Loading 14%
"Buti naman at hindi ka nagkapasa." sabi ni Chrisy kay Gelou na naglalagay ng cold compress sa ulo
"Bukol lang." nakasimangot na sambit ni Gelou dahilan para tumawa si Chrisy "Pa'no ako makakapasok sa Monday?"
"Edi pumasok ka sa gate, duh!" natatawa pa ring pangaasar ni Chrisy kay Gelou
"Gara naman kasi! Baka asarin ako ng mga classmates ko." pagta-tantrums ni Gelou "Porket kayo wala pang pasok kasi college na kayo."
"Buti ka nga highschool pa eh." sambit ni Chrisy
Natigil ang usapan nila nang padabog na binuksan ni Jade ang pintuan tsaka inis talong humiga sa kaniyang higaan.
"Uso magsara ng door." komento ni Chrisy
"Waaaasdfghjkl!" pagta-tantrums ni Jade at parang nagwawalang bata sa higaan
"Luh? Ano raw?" gulat na sambit ni Chrisy "Adik ata 'to."
"Ako na lang magsasara ng pinto." sabi na lang ni Gelou
Pagkatayo ni Gelou para isara ang pinto ay siyang nakatanggap ng menshae si Chrisy mula sa unknown number lang.
"Bakit? Sino yan?" tanong ni Gelou nang mapansing nangungunot noo at nagugulumihan si Chrisy
"W-wala lang. Nawrong send lang siguro." sagot ni Chrisy
Nagkibit balikat lang si Gelou at nahiga na lang sakanyang higaan.
Samantalang si Jade naman ay naiinis pa rin sa nangyari kanina.
"Aray!" daing ni Jade nang itulak siya ni Pipo
"Tumahimik ka nga!" saway ni Pipo kay Jade "Magtago ka." sabi pa nito at tinulak si Jade
"Ano ba! Masakit ah." sabi ni Jade
"Magtago ka na lang." pabulong muling saway ni Pipo bago buksan ang pinto nang makitang nakatago na si Jade sa ilalim ng kama
"Asan ba yung mga first aid kit? Gagamutin sana namin si Shy." bungad tanong ni Cathy kay Pipo
Lumingon muna si Pipo para makasiguradong hindi nakikita ni Cathy si Jade bago sumagot "Ako na ang kukuha. Puntahan ko na lang kayo."
Lumabas na si Pipo ng pinto at iniwan si Jade sa loob na nagtatantrums hanggang sa makapasok na ito sa tinutuluyang kwarto.
'"Piste! Magiging akin ka rin, Pipo. Not now, but soon." ani niya sa isip
===================================
Short update, parang ano niya! Charot HAHAHAHA
Hmmm any thoughts about this update? Lemme know in the comments👇🏻👇🏻👇🏻
07-24-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top