Loading 34%

SPG: T L K S H D
✁____________

Ang ingay sa sala kung saan nila napag-desisyonan na mag-party ay dinig sa kusina kung saan naroroon si Gelou. Hindi na siya nakisama rito. Ang alam niya ay hindi rin sumama sina Cathy at Pipo dahil nag-aalaga sila sa kanilang anak. Gaya ng nakagawian, andito siya sa kusina upang kumain at magpaantok. Kasalukuyan siyang umiinom ng juice na inalok sakanya kanina ng mga kaibigan niya. Bawal daw kasi sakanya ang alak.

Bigla siyang nakaramdam ng malamig na hangin at tila ba may tumawag sakanya. Hindi niya alam pero parang si Chrisy ang tumawag sakanya. Ngayon niya lang napansin na bukas ang backdoor. Una niyang naisip na baka si Mario ang nandun. Ngunit alam niyang si Chrisy at si Mario ay kapwa nasa sala. Nakaramdam siya ng takot.

Nang maubos ang iniinom na juice ay iniwan niya na lang sa lababo yung baso tutal ang dami na namang hugasin doon. Isasara na niya sana ang backdoor nang may mahagip ang mata niya. Si Jade at Pipo naghahalikan! Nagulat siya sa nakita at mas nagulat siya sa nagawa niya. Nasara niya nang malakas ang pinto! Kaya dali-dali siyang umalis ng kusina at tumakbo papanik ng hagdan para hindi mahuli. Hindi niya napansin si Shy sa itaas ng hagdanan na muntikan niyang mabangga. Matutulog na lang siya.

Si Shy naman ay galing sa kwarto kung saan naroroon sina Cathy at ang anak niya. Naiinis siya kasi laging iniiwan ni Pipo ang mag-ina niya. Bilang bestfriend naman ay hindi niya ito maiwan. Pinilit na lang ni Cathy na lumabas ang kaibigan pagkat alam nitong gusto rin maki-party ni Shy.

Nagkibit-balikat na lang si Shy at tuluyan nang bumaba ng hagdan. Sa pagbaba niya ng hagdan ay nakasalubong naman niya si Pipo. Hindi niya maiwasang magtaray. "Oh? Kala ko lasing ka na."

"Uminom lang ako nang kaunti. Nung huling nalasing ako ay may hindi magandang nangyari." isinawalang bahala niya ulit si Pipo at nilampasan ito. Si Pipo naman ay papanik na sa kanilang kwarto ni Cathy.

Pumunta siya sa sala at umupo sa sofa. Sa harap ng sofa ay may maliit na mesa kung saan naroroon ang mga inumin at pulutan. Sa harapan naman ay ang tv na ginawa nilang karaoke. Hindi masyadong malakas ang tugtugin sapagkat may bata sa itaas. Kasalukuyang kumakanta ngayon si Jade ng Akin Ka Na Lang.

"Bwiset naman, Jade. Broken ka ba? Sakit sa tenga!" iritang sabi ni Cedric

"Oo nga gurl. Tama na yan! Uminom ka na lang." segundo ko naman pero patuloy pa rin sa pagkanta ang sintonado niyang boses na pumipiyok-piyok pa

─────♡;

It's been a while! Magiging active na po ako, pramis! This ain't about April fools but starting on April 12, I'll be updating every Sunday and Saturday na.

If you read some of my on-going stories or planning to, may schedule ako ng pag-update na nakalagay sa bio ko. Everyday may story akong iu-update after holy week. Yes po, opo, active na ako ulit sa wattpad. Thank you for reading!

04-01-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top