Chapter 1

"Oy! Panget tawag ka ni mommy" Agang aga naman nito mapanghusga, sabagay tama naman siya. Agad kong pinuntahan si madam at baka maginusok ang ilong noon dahil sa galit.

"Mam pinapatawag daw po ninyo ako?" Magalang na tanong ko sa kanya.

Tinignan muna niya ako at saka siya nag salita. Isa din naman mapanghusga ang taong ito, kaya yung mga anak niya sa kanya nagmana.

"Last day mo na lang ngayon sa trabaho dahil may ipapalit na ako say" Tanggap ko ang panghuhusga niya sakin pero yung sabihin yung sabihin niya wala na akong trabaho, grabe na iyon.

"MAM BAKIT NAMAN PO!" Dahil nagulat ako sa aking nabalita ay napalakas ang aking boses na kanyang ikinataas ng kanyang isang kilay.

"Bakit may reklamo" Opo, yan sana sasabihin ko pero naalala ko na hindi papala niya ako na sweswelduhan last month at ngayon, baka pag nagreklamo ako ay hindi na niya ako paswelduhin. Tanggal na nga sa trabaho wala pang iswesweldo, diba ang malas noon.

Kaya kahit yung isa nalang ang tanggapin ko okay lang.

"O sige po mam, kukunin ko na po ang sahod ko at saka po ako aalis" Magalang na sabi ko sa kanya. Ayan na naman ang sama na naman ng tingin niya. Binuksan niya ang isa sa mga durabox ng kanyang table at may inilabas na isang envelop na mukhang ito na ang sahod ko.

Halata sa kanyang mukha na ayaw niya akong bigyan ng sahod. Inihagis niya ito sa akin katulad ng dati, kaya nasambot ko naman ito. Bago ako lumabas ng kwarto niya ay binilang ko muna ito baka kulang eh pero biglang sabi niya na sakto kaya hindi ko na na ituloy pa ang pagbibilang ko at lumabas na ako.

------------

Hay... Eto nanaman tayo, papasok sa school dala dala ang isang malaking bag, hindi kasi pwedeng umalis ako sa bahay ni madam ay hindi ko dala ang gamit ko baka kung san ko na ito matatagpuan, kung hindi ko pa kukunin.

Problemado akong pumasok sa class room katulad ng dati nakaabang na naman ang anak ni madam ang pinakang matanda sa tatlong magkakapatid at ang kuya.

"Guess what?" Tanong niya sa mga kasamahan niya.

"Ano?" Sagot naman ng mga to sa kanya.

"Pinalayas lang naman yung isa diyan kaya wala na naman siya matulugan" Natatawang sabi niya sa aking harapan. Masaya kasi siyang ipahiya ako sa iba at saka niya ako papapasukin sa loob.

Sige tumawala lang kayo who you kayo kapag ako'y yumaman, ipapakain ko sayo ang kayamanan ko. Padabog kong ibanaba ang bag ko sa aking table at saka umupo.

Lumapit naman sa akin ang matalik kong kaibigan na si yume

"Oh? tanggal kananaman ba?" tanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.

Saglit siyang napaisip ng parang may bigla siyang naalala.

"Kung gusto mo tulungan kita" Nakangiting sabi niya sa akin kaya bigla akong ginanahan dahil sa sinabi niya. Kaya umoo nalang ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano mang trabaho ang ibibigay niya sa akin.

------------------

Pagkaawas namin ay naghintay ako sa kanya sa labas.

Ilang minuto pa ang hinintay ko at sa wakas lumabas na din siya, laking gulat ko na iba na ang suot niya. Pero okay lang wala akong paki basta may trabaho na ulit ako.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano pero bakit nasa bar kami ngayon at ang raming mga lasingero? Ano bang gagawin namin dito?

Mahigit kong hinawakan ang dala dala kong bag habang ang isa ko naman kamay ay nakahawak sa laylayan ng damit ni yume. Natatakot na ako dahil sa kalagayan ko ngayon.

Ilang ulit kong tinatanong si yume kung anong gagawin ko pero hindi niya ako pinansin ng bigla niyang sabihin na pasok na daw ako at sundan ko lang daw ang boss niya.

Ayokong sumama pero pinilit niya ako dahil wala na daw akong trabaho, kaya katulad ng sinabi niya ay  ginawa ko. Laking gulat ko ng itulak ako ng boss ni yume sa isnag kwarte nadapa ako.

Narinig ko nalang ang paglock ng pintuan kaya agad kong kinalampag ito at humihingi ng tulog, ilang beses ko itong hinahampas at ilang beses na akong humihingi ng tulong ngunit wala. 

Napalingon ako dahil nakaramdam ako ng isang hininga ng tao, laking gulat ko na may isang matangkad na lalaki sa likod ko. Mangiyak ngiyak nalang ako ng mapagtanto ko kung nasan ako at kung anong lugar ito.

Ilang beses kong sinasabi na wag po ngunit huli na ang lahat, huli na. Biglang nag laho ang mga pangarap ko. Pagkatapos niya sawaan ako ay umalis siya n parang walang nangyari habang ako ay napaupo sa lapag habang umaagos ang aking mga luha.

Pumasok sa loob si yume para tulungan akong magbihis, wala ako sa sarili habang binibihisan niya ako. Ng matapos na ay bumulong siya sa akin na masasanay ako.

At duon ako natauhan sa sinabi niya "Ha?! Masasanay? ETO BA ANG TRABAHO MO? PATI AKO DINADAMAY MO SA KATARANTADUHAN MO!" Wala na, wala na akong sa katinuan. kumaripas nalang ako ng takbo palabas.

Pagkakataon ko nang makatakas. Ayoko na! Mga walang hiya sila! Habang nag lalakad ako ay patuloy parin ang pagtulo ng aking mga luha, para akon sira n nawawal sa aking katinuan. Ng isang malakas na ilaw ang tumama sa aking mata para akoy masilaw at tuluyang mawalan ng malay.

Ang akala ko makakasama ko na ang mga magulang ko ngunit mali pala ako.

-----------

"Bakit binuhay mo pa ako?" Tanong ko sa kanya ng magkamalay na ako.

Ngumiti lang siya sa akin at saka ako nawalan ulit ng malay.

-----------

Nagising na ako na iba na ang katauhan ko, iba na ang mukha ko. 

"A-anong nangyari?" Tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko parin ang sarili ko sa salimin, ng may umimik sa aking likod.

"Binago kita katulad ng hiniling mo, kaya tuparin mo ang pinangako mo sa akin" Lumaki bigla ang aking dalawang mata dahil sa sinabi niya. Napalingon ako para tignan siya ng maigi.

"A-anong pangako" Natatakot na tanong ko sa kanya.

"Simple lang, Pakasalan mo ako" Parang malalaglag na ang panga ko dahil sa sinabi niya ng bigla siyang tumawa.

"Joke lang yung iha, ang gusto ko lang naman ay samahan mo ako hanggang sa huling hininga ko" Bigla akong naawa sa sinabi ng matanda. Pero papaano nangyari ang lahat ng ito? at anong araw na ba?

Habang palabas ang matanda ay nahagilap ng aking dalawang mata ang isang calendar kaya tinignan ko kung anong petsya na, laking gulat ko na mahigit dalawang buwan na akong natutulog?

Napansin niyang hindi na ako naka sunod sa kanya kaya lumingin siya sa akin.

"Ano po ba kailangan ninyo talaga sa akin? At tinulungan ninyo ako?" Hindi parin ako mapakali dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit, bakit niya ba talaga ako tinulunagn. Imposible na iyon ang dahilan niya, mukhang may kamag anak naman siya. Kaya bakit? Bakit ako pa?

Ngumiti siya sa akin, kaya nag taka naman ako sa kanya.

"Ang sabi mo nong muntikan ka na naming mabanga ay, gusto mo maging mayaman at gumanda kahit ano gagawin mo basta maging maganda ka at yumaman, pwes binigay ko sa iyo iyon. Dahil mukhang ulila kana. Ang totoo isa nadin iyon sa kapalit ang samahan mo ako hanggang sa huling hininga ko at ang alagaan mo ang apo ko" Halata sa kanyang mukha ang pagmamahal niya sa kanyang apo.

Ayun lang naman pala eh.

"A-ayun lang  po ba? Wa-wala na o talaga?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. Baka kasi hindi lang yun. Para sure na din diba.

"Oo ayun lang talaga" Nakangiting sabi niya sa akin at saka muli siyang nag lakad kaya sinundan ko ulit siya. 

"Lolo, sino po ba ang kasama ninyo dito?" tanong ko sa kanya, habang nakaupo kami sa labas ng garden niya. Napakalaki ng kanyang bahay, at masasabi kong masyon ito. Dahil sa laki.

"Mga katulong lang at isang bodyguard"

"Eh nasan po ba yung apo ninyo na aalagaan ko?" Magalang na tanong ko sa kanya, dahil wala naman akong makitang bata na pagala gala.

"Nasa ibang bansa siya, uuwi na siya sa kabilang linggo kaya gusto kung sunduin mo siya sa air port" Wow grabe buti pa yung bata nakapunta nang ibang bansa, paano kaya ako.

"Ah okay po"

"KUng gusto mo iha, magpasama ka kay joh pumuntang sm. At bumili ka ng mga damit mo na susuutin. Oo nga pala, hindi ko alam ang tunay mong pangalan kaya nag isip ako ng bago kung ayos lang iyon, liza lin" Nakangiting sabi niya sa akin.

Kaya napangiti nalang ako sa kanya bilang tugon na masaya ako, masaya ako sa ginawa niyang tulong sa akin.

"Maraming salamat po talaga" hindi ko napigilan ang sarili ko at napaluha nalang ako dahil sa tuwa.

"Ano bayan gandang ganda mo umiiyak ka, pumapangit ka niyan eh" Pangaasar niya sa akin kaya natawa naman ako. Katulad ng sinabi niya ay nag pasama ako kay joh sa sm, ang body guard niya.

Natatakot nga akong umalis dahil wala siyang kasama sa bahay, ayaw naman niyang sumama dahil nakakasawa na kaya, sa mansyon nalang daw siya.

Nasa tapat na kami ng sm kaya bago ako makababa ay sinabi ko kay joh na umuwi na siya dahil walang kasama si lolo sa bahay at mag jejeep nalang ako pauwi.

-------

Ngayon lang ulit ako nakapunta dito ah. Agad akong pumasok sa isang store ng damit. Ang gaganda ng mga damit ganon nadin ang price nito. Ang sabi naman ni lolo na gamitin ko lang daw ang card na binigay niya sa akin kahit gaano kamahal daw ang damit okay lang. Pero sumosobra na ako kapag bibilhinn ko ay mga mamahaling damit kaya yung mga sakto lang ang price ang kukunin ko.

Hindi naman ako maarte pagdating sa mga damit eh.

Biglang may lumapit naman saleslady at inalok ako ng kung anong anong damit na bagay daw sa akin. Apat lang ang napili ko sa inalok niyang damit sa akin dahil ang mamahal kaya ng makalabas ako sa store nila ay naka dalawang ba na kaagad ako. Ganon ba sila kayaman sa bag, grabe.

Naglibot libot muna ako sa loob, mahaba pa kasi ang oras eh. Napatigil ako sa isang store kung san may nakadisplay na isang manika na may suot na isang magandang dress, naalala ko noong bata ako niligalig ko sa mga maglang ko ang nakita kong laruan noon.

Hindi nila ako napatahan hanggang sa binili nila ito para sa akin ng lumaki na ako saka ko na intindihan ang kahalagahan ng pera sa tao. Paalis na sana ako ng may bumungo sa akin, tinignan ko kaagad kung sino yun. Isang lalaking hindi tumitingin sa dinadaanan niya. At walang hiya hindi manlang nag sorry.

Ang kapal ng mukha, ang akala mo naman kung sinong hari ng daanan.

Matalisod ka sana.

-------------

Kakain na sana ako kaso nadaanan ko itong national kaya pumasok muna ako para tumingin ng mga libro, pangarap ko kasi noon na makabili ng sariling libro. Kaya eto na may pera na ako pwede na akong bumili.

Ngunit parang may mali, hindi ako masaya sa ginagawa ko. Hindi ako masaya na ginagastos ko ang pera ng isang taong hindi ko naman kilala, ang perang hindi ko naman pinagipunan. Bukas na bukas maghahanap ako ng matinong trabaho para mabayaran din si lolo.

Pero bibili ako syempre ng book at utang muna kay lolo heheheheh

Habang abala ako sa pamimili ay hindi ko sinasadyang may marinig na usap usapan, na hindi ganon kalayo sa aking kinatatayuan.

"Ano ba"

"Diba sabi ko sayo na ayoko na! break na tayo!" Grabe at talagang dito pa sila na abutan, hindi ba pwedeng sa labas ng national?

Mukhang umalis na sila, dahil rinig na rinig dito ang kanilang mga yabag papaalis.

Pumunta ako kung nasan sila kanina dahil wala akong mahanap na libro duon sa pusisyon ko.

Hindi ko namalayan na may nakaupo pala sa lapag, kaya nagulat naman ako. Pasimple akong umalis ng hindi siya nakatingin ng bigla naman siyang magsalita.

"Saglit lang" hindi ko alam kung sino ba ang sinasabihan niya. Lumingon ako sa aking likod kung may tao ba ngunit wala naman at kaming dalawa lang ang nandito.

"Ba-bakit?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Be my Girlfriend" Ha?! Ano daw???

"ANO!" Sigaw ko sa kanya dahil sa gulat.

What the! Okay lang ba siya?

------------------------

To be Continue.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top