sixteen
Kim Wooseok · active now
Kim Wooseok: 10pm pasado na bat gising ka pa
Anne Sy: oo nga eh haha
Kim Wooseok: "haha"?
Anne Sy: bakit hahaha
Kim Wooseok: "hahaha"??
Anne Sy: hindi ako makatulog hahahaha
Kim Wooseok: "hahahaha"??
Anne Sy: bakeeet?
Kim Wooseok: nilalagnat ka ba?
Kim Wooseok: nahihilo ka?
Anne Sy: hindi ah hahaha okay ako
Kim Wooseok: HOY IKAW BA TALAGA SI ROSEY ANNE SY
Kim Wooseok: BAKIT MO NINAKAW CELLPHONE NYA HA
Kim Wooseok: ISUSUMBONG KITA SA PULIS
Anne Sy: HOY KIM WOOSEOK OA KA HA
Anne Sy: ako to bakit ba
Kim Wooseok: bakit hindi ka galit?
Kim Wooseok: i mean dati kasi tipong nagtatype palang ako ang taas ng ng blood pressure mo
Kim Wooseok: pero bat di ka galit ngayon
Kim Wooseok: may haha hahaha at hahahaha ka pa
Anne Sy: hoy ikaw
Anne Sy: kapag galit ako galit ka din tapos ngayong di ako galit galit ka pa din
Anne Sy: problema mo?
Kim Wooseok: naninibago lang kasi ako
Kim Wooseok: teka
Kim Wooseok: hindi ka talaga galit ngayon?
Kim Wooseok: ibig sabihin bati na tayo?????????
Anne Sy: anong sinasabi mo dyan?
Anne Sy: fyi hindi ako tumatawa dahil sayo
Anne Sy: at anong bati?
Anne Sy: nakikipagbati ka ba? Ha? Hindi naman ah
Kim Wooseok: MAY SINABI BA AKONG NAKIKIPAGBATI AKO
Anne Sy: bat ka nagagalit
Kim Wooseok: so bakit ka masaya ngayon?
Anne Sy: wala kana don
Kim Wooseok: aba
Anne Sy: aba ka din
Kim Wooseok: nanunuod ka nanaman ba ng kdrama o cdrama at kinikilig ka kaya ka masaya?
Kim Wooseok: diba sinabihan kana namin ni midam na wag magpuyat dahil dyan?
Kim Wooseok: mamaya lang nakasalamin ka na tingnan mo
Kim Wooseok: aling anne!
Kim Wooseok: HAHAHAHA
Anne Sy: hoy manong wooseok hindi ako nakikipaglokohan sayo ha
Anne Sy: at fyi hindi ako nanunuod ngayon
Anne Sy: napagalitan ako ni mama kagabi dahil muntik na akongmahuli sa klase dahul sa kakapuyat ko
Kim Wooseok: tsk tsk hindi yung klase ang dapat mong alalahanin
Kim Wooseok: yang sarili mo!
Anne Sy: wooseok
Kim Wooseok: ano
Anne Sy: concerned ka ba sakin?
Kim Wooseok is typing...
Anne Sy: joke lang hahaha asa naman ako diba
Anne Sy: sige na matutulog na ako
Anne Sy: baka mag-alala sakin yung crush ko kaya goodnight na
Anne Sy: at HOY HINDI TAYO BATI HA TANDAAN MO YAN
Anne Sy · active 1min ago
Kim Wooseok: CRUSH??!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top