Beast 6




~Lu Han~




"Sure ka bang okay ka na dito, Lulu?" isa pang tanong sakin ni Baek nang maihatid na nila ako dito sa may kanto papasok sa bahay namin. 



Tumango ako. "Oo naman. Baka, may masama pang mangyari pag hinatid niyo ako sa tapat ng bahay." medyo ilang na sagot ko. Tumango si Baek at ngumiti ng malungkot. 



"Teka." singit ni Chanyeol at pinatong ang kamay sa balikat ni Baekhyun. Libre chansing nanaman to. "Bat anong mangyayari? Horror house ba bahay niyo, Luhan?" gulat na tanong nito. 



Inirapan ko naman siya. "Mukha ba akong nakatira sa horror house?" inis na tanong ko. "Syempre, hindi. May mga bagay lang na hindi mo alam. Baek, paki-explain nalang sa boyfriend mo ah. Alis na ako! Salamat ulit!" 



Tumalikod na ako at tumakbo papasok sa street namin nang marinig ko ang sigaw ni Baek. "Hindi ko pa siya-- este... Hindi ko siya boyfriend!" pero natawa nalang ako at umiling. 















Huminga ako ng malalim bago pumasok sa bahay namin. Maliit lang siya at gawa sa kahoy at semento. Sumilip ako sa pinto bago tuluyang pumasok. 



"Saan ka galing?" 



Tumayo lahat ng balahibo sa katawan ko nang marinig ang boses ni Papa. Nilingon ko siya at nakitang nakaupo siya sa may kainan. 



"S-sa school po, Pa." kinakabahang sagot ko. Masakit pa ang suntok niya sa akin kagabi at ayoko na ng isa pa. Hindi ko na siya sasagutin pa ulit. 



Tumayo si Papa at pagewang-gewang na naglakad papunta sa sala. Humiga siya sa may sofa at may hawak na namang bote ng alak at isang pack ng sigarilyo. "Nakita ko yung mga kasama mo kanina. Mukhang mayayaman ah. Pineperahan mo sana." nakangising sabi nito. 



Napahinga ako ng malalim. "Pa, mababait po sina Baekhyun at Chanyeol. Saka hindi naman po ako manloloko." mahina kong sabi. 



Napakunot noo si Papa at umupo. "Bakit?! Mapapakain ka ba niyang kabaitan mo na yan?!" sigaw niya. "Saka walang kaibigan! Iiwan ka din ng mga yan pag nakuha na nila ang kailangan nila sayo!" 



Napangiwi ako sa sigaw ni Papa. "Pero Papa--" 



Napaatras ako agad nang ibato ni Papa sa sahig ang hawak niyang bote ng gin. "Putangina!" 
sigaw niya. "Sasagot ka pa?! Sasagot ka pa?! Wala ka talagang kwenta!" 



Napa-tungo nalang ako. Hinihintay ko ang suntok niya. Ganun naman parati eh. Basta may ibabato siya, susunod na ang suntok. 



Pero hindi ito dumating. 



"Bwisit." bulong ni Papa at nahiga ulit. "May naka-usap na pala akong pagta-trabahuan mo." 



Napatingin ako kay Papa at nakita siyang naka-ngisi. "A-ano po, Pa?" 



"Bingi ka ba?! Punyeta naman oh!" sigaw niya sabay duro sa akin. "Mag-tatrabaho ka na! Hindi ka na mag-aaral simula sa susunod na linggo! Narinig mo?! Ha?!"



Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. "P-pero Pa... malapit na akong magtapos! Huwag niyo naman po akong patigilin sa pag-aaral!" 



Umiling si Papa at dumura sa sahig. "Pwe! Ang dami mong alam! Hindi sapat ang kinikita mo sa pa-sideline-sideline mo, Luhan! Kailangan ko ng maraming pera! Tignan mo, wala na akong pang-inom!" galit na sabi nito at tinuro ang binato niyang bote. 



Lumuhod ako sa harap niya at umiyak. Hindi ko na kayang pigilan. Ayokong tumigil sa pag-aaral. Ayokong mawala pati yun. 



"Papa!" iyak ko at hinawakan ang tuhod niya. "Nakiki-usap po ako, Pa. Huwag niyo namang gawin to!" 



Inalis ni Papa ang kamay kong nakahawak sa tuhod niya. "Bitiwan mo nga ako, malas ka!" sigaw niya. "Malaki ang bayad ng lalakeng iyon! Yayaman ako agad, sigurado." nakangising sabi niya at saka humithit ng sigarilyo. 



Napa-iling ako at pumunas ng luha. "Pa, pag nagtapos na ako, makakahanap na ako ng trabaho. Sigurado ko pa yan." pagmamaka-awa ko sakanya. 



"At saan?! Diyan sa pasulat-sulat mo?! Punyeta ka!" sigaw niya at hinawakan ang braso ko ng mahigpit. "Wala kang mapapala doon! Ngayon, may pera na, tatanggihan mo pa?! Inutil!"



"A-aray Papa!" daing ko at pilit na kumawala sa hawak niya. "Nasasaktan po ako!" 



"Dapat lang sayo ang naghihirap!" sigaw niya sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang alak na iniinom niya kanina. "Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang asawa ko! Dapat hindi siya ang namatay! Dapat ikaw nalang!" 



Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Papa. Para akong sinaksak sa puso sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig na banggitin ni Papa ang tungkol sa pagkamatay ni Mama sa loob ng labing-walong taon. 



Binitawan niya ako at naglakad palabas ng bahay. 



Napahagulgol nalang ako habang iniisip yung sinabi niya. Ako ba talaga ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mama? Ako ba talaga ng pumatay sakanya? 



Siguro tama si Papa. 



Ako nalang sana ang namatay. Ako nalang sana ang nawala. 























~Oh Sehun~




I clenched the blanket around me as i walked towards Dad's study room. May sasabihin daw siya. Gusto daw niya akong makausap. 



Nakakapag-taka. Gusto niya akong maka-usap



I knocked on the door three times before he answered. "Come in, Sehun." 



I sighed and opened the door. But he didn't look up.  Nakatingin lang siya sa laptop sa harap niya, as usual. Kahit naman noong hindi pa ako ganito, wala na siyang oras para sa akin. 



"What do you want to talk about Dad?" i whispered. Ayokong lakasan ang boses ko. 



"Sit down." he said without looking up. He gestured towards the seat sa harap ng table niya. Umupo ako doon ng dahan-dahan. 



I looked at him expectantly. "Dad, what do--"



"You're going away." he directly said. "You're going far away from here." 



Para akong nabato sa sinabi niya. Ano daw? Lalayo na ako? 



"Wait, Dad." kinakabahang sabi ko. "Bakit ako aalis?" 



Dad shrugged. "Cause you're... that?" i flinched. This? He can't even say the word.



Alam kong diring-diri siya sakin but he doesn't have to rub it in. Hindi manlang ba niya naisip na nasasaktan din ako? Na anak din niya ako?



"Dad!" i shouted at napatayo sa inuupuan ko. The blanket fell, revealing my whole hideous body. "Ayokong lumayo! Are you isolating me?! I can't move away na mag-isa ko lang!" 



Dad massaged his temple. "Sehun..." he started pero ayaw parin niya akong tignan. "Hindi ka mag-isa, i hired you a maid or whatever. Even a driver if you want." 



"But Dad! You can't do that! You can't just throw me away!" 



Napatayo si Dad at bakas sa mukha niya ang galit. "You're a shame, Sehun! Tignan mo nga yang sarili mo! What would people say when they knew that you're my son! Nakakahiya ka! I can't afford to lose my job and my fame!" 



Natahimik ako sa sinabi ni Dad. I can't believe he said that.



"You're going far away!" he said and pointed at me. "I'll give you all the money you need. Kahit magkano, huwag ka lang aalis sa pagpapadalhan ko sayo. My decision is final, Oh Sehun." 



I shook my head and felt the tears. "You're impossible." i murmured. 



"Babalikan nalang kita pag may gamot na diyan sa sakit mo." he said and sat down again. "Pack your things. You're leaving next week." 






******




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top