Loading 44%
Matapos maghapunan ay si Mario ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan. Madalas kasi ay sina Cathy at Shy ang gumagawa nito. Wala namang naramdaman ang iba na kakaiba sa kinain. Marahil ay wala nga itong lason. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ay may inilagay rito na pampatulog.
Pagkatapos ni Mario sa ginagawa ay lumabas ito sa backdoor at nagsigarilyo, gaya ng lagi niyang ginagawa. Mag-isa lamang ito roon at nag-isip-isip nang biglang may yumakap sakanya mula sa likod. Napabuga siya ng usok at pinatay na ang sindi ng sigarilyo bago hinarap ang yumakap sakanya. "Ano ba 'yon, Gillianna?"
Napabitaw naman ang babae sakanya. "Huy, 'wag mo nga akong tawagin sa pangalan na 'yan."
"Ano kasi iyon? May iuutos ka na naman ba?" inip na tanong ni Mario
Ngumiti naman nang pagkalap-lapad ang kausap at sinabing, "Tulog na silang lahat. Tulungan mo na ako."
Kinaumagahan ay nagising si Pipo dahil sa malikot ang kanyang katabi. Nakakarinig din siya ng mahinang daing. Nakita niya si Cathy sa tabi na nakatali ang buong katawan gamit ang lubid. May tape din ito sa bibig. Lumuluha na rin ito. Agad naalarma si Pipo kaya bumangon na siya. "T-teka, sandali." Una niyang tinanggal ang tape sa bibig ni Cathy nang dahan-dahan upang hindi ito masaktan. "Sino gumawa nito sayo?"
"H-hindi ko alam." umiiling na sagot ni Cathy "Tulungan mo ako."
"Sandali, kukuha lang ako ng gunting." sagot ni Pipo. Masyadong makapal ang lubid. "Antayin mo ako. Bababa lang ako." sabi nito at dali-daling bumaba. Kutsilyo na lang ang kinuha niya para madaling maputol. Bumalik na siya sa kwarto nila at kinalas ang nakapulupot na lubid kay Cathy.
Nakahinga nang maliwag si Cathy nang matanggal na nang tuluyan ang nakatali sakanya. Namula ang braso't binti niya at bumakat pa ang lubid rito, indikasyon na matagal na ang pagkakatali sa kanya.
"Nakita mo ba kung sino gumawa nito sayo?" tanong muli ni Pipo habang pinupununasan ang luha sa pisngi ni Cathy
"Hindi ko alam. Naging na lang ako nakatali na ako." sagot ni Cathy
"Hindi ko rin namalayan. Bakit ikaw lang ang tinali?" Napahilamos si Pipo ng kamay niya sa mukha niya. "Pakiramdam ko iisa lang ang nagpapanggap na Albert at gumagamit ng account na Gillianna na nantitrip sa atin."
Napatingin si Cathy kay Pipo na biglang tumayo, "Sandali, baka may ginawa na rin siya sa iba. Dito ka lang."
Agad lumabas si Pipo ng kwarto nila dala ang kutsilyo upang gawing pang depensa kung sakaling may umatake sakanya. Una niyang nadaanan ang kwartong tinutuluyan ng mga babae. Hindi ito naka-lock kaya napasok niya ito agad.
Gaanon din ang itsura ng tatlong babae sa loob. Nakatali rin sila ng lubid at may busal sa bibig. Tulog pa sina Jade at Gelou. Si Chrisy naman ay agad na nagpapalag at pilit na sumisigaw kahit may tape sa bibig niya. Unang nilapitan ni Pipo si Chrisy at tinanggal ang tape sa bibig. Bigla namang sumigaw si Chrisy dahilan para magising ang mga kasama sa kwarto, "Huwag mo 'kong papatayin! Maawa ka!"
"Hindi kita papatayin!" pasigaw rin na sambit ni Pipo. Ang tining ng boses ni Chrisy ay nagpapasakit ng ulo niya.
"Bakit ka may kutsilyo?!"
"Kakalasan kita ng tali!"
Huminahon naman si Chrisy sa sinabi ni Pipo kaya nakalasan na niya ito. Sinunod niya si Gelou at nagpasalamat naman ito. Kahit naiilang ay tinulungan niya rin si Jade.
"Bakit kami nakatali?" agad na tanong ni Jade
"Hindi ko rin alam. Nagising ako nakatali rin si Cathy sa tabi ko. Pupuntahan ko naman yung mga lalaki para tingnan kung ayos lang ba sila." sagot ni Pipo at lumabas na rin agad
Hindi rin naka-lock ang kwarto nito kaya nakapasok siya agad. Nakatali rin ang mga ito at may tape sa bibig. Gising na ang tatlo. May nawawala, "Nasaan si Mario?"
Una niyang tinulungan si Cedric na malapit sakanya. Tinulungan niya rin si Junjun at Jake. Kinwento niya sa mga ito ang nangyari mula sa pagkagising niya. Wala ring alam ang mga ito at nagising na lang na ganoon ang itsura. Binalikan niya ang mga babaeng kasama at si Cathy upang magsama-sama. Bumaba naman sila upang hanapin si Pipo ngunit ang nakita nila sa sala ay mga plastik na tila ba may nag-grocery. May sticky note sa isa sa mga ito at binasa niya ito.
Hindi niyo na kailangan pang lumabas.
Nandito na lang ng mga kailangan niyo.
-You know who
Nakasulat ito sa pulang tinta. Pinakita niya ito sa mga kasama niya.
"Pero nasaan si Mario?" nag-aalalang tanong ni Jake
"Tingnan muna natin yung gc baka may sinabi nanaman yung Gillianna na iyon." sabi ni Cedric
Muli silang pumanik sa kani-kanilang kwarto upang kunin ang kanilang mga cellphones. Sa group chat na ginawa ng nagngangalang Gillianna ay may sinend nanaman itong isang litrato. Si Mario na duguan.
─────♡;
05-27-20
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top