Loading 6%
SPG: T L K S H D
✁____________
"Paano na yan? Makikita ni Shy si Gelou." tanong ni Jade kay Chrisy
Nandito silang tatlo sa isang kwarto. Dalawa nga ang double deck. Nagiisa si Jade sa isa samantalang sa isang double deck naman ay si Chrisy ang nasa baba samantalang si Gelou ang nasa itaas.
"Don't act like you care." maarteng sagot ni Chrisy
"Wag na kayong magaway dahil sa akin. Umuwi na lang kaya ako?" suhestyon ni Gelou
"Seryoso ka ba? Paano na yung plano?" tanong ni Chrisy kay Gelou
"Anong plano?" curious na tanong ni Jade
"Duh! It's the airplane." pairap na sagot ni Chrisy
"Duh! I'm matinong nagtatanong." sabi ni Jade at ginaya pa ang tono ng pananalita ni Chrisy
"Wala ka na don." pambabara ni Chrisy dahil para muling umirap si Jade
Sa sala...
Naroroon ang tatlong lalaki (a/n: lalaki nga ba? OWWWWW DAB) na sina Jake, Cedric, at Mario na nakaupo sa sala. Si Pipo ay nasa kwarto pa rin niya at nagmumukmok pa rin dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina.
Nagambala ang tatlo nang may marinig silang katok.
"Baka sila Cathy na yan." sabi ni Cedric
"Edi buksan mo." sagot naman ni Jake
"Ako na." sambit ni Mario bago pa magaway ang dalawa at pumunta na sa pintuan
Nang buksan niya ito ay nagulat sila nang si Jun ang iniluwa nito "Jun? Anong ginagawa mo dito?"
"Balita ko ako na lang kulang dito. Magpapahuli pa ba ako?" natatawang sagot ni Jun at pumasok na
Isasara na sana ni Mario ang pinto nang saktong bumaba na rin sina Cathy at Shy mula sa taxi na tumigil sa harapan ng bahay.
Malaking gulo ito. wika ni Mario sa isip
Pagkaalis ng sinakyan nilang taxi ay sakto namang bumaba si Pipo ng hagdan na tila ba inaantay na ang kanyang mag-ina. Sinalubong naman niya ng yakap sina Cathy at anak nila. Matapos isara ang pinto ay umalis na si Mario para bigyan sila ng time.
"Sabihan niyo na akong bitter pero tapos na ba kayo sa yakapan scene? Gutom na kasi ako eh. Bumili na rin ako ng bucket meal kasi alam kong walang marunong magluto sa inyo--" napatigil sa pagsasalita si Shy nang biglang sumigaw si Jake mula sa sala
"Marunong akong magluto ng itlog!" napairap ng mata si Shy sa sinabi ng binata
"Eh kung lutuin ko itlog mo?" sarkastikong sabi ni Shy "Kunin niyo na nga ito at nabibigatan na ako. Buti nga binilhan pa kayo ng pagkain eh. Magpasalamat na lang kayo."
"Edi thank you!" sabay na sigaw nila Jake at Cedric at nag-apir pa
"Ako na." sabi ni Pipo at kinuha ang hawak ng dalaga na bucket meal "Tawagin ko na lang kayo pag naayos ko na ang hapag kainan. Magpahinga na muna kayo. Alam kong pagod kayo. Alam niyo naman yung mga kwarto rito diba? Ihatid ko pa ba kayo?"
"Ah wag na. Sige, ayos lang kami." nakangiting sagot ni Cathy
"Oh sige. Mauna na ako." sabi ni Pipo at dumiretso na ng kusina
Nakangangang naiwan si Shy "So what was that? Biglang nagbago ang ugali? Wow napaka-gentle man ah. Ganyan ba pag nagkaanak? Or namatayan ng nanay?"
"Shy, watch your words. Yung bibig mo kung ano anong lumalabas." saway ni Cathy sakanya
"Uh? Laway lang naman at mga salita lumalabas sa bibig ko. May iba pa ba?" painosenteng tanong ni Shy kay Cathy
Napabuntong hininga na lang si Cathy sa kaibigan "Magpahinga na lang muna tayo dahil pagod din talaga ako at alam kong ikaw din. Okay?"
Few moments later sa hapagkainan...
Mayroong walong upuan, sakto sakanila. Si Angelou ay naiwang nagtatago sa kwarto. Ayaw pa sanang kumain ni Cathy dahil walang magbabantay sa anak niya ngunit pinilit siya ni Pipo kaya siya na lang muna ang nagbantay dito sa nursery.
"Wala nang tirang ulam?" tanong ni Chrisy
"Kay Pipo na lang 'to eh." sagot ni Cathy
"Gutom ka pa rin ba?" natatawang tanong ni Shy
"Uhh medyo." natatawa niya ring sagot
(a/n: di ko alam kung bakit sila tumatawa)
Iniisip niya kasi na hindi pa nakakakain si Angelou. Balak niya sana itong hatiran ng pagkain kaso wala na palang tira.
Tumayo si Jake at sinabing "Ang huling tumayo, maghuhugas ng pinggan." na agad din namang sinunod ng iba at lumabas na ng kusina
Naiwan si Cathy na nabigla kaya hindi agad nakatayo at si Shy na palabas na rin sana.
"Ako na lang maghuhugas, mabinat ka pa." sabi ni Shy
"Labas sa ilong." komento ni Cathy
"Eh paano ako na nga bumili nitong pagkain tas ako pag mahuhugas ng kinainan. Myghad!" giit ni Shy
"Ewan ko sayo." natatawang sambit ni Cathy at tumayo na "Ako na maghuhugas. Tatawagin ko lang si Pipo para isang hugasan na lang."
"Hay nako! Ewan ko rin sayo. Loyal ka diyan sa Pipo mo. Pwe! Lampo! Bala ka diyan!" gigil na sambit ni Shy at lumabas na
"Palibhasa niloko k--" bulong ni Cathy nang biglang sumigaw mula sa labas ni Shy "Narinig ko yon!"
Tumawa na lang siya at lumabas na rin para tawagin si Pipo.
===================================
Ewww! La pa ring poreber! HAHAHA
Magcomment ang mga bitter~ Whooooo!
Mag vote mga single.
Pag may jowa, click mo na lang yung star parang maging orange.
Ciao!
06-23-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top