Loading 21%
SPG: T L K S H D
✁____________
"Hi Ate!" bati ni Gelou kay Chrisy na nakahiga sakanyang higaan, kakauwi lang nito mula sa eskwela
"Oh hi!" maikling tugon ni Chrisy at muling binalik ang atensyon sa selepono
"Aww snub." sambit ni Gelou at nagsimula nang magbihis matapos ibaba ang backpack
"Huh? Nag-hi ako ah." sagot ni Chrisy nang hindi tumitingin kay Gelou
Nagkibit balikat na lang si Gelou at tinuloy ang ginagawa. "Nga pala, patulong ah. May assignment kami sa math."
"Lah? Math pa. Sakit niyan sa ulo." sabi ni Chrisy, at muli, nakatingin lang ito sa selepono
Naningkit ang mata ni Gelou at napatigil sa ginagawa "Diba favorite mo yun?"
"A-eh, favorite ko ba?" napatigil si Chrisy sa ginagawa at napatingin kay Gelou "Hindi porket favorite ko yun nadadalian na ako dun."
Nagkibit balikat na lang ulit si Gelou at tinapos na ang ginagawa.
"Ang cute naman ng anklet mo. San mo nabili?" komento ni Chrisy kay Gelou na kakatapos lang magbihis
Naguguluhang tumingin si Gelou kay Chrisy "Adik ka 'te? Ikaw kaya bumili nito. Diba may ganto ka rin? Pareho nga tayo eh."
"Ay! Oo nga noh? Nakalimutan ko. Nakalimutan ko na rin kung saan ko nalagay yung akin." kakamot kamot ulong sabi ni Chrisy
"Lagi mo 'yong soot ah. Saan mo naman nilagay?" tanong ni Gelou
"Pakialam mo ba? Eh sa hindi ko matandaan kung saan ko naiwan eh." nagulat si Gelou sa biglaang pagtaas ng boses ni Chrisy na hindi naman madalas gawin sakanya
"S-sorry." sabi na lang ni Gelou at lumabas na ng kwarto para magmiryenda
Hirap bumangon si Pipo dahil sa bigat ng ulo. Marahil dulot ng tinurok ni Jade sa kanya. Hawak hawak ang ulo, nagdadalawang paningin, at nahihilo. Pilit niyang bumangon at muling uminit ang dugo nang marinig ang mahihinang tawa ni Jade na may hawak na selponong nakatutok sakanya at nakatayo sa may pintuan.
"Inaantay lang talaga kitang magising. Ayos na nga pala yung cellphone ko. Share ko lang. Geh, hop'ya enjoy!" natatawang sabi ni Jade at lumabas na. Doon lamang niya napansing wala siyang suot na saplot.
===================================
OoooOOOoOooOooOoOOoooHhhHhhHHHhHHhhHhHhh...
08-06-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top