungsoo, walang makaka-alam na ako si Oh Sehun. Kahit yung boyfriend mo pa. Sana, tayong dalawa lang." 



Ngumiti naman si Kyungsoo at tumango. "Makaka-asa kayo, Sir." 



Binalik ko na ang tingin ko sa bintana. Malapit nang gumabi at hindi parin namin nararating ang lugar na sinasabi ni Daddy. 



Saan kaya niya ako ipapatapon?






















~Lu Han~





Hinigpitan ni Baekhyun ang yakap niya sa akin. "Lulu!" iyak niya. "Sigurado ka bang kelangan mo nang umalis? Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" 



Niyakap ko din naman siya at pilit na ngumiti. "Sorry Baekhyun, pero hindi na eh." sagot ko habang pinupunasan ang mga luha ko. "Ayaw na din ni Papa saka kailangan ko nang magtrabaho para sa amin din." 



Kumalas si Baekhyun sa yakapan namin at malungkot na napatingin sa akin. Inakbayan siya ni Chanyeol habang kino-comfort. Napangiti ako. 



"May mag-aalaga naman sayo dito eh." sabay turo ko kay Chanyeol. "Kaya ikaw, higante ka, ingatan mo si Baek ah! Huwag mong pababayaan!" 



Tumango si Chanyeol. "Oo naman, Luhan." sagot niya at niyakap si Baekhyun gamit ang isang braso. "I'll take care of this little angel of mine." 



Napa-irap naman si Baek habang nagpupunas ng luha pero hindi na sumagot pa. Alam ko naman na gusto niya din eh. 



"Basta Luhan, pag kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang sa amin ah." sabi ni Baekhyun. "Kahit ano pa yan! Text mo lang ako o i-message mo ako sa FB!"


Natawa ako at tumango. "Sure, Baek." masaya kong sabi. "Ikaw ang una kong lalapitan pag may problema ako." 



Napalingon ako nang marinig ang pagdating ng isang itim na kotse. Andiyan na ang sundo ko. 



Nagpa-alam na ako kina Chanyeol at Baekhyun at naglakad papunta sa kotse. Kahit pa naiiyak ako ulit, pinigilan ko. Ayokong umalis na ganito. Gusto ko, kahit paano, nakikita nila Baek na hindi ako malungkot. Kahit yun naman ang totoo. 



Binuksan ko ang pintuan ng kotse at isang lalakeng cute at may malalaking mata ang sumalubong sa akin. "Hello, Luhan!" bati niya. "I'm Kyungsoo at ako ang driver ng magiging amo mo." 



Pinilit kong ngumiti. "Hello, Kyungsoo." bati ko at umayos ng upo. "Lu Han, ang magiging katulong ni Sir...? Anong pangalan niya?" 



"Siya si Oh--" pero bigla siyang napatigil. "Ah... Siya nalang magpapakilala sayo mamaya. Alis na tayo?" 



Kahit na medyo weird ay tumango ako. 




















Matapos ang ilang oras na byahe, narating namin ang isang sobrang laking bahay sa gitna ng kagubatan. Luma at halatang pang-mayaman. 



Madilim na ang paligid at pakiramdam ko, nasa isa akong haunted house. Napalunok ako. Dito ako matatrabaho? 



"Alam kong medyo creepy." simula ni Kyungsoo at tinulungan akong magbuhat ng mga gamit ko. "Pero maayos naman sa loob." 



Tumango ako. "Wala namang problema." sagot ko at sinundan siya. Naglakad kami papunta sa main door at nang walang anu-ano'y binuksan lang iyon ni Kyungsoo. 



At tama nga siya. 



Sobrang ganda sa loob. Parang kastilyo. Ang daming makikinang na bagay. Nakakasilaw. Napanganga nalang ako habang nakatingin sa paligid. 



Sobrang ganda. 



"Wow." bulong ko at napansin ang ngiti ni Kyungsoo. Napangiti din ako. I can't help it. Sobrang ganda ng bahay na ito.



Pero isang pigura ang nakita kong nakatayo sa may hagdan. 



Madilim sa taas kaya naman hindi ko siya maaninag. Matangkad siya at nakasuot ng makapal na robe. Nakatakip din ang mukha niya. Mukha na nga siyang member ng kulto.



"S-sino siya?" tanong ko kay Kyungsoo. Hindi ko matago ang kaba. Baka kasi nakatingin na ako sa isang multo.



Hindi nagsalita si Kyungsoo at tumingin lang din sa lalake na nakatayo sa itaas. 



Bigla itong gumalaw at pakiramdam ko, nakatingin din siya sa akin. 



"I'm your Master." biglang nagsalita yung pigura. Nakakatakot ang boses niya. Sobrang lalim at parang galing sa ilalim ng lupa. Kinilabutan ako. "Just call me Master Seth. Follow all my orders at magkakasundo tayo. Is that clear?" 



Tumango ako at nagbow. "Ako po si Lu Han, M-master Seth." sagot ko. 



Hindi na nagsalita pa si Master Seth at tumalikod na para umakyat. Napahinga ako ng maluwag at pinanood siyang mawala. 





******




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top