twenty-eight
[ NARRATION ]
"Midam, ang canteen ay ginawa para kainan. Hindi 'to lugar para mag-aral." Napaisip si Wooseok kung talaga bang tamad soyang estudyante o talagang sobrang sipag lang nitong kaibigan niya.
"Ano bang sinusulat mo?" Tanong ni Wooseok habang nakaturo ang tinidor sa papel ni Midam.
"Notes. Art class." Tipid na sagot nito.
"Bakit ba ang sipag mo?" Muling kumain si Wooseok.
Matapos magsulat ay inayos na ni Midam ang gamit niya saka tumayo. Tumingin ito sa relo niya.
"Bilisan mo kumain, five minutes nalang late kana."
"Teka saan ka pupunta?"
"May gagawin lang ako. Mauna kana sa klase."
Napairap nalang si Wooseok. Iniisip niyang baka sa library ang punta ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang sipag-sipag nitong mag-aral kahit mataas naman na ang marka niya.
"Nasaan si Dam?" Agad na napaangat ang ulo ni Wooseok nang marinig ang boses ni Anne.
"Nagpapakadalubhasa sa pag-aaral. Nasa library." Sabi niya ay mabilis na inubos ang kain saka tumayo.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Mataray na tanong ni Anne.
"Hehe, sabay na tayong bumalik sa klase." Sabi ni Wooseok habang malawak ang ngiti.
"Tigilan mo ako sa pagpapa-cute mo ha. Para kang aso."
"Aso na may breed. The cutest one." Pang-iinis pa nito.
"Tss. Wala si Midam sa library, kakagaling ko lang doon."
"Ha? Nagsusulat siya kanina ng notes sa art class natin, eh."
"Art class? Tapos niya na notes natin doon. Ikaw lang naman ang tamad."
"Psh." Sumimangot si Wooseok.
"Male-late na tayo. Tapos kana ba kumain?"
"Yieee, concern siya sakin! Kinikilig ako, Anne!" Anne rolled her eyes.
"May pagkain ka pa sa gilid ng labi mo, Kim Wooseok. Mahiya ka nga."
"Edi punasan mo, hehehe." Ngumuso pa ito kay Anne. Ngumiti naman si Anne at inilapit ang mukha niya.
Saka niya hinila ang nguso ni Wooseok palabas ng canteen.
Hindi makapagsalita si Wooseok pero pilit niyang hinahampas si Anne para bitawan siya.
Saka lang naman siya binitawan ni Anne nang tumigil ito sa paglalakad.
"Ang sakit ha-"
"Ssh!" Agad na hinila ni Anne ang kwelyo ni Wooseok at nagtago sila sa pader.
"Bakit tayo nagtatago? May pulis ba?" Tanong ni Wooseok sa mahinang boses.
"Bakit naman magkakaroon ng pulis sa school natin? At bakit naman tayo magtatago wala naman tayong kaso?" Sarkastikong sagot ni Anne.
"May kaso ka kaya. Ninakaw mo puso ko. Yieee!" Ramdam ni Anne ang mabilis na pagtibok ng puso niya pero ipinagwalang bahala na muna niya iyon.
"Bakit magkasama si Midam at Sihun?" Tanong ni Anne habang nakasilip sa dalawang nag-uusap.
"Ano naman ngayon? Selos ka?" Inirapan ni Anne si Wooseok.
"Masama lang ang kutob ko. Si Sihun kasi..."
"Si Sihun ay?"
Muling naalala ni Anne ang mga chat sakaniya ni Sihun. Hindi siya kumportable sa huling pagcha-chat nila ng binata at pakiramdam nito'y ayaw ni Sihun kay Midam.
"Gusto ko sanang magpasalamat sa ginagawa mo pero parang ayoko yata." Muling napasilip ang dalawa kay Sihun at Midam na nag-aabutan ng papel.
"Anong..." Napaisip naman agad si Wooseok. Sa wakas ay gumana na ang utak niya.
"Advance na ang mga notes na isinulat ko para sa'yo. Don't bother me anymore and stay out of my business."
"Haaay, I still don't understand you Midam. You're such a fool." Handa na sanang sumugod si Anne pero pinigilan siya ni Wooseok.
"Bakit bigla kang susugod? Hindi ka ba nag-iisip?"
"Anong gusto mo? Panuorin lang natin silang dalawa?" Inis na sabi ni Anne.
"Hindi lang tayo ang manunuod, syempre."
"Ano?"
Inilabas ni Wooseok ang phone niya at vinideohan ang eksena.
"Katapusan mo na, Kim Sihun. You're taking advantage of our friend, huh!" Mahinang sambit nito.
They are both clueless na silang dalawa ang puno't dulo ng lahat ng ginagawa ni Midam at Sihun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top