Loading 27%


Tulog na ang lahat at heto nanaman si Gelou, hindi makatulog at nagmi-midnight snack sa kusina. Dinadaan niya na lang sa pagkain ang mga iniisip niya. Naalala niya yung nangyari kanina.

Si Chrisy. Duguan at gumagapang palapit sakanya. Hinang hina. Nang lapitan siya ni Gelou ay bigla na lang siyang nawala.

Panaginip. Ay hindi pala, bangungot. Isang bangungot ang gumising kay Gelou.

Bumaba si Gelou sa kanyang hinihigaang double deck at niyakap si Chrisy na mahimbing na natutulog sa babang parte ng double deck.

"Ano ba yan?" reklamo ni Chrisy nang magising ito

"Sorry, napanaginipan kasi kita." sabi ni Gelou at lumayo ng konti

"Kailangan may yakapan? Natutulog yung tao. Haynako!" reklamo ulit ni Chrisy at nagtalukbong ng kumot

Hindi na makatulog si Gelou kaya lumabas na lang siya at gaya nang dati ay tatambay siya sa kusina hanggang sa dalawin ulit ng antok.

Nang pababa na siya ng hagdan ay nagkagulatan pa sila ni Junjun na siyang papanik ng hagdan. Awkward man ay binilisan na lang ni Gelou ang pagbaba ng hagdan dahilan upang muntikan na siyang madulas, buti na lang ay nasalo siya ni Junjun.

"Hays!" nasambit ni Gelou sa sarili at tinungga ang natitirang chocolate milk sa mug niya. Gusto na niyang makalimutan yung nangyari kanina.

"Magiingat ka naman Gel. May narinig pa naman akong ingay sa nursery. Akala ko kasi iniiwan nila si Popo na matulog doon. Bumaba na rin ako para icheck kung may tao ba. Sige mauna na ako."

Naalala niya nanaman yung sinabi ni Junjun. Tinatapon na niya ang kanyang pinagkainan sa basurahan malapit sa back door nang dahan dahan itong bumukas. Dahan dahan ding nagangat ng tingin sa Gelou at muntik nang mapaupo sa gulat nang makita niyang si Mario lang pala ang nagbukas ng pinto. Déjà vu?

"Ano ba yan, Mario? Lagi mo na lang akong ginugulat dis oras ng gabi." reklamo niya at padabog na sinara yung trash bin bago magtungo sa lababo para hugasan yung ginamit niyang mug

"Ikaw lang ba? Lagi mo rin akong ginugulat dis oras ng gabi." reklamo ni Mario pabalik habang nilo-lock na yung back door

"Bakit ka ba kasi laging lumalabas pag gabi? Bampira ka ba? Aswang? Ganon?" tanong ni Gelou habang patapos na sa hinuhugasang mug

"Nagpapahangin? Nagpapaantok. May insomnia ako eh. Ikaw ba, bakit ka nasa kusina?" tanong ni Mario pabalik matapos sagutin yung tanong ni Gelou

"Masama bang kumain? Nagpapaantok din ako eh." sagot ni Gelou at ibinalik na ang mug sa lagayan nito

Nagkibit balikat si Mario at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina "Ewan ko sayo. Matutulog na ako."

Sumunod na rin si Gelou at sabay na silang pumanik ng hagdan papunta sa kani-kanilang kwarto.

Pag apak sa huling palapag ay may narinig na kaluskos at ingay si Gelou na tila ba nanggagaling sa nursery. "Narinig mo yun?"

"Alin?" tanong pabalik ni Mario

"W-wala. Sige mauna na ako." sabi ni Gelou at pumasok na sa kwarto nila

"May narinig pa naman akong ingay sa nursery."

Naalala niya nanaman ang sinabi ni Junjun. Paano nga kaya kung nagmumulto si Albert?

─────♡;

It's been a loooOo0OooOoOOOong time since the last update. May nagbabasa pa ba? Kilala niyo pa ba ako? Sorry na agad. Babawi ako kasi bakasyon nanaman. Love you all!

03-27-19
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top