Chapter 2

Pambihira na! Bakit ba ako pumayag sa gusto niya?

Oo kasama ko ang isang lalaki na nakilala ko lang sa national. Naawa kasi ako sa kanya kaya pumayag akong maging girlfriend niya for 2 hours lang naman. Grabe no!

"San tayo sunod na pupunta?" Nakangiting tanong niya sa akin. Ano seryoso hindi ba siya napapagod kanina pa kaming paikot ikot dito sa sm at hindi pa kami nakain. Grabe gutom na ako ha! Gusto kong mag reklamo ang kaso, ang kapal ng mukha ko diba.

"Saglit nga lang" Seryosong sabi ko sa kanya kaya tumigil naman siya sa paglalakad para harapin ako.

"Desperado ka bang makahanap ng bagong girlfriend?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kasi hindi naman niya tatanungin ang isang babae na hindi niya kilala na maging girlfriend niya in 2 hours lang.

Lumapit siya sa akin kaya nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

"Paano kung oo, magiging legal na ba kitang girlfriend" bulong niya sa aking tenga na dahilan ng biglang pula ng aking pisngi.

"Hahahhahaha joke lang" nakangiting sabi niya sa akin at saka muli siya nag lakad. Walang hiya! Pinagtripan ako.

Sinundan ko lang siya. Walang umiimik sa amin ng bigla siyang tumigil sa isang store.

Pumasok siya sa loob ganon din ako.

"We just have 20 minutes" sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa kanyang rilo.

"Dahil sinamahan mo ako ng dalawang oras. Pumili ka ng gusto mo, ako nang bahala" Seryoso ba siya? Anong gagawin ko sa store na ito na panay dress. Is he okay? Hindi ko naman kailangan ng dress eh.

"Para saan pa? Okay lang sa akin, kahit wala kang ibigay. Masaya ako na may natulungan ako" Nakangiting sabi ko sa kanya. Uy totoo kaya no, na hindi ko naman kasi kailangan ng kapalit.

"Hey! Pumili ka nalang, may pupuntahan pa kasi tayo" Kanina lang ang saya saya niya tas ano pinagpipilitan niya akong mamili ng dress? Para saan ba?

HIndi na ako nagtanong pa sa kanya at kumuha nalang ako ng isang dress na mukhang sakto lang sa akin. Binigya ko ito sa kanya kaya agad naman niya itong binayaran laking gulat ko nalang ng makita ko ang price nito.

"Hala! Ang mahal" Bulong ko sa sarili ko, na mukhang narinig niya.

"Don't worry. Eto oh, suutin mo na" Utos na naman niya sa akin. 

"Ha? Bakit naman?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. 

"Suutin mo nalang, okay. I'll wait you sa labas" Magrereklamo pa sana ako ng bigla nalang siya umalis. Ano bang tumatakbo sa utal niya.

Isa pa ako, bakit ko ba sinusunod ang isang yun. Tapos na ako, kaya lumabas na ako ng store syempre nag pasalamat ako.

"O okay na ba?" Tanong ko sa kanya na abala naman sa pagkain niya ng ice cream.

"Ayos, bagay sayo" Nakangiting sabi niya sa akin. At ayan na naman siya nag lakakad na naman po siya kaya eto ako sumunod nalang sa kanya.

Nasa tapat kami ngayon ng isang restaurant, anong gagawin namin dito? Syempre kakain liza ano ba isip isip. Pinauna niya ako pumasok sa loob kaya pumasok ako. May lumapit sa amin na isang waiter.

"Table for two" Sagot kaagad niya, duon sa waiter. Hindi ko alam kung may dumi ba sa mukha ko para tignan ako ng waiter.

Hanggang sa makaupo na kami ay nakatingin parin sa akin yung waiter at bago siya umalis ay napansin kong napakamot siya sa kanyang ulo na parang nagtataka ito. 

"Ahmm.. Uupo lang ba tayo dito?" Tanong ko sa kanya, pati para hindi masyadong tahimik. Kakaunti lang kasi ang tao at nakakainis ang katahimikan dito sa loob.

"HA?" Nagtaka naman siya sa sinabi ko.

"I mean nasan na yung menu? Diba dapat bibigyan tayong manu para pumili ng kakainin natin" Pagpapaliwanag ko sa kanya ng maayos. Ayan nanaman siya ngumiti na naman.

"Kilala ako dito kaya alam na nila yung ioorder ko" Wow syesyal. MUkhang lagi silang napunta dito ng ex niya?

"Ah.." Yan lang ang nasabi ko sa kanya at tumahimik na naman ang kapaligiran. Para hindi na bumalik sa katahimikan ang paligid na ito ay ako na ang nag salita.

"Pwede bang magtanong?" Panimula ko. Tumango siya sa akin bilang pagsangayon.

"Bakit ba nag break kayo?" Alam kong maling makialam ng buhay ng ibang tao, pero feel ko naman na pwede kong malaman diba?

"O-okay lang naman kahit hindi mo sabihin sa akin" Nagdadalawang isip na sabi ko sa kanya, gusto ko naman kasing malaman talaga eh.

"No it's okay, inabala kita. Kaya okay lang. Ang totoo niyan we just broke up last week but i don't want to, Ang hirap kasi. kaya yun ilang day's akong nag try at nag baka sakali na baka, baka bumalik kami sa dati, hindi ko alam kung saan ako nagkamali para hiwalayan niya ako" I feel his sadness. Ganito ba talaga kapag nag mahal ka? GAnitong sakit ba ang mararamdaman mo?

"So sumuko ka na sa kanya kanina?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo kasing napapasarap ang usapan namin, wow baka ako lang yung napapasarap. Nakakagaan ng loob lang kasi kapag nakinig ka sa problema ng isang tao. 

"Hindi ba halata?" Nakangiti siya ngayon ngunit, ang ngiti niyang yan ay para maawa ka nalang sa kanya ng biglaan. Kahit kanina palang ng una ko siyang makita naawa na ako sa kanya.

"hmmm... Ang akala ko kasi kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat, lahat para sa kanya. Kahit hindi ka mahal nito" Nagtatakang sabi ko sa kanya, may nag sabi kasi niyan sa akin noon.

"Masamang mag akala, maaring kang mamatay sa akala. Oo gagawin ko ang lahat, lahat sa taong mahal ko ngunit may araw, oras at panahon para tumigil na at magpahinga. Masamang pahirapin ang sarili. Alam mo naman sa sarili mo na wala na talaga, kahit ginawa mo na ang lahat kaya, suko na. Tapos na ang laban" Hindi ako expert pag dating sa ganitong mga bagay. Sino ba ako isa lang naman akong babaeng walang love life pero... may nakalimutan siya sa sinabi niya.

"Tama ka" Panimulang sabi ko sa kanya habang nakangiti. Na mukhang pinag taka niya.

"Pero may nakalimutan ka sa sinabi mo, Nasan ka duon?" Dahil sa sinabi ko ay nag taka siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa akin. Na mukhang gustong malaman kung ano bang kulang sa sinabi niya kung bakit ko sinabi na nasan ka duon.

"Titigil ka hindi dahil sa sarili mo dahil sa mahal mo na ayaw na sayo, Oo titigil ka na pero hanggang duon ka nalang ba? Bakit wala kang sinabing masaya na din ako o kaya okay lang naman hindi naman umiikot ang mundo ko  sa kanya. Halatang kinain mo lang ang mga salitang mo dahil hindi ka maka move on, oo mahirap mag move on ngunit kung nagmumukmok ka lang diyan, sa tingin mo ba makakapag move on ka? So nasan ka duon" Mukhang nag loading pa sa kanyang utak ang mga pinagsasabi ko, pati ako hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang mga salitang iyon.

Ng bigla naman dumating ang aming pagkain. Amoy palang nakakagutom na. Hinihintay ko parin ang sasabihin niya.

Pangalawang subo ko na ito ng bigla naman siyang magtanong sa akin.

"Bakit ka pumayag?" 

"Pumayag na?" Hindi ko kasi makuha kung ano man ang ibig niyang sabihin.

"Maging girlfriend kita ng 2 oras" Pagpapaliwanag niya ng maayos sa akin.

"Ah... Simple lang, dahil mukhang kailangan mo ng kausap. Pati isa pa mukhang desperado kana kanina" Nakangiting sabi ko sa kanya, ng maalala ko bigla ang kanyang mukha kanina at kung paano siya nakapwesto. 

"Salamat ha!" Napatingin ako bigla sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nag papasalamat. Nakatingin siya ngayon sa akin ganun din ako.

"Para saan?"

"Dahil pumayag ka" At ngumiti siya sa akin. Ganon din ako.

-------------

Naging masaya naman ang hapunan namin tawanan kami ng tawanan. Palabas na kami ng sm at nagkwekwentuhan parin kami. 

"Pano yan masyadong napahaba ang 2 oras. Sorry kung lumagpas" Paghingi niya ng sorry sa akin.

"Nako, nako wala yun. Okay lang" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Okay kana ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Siguro" Yan lang ang sagot niya sa akin. Nakalabas na kami ng sm kaya kailangan ko nang mag paalam sa kanya.

"Paano bayan kailangan na nating mag paalam sa isa't isa" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. 

"Ihatid na kita" Alok niya sa akin pero tumangi ako dahil oo nga mabait siya ngunit kulang pa yun para pagtiwalaan siya. Mahirap nang magtiwala. Tumanggi nga ako sa alok niya ngunit pinagpilitan naman niya na kahit sa sakayan ay ihatid nalang daw niya ako. Gabi na kaya pumayag na ako sa gusto niya.

"Sige, salamat sa lahat" Pagpapaalam ko sa kanya bago ako sumakay sa jeep.

-------------------

Sa tapat ako ng subdivision bumaba, kaya nag lakad nalang ako papasok. Gabi na kaya ang lamig na ng simoy ng hangin ang sarap sa balat. Bakit ganun ang saya ko ngayon.

Tanaw ko na dito ang mansyon ni lolo, pero bakit parang may party ata? Dahil may kung anong ilaw ang nasa labas ng mansyon ni lolo. Hindi ko alam pero kinabahan na ako. Kaya nag madali ako sa pagtakbo.

A-ano kaya nangyari?

Nagulat nalang ako na may mga police sa labas ng mansyon ni lolo. Anong nangyari? Agad kong nilapitan ang isang police para magtanong. Ng biglang lumapit sa akin si joh.

"Anong nangyayari dito?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Umalis kana" yan lang ang sinabi sa akin. Ng makita ko si lolo na dala dala ng mga police. A-anong nangyayari. Nakaharang sa unahan ko si joh kaya hindi ko malapitan si lolo para maitanong kung ano bang nangyayari. Sisigaw na sana ako, ngunit napatigil ako dahil sa ngiti ni lolo.

A-anong nangyari?

-------------

"ANO BA!? ISANG ORAS NA TAYO DITO SA PARK!" Naiinis na ako dahil kanina pa kami dito. Ang sabi kasi niya dito muna daw kami hanggat may police pa sa mansyon ni lolo.

Ayaw niya ring sabihin kung ano bang nangyari kanina hanggat hindi pa daw kami nakakauwi sa mansyon.

"Baka ngayon pwede nang bumalik no?" Pang sampong beses na tanong ko sa kanya.

Kaya tinignan naman niya ako ng masama. Wow lang ha grabe galit?! Dapat nga ako yung magalit dahil kanina pa akong nagtatanong hindi manlang niya ako pinapansin.

"Pwede ba kahit limang minuto manahimik ka. Kanina ka pang satsat ng satsat ang ingay mo!" So tumahimik kana liza at baka d oras ay patayin ka ng isang ito.

Lumipas na ang limang minuto kaya pwede na akong mag salita, ngunit naunahan na niya ako.

"Pwede na tayong bumalik" Buti naman no. Ang akala ko aambutan kami dito ng umaga.

---------

"So explain!" Agad na sabi ko sa kanya ng makapasok na kami sa loob ng mansyon. Wala na ang mga police na dala dala si lolo.

Nagulat nalang ako ng may kung anong siyang tinatanggal sa kanyang mukha.

"What the? Bata ka? I mean hindi ka matanda?" Para akong tanga dahil sa tinanong ko sa kanya iba na kasi yung mukha niya ngayon bjmata siya na akala ko ay matanda. Siya ba talaga yan at wait anong nangyayari?

"Sino kaba?!" Natatakot na tanong ko sa kanya. Eh sa nakakatakot naman talaga siya eh. Yung tipong bigla bigla nalang magpapalit ng anyo. Ano yan halimaw?

"I'm a agent of sir liam" Seryosong sabi niya sa akin. Na aking pinagtaka. Ayun ba ang tunay na pangalan ni lolo?

"Ahmm who's liam? Si lolo ba yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nope he's my master at ang apo ni lucas na nag panggap na siya nga si lucas ang matandang nakilala mo ay isang fake" pagpapaliwanag niya sa akin na aking ikinalito naman. Ano daw? Ha? Putek, nalilito ako sa sinasabi niya.

"If tama ako yung apo ba niya yun ba ang pinapasundo niya sa akin sa airport? At yung matanda na tumulong sa akin ay isang fake?" Kung tama ako ng pagkakaintindi. Dahil ang akala ko na isang bata lang ang susunduin ko ay hindi pala at isang??? Isang ano?

"Yes" matipid na sagot niya sa akin.

"Wait bata ba yung master mo?" Gusto ko lang maging malinaw sa part na iyon.

"Hindi kasing idad mo lang siya"

"Baka kasing idad natin. Kung tama ako 19 ka lang?" Pagtama ko sa sinabi niya.

Kaya tinignan nanaman niya ako ng masama. Ano bang problema niya? Pwede naman sabihin niya kung may problema ba sa bawat sinasabi ko hindi yung tinitignan niya ako ng masama.

"Anyways, you need to change your name tomorrow and kailangan mo nang umalis dito" wow grabe sino ba siya sa akala niya. Ganon kadali dali yun ha?

"Okay ka lang ba? Sa tingin mo ganon lang kadali na makahanap ng matitirhan at isa pa bakit ka pumayag na tulungan ako noong fake na lolo ng amo mo ha? Bakit hindi mo siya pinigilan?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Eh sa totoo naman eh! Ah ano!

To be continue....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top