Loading 41%


Gabi na at maghahapunan na sila. Si Cathy ang nagluluto ng hapunan ngayon. Tinutulungan siya ni Gelou na nagprisintang tumulong.

Habang nag-aantay kumulo ang niluluto ay naupo muna sa Gelou sa isang upuan. Napatingin siya sa anklet niya sa paa. Naisipan niya tuloy magtanong kay Cathy. "Ate Cath, yung anklet nga pala, saan mo yun nakita?"

"Tagal na niyan ah!" Lumingon naman si Cathy sakanya at binalik ulit ang tingin sa niluluto. "Naglilinis lang ako diyan sa labas nang makita ko 'yan banda sa may garahe. Napansin ko kasing minsan na may anklet ka."

"Lagi ka bang nalalagi roon?" tanong ulit ni Gelou

"Hindi naman. Pumunta lang ako doon para tingnan yung mga halaman. Hindi na kasi naaalagaan kasi yung nanay ni Pipo ang laging nagdidilig doon eh wala na siya. Kaya naisipan ko ring maglinis noong araw na yun. Kaso hindi ko na napagpatuloy. Mga lanta na tuloy yung mga halaman. Bakit ba?"

"Wala naman po. Hindi kasi sa akin yun eh. Kay Chrisy yun. Dalawa kaming may ganon. Parang bestfriend anklet ganun." tumango-tango lamang si Cathy sa sinabi ni Gelou "Nga pala, may tanong lang ako."

Napalingon ulit si Cathy kay Gelou nang bigla nitong hininaan ang boses niya.

"Ate, may napapansin ka bang kakaiba kay Chrisy?"

Naputol ang usapan nila nang biglang bumukas ang backdoor at pinasok nito si Pipo.

"Oh, anong ginagawa mo diyan? Kala ko binabantayan mo si Popo. Sino nandoon?" tanong ni Cathy sa nobyo

"Diba nandoon si Shy nag-aalaga?" tanong pabalik ni Pipo

Sumingit naman si Gelou sa kanilang usapan "Uhm, nakita kong umalis si Shy kanina."

"Ano? Sandali nga. Bantayan mo muna ang niluluto ko." Bigla namang kinabahan si Cathy at dali-daling pumanik sa taas. Tumingin muna si Pipo kay Gelou at sinundan si Cathy.

Wala pang ilang sandali nang humahangos na ito sa pababa, "Nakita niyo ba si Popo tsaka si Shy?"

Nasa sala ang lahat. Natigil sila sa ginagawa at napatingin kay Cathy at Pipo na kabababa lang ng hagdan.

"Wala ba sa kwarto niya?" tanong ni Junjun

Umiling naman si Cathy, "Wala. Inisa-isa ko na yung mga kwarto. Pati si Popo wala!"

"Huh? Hindi niya naman kikidnapin si Popo, dba?" sabi ni Jade

"Nakita ko kanina si Shy lumabas ng gate. Tinanong ko pa nga kung saan pupunta pero hindi sumagot." sagot ni Mario "Hindi niya naman dala si Popo."

"Hindi kaya naglayas siya? Kasi hahanapin niya raw si Albert?" sabi ni Chrisy

"Oo nga! Nag-leave na rin siya sa gc natin." sabi naman ni Jake

Napasabunot si Cathy sa ulo niya "Pero asan si Popo?!"

"Kumalma ka muna." sabi ni Pipo

"Kumalma? Nawawala ang anak natin tas sasabihin mo kumalma ako?! Wala ka man lang pakialam?" pasigaw na tanong ni Cathy at lumabas ng pinto "Hahanapin ko anak natin!"

Sinundan naman siya ni Pipo. Ang ibang mga kaibigan nila at napatayo na rin.

Narinig ni Gelou ang gulo sa sala kaya pinatay niya na ang kalan at lumabas na sa kusina. Dumiretso na siya sa paglabas nang bahay nang halos lahat ng mga kasama niya ay lumabas na rin. Kinakalampag ni Cathy ang gate dahil ayaw bumukas.

"Ano 'to? Naka-lock tayo?" tanong ni Jade

"Guys! Tingnan niyo. Gumawa ng gc yung Gillianna." napalingon naman ang lahat kay Cedric "Sabi niya, stay at home or else. Tas may sinend siyang picture. Hindi ko makita, naka-free data lang ako."

Nalipat naman ang tingin nila kay Chrisy nang mabitawan nito ang kanyang cellphone. Pinulot naman ito Jake na katabi niya at pinakita sakanila ang sinend na picture ni Gillianna.

Ang nasa litrato ay si Shy na naliligo sa dugo.



─────♡;

Stay at home or else you'll catch a virus

05-06-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top