Beast 1
~Oh Sehun~
Sanay na sanay na ako sa mga malalagkit na tingin na binibigay sa akin ng mga tao dito sa HMA. Sino bang makakatiis sa isang lalakeng katulad ko?
Gwapo. Mayaman. Hot. Pinag-aagawan.
I'm the son of a very famous senator and an actress. Yun nga lang, wala na si Mommy so i'm left with my Dad na wala namang ginawa para maging isang mabuting ama sa akin. But, there's this one thing na sinasabi niya parati.
"Sa panahon ngayon, wala nang totoo. You'll just get hurt along the way if you become nice to other people. Use your asset! Use what you have to get what you want."
Tama siya kaya yun ang ginagawa ko. Oh Sehun wants, Oh Sehun gets. Ganun kasimple.
And i believe in one thing:
The best way not to get your heart broken is to pretend like you don't have one.
That's why i'm mean. I'm cold and totally not a believer of love. Walang love. Kalandian lang iyon ng mga tao sa paligid. Love doesn't exist. It's not real. Just a thing our minds made up.
Stupid.
Kasi kung totoo yun, edi sana buo pa ang pamilya namin. If love really does exist, then my Mom wouldn't have left Dad for another man. If love really does exist, I shouldn't be feeling this broken when it comes to family talks.
"Hey, Sehun!"
Nilingon ko sina Kai at Chanyeol na papalapit sa akin. I smiled and highfived with them. They're my friends here in the academy.
"Narinig niyo na ba ang balita?" tanong ni Chanyeol at ngumiti. "Kim Jongdae is out of this school." sabi niya habang natatawa.
Napakunot noo si Kai. "You mean Chen?" tanong niya.
Tumango si Chanyeol. "Yup." sagot niya. "Ang rinig ko, nag drop out na daw siya. Kanina lang! Nobody knows why."
"Baka naman na-rehab." sagot ko na kinatawa nilang dalawa.
"Anyway," sabi ni Kai at tumingin sakin. "Where's Jane?"
Napakunot noo ako. "Jane? Who's Jane?"
"Yung girlfriend mo!" sigaw niya. "Don't tell me hiwalay na naman kayo."
And that's when I remembered her. That blonde British girl. "Oh. I dumped her. Kagabi lang." simple kong sagot. "Masyadong maingay. Nakaka-irita. And besides, feeling niya seryoso ako sakanya. Well i'm not! Sorry, but not sorry."
"Whoa there." sabi ni Chanyeol habang natatawa. "That's hard!"
I rolled my eyes. "Well damn." i said at tumigin ng diretso.
Yes. I play them. I play girls. Para sakin, mga laruan lang siya. Madaling paikutin sa mga palad ko. Sobrang dali.
Ang akala kasi nila, mababago nila ako. But fck their beliefs. Masyado silang assuming. No one could ever change me. No one. Ever.
"Kung wala na kayo ni Jane, sinong date mo sa party?" tanong ni Kai.
Napakunot noo ako. "What party?"
"Our college party!" sigaw ni Kai. "Nakalimutan mo?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Oh shoot." i muttered. "Dapat pala saka ko nalang siya hiniwalayan after ng party. I need to find any other girl again."
Natawa si Kai. "Hindi naman mahirap yun diba?"
Then a smiled crawled on my face. "Hm. I think you're right." sagot ko. "Sino kaya?"
Then mas lumaki ang ngiti sa mga labi ni Kai. "How about Sulli? Yung bagong student."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sulli? Who's that?"
"Yung nabubully!" sigaw ni Kai. "Yung pangit na maraming pimples, parang alambre ang buhok, malaki ang ngipin, sira ang mukha. The hideous one! Basta yung pinaka-pangit dito sa school."
I shivered at the thought. Yes. I think I remember her. Siya yung binabato ng mga itlog sa cafeteria nung isang araw. Pero... siya?
"Why her?!"
He just shrugged. "Trip." sabi niya. "Let's play a game if you want, Sehun."
We'll play with another girl? Sounds interesting.
"What game?" tanong ko habang nangingiti.
"Listen." sabi ni Kai at tumigil sa paglalakad. Pati si Chanyeol na nag tetext lang kanina, tumigil na din para makinig. "Court her. Make her fall in love with you. Ayahin mo din siya sa party kung gusto mo. Then dump her!"
I rolled my eyes. "I could get her without even courting." sagot ko. "Sure ako dun."
Napa-smirk naman si Kai. "Whatever you say!" sabi niya at pinat ang likod. "Pero dapat, iiyak siya. Masaktan siya. Deal?"
I nodded and smiled. "Deal."
Then we shook hands while laughing.
~Lu Han~
Grabe. Sobrang daming tao naman dito sa cafeteria. Bakit pa kasi umuulan sa labas, tinamad tuloy yung mga estudyante na kumain sa labas.
At isa na ako dun.
Habang hawak-hawak ang tray ko ng pagkain, may nasulyapan akong isang table na vacant. Pero dinadaanan lang yung table ng mga tao. Ayaw nilang umupo? Edi ako nalang.
Lumapit ako dun sa vacant na table at umupo. Pero agad kong napansin yung mga tingin sa akin ng mga tao. Anong meron?
Pero hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang.
Maya-maya pa, tatlong pigura ang tumigil sa harapan ko.
Tumingala ako at nakita ang pinaka-bwisit na mga tao sa buhay ko.
Sina Park Chanyeol, Kim Jongin, at Oh Sehun. Ang tatlong "Prince" dito sa Hao Min Academy. Kung minamalas ka nga naman. At talagang habang kumakain pa ako sila nagpakita ah.
"Mukhang may nauna na sa table natin ah." nakangising sabi ni Chanyeol at nilapag ang tray niya sa harapan ko. "Hindi ka ba aware kung saan ka naka upo ngayon?"
Napatingin ako sa paligid at napansing tumahimik na ang lahat. Inayos ko ang salamin ko at nagsimulang tumayo.
"Sorry." bulong ko at binuhat yung tray. Nagmadali akong umalis at narinig ko pa ang mga tawanan ng mga tao sa paligid.
"Stupid, nerd." narinig ko pang bulong ni Oh Sehun nang lampasan ko siya.
Hindi ko talaga alam kung bat hinahangaan sila ng mga tao eh wala silang mga kwenta. Masasama ang ugali nila, nakaka-kilabot na. O sige. Ibigay na natin yung gwapo sila at sobrang hot pero attitude comes first dapat. Everyone should know that!
Lumapit ako sa isang babaeng kumakain mag-isa sa isang sulok. Si Sulli. Yung bagong estudyante.
"H-hello." sabi ko at napatingin siya sakin. "Pwedeng makishare ng table?"
Ngumiti siya at nagpakita ang malalaki niyang ngipin. "Sure." sabi niya kaya umupo ako agad.
Si Sulli yung parating nabu-bully kasi... kasi... Hindi kasi siya normal sa paningin ng iba. Basta ganun.
"Masyado ka na bang napapangitan sakin?" bigla niyang sabi at saka ko lang napansin na nakatitig pala ako sakanya. Medyo nakanganga pa ako at agad ko namang sinara yung bibig ko. Lechugas naman Lu Han.
Agad akong umiling. "H-hindi ah!" depensa ko. "Hindi naman sa ganun."
Natawa siya. "Sanay na ako. Saka alam ko naman yun." sagot niya habang nakangiti.
Tumungo nalang ako. Hindi ko alam ang isasagot sakanya.
"You're really cute when you're blushing," natatawang puna ni Sulli at mas lalo atang nag-init yung mukha ko sa kahihiyan. Hindi isang introvert tong kasama ko. Hindi din siya nerd. Sinabihan niya akong 'cute'! Walang nabu-bully ang magsasabi nun sa taong una niyang nakilala.
Hindi naman sa gusto ko ng attention. Ang totoo niyan, wala namang nakakapansin sa akin eh. Hindi naman ako nabubully. Invisible. Yun ako dito sa school. Maliban nalang sa academics. Gustong-gusto kasi ako ng ibang teachers.
"Alam mo--"
"Hi."
Hindi na natuloy ni Sulli yung sasabihin niya nang isang tao ang tumigil sa likod niya. Napansin kong napa-ngisi si Sulli. Lumingon siya at nakita si Sehun na nakatayo.
"I'm Oh Sehun. You're Choi Sulli, right?"
Tumango si Sulli. Nakatingin sa kanila lahat ng tao sa cafeteria. Halata ang gulat sa mga mukha nila. Ako din naman eh. Gulat na gulat ngayon.
"Oo." sagot niya. "Anong kailangan mo?"
Ngumiti si Sehun. "I like you. Can i ask you out? Tonight?"
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa cafeteria. Sabay-sabay pa sila.
Halos masamid ako sa tanong ni Sehun. Pero ang nakakapagtaka, hindi manlang nagulat si Sulli. Hindi manlang siya namula o anuman.
"Hindi ka nagbibiro?" tanong ni Sulli.
Umiling si Sehun at mas lumaki ang ngiti. "No. So, are you coming?"
Napa-isip si Sulli sandali saka tumango ng walang pag-aalinlangan. "Sure. 8 pm."
Tumango si Sehun. "See you." sabi niya at naglakad palayo.
Humarap si Sulli sa pagkain niya at kumain ulit. Pero ang nakakapagtaka talaga, parang wala lang sakanya. Hindi siya affected. Ni hindi siya mukhang kinikilig. Sobrang relaxed ng itsura niya at parang gusto kong malaman kung may feelings pa ba siya.
Pero bigla siyang may binulong na pinagtaka ko talaga.
"Just as planned."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top