Loading 13%

SPG: T L K S H D

✁____________

"Bakit ba nandito si Gelou?" tanong ni Jun kay Mario nang makapasok na sila sa kwarto nila. Naroroon na rin si Cedric sa loob.

"Nakilibing kasi si Gelou sa nanay ni Pipo. Naging close din daw kasi sila kaya kasama siya namin simula pa noong burol ng nanay ni Pipo. Nung umalis ka sa burol, doon siya dumating." sagot ni Mario

"Ibig sabihin dito na rin siya titira?" tanong ni Jun

"Hindi ko alam." sagot ni Mario

"Teka nga, di ka pa rin ba nakaka-move on sakanya?" biglang tanong ni Cedric

Nagkibit balikat lang si Jun at hindi na nagsalita pa sina Cedric. #okward





Napatingin si Pipo sa pintuan nang biglang bumukas ang pinto. Akala niya si Cathy lang pero nagulat siya nang si Jade ang iniluwa nito.

Magtatanong sana si Pipo nang ihagis ni Jade ang cellphone niya sa direksyon ni Pipo na nakahiga sa kama "Ayusin mo nga!"

"Pa'no kung ayoko?" tanong ni Pipo at umayos ng upo

Ni-lock ni Jade ang pinto tsaka lumapit kay Pipo. "T-teka, anong ginagawa mo?" tanong ni Pipo

Umupo si Jade sa tabi ni Pipo at bumulong "Alam ko ang sikreto mo kaya gagawin mo ang sasabihin ko." at ngumiti ito at dahan dahang inilapit yung mukha niya sa mukha ni Pipo.

Tila ba natuod si Pipo at natauhan na lang nang biglang may kumatok sa pintuan dahilan para itulak niya palayo si Jade bago pa nito matuloy ang binabalak.


===================================

Uwu! Watchathink? Hmmm..?

Ano kaya yung sikreto ni Pipo?

Stay tuned and find out next updates!

07-07-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top