Beast 14




~Lu Han~




"OMG Luhan!" sigaw ni Kyungsoo habang nakaupo ako sa sala. Napatayo ako agad at hinarap siya. Namumula ang mukha niya at hawak niya sa isang kamay ang receiver ng wireless na telepono sa kusina. 



Napakunot noo ako at binaba ang librong binabasa ko. "Bakit, Kyung?" tanong ko. "Anong problema?" 



Napa-upo siya sa sofa at napahawak sa mukha niya, halatang takot. "Tumawag kasi yung Papa ni Master Seth!" sigaw niya. Napatingin ako sa second floor at nag-pray na sana hindi narinig ni Master.


"Huwag kang maingay, ano ka ba?" bulong ko at tumabi sakanya. "Ano ba yun? Bakit daw?" 



Napakagat sa labi niya si Kyungsoo. "Eh kasi, nalaman niyang umalis si Mr. Smith dahil sa ayaw niya kay Master. Nagalit kasi hindi ko daw sinabi agad!" naiiyak na si Kyungsoo at pinat ko ang likod niya para pigilan yun. "Kailangan daw ng bagong home school tutor ni Master Sehun! Ako daw maghahanap! Siguraduhin ko daw na hindi na aalis yun this time! Luhan! Paano na yun?!" 



Napa-iling ako. Paano na nga?



"A-ako ba, hindi pwede?" tanong ko at napatingin sakin si Kyungsoo. 



Umiling si Kyung sabay facepalm. "Hindi eh. Kilala  ka niya. Isipin pa, niloloko natin siya." iyak niya pero hindi naman talaga naiiyak. Malapit lang. Hehehe. 



Napahawak ako sa baba ko habang nag-iisip. Ang hirap naman ng pinapagawa ng tatay ni Master Seth! Bakit hindi nalang siya ang maghanap diba? Kailangan pa kami! Nako!



Pero naalala ko yung sinabi ni Kyung na sobrang busy daw nitong tao. At sa sobrang busy... nakalimutan na niyang may anak siya. Kaya ngayon, nagtataka ako kung gusto ba talagang matuto ni Mr. Park ang anak niya o ayaw lang niyang magkaroon ng bobong anak. 



Ang sakit isipin ng sagot. 



"May kakilala ka bang pwedeng mag-part time, o anuman?" tanong sakin ni Kyungsoo. Hinawakan niya ang balikat ko at marahan akong niyugyog. Bakas sa mukha niya ang desperation. Pwede sana siyang tawanan ngayon kung hindi lang nakaka-awa ang sitwasyon niya. 



Napa-isip ako. Meron ba? 



"M-meron akong kaibigan pero--" 



"OMG LUHAN! THANK YOU! THANK YOU TALAGA!" sigaw ni Kyungsoo sabay yakap sakin. Grabe naman! Excited? Wala pa eh. 



Tinulak ko naman ng marahan si Kyungsoo. "Wait lang!" reklamo ko at agad siyang napa-pout. 



Napa-sigh ako at ganun din si Kyungsoo. "Kilala mo si Byun Baekhyun?" tanong ko at napa-frown si Kyungsoo. "Matalino kasi yun. Kaibigan ko siya. Baka gusto niya?" 



Actually, hindi ako sure. Pero siya lang kasi ang kaibigan ko. Wala akong choice.



Napa-iling si Kyungsoo. "Hindi ko siya kilala." bulong niya habang nag-iisip. "Pero pamilyar yung pangalan niya. Sa tingin mo ba papayag siya?" tanong niya habang nakakunot noo. Sumandal siya sa sofa habang nag-iisip. 



Napa-shrugg ako. "Ewan." i admitted. "Sana. Para lang may maipakilala tayo kay Mr. Park." 



Tumango ng mabilis si Kyungsoo at napangiti. "Tama ka!" masaya niyang sabi. "At dahil kaibigan mo siya, baka sakaling maging maayos ang turing niya kay Master." sabi ni Kyung at nakikita ko sa mga mata niya ang hope. 



Tumango ako at ngumiti. Wala namang hindi katanggap-tanggap kay Master ah. 



















Agad kong tinawagan si Baek nung araw din na yun. Pero noong una palang, sinabi ko na agad na medyo "kakaiba" si Master. 



"Sus!" sigaw ni Baekyun. "Si Chanyeol nga na sira ulo at mongoloid natatagalan ko eh, yan pa kayang 'kakaiba' lang?!" 



Natawa ako sa sinabi niya pero hindi parin nawawala yung kaba, siyempre. "Sinabi mo yan ah." sagot ko habang nakatingin kay Kyungsoo. Nakapwesto siya na parang nagpe-pray at nagmamakawa. Ang sarap kunan ng picture. 



"Oo naman!" masayang sigaw ni Baekhyun. "Kelan ba ako magsisimula?" tanong niya at nag-thumbs up ako kay Kyungsoo. Nanlaki naman ang mga mata niya at tumalon-talon na parang baliw. 



Natawa ako pero pilit kong tinago iyon kay Baek. Baka isiping nababaliw na din ako. "Um. Bukas?" tanong ko at nag-pray na sana, free siya. 



There's a pause at parang may tinitignan siya sa isang notebook. "Hm," simula ni Baek. "Sige. Pero after ng date namin ni Yeol ah." 



Napangiti ako ng malaki. "Sure!" masaya kong sabi. "Thank you, Baekhyun! You're the best! See you tomorrow!" sigaw ko sa sobrang saya. Sa wakas! Wala nang problema. 



Natawa si Baek. "Yeah, yeah." sagot niya. "See you tomorrow! Sa wakas, makikita na kita ulit!" pahabol pa niya na nagpasaya sakin. Namiss ako ni Baek at ganun din naman ako sakanya. Siya nga lang ang kaibigan ko diba? 



Matapos ang mahabang bye-bye's ay binaba ko na ang telepono. Agad na niyakap ako ni Kyungsoo at sunod-sunod ang 'Thank you' na binigay niya saken. Baka daw soon, bumisita ang tatay ni Master Seth. Delikado. 



"Siya nga pala, Lulu." biglang pag-iiba ng usapan ni Kyung. "Eto yung lunch ni Master, pakibigay nalang." nakangiti ng malapad si Kyungsoo na parang may binabalak. Isama mo pa na nag-wink siya. Creepy tuloy. 



Tumango-tango nalang ako at inabot yung tray. Agad naman akong pumunta sa third floor at kinatok ang pinto ni Master Seth. May naririnig akong ingay sa loob, mahina lang pero parang pampatulog na kanta. Kumatok ako pero walang sumagot. Kaya naman marahan ko nalang na binuksan yung pinto.


Inaasahan kong madilim sa loob tulad ng dati, pero hindi na ngayon. Nakakapanibago. Bakit kaya biglang nagbago yung aura dito sa kwarto ni Master? 



"Master Seth?" tawag ko at saka ko lang napansin ang natutulog niyang katawan sa kama. Nakakumot siya mula paa hanggang tiyan. Mukhang mahimbing din ang tulog niya. 



Napatakip ako ng bibig at nilagay ang tray ng pagkain sa side table niya. "Sorry po." bulong ko at umatras ng mabagal. Baka magising ko pa at magalit sakin. 



Tumalikod na ako papunta sa pinto nang marinig ko siyang magsalita. 



"Sorry... Luhan..." bulong niya. Napalingon ako at nakitang nakapikit lang si Master. Mukhang nananaginip siya. 



At binanggit niya ang pangalan ko.



"I'm really... very... sorry..." bulong niya. Napakunot noo ako at lumapit sakanya. Pinanood ko ang mukha niyang parang problemado. Bakit siya nag-sosorry? Wala naman siyang ginawa sakin ah. 



"Bakit ka nagsosorry, Master?" bulong ko. 



Pero wala na siyang sagot. Hindi na siya nagsalita pa ulit. Pero nagtataka talaga ako kung bakit. 



Tinitigan ko lang ang mukha ni Master Seth. Oo, natatakpan ito ng maraming buhok na color brown pero kung tititigan mo ng mabuti... normal ang mukha sa ilalim nito. At sa palagay ko, gwapo siya. 



May matangos siyang ilong at mapupulang labi, kung saan, may nakikita akong pangil na maliliit. 



Napa-iling ako. Hindi ata tama na tinitignan ko ng ganito ang amo ko! Mukha tuloy akong stalker na ewan. 



Pero bakit ganun? Parang ayokong ialis ang tingin ko? 



Napako lang ang tingin ko sa mukha ni Master. Parang may hinahanap ako na ewan. 



Parang may hinahanap ang mga mata ko... ang sarili ko... mula sa mukha niya. 



Napakunot noo ako. 



Bakit parang pamilyar si Master Seth Park? 




*****



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top