Chapter 4
Nagising ako na napakasakit ng aking ulo.
"Nasan ako?" Bulong ko sa aking sarili. Hababg dahan dahan akong umupo sa pagkakahiga ko sa kama.
"Buti naman nagising ka na din. Ang akala ko hindi kana magigising pa" salubong sa akin ng isang lalaki. Ng luminaw na ang paningin ko ay nakita ko nadin kung sino siya.
Ang agent ni liam.
"Ilang araw ka nang nawalan ng malay. Pamula ng pumunta ang mga kaibigan ko dito. Mukhang naalala mo na kung sino sila" nakangiting sabi niya sa akin. Kaya maigi kong iniisip ang sinabi niya.
Oo... Naalala ko na kung sino ako at kung anong trabaho ko noon. Ang akala ko ayun lang, ayun lang ang nakaraan ko. Ngunit mali ako. Meron pa pala akong naitatagong masamang nakaraan.
"Isa ka din sa mga taong yun. Diba?" Seryosong tanong ko sa kanya. Kaya tumango siya sa akin.
"Kung ganon, bakit pinatuloy mo parin ako dito. Kung alam mo na ganon akong klaseng babae?" Tanong ko sa kanya. Isa siya sa mga lalaki na nakilala ko noon sa bar.
Flashback
Nagtratrabaho ako noong sa isang bar. Bar na hindi alak lang ang laman kundi mga babae. At isa ako sa mga babae, mga babae nagbebenta ng katawan. Ayaw ko man gawin ngunit kailangan ko para sa pera. Wala akong matinong trabaho o magulang na tutulungan ako sa mga kailangan ko, ni kamaganak ay wala ako.
"Liza, sa table 4 ka ha" nakangitjng sabi niya sa akin. Kayanginitian ko siya. Nakakakilabot man itong ginagagawa ko ay kailangan ko, para mabuhay lang. Agad akong pumunta sa table na sinbai niya.
Apat na lalaki ang kaharap ko ngayon.
"Hi miss!" Bati ng isang lalaki na mukhang lasing na lasing na, laking gulat ko ng bigla niya akong hinigit at niyapos. Hindi ako makapalag dahil ito ang trabaho ko.
"Inom ka" alok niya sa akin. Kaya hindi ako tumanggi sa alok niya.
"Ano ba peter ako naman" sabi ng isa niyang kaibigan na lasing nadin at hinigit naman niya ako dahilan para mahalikan ko siya ng hindi sinasadta. Aalis na sana ako ngunit hindi niya ako pinaalis. Gusto ko nang umiyak, sa aking ginagawa ngunit kailangan ko. Ng hindi na ako makahinga ay saka ako pumalag sa kanya at saka umupo sa tabi niya.
Hindi ko alam kung anong balak ng apat na ito sa akin. At ako lang ang kinuha nila. Hindi ako malakas sa ganitong bagay. Baka kung ano pang gawin sa akin nong dalawa nilang kaibigan. Tandaan mo para sa pera ito liza.
Ilang oras na ang lumipas. Kanina pa ako pinagpapasahan noong dalawa. Ngunit yung dalawa pang lalaki ay umiinom lang sila ng juice. Hindi ko alam kung ano dinayo nila dito. O sinamahan lang nila ang dalawang ito. Ilang minuto ang lumipas ng nawalan na ng malay yung dalawa dahil sa kalasingan.
Kaya lumapit ako sa isa nilang kasama. Masama ang tingin niya sa akin. Na halatang ayaw niya, kaya lumipat ako sa isa pa nilang kasama. Laking gulat ko ng bigla niyang hubarin ang jacket niya at ibinigay niya ito sa akin.
Mag sasalita pa sana ako ngunit dala dala na nila ang dalawa nilang kaibigan na wala nang malay.
Napangiti nalang ako ng biglaan, na hindi ko alam ang dahilan.
"Uy liza! Kilos kilos, may customer pa duon oh!" Paggising sa akin ng katrabahador ko kaya agad akong kumilos. Kinuha ko muna yung perang iniwan nila sa table at saka lumipat ng ibang table.
----------
Papasok na ako sa school ng may nabangga ako. Mag sosorry na sana ako ng makita ko ang mukha niya. Siya yung lalaki sa bar noong isang araw na nag bigay ng jacket sa akin.
Buti nalang at hindi niya ako kilala dahil naka mask ako noon. Talagang naka mask kami, lahat ng nagtratrabaho duon ay dapat naka mask kahit ang mga lalaki.
"Sorry" sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako ng mapatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Kailan mo ibabalik yung jacket ko" napalingon ako sa kanya na gulat na gulat. Nakangiti naman siya sa akin.
"Hi!" Bati niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa gulat. Papaano niyang nalaman na ako iyon?
"A-anong jacket?" Nagkunwari nalang ako na hindi ko alam ang pinagsasabi niya.
"Ha? Nakalimot ka kaagad? Diba ik-" tjnakpan ko kaagad ang bibigniya, baka kasi may makarinig sa sasabihin niya.
"Oo na sorry na" suko na ako, umamin na ako sa kanya na ako nga yun. Sumama ako sa kanya, dahil yun ang sabi niya sa akin. Wala akong magagawa, dahil alam niya ang sekreto ko.
"Oo nga pala baka sa isang araw ko pa ibalik yung jacket mo"
"Okay lang" hindi ko alam kung mabait ba siya talaga o nagbabaitan lang sa akin? Katulad ng mga ibang lalaki?
Hindi ko namalayan na napasarap pala ang paguusap namin para makaabot ng ganiyong oras. Gabi na pala.
"Hindi pa pala ako nag papakilala ako nga pala si max and you are?" Tanong niya sa akin habang inaabot niya ang kamay niya sa akin kaya kinamayan ko naman siya.
"I'm liza" pagpapakilala ko sa kanya. At saka ako bumitaw.
"Pagpasensyahan mo na pala ang mga kaibigan ko nong nasa bar. Ganon talaga yung mga yun" bakit kailangan pa siya yung mag sorry. At isa pa ayun naman talaga ang ginagawa namin eh. Ayun ang trabaho namin.
"Sanay na kami, sa mga ganon" sabi ko sa kanya.
"Ah oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan. Trabaho mo nga pala iyon" ewan ko kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Bakit? May kailangan ba akong maramdaman? Diba sanay kana liza.
------------
Hindi ko aakalain na magiging close kami ni max kahit ang mga kaibigan niya ay close ko na pero yung isa hindi. Dahil sobrang cold niya, kahit sa mga kaibigan niya ay cold siya.
Habang tumatagal ang pagkikipagkaibigan ko sa kanila at pakikipagusap ko kay max mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Kaya hindi ko inakala na pupunta sa puntong aamin ako sa kanya. Gabi non at walang tao sa pinagusapan namin tagpuan. Ang sabi ko sa sarili ko aamin ako sa kanya. Oo umamin ako sa kanya ngunit ang sabi niya sa akin. "Ha? Sorry pero hindi ako papatol sayo. Ayoko nga sa babaeng pinagpapasahan na ng mga lalaki. Nakakadiri kayo"
Halos gumuho anv mundo ko noong dahil sa sinabi niya. Umuwi akong tulala at hindi alam ang gagawin ko noon. Hindi na ako nagtrabaho sa bar, at hindi na din ako nag pakita pa sa mga katrabahodor ko kahit kay max. Hindi na ako nag pakita sa kanya kahit sa mga kaibigan niya.
Noong mga araw na iyon napagisipan ko na mag hanap ng seryosong trabaho. Nakahanap nga ako at isang katulong. Ilang taon ako nag stay sa ganong trabaho habang pinagpapatuloy ko parin ang pagaaral ko syempre lumipat na din ako ngunit umulit nanaman ang nangyari sa akin dahil nawalan na ako ng trabaho maya tinulungan ako ng kaibigan ko.
Ng dalhin niya ako sa isang bar. Ang akala ko matino ang magiging trabaho ko ngunit katulad ko lang pala ang kaibigan ko. Katulad niya pala ako yung dating ako, yung trabaho ko noon.
Kaya bumalik lahat sa akin ang sakit noong araw na iyon, at duon. Duon ako nabangga.
End of Flashback
Yung lalaking nagligtas sa akin sa karsada. Si-siya si max. Bakit pala ganon nalang ang naramdaman ko ng una ko siyang makita. Walang parin nag bago sa kanya. Mapagpanggap parin siya.
"Hindi ko alam na ikaw pala yung ipapaimbistiga sa akin nong fake na lucas. Nong unapagkikita natin sa bar hindi talaga kita kilala. Pero ng pumasok ako bilang agent ni liam at maging isang detective ni lucas dahil sayo, saka ko nalaman kung sino ka talaga" Tinignan ko siya ng seryoso at tinanong.
"Alam ba nila na ako si liza?" Gusto kong malaman kung alam nila an ako yung maduming babae na nakilala nila noon.
"Wag kang magaalala hindi ko sinabi. Kaya pinapalitan ko ang pangalan mo. Dahil ayun talaga ang totoo mong pangalan diba? Liza lin?" Tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya.
"Oo, pinalitan ko na ang pangalan ko. Ako na si Milae lim pagmula ngayon. Hindi ko alam kung bakit tinutulungan mo din ako. Tutuusin naman ay pwede mong ipagsabi sa mga kaibigan mo ang tungkol sa akin. At ang nakaraan ko" Hindi ko alam kung may kailangan ba siya sa akin para tulungan niya ako.
"Sabihin na natin paunang bayad ko palang iyan. May ipapagawa ako sayo" hindi nga ako nagkamali dahil totoo nga may kapalit ang lahat ng ito. Ano paba aasahan ko sa mga lalaki. Ganan sila laging may kapalit, hindi mawawalan.
"Ano yun?" Kinakabahan man ako pero heto nanaman ako.
"Babalik na dito si liam bukas, kailangan mong paibigin siya sayo. Simple like that" ha? Para sayo madali pero sa akin hindi. Ni hindi ko kilala yung tao eh.
"Anong kapalit?" Tanong ko sa kanya.
"Alam ko naman yan din ang itatanong mo sa akin eh. Hmmm... kahit ano, basta magawa mo lang ang pinapautos ko sayo" ang akala ko ba kaibigan niya i mean agent siya ni liam eh bakit ginagawa niya ito kay liam?
"Pwede bang magtanong kung anong dahilan?" Malay natin sabihin niya diba. Tinignan lang niya ako ng masama, na ang ibigsabihin ay hindi ko pwepwedeng malaman ang dahilan niya.
"Eh ang tunay mo nalang pangalan. Pwede ko bang malaman?" Kahit pangalan niya ay malaman ko sana.
"Aced" matipid na sagot niya sa akin. Ah bakit pala siya cold eh aced pala pangalan niya short for iced. Get my joke? Hahhahahaa okay ang corny ko.
-------------
Wala naman sa usapan na sunduin ko si liam dito sa airport ah. Grabe talagang yung yelong iyon. Oo napagdisisyunan ko na yelo ang tawag ko sa kanya kapag hindi ko siya kaharap o kaya sa isipan ko.
Nakakainis nasan na ba yung liam na iyon? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas hawak hawak etonv malaking poster na pangalan niya at ang mukha niya. Hindi ko nga alam kung san ko ba nakita yung mukha niya para kasing familiar pero hindi siya isa sa mga kaibigan ni yelo na nakilala ko sa bar.
Halos maputol na ang ulo ko sa kakasilip dahil ang rami nang mga tao. Bakit, biglang rumami nga naman ang tao dito? Anong meron? Uwian ba?
Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ayan na siya. Kasabay ng pagalabas niya ang hiyawan ng mga tao. At saka ko lang na realized ang mga hawak ng mga tao. The heck! Bakit may picture sila ni liam?
Saglit lang liam...liam hmmm... ZELIAM????? WHAT THE HECK! SI-SIYA yung sikat na artista. Pambihirang yelo iyon hindi sinabing si zeliam ang master niya. Papaano ko pa matutupad yung pinagkasunduan namin kung ang isang ito ay sikat na artista. Diba!
"Hoy ikaw!" Natauhan ako dahil sa sigaw niya at tinuro pa ako. Kaya ayun mga tao nagsitinginan sa akin ng masama.
Sumenyas pa siyang lumapit daw ako sa kanya. Alam ko na kung bakit, para buhatin yung mga gamit niya. Sabi ko nga diba. Dahil ako nga ang nagbuhat ng mga gamit niya. Anong akala ng fan niya ano girlfriend lang ang peg ko. FYI hindi po ako gf isa po akong yaya ni yelo.
"Nasan ang sasakyan?" Tanong niya sa akin. Habang nakatingin sa phone niya. Wow ang bait niya super bait, ang sarap niya tirisin katulad niya lang si yelo. Mas malala pa nga ang isang eto eh. Ang bigat kaya nitong gamit niya tas sa akin pa pinabuhat, e may guard naman pala siyang kasama.
Mukha pinapatay na ako sa mga utak ng fan ni zeliam, dahil malapit ako sa fan nila.
"Papunta na po" sagot ko sa kanya.
"Bakit ang bagal"
"Traffic daw po" sagot ko ulit sa tanong niya ng saktong dumating naman yung sasakyan. Wow ang laki ah.
Agad ko inilagay ang gamit niya sa likod. Nakapasok na silang lahat sa loob. Ako nalang ng biglang kumaripas ng andar yung sasakyan. Napanganga nalang ako dahil duon. What the heck! Iniwanan nila ako.
Agad kong tinawagan si yelo dahil sa nagyari at ang mokong nakapatay yung phone. So wala na akong magagawa kundi ang maglakad nalang. Wala naman kasi akong pera eh, naiwan ko sa sasakyan ni yelo hehehhehe buti nga yung phone ko nadala ko pero iisa lang ang number na meron ako at kay yelo lang.
Buti na ngalang at wala na yung mga fan ni zeliam eh.
To be Continue......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top