sc [narration]
hello mga bes! lalo na sa mga armys jan! yiiie 3 years na ang bangtan nakakaiyak guys. Alam kong kahapon pa pero di pa rin magsink in heuheue tapos eto pa, 100k+ na ang fake army!!!!!!!!!!!! TAPOS #1 pa sa ss to!!!!!!! omygawd! thank you thank you thank you! *throws burgers everywhere*
AGAIN, PURO KAGAGUHAN KACORNYHAN KAULULAN NG BANGTAN FT KESHA HAHAHAHAHA ☺️😂
-------
S P E C I A L C H A P T E R
KESHA'S POV
"Blake, tama na please." - pagmamaakawa ko sa kanya. Nakakagago kasi yung mga corny nyang jokes eh. Kanina pa. Andaming baon.
"ihhh! last na. Dali!" - sabi nya tapos nagpacute pa.
"Pasalamat ka cute ka, dali ano na?" - tanong ko sa kanya.
Nandito pala kami sa labas ng airport. Hinihintay kasi namin yung bangtan #TeamAirport.
Hehe joke. Hinihintay namin yung bangtastic baby. Ngayon daw sila uuwi yiie miss lang ako ng mga yun 'e.
Btw! Sa mga mag teteam airport pala sa july 30. please lang guys, siguraduhin nyong ligtas ang bangtan. Nagmamakaawa ako pati si author guys! Hihi yun lang thanks. Back to story.
"anong ice cream ang waley?" - tanong nya. Luh, ice cream na waley? Meron ba nun?
"Ha? Ano?" - tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya tapos nag sound effects pa ng drum rolls. Luh, self-support everyone.
Huminga muna sya ng malalim tapos ngumiti ulit nung parectangle . "Edi CORNY-tto HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!" -
Tawa lang sya ng tawa dun habang ako naka poker face lang. Pinagtitinginan na nga sya eh, luh hindi ko kilala to.
"Nakakatawa diba! HAHAHHAHAHAHAHAHAHAH BENTA YUNG JOKE KO DIBA?" - tanong nya tapos humahagalpak pa rin sa tawa.
Ice cream
Corny-tto..
Cornetto..
Kingmother.
"Oh eto bente! Maghanap ka ng kausap mo! " - tinapal ko sa mukha nya yung bente ko. "Blake, umayos ka nga! Baka masipa kita ng wala sa oras eh" - pagbabanta ko sa kanya. Lumapit naman sya sakin tapos tinignan ako na para bang kinikilatis.
"hala kesha?? Kagaya ka na rin ni Jayden?! Kabayo ka na rin? Oh my gawd!" - sambit nya tapos may patakip bibig pang nalalaman ang gago. Babatukan ko na sana sya kaso biglang may nagsalita.
"bumili lang ako ng ice cream, pinagpalit mo na ako sa alien na yan?" - napatingin naman kami dun sa pandak na nagsalita na para bang papatayin si blake dahil sa tingin nya.
Tutulakin ko na sana si blake kasi umakbay pa yung alien sakin. "Yo bro! Wassup turn up turn up!" - sambit nya.
"What does turn up means?" - luh, san napulot ni yuan yung engrish na yan?! WOW GUYS! ACHIEVEMENT!
"uh. let's go party? turn up! hehe" - sambit naman ni blake.
"GIVE ME 25 PUSH UPS!" - sigaw ni yuan pero umiling si blake
Luh?
"ano ka chixx? HAHAHAHAAHA pig ka pala, hindi ka chixx heheehheehheeh" - sabi naman ni blake. Lagot ka kay pandak! May chance ka pang isalba ang buhay mong alien ka.
"Anong sabi mo?!" - sambit ni yuan. Mukhang natakot si blake kaya naman nagtago sya sa likod ko.
"Kesha oh! Niaaway ako! Di natin sya bati diba?" - parang batang sumbong ni blake. Para syang batang inagawan ng lollipop tapos nagsusumbong sa nanay nya hihi. Kyeopta~
Lumapit samin si yuan tsaka pilit na hinihila si blake pero nakahawak lang sya sakin.
Putek, ako yung nahihirapan dito eh. Paano ba naman, ginawa lang naman akong shield nitong si Blake. Nakakagago diba?
Well, parang parehas lang yan sayo eh. Parang ginagawa ka lang panakip butas nung taong mahal mo. Parang shield lang para hindi na ulit sya masaktan. Habang ikaw naman, nagpapakatatag ka kasi mahal mo sya . Handa kang protektahan sya kahit ang sakit sakit na.
Wow kingmother! San napulot ni author yung hugot na yan? Ganyan ba talaga ang epekto kapag hindi pinapayagang manuod ng corcert? Eh?
Anyways, wag na nating pagusapan pagluluksa nung patatas kawawa naman eh. Djk HEHEHEH.
"Hoy yuan! Tumigil ka nga!" - saway ko kay yuan tapos nilayo pa sya kay blake.
Tumingin sakin ng masama si yuan. "PINAGPALIT MO NA BA TALAGA AKO SA ALIEN NA YAN?!" - sigaw nya.
Luh, seloso talaga.
"Hind--"
"GANUN NA BA AKONG KADALING PALITAN, HA KESHA?!" - sigaw nya pa ulit. Ni hindi man lang ako pinatapos magsalit. Bastos na bata tsk tsk.
"Makinig ka ng--" - hindi nya na naman ako pinatapos dahil nagsalita na naman sya.
"BAKIT KAY BLAKE PA? HUH? DIBA MAY GERLPREN NA YAN? SINO BA YUN? BASTA YUNG MAGANDA! JEN ATA PANGALAN NUN LESHE! TAKSI--"
"KINGINA YUAN! SIGE PA! DAKDAK PA. AKALA MO KINATANGKAD MO YAN HUH? MAGKAKAJAMS KA BA SA KAKASIGAW MONG YAN?! SUBUKAN MONG WAG AKONG PATAPUSIN, IPAGPAPALIT NA TALAGA KITA!" - pagkasabi nya nun ay agad syang tumahimik.
Yiie ayaw nyang ipagpalit ko sya. Mahal talaga ako. Eh ikaw mahal ka ba? Hindi diba? So shut up nalang- hehee joke lang poeXzccZ
Marami ng tao ang nakatingin samin. Eh paano ba naman, nagsisigawan kami dito sa tapat ng airport. Jusmiyo. Nakakahiya.
"yiiiiiie! sweet nyo mag-away hihihihihi. yesha for the win! walang titibag" - napatingin naman kami kay blake na kasalukuyang kumakain ng ice cream habang nakatingin samin.
Wow, ginawa nyang popcorn yung ice cream?! Tsk.
"nagseselos ka na naman?! aish yuan park! bakit ba lagi ka--" - hindi ko naituloy sasabihin ko dahil bigla nya akong inakbayan.
"nagseselos? huh? hindi ah! ano ka chixx para pagselosan? Tandaan mo, unggoy ka kesha" - pang aasar nya kaya siniko ko sya.
"Gago!" - sigaw ko pero patuloy lang sya sa pagtawa.
"joke lang yung kanina pft- ako magseselos jan sa alien na yan? sus, asa. alam ko namang magkaibigan lang kayo eh, tsaka isa pa, ako lang naman ang mahal mo eh" - sabi nya sabay kindat.
Aba! Anong pinagsasabi neto?! Ang kapal jusmeyo!
"Ikaw yuan. Kapatid mo ba si Marlou ah? Parehas kasi kayong makapal ang mukha! San nyo nahuhugot yang mga kakakapalan nyo huh?" - pangbabara ko sa kanya pero sinaman nya lang ako ng tingin.
Tss, talo talaga to pagdating sa barahan psh. dont me yuan. dont meh.
"Tse! Mas gwapo naman ako sa Marlou na yun. Talampakan ko lang yun eh psh. Teka asan na ba yung ice cream na binili ko?!" - sigaw ni yuan tsaka hinanap pa.
Tinaas ni blake yung kamay nya. "ako, hyung alam ko kung asan hehe" - sabi nya tapos ngumiti pa. Omg ang cute.
Tinaas naman ni yuan yung kilay nya. "Asan?" - tanong nya.
Mas lalong lumapad yung smile ni taehyung atsaka humawak sa tyan nya. "Nandito na sa loob hyung hehe. Dont worry, safe yung mga ice cream mo dito! Kasama nya yung ibang pagkain hihi happy family!" - parang batang sabi ni blake kaya agad syang binatukan ni yuan.
"Bat mo kinain?!" - tanong nito sa kanya. Kumunot naman ang noo ni blake.
"malamang kakainin ko yun! alangan namang itapon ko diba? aish! pakihanap nga yung utak mo! pati yung jams mo na din" - sabi ni blake.
Wow, blake. Ikaw, nahanap mo na ba utak mo? Hehe joke.
"Nagaaway na naman tong dalawa! Jusme. Tumahimik na nga kayo, baka dumating na yung mga ugok" - saway ko sa kanila.
Masunurin silang bata kaya naman hindi nila ako pinakinggan :----------) . Patuloy silang nagbabatukan, ni hindi man lang pinansin yung pagsalita ko wow :--------) tularan ang magbespren!
Tumingin nalang muli ako dun sa may airport at sakto namang nakita ko yung gilagid ni Aeron! Oh my gawd! SHINE BRIGHT LIKE A DIAMOND.
Kumaway kaway pa si Milo tapos may pa flying kiss pang nalalaman. Akala naman naglalakad sa isang beauty pageant.
Nakikita ko din si Asher. Omy, ang cute cute talag nung dimples nya! Pati na rin si Jayden, yung baba nya kasi.
Teka akala ko bawal deadly weapons sa Aiport? Hala bakit nakalusot si Jayden?
Nahagip din naman ng mata ko si Caleb, teka bakit malungkot to? :(.
Unti unti na silang lumapit sakin. Yayakapin ko na sana sila ngunit inunahan ako ni Yuan. Tumakbo sya sa bangtastic baby tapos niyakap sila.
Wait, SILA BA? or si Caleb lang talaga?! Pagkatapos naman kay Caleb, si Aeron naman yung niyakap nya.
Oh edi wow! Ikaw na, yuan! International playboy ka na. Ikaw na ang papalapit sa trono ni Caleb. Oo ikaw na! Ihawin kita jan 'eh.
Tuluyan na silang nakalapit samin tapos nagyakapan yung mga ugokz. Namiss nga ata nila isa't isa. Hayyyy. Ang cute lang makita silang ganto.
Bigla namang may nanghila sa braso ko kaya naman napalapit ako sa kanila.
"Namiss ka namin, kesha!" - sabi ni milo tsaka naggroup hug na kami. Napangiti nalang ulit ako. Ngayon ko nalang ulit sila nayakap ng ganto, yung kumpleto.
Inalis na nila yung yakap kasi hindi na makahinga si Yuan. Naipit kasi sya. Ayan napala mong international playboy the 2nd ka!
"Oy caleb! Bakit parang di mapinta mukha mo?" - tanong ko sa kanya.
Napapansin ko kasing kanina pa talaga sya malungkot eh. Sinong umaway dito ah? Reresbakan ko.
"Kasi wala kang painting tools duhh?" - bara naman ni Jayden kaya binatukan ko sya.
Andaming alam ng baba neto. Tsk.
"Tinanggihan kasi yung burgers na binibigay nya dun sa katabi nya sa Eroplano. Hays, kaya ayan nalungkot." - sabi ni milo tsaka tinapik pa yung balikat ni caleb.
"Masakit kasi mareject. Lalo pa't ginawa mo ang lahat para dun or para sa kanya. Lalo pa't andun mo binuhos lahat ng efforts mo tapos ano? Sa huli, tatanggihan lang yung pagmamahal na binibigay mo" - hugot naman ni asher.
Kaya naman napatingin ako sa kanya. Anong kadramahan to badjao?
"Bakit mo kasi nireject tong si Asher huh milo? Hay nako, napapahugot ng wala sa oras eh!" - reklamo ko naman. Kaya sinaman lang ako ng tingin ni Milo. Sus, pustahan kinikilig na to.
"TEKA KOOKIE? Omaygawd! Tinaggihan nya yung burger mo?! Are you killing me?"
Wait ano daw?
Anong sinabi ni Blake? Are you killing me? Jusq blake.
Tumingin naman sa kanya si caleb. "Kidding kasi yun! You mu be kidding me. You you mu be kidding me" - pagrarap pa ni caleb.
Teka you mu be kidding me,
Asan yung ST sa MUST? Nasinghot nya ba?!
"Ewan ko sa inyo! Tara na nga! Kalokohan nyo talaga eh" - sabi ko tsaka hinila na sila. Tumabi naman sakin si Yuan tsaka unti unting in'intertwine yung kamay nya sa kamay ko. eneve.
"Galawang hokage by Yuan Park orayt!" - sabi ni Jayden tapos nagrock & roll sign pa.
Baliw. Napatawa nalang ako tsaka sumakay na kami sa van na dala ni Blake. Naks, yaman ng alien nyo.
"Kesha bebe girl! nagluto ka ba ng maraming fuds? hehehe." - tanong ni Milo tapos kuminang kinang pa yung mata. Napatawa nalang ako tsaka marahang tumango.
"oo. syempre. And u know what? may lason yun hehe" - pagbibiro ko sa kanya kaya sinamaan nya naman ako ng tingin pero nagpeace sign lang ako then mouthed 'joke'.
Inakbayan naman ako ni yuan kaya sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Naks naman. Ang bango ng pandak na 'to hihi.
"oy may mga langgam oh. aray kinakagat na ako" - sabi ni jayden habang nakatingin samin tskaa tumawa.
"walang forever"
Luh, ang bitter ng gilagid na to! Walang swaeg hays.
"Selos ka lang eh. Wala ka pa kasing lablayp HAHAHAHA" - asar naman ni asher kaya binatukan sya ni Aeron tapos tinignan sya, emotionless.
"Bakit kailangan ko pa ng lablayp? I have my kumamon. Atleast sya hindi nya ako sasaktan." - hugot naman ni aeron kaya naman napatingin ako sa baba.
Hays, naalala ko tuloy yung pagfr' friendzoned ko sa kanya noon. Wow, ang laki ng sinayang ko diba? Gusto nyo sa inyo na? Hehe joke.
"sus! mahahanap mo rin yung karapat-dapat sayo, hyung. malay mo ako na yun" - sabi ni blake sabay kindat kaya tinaas lang yung middle finger ni aeron. Naks, swaeg ang tawag dun. SWAEG.
Teka, TAEGI NA BA DIZ?! GAHAMSKSBSKSBSISBS taegi shipper ako wag kayo hihi. ang cute cute kaya kapag pinagsama ang taong gilagid at ang alien. hehe jk.
De actually, si author lang talaga yung Shipper nun eh. Dinamay pa ako jusme! Pagbigyan nyo na hahaha #TAEGI.
Patuloy lang kami sa pagbyahe hanggang sa nakaramdam ako ng antok kaya naman pinikit ko na ang mata ko. Naramdaman ko namang ang paghigpit ng kapit ni yuan dun sa balikat ko dahilan para mas lalo akong mapalapit sa kanya.
Iniangat ko yung ulo ko tskaa tinignan sya ng masama. "Grabe makayakap ah" - sabi ko sa kanya.
Para na din kasi syang nakayakap sakin dahil sa ginawa nya. Ngumiti lang sya tapos kinindatan ako. "Gusto kong lagi lang kitang nasa tabi eh. Dapat ganto para hindi ka makuha ng iba" - sabi nya naman.
Marahan ko namang kinurot ung tagiliran nya. Enebe kenekeleg eke. Landi pot-
"Wag ka ng pabebe jan, hindi ka maganda" - pagkasabi nya nun ay nanlisik ang mata ko.
OKAY NA e! Kinikilig na ako sabay ganto? Aba ibang klase ka Yuan Park! Isa kang tunay na alamat!
Itutulak ko na sana sya kaso mas nilapit nya ako sa kanya tapos bumulong. "joke lang kasi yun, babe. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko"
PUTA YUAN PARK! BAKIT GANYAN KA?! GAGSHSKSKSPSNSOSB
pahingi nga po ng kahit kahon lang jan, ikukulong ko lang yung kilig ko. Hindi ko mapigilan eh. Nakakainis kasi tong pandak na to!
"ge pa. ang baduy nyo, tsk. nandito na tayo" - walang ganang sambit ni aeron.
Ang bitter po talaga nung gilagid nya hmp.
Bumaba na kami ng kotse, nakahawak pa rin kamay ni yuan sa kamay ko. Oo nilagyan nya po kasi ng Glue kanina kaya hindi mapaghiwalay.
"Ang bitter mo talaga Aeron!" - bigla ko sabi sa kanya pero tinignan nya lang ako. Ang pupungay talaga ng mga mata nya.
"Swaeg" - yun lang yung sinabi nya tsaka pumasok na ng bahay KO. OO BAHAY KO. Tapos sya yung naunang pumasok kesa sa may-ari naks idol na kita aeron!
Sumunod na kami sa kanya. Alam nyo kung san sila unang pumunta? Sa Kusina! Jusme mga SDPG. Super duper patay gutom po sila.
Umupo na sila tsaka tinignan yung mga ulam. Lalo na si Milo, kumikinang na yung mata nya.
"Sino nagluto nitong Adobo? Omo!" - sabi ni Milo tapos ayun, lumamon na agad. Hindi po sya gutom pramis.
Sumunod naman ang mga ugok pero napatigil sila sa pagyunga dahil sa pagtaas ng kamay ni Blake.
"AKO NAGLUTO MGA HYUNG! HEHEH ANG GALING KO! NAKALUTO AKO NG ALOBO!" - sambit nya.
Alobo? Ano yun? Jusme alien language?
Tama yung nabasa nyo dahil SYA talaga yung nagluto nyan. Ang kulit eh! Sabing ako nalang or kaya yung mga maids kaso nagpumilit sya.
Halos matapos ko na nga yung mga niluluto ko pero sya naghihiwa palang ng sibuyas. Nakapikit kasi maghiwa eh! Inaaway daw sya nung sibuyas, pinapaiyak daw sya. Ang abnormal diba?
Nakatingin ako sa bangtastic baby. Hindi ko maipaliwanag yung mukha nila. Para silang natatae na ewan. HAHAHAHHAHA ayan, lafang pa more.
"masarap hyung diba? hehehehehehe grabe ang galing ko!!! nakaluto ako nyan shet im so beri beri proud of myself!" - proud na sabi nya.
Yung bangtastic baby naman ay napangiti lang ng pilit.
"Hehe pwede na blake. Pero konting practice pa! Keri na yan hehe" - palusot ni Jin hyung pero panigurado gusto na nitong sumuka.
Pumalakpak naman dahil dun sa blake tsaka tumango tango. Uto uto.
Hindi na napigilan ni aeron kaya lumabas sya siguro para idura yung adobong niluto ni blake.
Pagkatapos nun ay kumain na sila talaga pero hindi na yung adobo. Tinanong pa nga nila kung may luto pa si blake dito eh, buti na lamang ay wala na.
Hanggang sa matapos na kaming lahat kumain. Nandito na ulit kami sa van ni blake, pupunta daw kami dun sa fireworks display sa may plaza. Omf. Lumabas na kami ng van at bumungad samin ang maraming taong nagaabang din siguro.
Hays, akala ko pa naman kami lang eh. Yung masosolo namin tapos emote emote ganern hahaha dejoke, syempre plaza to so it means marami talagang magaabang.
"Kayo na lang muna magkasama ah? Hihi, dun lang kami ni Asher sa may malapit" - paalam ni milo tsaka hinila si asher.
Sus, magdadate lang yan.
Umalis na din naman sina Aeron, jayden, caleb at blake. Dun naman daw sila sa malayo layo kasi natatakot sila. Lalo na si Jayden, jusme!
So kami nalang ni Yuan magkasama dito. Hinawakan nya yung kamay ko ng mahigpit tapos tumingin sakin. "Kapit ka ah? Ayokong mawala ka" - sambit nya.
"Wow naman. Para akong bata ah" - sabi ko naman sa kanya tapos tumingin na sa kalangitan.
"Psh, ayoko lang kasi mawala ka. Because the girl like you is hard to find" - banat nya.
AY WOW YUAN! STRAIGHT ENGLISH! NUKS! Sino nagturo sa'yo nyan?
Pero nakakakilig huh eneve yuan. kanina ka pa. hihi.
"Landi mo! Tss. Tigil na nga sa kakabanat" - sabi ko sa kanya pero umiling lang sya tsaka tumingin na din sa kalangitan.
Ilang minuto na kami dito pero wala pa rin. Pinaasa ba kami?!
"Ah, kesha. May pupuntahan lang ako ah? Babalik ako kaagad promise" - sabi nya.
Ngumiti sya at unti unting inalis yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Tumakbo na din sa kahit maraming tao. Andami tuloy nagalit. Ayan kasi.
Tumingin lang ako sa kalangitan. Nagulat ako ng biglang pagliwanag nito.
Nagsisimula na.
Ang ganda ng mga kulay nito tsaka mga shapes. Sobrang ganda talaga. Gusto kong matuwa pero may part na nalulungkot din ako kasi akala ko sabay kaming manunuod ng ganto pero wala eh, umalis sya.
Hanggang sa matapos ito, napa 'ayyyy' naman yung mga tao kasi bitin daw ganun. Hays, bakit parang hindi ko naenjoy?
Tumingin tingin ako sa paligid. Tapos na yung fireworks display pero wala pa rin si Yuan. Naks, pinaasa nya ba ako?
Tumalikod na ako dun at nagsimulang maglakad. Wala akong pake kung may mabangga man akong tao. Eh kasi naman eh! Nageemote ako tapos haharang harang sila. Respeto naman sana ano po?
"WAAAAA!" - napatigil naman ako sa paglalakad ko dahil sa sigawan ng tao. Hindi pa tapos dahil nagliwanag muli.
Unti unti akong humarap dun at tumingin muli sa kalangitan.
i love you
Yan, yan yung nabuo nung fireworks. Naks ang astig! Gusto ko na sanang umalis pero para akong napako sa kinatatayuan ko sa sunod kong nakita sa kalangitan.
Fake Army
Teka ako ba to?! Pero hindi lang naman ako ang fake army eh! Aish! Sa storyang to, ako lang yun. So ako talaga?! Wehhh? Di nga? Maniwala? ー oo titigil na.
Teka bakit ba may ganto pa? Anmeron mga bes?
"Wala ka man lang bang sasabihin, huh fake army?"
Naghiwayan yung mga tao kaya naman namula ako. Leche ka talaga Yuan Park!!
Tumakbo ako papalapit sa kanya tsaka pinalo syang ng malakas sa dibdib.
"PARKYU-an ka talaga! Bwiset! Anong kagaguhan to?!" - sigaw ko sa kanya.
Nakakahiya kasi! Andami daming tao tapos gumaganto pa sya?!
Hinawakan nya yung magkabilang pisnge ko tsaka nilapit yung noo nya sa noo ko.
"Yan ba yung sagot mo?" - tanong nya sabay pout.
Napangiti nalang ako tsaka hinawakan ko yung batok nya gamit yung isang kamay ko tskaa yung isa naman ay inagaw yung mic na hawak nya tsaka nagsalita.
"i love you too, fake army"
--------------
Spell corny? Spell lame? Hueheu sorry kung corny at lame to! Jusme jusme! Sorry talaga huhuhuhuhu. Salamat ulit sa 100k <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top