Loading 10%

SPG: T L K S H D

✁____________

"San pupunta yun?" tanong ni Jade patungkol kay Shy nang marinig nila ang pagsara ng pinto nang lumabas ito

"Magsi-cr lang daw." sagot ni Cathy

"Baka mak--" sasabihin sana ni Jake na baka makita niya si Gelou. Buti na lang nakapagpigil siya dahil kasama nila ngayon si Jun at Cathy na parehong hindi alam na nandito si Angelou.

"Baka ano, Jake?"tanong ni Jun

"Ah wala. Sabi ko baka natakot lang yun sa movie." natatawang sabi ni Jake sa palusot niya







"Tapos na you?" tanong ni Chrisy kay Gelou "Edi hugasan mo pinagkainan mo."

Magrereklamo pa sana si Gelou kaso naalala niya na kung hindi dahil dito ay hindi siya makakakain kaya sinunod niya na lang ito.

"Hala! Lumabas si Shy!" pabulong na sigaw ni Chrisy

Muntik nang mabitawan ni Gelou ang hawak na plato at dali daling binanlawan "Teka nga lang, nakakataranta ka."

"Bilisan mo na lang, nag cr lang yun. Di naman bumaba ng hagdan." Chrisy

"Di naman pala bumaba ng hagdan eh. Oa mo." Gelou

"Bala ka pag nahuli ka!" Chrisy

"Bala rin konsensya mo pag nahuli ako." Gelou

Nang matapos na si Gelou sa ginagawa ay agad silang yumuko ni Chrisy at nagtago sa ilalim ng mesa sa kusina nang marinig na bumukas na ang pintuan ng cr sa ikalawang palapag indukasyon na lumabas na si Shy.

"Bilisan na natin." bulong ni Chrisy kay Gelou at hinatak na siya papanik ng hagdan

Nauna si Gelou dahil pinatay pa ni Chrisy ang ilaw sa kusina para walang trace na galing sila doon. Agad naman itong sumunod at pumanik na ng hagdan ng mawala sa paningin si Gelou.

Nang makatungtong sa huling baitang ng hagdan ay natigilan siya nang makita si Gelou at Shy na magkatapat at gulat din nang makita ang isa't isa.

"G-gelou?"




===================================
☑️Operation: Pakainin si Gelou❗️

06-30-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top