Chapter 5

***FLASHBACK***

LEILA

ILANG ARAW NANG nagkukulong si Leila sa loob ng kwarto.

Hindi siya kumakain kahit na kinakatok na siya ng mama niya at ng mga helpers nila. Hindi niya kinakausap ang mga ito, lalong-lalo na ang kuya niyang si Jerome. Ito ang sinisisi niya kung bakit nakararamdam siya ng ganitong klase ng sakit. She despises him! Kahit kailan ay hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya at sa kanila ni Levi.

Hindi pa rin siya pumapasok sa eskwelahan. Wala siyang gana. Panay iyak lang siya sa kwarto, minsan sa loob ng sarili niyang C.R, o kaya ay sa tapat ng computer habang tinitingnan ang mga litrato nila ni Levi sa monitor, hanggang sa makatulog na lang siya. Ganoon siya araw-araw. She's broken and depressed. Hindi na niya alam kung kanino siya kakapit.

Hindi niya matanggap ang ginawa sa kanya ni Levi. She thought it's Leila and Levi against the world, pero pakiramdam niya ay iniwan siya nito sa ere. Ang sakit tanggapin na siya, handang ipagpalit ang lahat, kahit ang sarili niyang pamilya, makasama lang ito. Pero si Levi, hindi nito magawang lumaban. He is so weak and unfair!

Sobrang sama ng loob niya rito. Pero hindi niya ipagkakailang kahit papano ay hinihiling niyang sana hindi na lang totoo ang lahat. Na sana panaginip lang ang nangyari at hindi totoong nawala na sa buhay niya si Levi.

Pero hindi, e. 'Yong sakit na nararamdaman niya ngayon ang patunay na totoong nangyari ang lahat. Levi is gone. At hindi niya alam kung magkikita pa ulit sila.

ARAW NG MARTES nang maisip niyang pumasok na ulit sa eskwelahan.

Masama ang pakiramdam niya at ang bigat-bigat ng katawan niya, pero pinilit niya pa ring pumasok. Ngayon kasi ang araw na magtuturo ng Chemisty si Levi sa klase nila.

Ewan niya, pero medyo excited siya na para bang umaasa pa siyang makikita niya pa ito kahit na alam niyang malabo na. There is still little hope in her.

Pagkarating sa St. Agnes, sinalubong siya ng mapanghusgang mga titig ng mga kaklase niya. Napayuko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang mukhang maiharap. Marahil alam na ng mga ka-eskwela niya ang nangyari.

Dumeretso siya sa classroom. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila na lang ang ginagawa niya kapag naririnig ang mga maldita niyang kaklase na pinagtsi-tsismisan siya.

Sinubsob niya ang mukha niya sa mesa ng kinauupuang armchair. She feels so alone. Hindi niya na yata kaya pang mag-aral. Parang gusto na niyang maunang mag-Christmas vacation o parang gusto niya na lang tumigil. Wala na talaga siyang gana.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng classroom. Napaayos silang magkaka-klase ng mga upo.

Pumasok ang school principal, si Mrs. Castro, kasunod ang isang babae.

"Good morning, students," bati ni Mrs. Castro. "As I've announced last week, Sir Levi Alarcon is no longer affiliated with our school. So now, I'd like you to meet Ms. Lopez. She will be your new Chemistry teacher starting today. Maging mabait sana kayo sa kanya."

Walang gana siyang napabagsak ng mga balikat at napayuko. Para siyang nabagsakan ng langit dahil sa narinig.

Hindi niya na nga namalayang tumulo na naman pala ang luha niya. Nanginginig ang mga kamay niya. Alam niya naman e, pero bakit masakit pa rin? Hindi niya matanggap. Hindi niya talaga kayang tanggapin! He's gone. Her Sir Levi really left her.

Kinuha niya ang bag niya at dere-deretso na lang na lumabas ng classroom. Kailangan niyang gawin 'yon dahil kung hindi, baka mag-breakdown siya sa loob mismo ng silid. Hindi na niya kayang pigilan ang pag-iyak niya. Sobrang sakit lang talaga ng nararamdaman niya ngayon.

Narinig niyang tinawag siya ng principal para bumalik, pero hindi siya nakinig.

Bumaba siya ng hagdan habang panay ang pagpahid sa mga luha niyang ayaw paawat sa pagtulo. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. It's like she's going to collapse anytime soon. Wala na nga rin siyang pakialam kung mahulog siya sa hagdanan dahil nanlalabo na ang paningin niya. Sana nga mahulog na lang talaga siya e. Tutal, wala na siyang gana sa buhay.

Nilakad niya ang pasilyo na papunta sa faculty room. Baliw na kung baliw, pero umaasa siyang makikita niya si Sir Levi roon. Baka nandoon pa ito at hindi pa umaalis. Kailangan niya itong mapigilan.

Bigla na lang naman siyang napatigil sa locker area nang mapansing may nakasilid na papel sa locker niya.

Pinahid niya ang luha sa mga mata niya para makakita siya nang maayos.

Hinila niya ang papel. It's a letter. Tiningnan niya muna kung kanino galing, at napaiyak na lang ulit siya nang makita ang pangalang "Levi" sa ibaba ng papel. Pinahid niya ang katutulo lang niyang luha, tapos sumandal sa nakasarang locker para simulang basahin ang sulat.

Leila,

I will miss you. Hindi kita makalilimutan.

Alam kong galit ka sa 'kin dahil sa ginawa kong pakikipag-hiwalay at pag-iwan sa 'yo. Pero sana maintindihan mo kung bakit ko 'yon ginawa. Para sa 'yo yon. I'm really sorry for hurting you so bad. Hindi mo na kailangang ipagdasal na sana hindi ako maging masaya, dahil talagang hindi na ako magiging masaya kasi alam kong sobra kitang nasaktan. I just wish you will learn how to forgive me. Hindi ko alam kung makababalik pa ako riyan o kung magkikita pa tayo ulit. Pero sana, kapag maayos na ang lahat at binigyan ako ng pagkakataong balikan ka, sana pwede na tayo.

I love you, baby. Wag mong kalilimutan 'yon. I love you so much. I'm sorry for not fighting for us. Please be strong and take good care of yourself. Wag na wag kang gagawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan. Basta mag-ingat ka, dahil hindi ko kakayanin kapag nalaman kong may nangyaring masama sa 'yo. Wag kang magpapalipas ng pagkain at mag-aral ka nang mabuti. I love you so much, Leila. I'm sorry.

Levi

Hindi niya napansing nalukot niya na pala ang papel na hawak-hawak niya. Naninikip ang dibdib niya ngayon. Hindi na siya makaiyak, pero ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mga mata niya.

Wala sa sarili siyang naglakad, kapit ang sulat, papunta sa pinakamalapit na banyo. Pumasok siya sa bakanteng cubicle at umupo sa nakasarang bowl.

Impit siyang napaiyak. Napakahirap na gusto niyang humagulgol, pero hindi niya magawa dahil baka may makarinig sa kanya. Ganito pala ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal. Ganito pala kasakit ang maiwang mag-isa sa ere. She thought Levi was her prince; her leading man in her own love story. Pero hindi pala totoo ang mga ganoon.

Yes, there's true love. But there's no such thing as 'forever' and 'happy ever after'. Minsan, kahit na mahal na mahal niyo ang isa't isa, hindi talaga pwede.

Bakit pa ba kasi nag-exist ang love? That thing was made to only hurt people. Sana hindi na lang siya nagmahal. Sana pala nakuntento na lang siyang tingnan na lang si Levi habang nagtuturo ito, habang kumakain ito sa cafeteria kasama ang ibang mga teachers, at habang gumagawa ito ng lesson plan sa library.

They started out as plain student and teacher. She fell for him little by little. He acted so sweet and romantic that she fell for him even more. They were both happy . . . and then he left.

Ganoon na lang ba talaga 'yon? Life is so unfair.

Gigil na niyang nilukot ang sulat at inis na tinapon sa kalapit na basurahan. Hindi niya 'yon itatago. Ayaw na niyang mabasa ulit ang sulat na 'yon. She wiped her tears away and calmed herself down with deep breaths.

Lumabas na siya mula sa cubicle pagkatapos at tiningnan ang sarili sa salamin.

Ano na bang itsura niya? Halos hindi na niya makilala ang sarili. Mugtong-mugto ang mga mata niya at nalaglag na rin ang ilang hibla ng buhok niya mula sa pagkaka-ponytail.

Inayos niya ang sarili. Pinlantsa niya gamit ang mga palad niya ang nalukot niyang uniporme, tapos kumuha siya ng tissue para punasan ang mukha niya. Naglugay na rin siya ng buhok at sinuklay iyon. Nag-pulbos siya at naglagay ng lip balm sa labi.

Tinapangan niya ang tingin sa sarili sa salamin sabay bumuntong-hininga.

Tama na. Ito na ang una at huli. From now on, she will be a different Leila. Hindi na ulit siya iiyak nang dahil lang sa lalaki. She now hates men, including her brother and that Allen. Pinapangako niya sa sarili niyang hindi na siya magmamahal ulit.

Because love is a murderer.

It killed her.

***END OF FLASHBACK***

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top