Kabanata 1

STALK

Nang nakarating kami sa bahay nina Tito Florence at Tita Czerich ay agad nila kaming sinalubong ng Yakap.

    "Nako Czarina! Sino na ba dito si Sandy at Shin?" nalilitong wika ni Tita Czerich habang kami ay papasok na sa kanyang bahay. Nakaalis na din si Mang Pedro.

    "Eto si Sandy ate." turo sa akin ni Mommy. "Eto naman si Shin." turo nya Kay Shin.

    "Nako! Etong mga batang ito  ay matagal na ko hindi nang nakita kaya hindi ko na masyadong kilala eh. Noong pumunta pa ako sa Laguna eh!" ani Tito.

      "Kumain na muna tayo, tawagin ko lang sina  Calvin sa taas." ani tito.

       "Sige, tara na sa hapag." Yaya ni Tita Czerich sa amin.

Umupo kami sa mahabang lamesa nila. Magkatabi kami ni Shin samantalang si Si Tita ay nasa harap ni Shin at Si Mommy sa harapan ko.

Bumaba si Tito kasama ang limang lalaki. Lahat ba ito ay anak nila?

     "Ang katabi ng Tito nyo ay ang anak namin." wika ni Tita Czerich.

     "Eh, sino naman po yung ibang lalaki?" tanong ko.

        "Ah! Mga kaibigan nya yan, ang gu-gwapo ano?" tango lamang ang naisagot ko sa tanong ni Tita dahil gwapo naman talaga silang lahat.

Nang nasa hapag na sila ay tumabi sa kaliwa ko ang Chinito na lalaki at mukhang babaero. Sa tabi nya naman ay isang mukhang madaldal na lalaki. Actually hindi talaga mukhang madaldal, madaldal talaga sya dahil ngayon ay dinadaldal na nya ang katabi nyang Chinito.

Sa tabi naman ni Mommy ay isang mukhang supladong lalaki. Sa tabi ng suplado ay mukhang happy go lucky na lalaki, lagi siyang nakangiti. Si Tito ay nasa dulo naman, ang anak naman nila ay sa kabilang dulo.

     "Let's eat!" panimula ni Tita.

Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang di mapatingin sa lalaking suplado matangos ang ilong nya,clean cut ang buhok,mahaba ang pilikmata,mapupula ang labi at ang masasabi ko lang eh, suplado nga talaga ito. Nang nakita nya akong nakatingin ay tinaasan nya lang ako ng kilay, agad naman akong umiwas.

     "Shin, ba't ang tahimik mo ata?" tanong ni Tito nang nakita si Shin na walang imik at parang walang pakealam sa mundo.

    "Ah, hindi lang po ako kumportable." sagot nya kay Tito.

     "Harvey, igala nyo kaya muna sina Shin at Sandy bukas?" sabi nya sa kanyang anak.

Nilingon ni Harvey si Tita "Of course Mom, wala din naman kaming gagawin bukas." nakangisi nyang tugon.

      "Okay that's good!" masayang sambit ni Tita.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si Tita na magligpit ng kinainan namin. Si Shin ay umakyat na sa kwarto para matulog samantalang sina Harvey naman ay naglalaro ng Xbox sa living room. Si mama ay umakyat na din pagkatapos kumain.

Pagkatapos naming magligpit ay uminom ako ng tubig. Natigil ako sa Pag inom ng tubig ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot nang nakita kong ang best friend ko ang natawag. Lumabas ako ng bahay para sagutin sya.

      "Walanghiya ka! Miss na agad kita, Sandy!" ani Chantal habang humihikbi sa kabilang linya.

       "I miss you too!" sagot ko habang maglalakad papuntang garden sa labas.

     Balita ko eh Hindi ka daw nagpaalam Kay Zaeiou!?" bakas ang inis sa kanyang tono.

Si Zaeiou ay manliligaw ko simula pa noong Grade 7 ako. Gusto ko sya pero hindi ko sya sinagot dahil alam kong matutulad lang ako kay Shin, in short M.U lang kami.

     "Ayaw ko syang saktan." sagot ko. Natigil ako sa paglalakad ng nakita ko ang anino ng isang lalaki na nakatayo sa gilid ng puno habang naninigarilyo.

      "Sige, bukas na ulit Sandy. Low batt na eh." bago pa ako makapagpaalam ay pinatay na nya ang linya.

      "Hi!" bati ng Chinitong kaibigan ni Harvey binati ko naman sya pabalik.

        "Ako nga pala si Phoenix, Phoenix Lim." sabi nya sabay kindat sa akin at lahad ng kamay sa akin.

        "Nice to meet you, Phoenix!" sabay kuha ko ng kamay nya.
  
      "Anlambot ng kamay mo." sabay bitaw sa aking kamay.

      "So, san ka ba nakatira dati? I heard from Harvey, dito na daw kayo titira sa Manila." kunot noo nyang tanong sa akin.

       "Sa Laguna kami nakatira dati, dito na kami titira dahil gusto ni Daddy na dito kami mag-aral ni Shin."  ngumiti ako sa kanya.

     "Phoenix, tara na sa loob." tawag sa kanya ng suplado.

      "Okay po, Sir Caleb!" pabirong sabi ni Phoenix nang tinalikuran kami ni Caleb the suplado. 

      "Pasok na ko Sandy!" nakangiti nyang sinabi sakin.

Sumunod na ako sa kanya pagpasok sa loob at dumiretso sa kwarto na aming tutulugan. Pinagmamasdan ko ang aking ina at kapatid.

Siguro ay sobrang sakit ang nararamdaman mo ngayon,Shin. Ano kayang mangyayari kung Hindi kami umalis? Paniguradong masaya sila ni Chase ngayon kahit hindi sila legal. Kung ako ang nasa kalagayan ni Shin, hindi ko na siguro  makakayanan ang sakit. Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalwa, araw araw binibigyan ni Chase ng bulaklak si Shin. Napaka sweet nila sa isa't isa, halos araw araw ay sabay silang kumakain sa Canteen.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay sa kabilang kwarto. Puro tawanan ang naririnig ko sa kanila, wala na si Shan at si Mommy sa kama kaya agad kong niligpit ang higaan para makalabas na.

     "Shut your fucking mouth Prylle." sigaw sa kabilang kwarto.

Nang lumabas ako ng kwarto ay agad kong nakita si Shan na tahimik na nanonood ng TV at si Mommy at Tita naman ay nasa Dining at masayang nag uusap.

       "Good morning!" masaya kong bati sa kanila.

Pilit na ngiti ang isinukli sa akin ni Shin si Tita at Mommy naman ay bumati pabalik. Tumabi ako kay Shin at nag salpak ng headphone nang biglang tumunog ang phone ko.

Unknown Number:
    I miss you.

Kumunot ang noo ko at agad nag type, sino naman kaya ito?

  Me:
     Who's this?

  Unknown Number:
     This is Zaeiou. Why did you leave me? Hindi ka nagpaalam. Okay ka lang ba riyan?

Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang pangalan nya. Damn it! I miss him, agad akong nag reply sa kanya at sinave ang number nya sa contacts ko.

     Me:
      Sorry, sorry for not informing you. Hindi ko lang talaga alam kung paano magpapa-alam sayo. Okay lang ako dito.

Napasimangot ako nang hindi pa sya nagrereply. Nilingon ko si Shin na ngayon ay busy rin sa kanyang cellphone.

Nang hindi parin siya nag rereply ay binuksan ko muna ang aking account sa Facebook.

One new friend request: Phoenix Lim.

Agad ko siyang inistalk at nakita ang post nya kahapon kasama ang mga kaibigan nya na nag lalaro ng Xbox, si Caleb lang ang hindi nakangiti sa picture.

    "Hey! Stalking my Facebook account, huh?" halos mapatalong ako sa pagkaka-upo sa sofa nang biglang bumulong si Phoenix sa may tenga ko. Nararamdaman ko ang hininga nya sa tenga ko.

     "H-ha! H-hindi ah!" sabay tago ko sa cellphone ko sa likuran ko.

     
     

   

       

       

      

        

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top