Epilogue
(C) Blueseom
sakin to. hindi to copy k?
AYT HEHEHE JOKZ
BTW eto na ang epilogue, huehue. Mamimiss ko to :<. Kaya pasensya kung ang pangit ng ending ah? Huehue. Alam nyo naman, sabaw talaga ako pagdating sa ganto lol. Sorry sa typos, aayusin ko to promise. labyu all
----
3rd person's pov
Nakatulala lang si Kesha sa kawalan habang ang bangtastic baby naman ay nauulol na naman.
"Hoy kesha!" - sigaw ni Aeron habang pinaglalaruan yung lighter pero hindi umiimik si kesha.
"kesha! HALA MAY SUNOG NOG NOG NOG NOG NOG" - sabi ni jayden at nagkunwareng nagpapanic pero nakatulala pa rin sa kawalan si Kesha.
"hoy! sinong nagpaapoy ng kalan dito?! Gusto mo bang masunog talaga tayo?" - tanong ni asher atsaka pinatay yung apoy ng kalan.
"Bakit mo pinatay Hyung? Ganyan ang updated version ng pagiging Dj! Oh diba, DJAYDEN IN DA HAUZ YOW!" - sabi ni jayden at nagpaapoy ulit nung kalan tsaka naulul na naman.
"Payuuuuuuuur~ BOW WOW WOW WOW" - sabi ni Djayden.
Pero hindi pa rin sila pinapansin ni kesha.
"Ano ba yan mga hyung! Ang hihina nyo. Ganto lang yan eh.." - sambit naman ni Caleb at lumapit kay kesha.
"Noona, bumalik na si yuan hyung!" - sigaw ni caleb kaya naman lumingon sa kanya si kesha at tumayo.
"Asan?!" - sabi ni kesha at pilit pa ring hinahanap.
Nagpeace sign si Caleb at ngumiti . "Hehe, juk juk juk hehe galing talaga nung ilong ko" - sabi nya naman kaya sinamaan sya ng tingin ni kesha.
"Kesha naman! Bat hindi ka kasi namamansin?!" - sambit ni blake habang busy sa pamamalantsa.
"Ikaw blake? Bakit mo plinaplantsa si Milo?" - tanong pabalik ni kesha kaya ngumiti si blake.
"Para maging straight na sya heheheh" - sabi naman ni blake kaya binatukan sya ni Milo at tumayo na dun sa pagkakahiga nya.
"Edi sana, ginamit mo si jayden. Tutal kabayo naman yan eh" - sabi ni kesha at tumingin ulit dun sa may bintana.
"Sus, miss mo lang si hyung eh. huwag kang magalala, babalik na sya. Naamoy ko." - sabi naman ni caleb kaya pumapalakpak si blake.
"Ang galing ng ilong mo Caleb! Huhu. Ang lakas ng pang amoy. Naamoy mo ba kung sino yung umutot? Ambaho eh" - sabi naman ni Blake at tumakip ng ilong.
Hinawakan ni Caleb yung balikat nya. "Hyung, hininga mo yun. Toothbrush din kasi pag may time ok?" - sabi naman ni caleb.
Magsasalita pa sana si blake kaso nagsalita si Kesha.
"Hindi na yun babalik. Nakahanap na yun ng babae sa seoul, panigurado" - sagot naman ni kesha.
Inakbayan lang sya ni aeron. "Yan kasi, dapat ako nalang pinili mo." - sambit naman ni aeron pero inirapan lang sya ni Kesha.
"kaibigan nga lang kasi aeron diba?" - pagpapaalala sa kanya ni kesha.
"putek naman. ang sakit sa gilagid ah. dalawang beses akong na kaibigan-zoned. Double kill." - sabi naman ni aeron kaya tumawa yung bangtan.
Umalis na si aeron dun at pumunta dun sa isang upuan dun, matutulog daw sya. #tularansiaeron.
"nakakainis kasi putek eh! Paasa sya! Paasa! Sabi daw babalik? Eh ilang taon na nakalipas eh!" - napatigil sya sa pagdradrama sa pagpalo sa kanya ni milo.
"OA mo naman girl, tatlong buwan palang" - sabi nya.
Nagkamot naman sa ulo si Blake. "Hala? Tatlo na pala ang buwan? Hindi ako nainform ah! Mapuntahan nga yan" - sabi nya pero hindi naman sya pinansin kasi peymus sila.
Wag daw papansinin ang mga waley kaya wag pansinin yung otor- dejoke.
"ang tagal na kaya nun alam nyo ba? halos minu minuto. oras oras. araw araw Akong naghihintay sa wala. Sabi nya babalik sya, pero ano ngayon nga nga? Wala naman sya eh!" - tumayo pa si kesha at umiling iling pa.
"Sa tingin nyo ba ganun kadali yun sakin, ha? Ang sakit kasi, kung kailan ayos na ang lahat tsaka sya aalis. Tsaka nya ako iiwan. Hindi nyo alam ang feeli-- ay pota" - humarap kasi sya sa bangtastic baby pero wala na pala syang kausap.
Nilayasan sya ng mga kaibigan nya habang nagdradrama. Ganyan ang tunay na kaibigan. #squidballs.
Napapadyak nalang sya sa inis.
"MAGSAMASAMA KAYO! SUNUGIN KO KAYO EH!" - sigaw nya.
"Kumalma ka, fake army" - sabi nung isang lalaking pumasok at binigyan sya ng tubig.
"Akala mo ba ganun kadaling kumalma? Iniwan ako nung mahal ko tapos iniwan pa ako ng kaibigan ko. Ang saya diba?!" - sabi nya tsaka kinuha yung mineral water.
"Salamat dito ah" - sambit nya at iniinom pa rin yung tubig.
Hindi man lang nya napansin na ang kausap nya na pala ay yung taong matagal nya nang hinahanap.
"Oh sino naman yun?" - nakakalokong tanong nubg lalaki.
"Yuan- yuan park ang pangalan nung gagong yun! Tsaka alam mo ba, kamukha mo sya. Kamukhang kamukha." - sabi ni kesha at pinagmamasdan ang mukha ng lalaki na ngayon ay nakangisi na sa kanya.
"Ay kingina- YUAN?!!!! " - sigaw nya at napatayo pa sya.
"teka nga lang, bat hindi ako sinasabihan na ikaw na pala si Yuan ah? Bumalik ka nga dun! Dali! Balik!" - sigaw ni kesha at tinuturo yung pinto kung san nanggaling si yuan.
Kahit naguguluhan ay sinunod nya si kesha.
"Take two! Take two! Hindi ako naorient nung una." - sabi ni kesha at tumalikod na kagaya nung ginawa nya kanina.
Unti unti namang pumasok si Yuan.Sakto namang humarap si kesha. Lumapit sa kanya si yuan.
"Bakit ka pa bumalik?" - tanong ni kesha.
"kasi andito yung pangarap ko" - sagot ni yuan.
Ang corny, pota.
Artista na yan, bigyan ng jacket.
"Pangarap? Diba si Kang seulgi pangarap mo?!" - sabi ni kesha pero umiling si Yuan.
Pinipigilan ni kesha na umiyak kasi ayaw nyang magmukhang mahina sa harap nya.
"kesha, umalis ako du--"
"Umalis ka kasi gusto mong makita si Seulgi ha?" - pagpapatuloy ni kesha pero umiling ulit si yuan.
"Umalis ako kasi kai--" - hindi nya ulit naituloy dahil nagsalita ulit si kesha.
"Kasi mambabae ka? Diba? Sagutin mo ako diba?" - napasabunot nalang sa buhok nya si yuan.
"paano ako sasagot kung inuunahan mo ako?! Patapusin mo muna kasi ako!" - sigaw ni yuan.
"Magiisip ka ng kasinungalingan? Dyan naman kayo maga---" - nanlaki ang ilong ni jungkook- dejoke malaki na pala. Este nanlaki yung mata ni kesha dahil sa paglapit ng mukha ni yuan sa kanya.
"isa pang salita. Hahalikan na kita" - sabi ni yuan kaya napatikom ng bibig nya si kesha.
Lumayo ang mukha ni yuan sa kanya at nagsalita na.
"Mahabang kwento pero papaikliin ko kagaya nung height ko okay?" - sambit ni yuan.
"May problema sa pamilya namin at kailangan ako sa Korea para ayusin yon. Maniwala ka kesha gustong gusto kong bumalik agad pero hindi pwede. Kailangan ko munang ayusin yung sa pamilya ko." - sabi ni yuan.
Napatigil naman nun si Kesha at nakaramdam sya ng guilt.
"Sorry, kesha" - sabi ni yuan pero umiling si kesha at niyakap sya.
"No yuan. Sorry. Ako dapat magsorry sayo. H-hindi ko kasi alam" - sabi naman ni kesha. Ngumiti lang si yuan at niyakap pabalik si kesha.
"okay lang yun, fake army. Ang mahalaga, nandito na ako" - nakangiting sambit nya.
Kinalas na ni kesha ang yakap at tumingin kay yuan. "Namiss kita" - sambit nito.
"Wala akong pake" - sagot naman ni yuan kaya binatukan sya ni kesha.
"Dejoke lang. Syempre, namiss kita" - sabi nito at hinila muli si kesha at niyakap ito.
"... sobra" - pagpapatuloy ni yuan. Hinigpitan pa ang yakap nito kay kesha.
Hanggang sa inalis ulit ito at hinawakan ang pisnge ni kesha.
"May pupuntahan tayo" - sambit naman ni yuan at hinila si kesha
Napangiti naman ng palihim si kesha. Kinikilig po sya.
Sumakay sila ng kotse.
"San tayo pupunta?" - tanong ni kesha.
Kahit parang alam nya na kung saan or nagaassume lang sya?
"basta.. alam kong matutuwa ka" - mas lalong kinilig dun si kesha kaya naman palihim ulit syang ngumiti.
Baliw na po sya. Hehe joke.
"Hmmm yuan, hindi mo ba ako lalagyan ng blindfold? You know para surprise ha ha happy break up, hindi na tay-- ay joke hehe" - sabi ni kesha kaya napatawa lang si yuan.
Naks naman kesha, nagawa mo pang kumanta ng happy break up ah.
"Bat kailangan pa ng blindfold? Pfft" - sabi ni yuan.
Nagpout lang si kesha. "Nababasa ko yun sa wattpad eh, yung may surprise date si Boy tapos si girl then nilalagyan nya ng blindfold at--" - hindi napagpatuloy ni kesha ang kahihiyan nya dahil natatawang nagsalita si yuan.
"so tingin mo magdedate tayo pfft-" - sabi ni yuan.
Napakunot lang ng noo si kesha. "Ano pala? San pala tayo pupunta?!" - galit na sigaw ni kesha.
Lumabas na ng kotse si yuan at pinagbuksan si kesha. Pagkabukas ng pinto nung kotse ay nanlaki naman ang mata ni kesha.
"SEMENTERYO? Anong gagawin natin dito?" - nagtatakang tanong ni kesha.
"Ililibing ko na puso ko" - sabi ni yuan at humawak sa dibdib nya.
"Patay na patay na ako sayo eh" - sambit naman ni yuan kaya binatukan sya ni kesha.
"Gusto mo ilibing na rin kita sa kacornyhan mo?" - sabi sa kanya ni kesha pero kinikilig na to panigurado.
Nagsimula nang maglakad ai yuan habang may dala dalang bulaklak.
"sino ba bibisitahin mo dito?" - tanong ni kesha pero tumigil na si yuan kaya tumigil na rin sya.
Tumingin si yuan sa lapidang nasa tapat nila ngumiti. "Sya ang bibisitahin natin" - sabi ni yuan at tumingin kay kesha.
"P-penelope? Penelope kim.." - sabi ni kesha habang nakatingin dun sa lapida.
Nagsindi ng kandila si yuan at umupo na dun sa damuhan.
"hmm, kesha. Yung ex ko pala si Penelope.." - tumingin sya sa lapida at nagpatuloy sa sasabihin nya.
"Penelope, si kesha nga pala. Manliligaw ko" - natatawang sambit ni yuan kaya pinalo sya sa braso ni kesha.
Para paraan si kesha no? Pinalo si Yuan para mahawakan biceps nya. Oha- dont me- joke hehehe.
"Uhmm hi?" - sambit ni kesha.
"Hmm ako pala si kesha. Asawa ni park jimin kabit ni Min Yoongi" - natatawang sabi ni Kesha.
Napatawa din si Yuan. "Alam mo bang army din sya? Jungkook-biased." - sabi nya at tumingin ulit dun sa lapida.
"Minsan nagaaway kami dahil dun, kasi sabi nya mas gwapo daw si jungkook kesa sakin haha-" - sabi naman ni Yuan at tumawa.
"Y-yuan, hindi ka ba nalulungkot ngayon? K-kasi yung mahal mo- wala na" - tanong ni kesha.
Ngumiti sa kanya si yuan. "So wala ka na?" - tanong nya kaya naguluhan naman si kesha.
"y-yuan naman, alam namin nating dalawa na si penelope pa rin mahal mo" - sabi ni kesha kaya napatahimik naman nun si yuan.
"okay lang. marunong akong maghintay, yuan." - sabi ni kesha kaya ngumiti si yuan at hinawakan ang kamay nya.
"kesha, ayokong paghintayin ka. Kaya nga tayo nandito ngayon diba? Kasi gusto kong ipakilala kay penelope ang kasiyahan ko na ngayon." - sabi ni yuan at humarap sila dun.
"Penelope, sabi mo maging masaya ako diba? Sabi mo hanapin ko kasiyahan ko diba?" - tanong ni yuan at tumingin kay kesha at hinawakan ang kamay nito.
"I already found my happiness, penelope" - sabi ni yuan kaya marahan syang pinalo ni kesha.
"Ano bang pinagsasabi mo jan? baka multuhin ako nyan ah lagot ka sakin" - bulong ni kesha.
Napatawa lang dun si Yuan at umiling nalang.
Pinagmasdan lang ni kesha si yuan na nakatingin ngayon sa lapida ni penelope.
Napangiti nalang sya at tumingin din dito.
'penelope, sana masaya ka rin ngayon' - bulong ni kesha.
Ilang minuto pa ay nagpaalam na sila dun at lumabas na ng sementeryo.
Sumakay na sila ng Kotse at pinaandar ni Yuan yung sasakyan.
"yuan, nakamove on ka na ba talaga?" - biglang natanong ni kesha.
"sa tingin mo manliligaw ako kung hindi pa? Tsk" - sabi naman ni yuan.
Napailing lang si kesha. "Hindi ka naman nanliligaw ulul" - sambit ni kesha.
Tumingin sa kanya si yuan at nagwink. "Later, babe" - sambit nya kaya sinuntok ni kesha yung braso nya.
Kinikilig na naman po ang gaga. Sa babe na yan. Hindi nya ba alam na baboy ang ibig sabihin nyan? Tss.
Ngunit nagulat si kesha nang biglang tumigil ang kotse.
"Anyare? Bat huminto?" - tanong ni kesha.
"Kasi hindi umandar" - pilosopong sagot naman ni yuan kaya binatukan sya ng dalaga.
"nasiraan ata tayo. Wait, maghahanap ako ng signal. Tatawagin ko yung mga ugok" - sabi nya tsaka lumabas na ng kotse.
Naiwan naman dun si Kesha. Susuotin nya na sana yungearphone nya kaso may biglang kumatok dun sa bintana.
"Turn up! Turn up!" - sabi nung lalaki habang sumasayaw ng parang alien.
Naguluhan naman nun si kesha kaya binuksan nya yung bintana.
"Anong ginagawa mo ditong alien ka?" - tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya.
"Labas ka jan, sasama na kita sa planeta ko" - sabi nya. Lumabas naman si kesha tsaka binatukan sya.
"baliw, ano nga?" - tanong ko sa kanya.
May kinuha sya sa bulsan nya at binigay sakin.
"Ano to?" - tanong ko sa kanya habang nakatitig dun sa papel.
"baka kasi papel yan ano? Common sense, kesha." - sabi ni blake kaya sinamaan sya ng tingin ni kesha.
Binuksan nya ang papel at napatawa sa nabasa nya.
'Bae Taehyung- yung pinakamatalino sa kanila'
Ulul ka ba? Kelan ba naging matalino yan elyen na yan? Tapos bae? Vrene shipper ka ba?
"Hindi ko sasabihing galing yan kay yuan hehe hindi ko talaga sasabihin." - sambit ni blake.
"Tanga nasabi mo na. Asan sya?" - tanong ni kesha.
"Malay ko. Hinahanap ata jams nya. Sige, alis na ako. Maglalaro pa ako ng Clash of plants vs zombies" - sabi ni blake.
"Clash of plants vs zombies? Ano yun?" - tanong naman ni kesha kaya napailing si blake.
"outdated ka talaga. usong laro yun. pati yung LOLo tapos yung FOTA. FOTA two na nga nilalaro ko eh" - sabi ni blake kaya tinulak na sya paalis ni kesha.
"Baliw ka ba? Anong FOTA? DOTA yun tanga!" - sigaw ni kesha.
Napatingin naman sya sa lalaking nagsesenyas na pumunta sya dun kaya tumakbo sya papunta kay Milo.
"Hi girl! ang ganda---"
"Alam kong maganda ako, bakit mo ako tinawag?" - tanong ni kesha.
Tumawa lang si Milo at marahang pinalo si Kesha.
"sabi ko, ang ganda ko baliw. oh, may nagpapabigay" - sabi ni milo at binigay na naman ang papel.
Bago ito buksan ni kesha ay hinawakan nya ang buhok ni milo. "Ay wow. Ang gwapo mo sa blonde mo ah!" - sambit ni kesha.
Ngumiti lang si milo kasi totoo naman daw- ay joke. Maganda pala sya ok-
'jung seokjin- ang pinakamanly at pangit sa kanila'
Kelan pa naging manly si jin? yung pangit pwede pa, kasi mas gwapo ako sa kanya.
Napailing lang si kesha habang tumatawa.
"Ay baliw. Tss, girl. Cr lang ako ah hehe" - sabi ni milo at tumakbo dun sa comfort room.
Pinagmasdan sya ni kesha.
"Hoy tanga! Bakit ka sa Female pumasok? Babae ka ba?" - sigaw sa kanya ni kesha ngunit ngumiti lang si milo at pumasok pa rin sa Girl's cr .
Naglakad pa si Kesha hanggang sa makita nya si Caleb na sumasayaw ng Up & down ng EXID.
"Hoy ilong! Nauulol ka na naman ba?" - tanong ni kesha sa kanya.
Tumigil naman si Caleb sa pagsasayaw at binigyan na naman sya nung papel.
"Bat ba puro papel binibigay nyo sakin? Aish" - sambit nya at binasa ulit yung papel.
"Lee Jungkook- yung mahaba ang baba'
Kelan pa naging mahaba baba ni Kookie? Tss. Tsaka LEE? dapat park- ay joke.
Napangiti ulit si kesha ng mabasa nya yun.
"Bakit ka nakangiti jan ah? Anong nakasulat?" - tanong ni Caleb
"Ang laki daw ng ilong mo." - sagot naman ni kesha.
"aish talaga si Hyung oh! Pasalamat sya mahal ko sya eh" - sabi ni caleb kaya nanlaki ang mata ni kesha.
"Mahal mo si yuan?" - tanong ni Kesha.
"Oo. Gusto mo agawin ko sya sayo eh" - sabi naman ni jungkook kaya pinitik ni Kesha yung ilong nya.
"seulmin fanfic to, hindi JIKOOK! Subukan mong agawin si yuan, magiging kasing flat nung kay squidward yang ilong mo" - pagbabanta ni kesha at dinuro pa si Caleb.
"EOMMMAAA! INAAWAY AKO NI KESHA HUHUHU EOMMA" - sigaw ni caleb habang tumatakbo na dahil natakot kay kesha.
Pupunta sya sa eomma nyang si Jin. Oh diba #MagInaGoals.
Naglakad nalang muli si kesha. Hinahanap nya pa rin yung jams ni jimin- este si Yuan.
"Asan na ba yung pandak na yun?" - sabi ni kesha.
Habang naglalakad sya ay may sumalubong sa kanyang isang kabayo.
"hoy jayden. Anong ginagawa mo dito?" - tanong ni kesha.
Tinapal ni jayden yung papel na hawak nya sa mukha ni kesha. "Binigay nung pandak" - sabi ni jayden at tumalikod na sa kanya.
"Hoy! San ka pupunta?" - tanong ni kesha.
Lumingon naman sa kanya si jayden at ngumiti nalang. "Maghahanap ako ng makakain. Wala na akong stock ng damo eh" - sabi naman ni jayden at tuluyan ng umalis.
Binuksan nya yung papel.
'jeon hoseok- yung malaki ang ilong'
wow kelan pa naging makaki ilong ni hoseok? tss. Tsaka jeon? Ano kamag anak ba sya ni Jungkook? or asawa sya ni jungkook?
Napangiti ulit nun si kesha. Baliw na talaga.
Paalis na din sana si kesha ngunit may sumulpot sa kanyang isang badjao.
"Oh, asher? Bat andito ka din?" - tanong ni kesha.
"Because im sexy like a por--" - hindi nya na naituloy sasabihin nya dahil binatukan na sya ni kesha.
"wala ka na bang ibang sasabihin kundi im sexy like a pornstar?!" - tanong ni kesha.
Sinamaan sya ng tingin ni asher at binigay sa kanya yung papel na hawak nya.
"Kesha, you got no jams" - sabi nito at tumalikod na din sa kanya at nagsimula ng maglakad.
Tinignan naman ni kesha yung papel.
'Rapunzel- yung alien at magilagid sa kanila'
wow, haba ng hair ni namjoon ah. Mas maniniwala pa sana ako kung kay jin mo pinangalan yan. Tutal babae naman yun pft.
Napailing nalang si kesha atsaka tumawa.
"im rich.." - napatingin sa paligid si kesha.
"Aeron?" - tanong nya habang hinahanap pa rin kung san nanggagaling yung boses.
"Very expensive glasses" - sabi pa nito.
Pilit pa ring hinahanap ni kesha si aeron. "Asan ka ba kasing gilagid ka?" - tanong ni kesha.
"looks upward, swaeg" - sabi nito kaya sinunod sya ni kesha. Tumingin sya sa taas pero napatakip sya ng mata.
"Aeron naman! Hindi kita makita! Ang silaw oh! Huwag ka kasing ngumiti. Your gums is brighter than my future" - sabi ni kesha kaya napapoker face si Aeron.
"Tss, wala ka talaga sweg" - sabi nito.
"Pero teka lang, ano ba kasing ginagawa mo jan sa taas ng ring? Baliw ka ba?" - tanong ni kesha.
"Sweg" - yun lang ang nasabi ni aeron kaya napailing nalang si kesha.
Napahawak naman sya sa ulo nya dahil sa sakit ng pagbato ng bato sa kanya ni aeron.
Nakabalot na naman dun ay papel kaya binasa nya ito.
'Park suga - ang pinakamagaling kumanta'
rapper kasi si suga ano? tsaka YOONMIN shipper ka ba?
Tinago muli ni kesha yung papel sa bulsa nya, nandun na rin yung nakuha nya sa ibang members.
"Bahala ka jan. Masunog ka sana" - sabi ni kesha.
"hoy kesha! ilagay mo nga yung hagdan dito dali. i will goes down" - sabi ni aeron pero hindi lang sya pinansin ni kesha.
"hoy ang init dito! mangingitim ako. sayang yung gluta ko aba" - sigaw ulit ni aeron pero patuloy pa rin sa paglakad si kesha.
"Ayaw mo nun? Nognog, pandak. Laki sa swag. Yan si Aeron~ only aeron~ only aeron~" - kanta ni kesha kaya binato sya ng chains ni aeron.
Buti nalang nakailag si kesha.
Napaupo lang sya dahil sa pagod. Kanina pa sya lakad ng lakad tapos ang init pa.
"asan na ba kasi yung gagong yun?" - sabi ni kesha at tumingin muli sa paligid.
Tumalikod nalang ulit sya para bumalik sa kotse pero napatigil sya sa biglang pagkanta.
"kung kailan patapos na, tsaka ka aalis?" - unti unti syang humarap sa nagsalita.
"kanina pa kasi kita hinahanap ano? Ganun ka na ba kaliit para hindi kita makita?" - tanong ni kesha.
"Wow, grabe ka talagang manlait ano? Pasalamat ka gwapo ako" - sabi namanni yuan kaya napacrossed arms lang si Kesha.
"walang connect tss. ano ba kasing ginagawa pa natin dito? Uwi na tayo" - sabi ni kesha at lumapit sa kanya.
Binigay nya sa kanya yung papel.
'Kim jimin - ang pinakamatangkad at maraming jams'
ulul ba you? matangkad na pala si Jimin tapos maraming jams. Tsaka dapat ginawa mo ng JEON JIMIN para #jikook diba?
"Bat puro papel binibigay nyo sakin? Mukha ba akong trashcan?!" - tanong ni kesha pero napailing si Yuan.
"hindi mukhang trashcan. Mukha kang basura HAHAHAHAHAHA" - sabi ni yuan.
Sarcastic na tumawa si Kesha. "Ha ha ha. Nakakatawa sobra. Gusto na nga kitang patayin sa sobrang saya eh. Gusto mo sample?" - sabi ni Kesha.
"joke lang kasi yun hehehe. sineseryoso mo eh, dapat ako lang seryosohin mo" - binatukan lang sya ni kesha dahil dun.
Ngumiti lang si yuan at kumindat. Unti unti namang nagsilabasan ang mga tao.
Napanganga si Kesha dahil sa nakikita nya.
"Hala? bakit puro sila may suot ng mask na may mukha ng bangtan?" - tanong ni kesha.
Nakikita nya kasi ngayon yung mga taong nagsidating na may mask na may mukha ng bts. Jungkook, jimin, jin, jhope, suga, namjoon at V.
Napangiti lang si kesha at tumingin kay yuan. "Plano mo tong lahat no?" - tanong ni kesha sa kanya.
"Oo, tsaka may isa pa akong plano. Alam mo kung ano?" - tanong ni yuan kaya naguluhan naman si kesha.
"Ah ano?" - tanong ni kesha.
"Maging boyfriend mo" - sabi naman ni yuan kaya namula si kesha.
Napatahimik naman si kesha dahil sa ginawang pagluhod ni yuan.
"Bat ka nakaluhod? Manlilimos ka ba? Ulul andaming tao oh. Nakakahiya ka yuan! Tayo!" - sabi naman ni kesha at pilit na tinatayo si Yuan.
Tumayo si yuan at ngumiti kay kesha.
"Tumayo ka na nga yuan! dali na" - sabi ni kesha.
Hindi man lang nya nahahalata na nakatayo na pala si yuan.
"Nakatayo na ako hindi ba halata? Tss" - sabi ni yuan kaya napangiti ng nakakaloko si kesha.
"Liit mo kasi hehe"
Lumapit sa kanya yung dalawang lalaking nakasuot nung Mukha ni seokjin at mukga ni Taehyung na mask.
Binigay nila kay yuan yung isang bag.
Inihagis naman ito ni yuan kay kesha, buti na lamang ay nasambot nya to.
"Nanliligaw ako. Hindi ko kailangan ng approval mo okay?" - sunod sunod na sabi ni yuan kaya sinamaan lang sya ng tingin ni kesha.
Unti unti namang binuksan ito ni kesha at nanlaki ang ilong ni jungkook- este ni Kesha nang makita nya ang laman nito.
"Ang dami nito yuan, omg.! Thank youuuu!!" - hindi na napigilan ni kesha ang sarili nyang hindi yakapin si yuan.
Ang laman kasi nung bag ay picture ni marlou- dejoke.
Mga merch. Lalo na sa BTS. Halos lahat nandun, simula pa ata nung sa debut nila hanggang sa young forever day & night version. Oha. #RKsiYuan.
"Alam mo ibang klase kang manligaw ah. Imbis na chocolates flowers or whtvr ang ibigay mo. kpop merch talaga?" - natatawang sambit ni kesha habang kinakalikot yung mga binigay sa kanya.
"Ayaw mo? Oh edi akin na. Madali akong kausap" - sabi ni yuan at akmang aagawin yung bag na yun pero inilayo ito ni kesh.
"wala akong sinasabi ah! Subukan mo lang na kunin to, hindi kita sasagutin" - pagtatangka ni kesha kaya napatahimik si yuan.
Hinalik halikan pa ni kesha yung mga photocards. Lalo na yung kay Jimin.
"buti pa yung photocards nahalikan. How to be a photocard" - bulong ni yuan pero narinig naman ito ni kesha.
"Ansabe mo? Pakiulit nga?" - request ni kesha pero umiling lang si yuan.
"Sabi ko mas gwapo ako yan" - sabi ni yuan at nagpogi sign pa.
Tumawa lang si kesha.
"Geh asa pa HAHAHAHA mas mahal ko tong mga to sayo eh" - sabi ni kesha kaya napatingin sa kanya ng seryoso si yuan.
"Anong sabi mo?!" - tanong nito pero tumawa lang si kesha.
"Hoy yuan! Joke lang haha" - sabi ni kesha ng tumalikod si yuan at naglakad papalayo sa kanya.
Nagseselos po sya ew.
Sinundan sya ni kesha at pilit na tinatawag.
"Magsama kayo ng bangtan!" - sigaw ni yuan.
Kung si Kang Mo Yeon nagseselos sa Red Velvet dahil sa pagfafanboy ni Yoo Si Jin.
Si Yuan Park naman ay nagseselos sa Bangtan Sonyeondan dahil sa pagfafangirl ni Kesha Jung.
#MgaNanunuodLangNgDOTSAngMakakaRelate.
Huminto na si kesha kasi napagod na sya sa kakahabol kay yuan.
Ganyan kasi dapat. kapag pagod ka na, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mong kaya mo pa. Matuto kang magpahinga para hindi ka masaktan.
Imbis na sundan ay kinuha ni kesha yung phone nya at nagtype na.
Habang nagtatampo naman si Yuan ay napatigil sya dahil sa pagvibrate phone nya.
Nakareceive sya ng message na naging dahilan para mapangiti sya at mawala yung pagseselos nya sa Bangtan.
Kesha Jamaica Jung Messaged you
Kesha: hindi kita ipagpapalit sa Bangtan Sonyeoshidae no! Kahit na si Lee Jungkook pa yan, bae taehyung, jung seokjin, jeon hoseok, park suga, rapunzel or kim jimin pa yan.
Ikaw lang ang Jimin ng bohaii qcOuh <2+1
saranghaeyo, FAKEU ARMY ❤️
----------THE END------
(BABYE DAW SABI NUNG PAA NI CHIM HAHAHA)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top