twenty-one

[ NARRATION ]

"Nakita niyo ba si Wooseok?"

"Si Wooseok ba 'yun?"

"Oo! Hahahaha!"

"Ang cool niya!"

"Cool? Ang ganda kamo!"

"Midam! Bakit ka absent kahapon!" Nakangiting tumayo si Anne para kuhanin ang atensyon ni Midam na kakapasok lang sa pinto ng classroom nila.

"Fever. Sorry hindi ako nakapag sabi sayo." Sagot ni Midam at lumapit kay Anne habang nakangiti.

"Nilalagnat ka pa ba?" Inilapat ni Anne ang palad niya sa noo ni Midam.

"Hindi na, magaling na ako." Sagot ni Midam saka ibinaba ang kamay ni Anne.

"Tsk! Bakit ka naman nagkasakit, ha? Sana nandito ka kahapon para naipagtanggol mo ako." Napakunot ang noo ni Midam.

"What do you mean? May nang-away ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ka maniniwala pero inaway ako ni--"

Nagmistulang runway ang daan papasok sa classroom nila sa pagpasok ng isang estudyante. Tila naging slowmo ang eksena pero agad na naputol ang pagpapantasya ng ibang estudyante ng magsalita si Anne.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot na tanong ni Anne kay Wooseok. Nakabihis babae lang naman ito with wig pa.

"Yes?" Imbis na sagutin ang tanong ni Anne ay tinarayan lang niya ito sa pamamagitan ng pag-flip ng hair niya.

"Seok, bakit nakaganyan ka?" Ngayon ay si Midam naman ang nagtanong.

"Gusto ko lang maintindihan ang mga babae, hmp!"

"Ha?" Sabay na tanong ni Anne at Midam pero hindi na nakapagsalita pa si Wooseok nang dumating ang Teacher nila.

"KIM WOOSEOK!" Kulang nalang ay nag-echo sa apat na sulok ng silid ang boses ni Mr. Wang sa sigaw niya.

"P-po?" Nawala ang pagmamaldita ni Wooseok kanina nang humarap siya sa guro.

"Anong kalokohan iyan? Hindi mo ba alam na bawal ang cross dressing sa XNET University? Hindi ka ba nagbabasa ng handbook?!" Galit na sigaw ni Mr. Wang. Nagsi-upo naman ang mga kaklase nila maliban kay Midam at Anne.

"Teka lang po Mr. Wang, tatlo po kasi tanong niyo. Tatlo din po ba dapat ang sagot ko?" Nagawa pang mamilosopo ni Wooseok pero seryoso siya sa tanong niya.

"Aba! Pumunta ka sa office ko, ngayon din-"

"Nakakalungkot pong isipin pero..." Mas naging tahimik sa loob ng classroom nang marinig ang paghikbi ni Wooseok.

"Pangarap po talaga ng Mama ko na magkaanak ng babae. Pero..." muli itong humikbi at nagpunas ng invisible na luha.

"Pero nalaman namin kanina lang... Kanina lang po talaga tinext niya sakin."

"Anong nalaman niyo?" Seryosong tanong ni Mr. Wang.

"Nalaman po namin na... Na menopause na siya at hindi na magkakaanak pa."

Nagkatininginan si Anne at Midam. Alam kasi nilang dalawa na hindi pa naman ganoon katanda ang Mama ni Wooseok para ma-menopause.

"Kaya naman po..."

"Kaya naman...?"

"Nagbihis babae po ako para matupad saglit ang pangarap niyang magkaroon ng unica hija!" Humagulhol sa iyak si Wooseok kahit walang luha na lumalabas.

Dahil si Anne ang malapit sakaniya ay sa sleeve siya ng dalaga nagpunas ng invisible luha.

"Ano ba? Umayos ka nga!" Saway ni Anne

"Ganoon ba?" Kalmadong tanong ni Mr. Wang at marahang tumango naman si Wooseok bilang tugon.

"Kim Wooseok..." Lumapit si Mr. Wang kay Wooseok at tinapik ang braso nito.

"Po?"

"Sa tingin mo ba maloloko mo ako?"

"P-po?"

"Pumunta ka sa office ko!"

Lumaglag ang balikat ni Wooseok. Akala niya makakalusot siya pero hindi pala.

Hindi naman naiwasan ni Anne na matawa dahil sa pagkaka-office ni Wooseok kaso narinig siya ni Mr. Wang.

"Sinong tumawa?" Tanong niti nang makalingon.

"P-po?" Tanong ni Anne.

"Sabi ko sinong tumawa?!" Napakatapang talaga nito.

"S-sorry po--"

"Ako po, Sir. Sorry po." Sabay na napatingin si Anne at Wooseok kay Midam.

"Akala niyo ba bingi ako? Pagtatakpan mo pa ang kaibigan mo?"

"Sir sorry po-"

"Kayong tatlo! In my office, NOW!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top