Fall
Prologue
"My anong oras tayo aalis?" tanong ko kay Mommy habang siya ay nagliligpit ng gamit na dadalhin sa aming paglipat.
Lilipat kami dahil gusto ni Mommy at Daddy na sa Manila kami mag-aral ng kolehiyo ng aking kambal na si Shin. May business si Daddy sa Manila at gusto nya na sumunod kami para magkakasama na kami.
"Mga 3 pm, Sandy." sagot ni mommy habang nagliligpit parin ng gamit. "Tawagin mo na si Shin sa taas at kumain na tayo ng tanghalian."
Umakyat ako sa aming hagdan para tawagin si Shin. Nang narating ko ang kwarto nya ay nakita ko siyang nakatalikod at may katawagan sa cellphone habang umiiyak.
"Hindi ko alam kung kelan kami babalik o b-baka hindi na kami ma-makabalik." wika nya habang humihikbi pa. "Let's end our relationship, Chase....." "No! Mahal kita pero kailangan kong umalis, ayaw kitang saktan!"
Agad akong lumapit sa kanya para damayan sya, bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang nakita nya ako. Niyakap ko sya habang umiiyak.
Naaawa ako sa kambal ko, simula noong sinabi sa amin ni Mommy na sa Manila kami mag aaral ay palagi siyang nagkukulong sa kwarto at umiiyak.
"A-ayoko syang iwan, Sandy!" wika nya habang nakayakap parin sakin. "Bakit kasi kailangan pa nating pumunta ng Maynila, eh ayos naman ang buhay natin dito sa Laguna!" sigaw nya.
Mahirap iwan ang Boyfriend mo lalo na't dalwang taon na kayong nagsasama. Halos perpekto ang relasyon nila. Si Chase ay gwapo,matalino,matangos heartthrob, at mayaman din, si Shin naman ay halos kamukha ko lang maganda,sexy,matalino,parehas mahaba ang buhok namin ngunit straight ang kanya at ang akin naman ay wavy, ang kanyang labi ay mapupula gaya ng sa akin,mas mahaba naman ang kanyang pilikmata sa akin. Maputi ako, sya ay Morena, matangkad sya ako naman ay maliit.
"Bumaba na tayo, kakain na. 3 pm daw ang alis natin, Shin." wika ko.
Agad kaming bumaba upang kumain. Nakahanda na ang pagkain sa hapag, nakaupo na si Mommy doon kasama ang aming mga katulong.
"Nanay Silvia kayo na po ang bahala sa mansyon. Bibisitahin po namin kayo tuwing bakasyon. Paki-ingatan po itong mansyon." masayang sambit ni mama nang kami ay paalis na.
Ihahatid naman kami ng aming driver na si Mag Pedro. Nang sumakay kami sa kotse ay pumuwesto kami ni Shin sa backseat at si Mommy sa front seat.
Nilagay ko ang aking headphone sa tainga at nag sound trip na lang, si Shin naman ay tulala sa bintana. Sa tuwing nakikita ko si Shin na ganito, nasasaktan ako.
"Gusto nyo ba ng chips?" tanong ni Mommy sa amin habang kumakain nito. Dumampot ako sa kanyang kinakain samantalang si Shin ay tulala at wala paring kibo.
"Thank you My."
"Shin, tampo ka parin ba Kay Mommy?" bulong ko kay Shin.
Tumingin lang sya sa akin at tumango. "I already missed him."
Damn! Naiiyak na naman ang kambal ko. Break na sila, ansakit sakit noon para sa kanya. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
"I know." mahinahon kong sabi sabay hawak sa kanyang kamay.
"Giiiiirls! Welcome to Manila!" maligayang sabi ni Mommy.Sa buong 17 years ng buhay ko ay una ko palang punta dito sa Manila ngayon, kadalasan ay hindi kami pinapalabas nina Mommy at Daddy dahil wala pa daw kami sa tamang edad.
"Its already 8:00 pm My. San tayo tutuloy?" tanong ko Kay Mommy na ngayon ay nagta-type sa kanyang cellphone.
"Sa mga Tito at Tita nyo tayo tutuloy ngayong gabi, tapos sa sa hapon pupunta na tayo sa bahay ng Daddy nyo dito." tumingin sakin si Mommy.
"Okay, My." wika ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top