Chappie 1: Sprain

CHAPPIE 1
RHAE ASHLEY


"Rhae! Bilisan mo, nahuhuli ka na!" Sigaw ng coach namin.

Mas binilisan ko ang takbo ko tulad ng inutos ni coach. Kahit na pagod na pagod na, dapat kayanin pa rin. Hwew, hugot lang!

Kasalukuyan kaming nagtra-training sa court namin dahil may laban na naman kami sa ibang school. Isa ako sa mga players sa volleyball team ng school namin.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Ximena. Kaibigan ko at kasama rin sa training.

"Hindi na! Sobrang pagod na ako!" Hingal na hingal kong sagot sa kanya.

"Pagod? Pagod kakaiyak tuwing gabi dahil sa kanya?" Biglaang sulpot ni Charmzelle. Kaibigan at kasama ko rin sa training. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan. Minsan ang savage niya talaga.

"Eh? Seriously?" Shookt kong tanong sa kanya. "I moved on, alright."

"Talaga ba?" Taas kilay niyang tanong. "Mag-pahinga ka na kasi. Body, mind & soul."

Pusanggala?

"Don't forget the heart." Sabi naman ni Xi.

Ako naman ang napataas ang kilay. "Ano ba ang gusto niyong iparating? Sandali nga! Pagod na talaga ako."

Tumigil ako ng unti pero tumakbo rin kaagad para mahabol ko sina Ximena at Charmz.

"Well, halata naman kasi na hindi ka pa nakakapag-move on since affected ka sa kanya." Kwento ni Xi habang nakatingin lang siya ng diretso sa tinatakbuhan niya.

Hindi na ako sumagot since totoo naman. Lagi kong pinipilit sa sarili ko na naka-move on na ako. Na wala na akong feelings sa kanya. Na wala na akong pakialam. Pero tuwing makikita ko siya, nalulungkot ako.

Bakit niya ako kailangan iwan? Nakakasawa ba ako? Bakit ayaw na niya? May nahanap na siyang iba? Mas magaling sa akin, ganon ba? Sagutin niyo ko kayong mga nag-babasa!

Ang sakit na ng paa ko. Hindi na rin ako makahinga ng maayos. Kailangan ko na talaga mag-pahinga.

"Focus!" Sigaw ng coach.

Focus on me! Fo-fo-focus on me! Pusa, dinadaan ko nalang kay Ariana Grande itong pagod ko.

May nakita akong pamilyar na mukha na hindi ko inaasahang makikita. Nasa gilid lang siya ng court habang nanonood sa amin. Kinakain na naman niya ang paborito niyang sandwhich habang nakapamulsa ang kanyang kanang kamay.

Kumabog ang dibdib ko nang mapansin na sa akin siya nakatingin. Ako ang pinapanood niya? May gusto pa rin ba siya sa akin?

Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong babae na tumabi sa kanya at niyakap siya. Nagulat naman siya at saka hinawakan ang kamay nito. Nag-ngitian silang dalawa saka sila umalis sa court.

At dahil sa katangahan ko, hindi ko na napansin ang tinatakbuhan ko kaya naman ay nadapa ako at nakahatak pa ng tao kaya naman ay sabay kaming bumagsak sa sahig.

The person beside me groaned in pain. Wait. Boses lalaki? Amoy pabang ng lalaki? Jeez, mas nakakahiya!

Agad kong imunulat ang mata ko saka siya tinignan. Sabay kaming napaupo. Siya na ang naunang tumayo at pinagpag niya ang kanyang sarili.

Hindi ako makagalas ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking paanan. I hissed because of what I'm feeling right now.

Hala, wag ngayon! Malapit na ang laban namin! Ang tange ko talaga. Nagpa-apekto pa kasi ako.

Ngayon lang napansin ng lalaking nahatak ko na hindi ako makatayo kaya naman lumapit siya sa akin.

"Ayos ka lang ba? Saan masakit?" Tanong niya. Omg. Ang lalim ng boses niya. Omg ulit. Nakakakilabot.

"Y-Yung paa ko." Nahihiya kong sagot.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang sapatos ko at medyo ginalaw niya ang paa ko pero agad rin akong nag-react kaya naman hindi na niya pinakialam yung paa ko.

"Dadalhin na kita sa clinic." Sabi niya.

Agad akong nag-panic. "H-Hindi na!"

Nagsi-datingan rin ang mga ka-team mates ko at ang coach namin.

"Aba, ayos ka lang ba, Cortez?" Tanong ni coach.

Tumango ako kahit na alam kong hindi naman talaga ako ok. Agad akong nilapitan ni Xi at Charmz.

"Hmp. Ikaw talaga." Pagsusungit ni Charmz. Alam niya siguro kung bakit.

"Magdahan-dahan ka nga sa susunod. Buti hindi ka nabalian ng buto." Sabi naman ni Xi.

"Ang OA naman ata nun." Bulong ko naman.

"Ma'am, ako na po ang mag-dadala sa kanya sa clinic." Paalam ni guy.

Nag-panic na naman ako. "Hindi na po kailangan! Kaya naman po ni Xi at Charmz!"

"Loka ka ba?" Sarcastic na tanong ni Charmz. "Sa tingin mo kaya ka namin?"

"Oo. May angal ka?" Pinandilatan ko siya ng mata.

Nagulat ako nang bigla nalang akong buhatin ni guy ng pa-bridal style at agad na nag-sibulungan ang mga tao sa paligid. Lalo na yung mga girls.

Ang pogi kasi ng nahatak ko. Tsk.

Nakahawak ako sa batok niya dahil feeling ko mahuhulog pa rin ako.

Umalis na kami sa court at pumunta sa clinic habang sila naman ay nagpatuloy sa practice nila. Habang papunta doon ay pinagtitinginan kami. Lalo na yung mga girls. Tapos napapasimangot naman yung mga teachers. Jusq.

Habang papunta sa clinic, ngayon lang ako nagkaroon ng oras para pagmasdan iyong mukha niya.

Sa totoo lang, unang tingin ko sa kanya na-excite ako kasi ang pogi niya pero siyempre dahil sa nangyari, mas nangibabaw yung hiya ko. Wag kayong ano dahil alam ko yung iba sa inyo pag-nakakita ng mga pogi, kinikilig kaagad.

Ang fierce tignan ng mata niya. It gives you the cold vibe. Tapos ang tangos ng ilong niya. Then yung lips niya. Medyo moist tsaka medyo namumula. Hindi naman siya nagli-lipstick, diba? And yung jawline niya. My gad. Baka 120 degrees angle yan. Ang sharp.

Tapos yung katawan niya. Halatang masipag talaga siya. Tsaka napansin ko rin na ang ganda ng kamay niya! Nakikita ko rin iyong putek na collar bone niya. Tapos iyong adams apple, shet. Pwede na siya maging model!

Nagising ako sa reality at napansing ipinatong na niya ako sa higaan. Agad naman niyang tinawag ang nurse. Chineck ng nurse yung paa ko bago kunin ang mga kailangan niya.

"Tsk. May sprain ka." Sabi ni guy. "Diba malapit na ang laban niyo?"

"Oo. At mukhang hindi na ako makakasali." I answered.

"May next time pa naman." Sagot niyo pero nanahimik nalang ako.

"Chad." Pakilala niya habang inabot niya ang kamay niya sa akin. "Ikaw?"

Una, nag-hesitate ako pero tinanggap ko rin. "Rhae."

Omg. Ang lambot ng kamay niya. Rich kid ba siya? Bakit siya nag-pakilala sa akin? Mostly, they will just walk away and act like nothing ever happened.

"Thank you nga pala tsaka... sorry. Na-distract kasi ako. Sorry talaga."

Medyo nag-taka siya pero ngumiti rin ulit. Omg. Ang abnormal ng ngiti niya. Pa-square?

"Ayos lang." Sagot niya. Halatang naghe-hesitate siya pero sumenyas na siya ng aalis na siya. Wala akong sinabi nun or any reaction kaya umalis nalang siya.

Ilang sandali ay dumating na rin yong nurse habang dala ang mga kailangan sa sprain.

"Hala, bakit ka naman iniwan ng boyfriend mo?" Kunot-noong tanong ng nurse.

"Hala rin, hindi ko po siya boyfriend." Nataranta kong sagot.

"Nako, pakunwari pa kayo eh diyan rin naman kayo babagsak."

Hindi na lang ulit ako nag-salita dahil baka kung ano-ano na ang mga sabihin ng nurse. My gosh.

[×××]

Huhuhu, sana ayos lang. At sana magustuhan niyo rin. Paki-support dis storeh! Thank you!

-Dizzy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top