81

Comment kayo guys huehueheue btw, buhay pa ba kayo sa MV ng bangtan?

Warning: puro kagaguhan hehe
-

Paasang-patatas-na-mahar-si-baekla-at-pandak POV

oh may pov ako dito ah. Pagbigyan nyo na. Pasunog ko kayo kay suga eh. Dejoke lang.

Nakaupo si kesha sa isang upuan (malamang diba) habang nakatali ang kamay at paa nya sa upuan.

Napakunot ang noo nya ng makita nya si Coleen na nakangising papalapit sa kanya.

"Coleen akala ko nagbago ka na?!" - sigaw ni kesha.

Ngumisi lang si coleen. "Kasalanan ko bang uto uto ka?" - natatawang sambit ni coleen.

Sasagot pa sana si kesha ngunit agad syang sinampal ni coleen.

"Shut the fuck up." - sabi nya at nilagyan ng takip ang bibig ni kesha.

Tinignan nya ang phone nya at napangiti. Naglakad sya papalapit sa pinto at binuksan iyon at bumungad sa kanya si Yuan.

"Asan si kesha?!" - tanong nito. Halatang halata sa kanyang mga mata ang galit na nararamdaman nito.

Ngumisi ulit si coleen. "nandun sa kwartong yun" - sabi nya sabay turo sa kwarto.

Naglakad na papasok si yuan ngunit napatigil sa sa biglang pag palakpak ni coleen at paglabas ng mga kalalakihan.

Agad naman syang hinawakan ng mga ito, para pigilang makapunta dun.

Lumapit sa kanya si coleen.

"Akala mo ganun mo lang kadaling makukuha si Kesha? Asa ka!" - sambit ni coleen at umupo na dun para pagmasdan si Yuan na bugbugin ng mga kalalakihang ito.

Mas lalo pang dumami ang mga lalaki ngunit nagulat naman sya sa paglabas ng 5 kalalakihan.

Unti unti silang lumapit kay yuan.

"So ikaw pala si Yuan? Tss, sabi daw nila kamukha kita. Pero hindi naman eh, di hamak na mas gwapo ako" - sabi nung lalaking nasa gitna na may braces at dilaw ang buhok.

"Kingina mo, Marlou" - sambit ni yuan kaya sinapak sya ni marlou.

"Huwag mo akong murahin" - sambit nito at binatukan pa si yuan.

Hinigpitan ang hawak ng mga kalalakihan kay yuan at ngumisi si marlou tsaka sinuntok si yuan.

Gustong gumanti ni yuan ngunit hawak nga sya ng mga lalaking ito.

"Ang hina nya naman boss"- sambit ni jhimwel (not sure tho) . Isa pang member ng Hasht5.

Sinuntok pa ulit ni marlou si yuan. "Oo nga ang hina mo" - sambit nito.

Tinignan ni yuan si marlou at ngumisi. "Ikaw, ang hina mo rin. Ang hina mong sumuntok, eh hindi nga masakit eh" - natatawang sambit ni yuan.

Kaya naman umusok ang ilong ni marlou sa galit. "Kingina mo ah" - bumwelo sya para suntukin si yuan ngunit napatigil sya sa pagbukas ng pinto.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang anim na kalalakihan.

"Bitawan mo ang kaibigan namin! baka maging kasing pangit nyo yan" - sambit ng isang badjao.

Napangiti lang si yuan dahil sa pagdating ng kanyang mga kaibigan.

#squadgoals na ba diz-

"Sino naman kayong mga ulol kayo?" - sabi ni marlou at humarap sa kanila.

"Ako budoy- este ako blake" - sabi ni blake habang may hawak na baril barilan.

"im Caleb! im good! im done!" - sabi naman nito at may hawak na tsinelas.

"Im jayden!" - sabi nung mahaba ang baba at sumipa sa ere. wow idol. Tsaka wala syang armas na dala, kasi yung baba nya palang pamatay na hueheuehue

"my name is Asher. and im sexy like a pornstar" - sabi naman nung badjao at may hawak na baseball bat.

"Swaeg." - yun lang ang sinabi nang lalaking may dalang Unan. Matutulog daw sya.

"Ako naman si Milo! Lulutuin ko kayong lahat!" - sabi nung matangkad na babae- este lalaki habang may hawak na sandok.

"Kami ang BANGTASTIC BABY!" - sigaw ni caleb.

Unti unti nilang sinuot yung shades nila at pumwesto na.

"Boom shakalaka!!" - sigaw naman ni blake.

Ay nuks, taray naman nila.

Unti unting lumapit ang mga kalalakihan sa kanila. Nangunguna na dun ang Hasht5.

"Kami naman ang Hasht5! Mas gwapo at sikat kami sa inyo!" - sigaw ni marlou.

Pinakyu lang sya si Asher tsaka sumugod na sa kanila.

Nagsimula nang magsuntukan ang kalalakihang ito. Tapos si Caleb, sumasayaw pa ng bang bang bang. Uluel talaga.

Tinulungan din sila ni Yuan. Kahit marami ang kalaban ay ayos lang sa kanila.

"Errbody say la la la la la~ say la la la la~" - kanta ni yuan habang sumasayaw nung FIRE.

Astig diba? Nasa gitna sila ng labanan, nakuha pa nilang sumayaw.

"Fiiiireee~ whooooo~ ha - ha - ha ha. Fireeeee~" - sigaw naman nung bangtastic baby.

Napapasayaw tuloy ako- putek kasi yung beat nung fire. Pamatay- ok titigil na.

Sumasayaw pa rin sila hanggang sa nakisayaw nalang yung mga kalalakihan.

Pwera sa hasht5. Hindi naman sila lalaki eh- dejoke huehue

Si Blake naman, tumalon pa dun sa mga kalalakihan buti nalang nasalo. Ayun, pachill chill lang sya habang buhat buhat nila.

"Payuuuuur~" - kanta nila at tumalon talon pa.

PUTEK NAMAN.

Labanan ba to or party?!

"Burn it uh- uh-uh up~" - kanta ni yuan at may dala pang lighter.

Putek lang diba? Handang handa sila. Parang gagawa lang ng music video eh.

Hanggang sa mapatumba lahat ng hasht5- ay wait, hindi pa pala si Marlou.

Lumapit sa kanya si Aeron tsaka hinawakan sya. Ngumisi si Aeron at pinundot yung hawak nya.

Kaya ayun, nasunog si Marlou. Oh diba- hustisya naman sa pimples nya aba.

--

Sa kabilang banda naman ay, hindi alam ni Coleen ang gagawin nya.

Kinuha nya yung baril sa cabinet at pumunta sa kwarto para kunin si kesha.

"Tumayo ka jan!" - sambit nito at tinayo si kesha.

Lumabas na sila ng kwarto at naabutan nila ang bangtan na sumasayaw na ng fantastic baby dahil natalo nila ang mga kalaban.

Ngunit napatigil sila dahil sa paglabas nina coleen.

"Bitawan mo si Kesha!" - sabay na sigaw ng bangtastic baby pwera pala kay Yuan.

Nakatingin lang sya kay kesha. Nakikita nya sa mga mata nito ang takot.

"Akala nyo talo na ako? Pwes, nagkakamali kayo dahil papatayin ko ang babaeng to!" - sigaw ni Coleen at tinutok ang baril kay kesha.

Napapikit si kesha at tumulo na ang luha sa kanyang mga mata.

Natatakot na rin ang bangtastatic baby dahil sa maaring gawin ni coleen.

Nakita nilang ipinutok na ito kay kesha ngunit napatigil sila dahil walang lumabas na bala.

"Ay wow, pati ba naman baril ngayon paasa na?" - sabi naman no blake kaya binatukan sya ni jayden.

"Aish! Bat wala?! " - sigaw ni kesha at patuloy na trtrny na iputok ngunit wala talaga.

Lumapit na sa kanya at bangtan at hinawakan na sya.

"Coleen, you got no jams" - sambit ni asher at kinuha yung baril kaya nawasak yung baril.

"ang kawawang coleen~ may baril, wala namang bala~" - kanta naman ni milo.

Lumapit si yuan kay kesha na nakaupo na. Bakas pa rin sa mukha nito ang takot, dahil akala nya katapusan nya na kanina.

"Kesha..." - sambit ni yuan at agad nyang niyakap si kesha.

Inalis nya din yung telang nakatakip sa bibig nito.

"Shh, okay na. Ligtas ka na. Huwag ka nang umiyak" - sabi nito at pinunasan pa ang pisnge ni kesha dahil sunod sunod na tumutulo ang luha sa kanyang pisnge.

Niyakap nya ulit si yuan.

"S-s-salamat Y-yuan. s-salamat" - sambit nya at kumalas na rin sa yakap.

"May bayad yun" - biro ni yuan kaya nabigla naman si kesha.

"Huh? Ano?" - tanong nya.

Tinuro ni yuan ang labi nya. "Kiss" - ngumuso sya at humarap kay kesha kaya binatukan sya ni kesha.

Ngunit, nagulat sila sa pagsigaw ni Milo. Kinagat kasi ito ni Coleen kaya nakatakas si coleen at kinuha yung baril na dala ni blake.

"COLEEN! HUWAG MONG GAGAWIN YAN!" - sigaw ni aeron pero ngumisi lang si coleen at tinutok kay kesha yung baril.

"mamatay ka din! magsama kayo ni penelope!" - sigaw nya at napapikit nalang ang lahat sa gagawin ni coleen.

"YUAN!" - sigaw ni kesha. gusto nya nang maiyak dahil niyakap sya ni yuan kaya sa kanya tumama yung bala.

Tinignan lang sya ni yuan tsaka ngumiti. "Mahal kita."

"A-ano ba yuan! huwag k-ka nga! h-hoy! anong ginagawa nyo jan? tul-tulungan nyo si y-yuan" - sigaw ni kesha.

"Mahal kita" - sabi naman ni Yuan.

"M-mahal rin kita" - sambit naman ni kesha at niyakap na si yuan.

Ngunit napatigil sya dahil..

"HAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAAHHAHAHAHA" - sa lakas ng sigaw ng isang alien kaya sinamaan sya ng tingin ng bangtastic baby.

"ang galing ni yuan umarte hehehe" - sabi nya naman.

Naguluhan naman si Kesha. "A-anong arte?"

"eh kasi! hindi naman totoong baril yang dala nyang babaeng yan eh! baril barilan lang yan pfft" - sabi ni blake.

"Eh bat may dugo?" - tanong ni kesha.

"Nilagyan ko ng ketchup para mas realistic hueheuehue" - sabi naman ni blake kaya binatukan sya ng lahat.

#MautakSiBlake
#TularanSiBlake
#PatayinSiBlake- dejoke.

"Gague talaga!" - sabi naman ni Asher at pumunta na kay coleen para hawakan ulit dahil tatakas ito.

"PUTANGINA NYONG LAHAT!" - sigaw ni coleen kaya napatawa lang ang bangtastic.

"WE LOVE YOU TOO! PAKAMATAY KA NA" - sigaw naman ni jayden kaya sinamaan sya ng tingin ni coleen.

"Bat ka umiyak, kesha? HAHAHAHA ganun na ba ako kagaling mag acting? Sasali na ba ako sa star magic?" - tanong ni yuan.
Kaya binatukan sya ni kesha

"Ikaw kasi! Ang gago mo! ang galing mong umarte! ayan tuloy akala ko mamatay ka na" - sabi naman ni kesha, sabay punas ng uhog nya.

"shh. di pa ako mamatay, mauuna ka huehue" - biro ni Yuan kaya binatukan sya ni kesha.

"dejoke lang haha. Bawal ka pang mamatay, magpapakasal pa tayo.  tara na sa simbahan?" - sabi ni yuan at inalalayang tumayo si kesha.

Binatukan ulit sya ni kesha dahil sa sinabi nya. Pero deep inside, kinikilig tong gaga.

Ngunit bago pa man sya tuluyang makatayo ay  nanlalabo ang paningin ni kesha, at unti'unti rin itong nandilim.

"Y-yuan.." - huling nasambit nya bago sya napatumba, mabuti na lamang ay nasalo sya ni Yuan.

"kesha? ganyan ka na ba talaga kaantok? bakit dito ka pa natulog? oh ayan unan" - sabi ni aeron at binigay kay kesha yung unan.

Binatukan naman sya ni milo. "Tanga! Nahimatay si kesha" - sabi nito.

"ANO?! NAMATAY?! KESHA HUHU HINDI MO PA NABABAYARAN YUNG UTANG MONG PISO SAKIN TAPOS MAMATAY KA AH?! BUMANGON KA JAN! HUWAG MO KAMING IWAN! HUHUHUHU!" - sabi ni blake kaya napatingin sa kanya ang bangtastic baby.

"Hyung, pili ka" - sabi nya at pinakita yung dala nya. Tsinelas at yung sandok na dala nila.

"ay hehe, eto" - sabi naman ni blake at pinili yung sandok kaya pinalo ito sa kanya ni caleb.

"Aray ko " - reklamo nya.

"Nahimatay lang kasi hyung ano? Hindi pa patay! Oa mo" - sabi ni caleb kaya napakamot sa ulo si blake.

"Aheheh joke lang yun, yknow, practice lang." - sabi nya naman kaya napailing lang ang bangtan.

"Mabuti pa dalhin na natin si kesha sa hospital. Siguro dala lang to ng sobrang stress at pagod" - sabi naman ni asher kaya binuhat na ni yuan si kesha ng pang bridal style. naks taray ng lola nyo.

"At kayo! Kailangan nyo ng madala sa mental!" - sigaw ni asher at padabog na sumunod kina Yuan, Aeron, at milo.

"Anong mental? Ano bakal ba yun? Huehue" - sabi naman ni jayden.

Mental

Bakal

Metal

Sumalangit nawa ang joke ni Jayden.

"Corny mo, hyung" - sabi ni caleb.

"Guys, mukhang maganda dun sa mental. Tara punta na tayo?" - excited na sabi ni blake at nagtatalon pa.

Tumingin naman si Caleb kay Coleen.

"Ikaw coleen? Gusto mong sumama sa mental? Mukhang bagay ka dun" - sabi ni Caleb at tumawa

"Pakyu kang ilong ka ah!" - sabi ni coleen habang hawak hawak sya ni Jayden.

"Ilong ko na naman?! Ano bang meron sa ilong ko at inlove na inlove kayo ah?" - tanong no caleb kaya hinawakan ni Blake yung balikat nya.

"Alam mo kung anong meron? Kulangot HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Masarap yun. Nalasahan ko na yung akin eh, sayo nalasahan mo na? - sabi naman ni blake kaya binatukan sya ni caleb.

Lumabas na sila at sinundan sina Kesha.

BOY MEETS WHAT

Dejoke, hindi pala to. Mv sorry na.

PAYEEEEEEEEERRRRRRRRRRRRR~

*sumayaw kahit hindi pa marunong ng choreography  kasi ang hirap*

-----------

okae? HUEHUE ang corny porgib me

Last 1 chapter then epilogue na ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top