Loading 35%
SPG: T L K S H D
✁____________
Masakit ang ulo ni Jade nang magising siya. Ang dami niya sigurong nainom kagabi. Wala na siyang maalala. Laking gulat niya nang makita niya si Mario sa tabi niya. Walang saplot gaya niya. Napamura siya nang malakas dahilan para magising din si Mario. Kapwa sila nagkagulatan sa isa't isa. Nasa loob sila ng cr sa tabi ng kusina.
"Hoy! Umalis ka na nga diyan! Magbihis ka na!" sabi ni Jade at dali-daling nagbihis. Medyo nahihilo pa siya at natutumba. Naghilamos muna siya bago lumabas ng banyo.
Si Mario naman ay gulat pa rin at nakatulala. Nahimasmasan na lang siya nang makarinig nang tili sa may sala. Agad siyang nagbihis at lumabas na rin. Dumiretso siya sa sala at nakita niya si Jade na katitili lang at gulat na gulat sa nakita. Sa sala na rin nakatulog sina Jun, Cedric, Shy, Jake, at si Chrisy na duguan.
"Ano ba yan, Jade? Kaaga-aga." reklamo ni Jake at papungas pungas pa ng mata
Si Jade naman ay hindi makapagsalita at takot na takot lang na nakaturo kay Chrisy. Ganon na lang din ang gulat ni Jake at napatili rin sa nakita. Halos magkatabi na sila ni Chrisy. Si Jake ay nakahiga sa sofa, sa lapag naman si Chrisy.
Duguang nakahiga si Chrisy at sa ibabaw niya ay may 1/8 illustration board. Sa itim na bahagi ng board ay may katagang nakasulat sa pulang tinta.
Surprise!
-A
─────♡;
Happy easter!
04-12-20
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top