71

Kesha's POV

Nakatayo na ako dito sa tapat ng school. Parang ayokong pumasok kasi naman alam ko na ang dadatnan ko.

Yung mga panghuhusga nila sakin.

Yung kadyosahan ko kaya yung pansinin nila? Para naman umunlad ang ekonomiya. Okay joke.

"hoy ineng! papasok ka ba o hindi?" - sabi ni lady guard na ubod ng sungit.

"Papasok malamang, alangan naman pong lumabas ako eh nasa labas na po ako? Hehehe utak mo po asan?" - sambit ko at nakita kong nangusok ang ilong nya.

Ay wow, ilong? Naalala ko tuloy si Caleb. Laki ng ilong nun eh, kaya kang singhutin hehe.

Kaya naman dali dali na akong pumasok. Baka resbakin ako nun.

Pagkapasok na pagkapasok ko, eto na naman. Yung mapanghusgang tingin nila sakin. Yung para bang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanila.

"May gana pa talaga syang pumasok dito ah?"

"Andito na yung malandi. Boys! Tumago na kayo"

"Famewhore!"

"Bitch!"

"Slut!"

"Hoe!"

"Gold digger!"

"User!"

Napapikit nalang ako ng mariin sa naririnig ko. Napayuko ako at patuloy na naglalakad papunta sa room ko.

Isang linggo na rin silang ganto, isang linggo nang parang impyerno ang buhay ko dahil sa pagkatalo ko.

"oh look who's here. Hi bitchfriend" - napaangat ang ulo ko at napatingin ako sa nagsalita.

yung taong sumira ng image ko sa campus na to.

Ngumiti sya at lumapit sakin. Hinawakan nya yung buhok ko at hinila iyon.

Hindi na masakit kasi lagi nya na yung ginagawa sakin haha. Manhid na ba ako?

"How are you?" - sambit nya at mas lalo pang hinila ang buhok ko.

Bakit hindi pa matanggal tong buhok ko sa sabunot nya?

"sumagot ka naman, bitch" - sambit nya pero hindi lang ako umimik.

Pag sumagot kasi ako, mas lalo syang magagalit.

Ibang iba na sya sa bestfriend ko noon. Sobrang magkaiba sila.

"Tss, okay ayaw mong sumagot eh" - inalis nya yung pagkakahila sa buhok ko at may kinuha.

Wow, kahapon pintura? Ngayon itlog na naman?

Ngumisi sya at binato ako ng itlog. Putek naman ang sakit.

Feeling ko ang lagkit lagkit ko na dahil andami nyang binato sakin.

"Aww kawawa ka naman, gusto mo water?" - tanong nya.

Lumapit sya sakin at ibinuhos yung tubig na dala nya.

Wow. Pinapaliguan ako ng bestfriend ko, ang sweet diba?

Rinig ko ang mga tawanan ng mga kaklase ko--- hindi lang kaklase ko kundi lahat ng studyante sa butterfly high. Lahat sila.

"Dapat lang yan sa kanya! Ang landi landi nya!"

"Akala ko naman mabait yun pala may tinatagong landi"

"Parehas lang talaga sila ni Penelope!"

"Kaya dapat din syang mamatay!"

Napangiti ako ng marahan.

'Wag kayong magalala, malapit na. ' - sabi ko sa isip ko at tumakbo na palayo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ayoko na muna dun. Sobrang sakit na.

Nang mapagod ako ay napaupo nalang ako at ibinuhos ang mga luha ko.

Sobrang sakit kasi yung tinuring kong tunay na kaibigan yung mga gawa ng lahat ng to.

"Miss, okay ka lang?" - nabigla naman ako dahil may nagsalita.

Napatingin naman ako sa kanya. Sino naman to?

"Oo, okay lang. Napuwing lang ako." - pagpapalusot ko at pinunasan yung luha ko.

Lumapit sya sakin. Hindi ba sya nandidiri sa itsura ko ngayon?

"Style mo bulok! Umiiyak ka" - sambit nya.

"Tss, ngipin mo naman bulok. Hehehe joke" - sambit ko.

Naks, nakukuha ko pa talagang tumawa sa kabila nito?

"Grabe haha. Jaebum nga pala" - sabi nya at inoffer ang kamay nya.

Tumanggi ako. "Malagkit kamay ko haha. Kesha nga pala." - sambit ko naman.

Ngumiti sya at hinubad yung coat nya tsaka pinatong sakin.

"Magpalit ka na." - sabi nya.

Akalain nyo yun? May tao pa palang hindi ako nilalait ng ganun.

"Wait. Jaebum.. May kamukha ka eh. Si ano.. Yung sa ano.. Hmmm pilipinas got 7!" - sigaw ko kaya humagalpak naman sya ng tawa.

Baliw.

"HAHAHAHAHAH pilipinas got7? Got 7 kamo!! Hahahah" - sabi nya at nawala yung mata nya.

Ang cute cute naman tumawa. Parang si yuan-- este wala.

"sorry na, hehe di kasi ako fan nun" - sabi ko naman pero patuloy pa rin sya sa pagtawa.

"Mukhang ang saya nyo ah" - napaangat naman ako ng ulo ko at napatayo dahil sa nakita ko.

"Pre, ano bang pake mo?" - sambit naman ni jaebum at lumapit kay yuan.

Tapang neto ni yuan aba! Akala mo katangkaran. Leeg lang sya ni jaebum tss.

"May pake ako kasi mahal ko yang kasama mo" - napatigil naman ako dahil sa sinabi ni yuan.

Kikiligin na ba ako? Heuheu.

"Hoy! Tumigil nga kayo" - sambit ko at pumagitna sa kanila.

Ang sama na ng tingin nila eh.

"Wow, ang landi landi mo talaga Kesha" - napatingin naman ako sa babaeng nasa harap na namin ngayon at nakacrossed arms.

"Pagkatapos ni Yuan, si jaebum na naman?! Sinong susunod mo ah?" - sigaw nya.

"Lahat ba ng lalaki dito sa campus lalandiin mo ha?! Tapos yung mga babae, kakaibiganin mo para lang sumikat, ha Kesha?!" - sigaw nya ulit.

"Oo na ako na ang malandi! Ako na ang may kasalanan ng lahat! Ako na ang plastic! Ako na ang traydor! Ako na lahat. Yun ang gusto mong marinig diba?! Ano masaya ka na ba?!" - sigaw ko sa kanya.

Sinampal nya na naman ako at dahil dun napatulo ulit ang luha ko.

Sobrang laki ba talaga ng kasalanang ginawa ko para gantuhin nya ako?

"So inamin mo rin narinig mo yun Yuan? Sya na mismo ang nagsabing nilandi ka nya!" - sambit nya at tumingin kay yuan.

Pagkatingin ko kay yuan ay tumulo ulit Ang traydor kong luha. Tutulo nalang bigla, hindi man lang nagsasabi.

Pwede namang magparamdam diba? Yung tipong sasabihin

ATTENTION ATTENTION! Ako'y tutulo na! K tnx bye.

Oh diba? Para naman nainform ako. Hindi yung tutulo nalang.

"Coleen, tama na pwede ba?!" - sigaw ni yuan at sinamaan ang tingin si Colen.

"What if i dont want to? May magagawa ka ba?! Isa ka pa eh! Tsk.!" - sigaw naman ni coleen.

Napapikit nalang ulit ako at tumakbo palayo.

Ang duwag ko diba? Sobrang duwag ko.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapaupo nalang ako at dun ulit binagsak ang luha ko.

Alam nyo, parang bighit yung luha ko. Yung basta basta nalang dadating ng walang pasabi! Yung magrerelease ng MV nang wala man lang teaser!

Napatingin ako sa kalangitan.

"Penelope.." - nasambit ko.

"Ganto din ba naranasan mo noon?" - tanong ko ulit kahit alam kong hindi sya sasagot.

"Sobrang sakit pala." - pagpapatuloy ko.

Napangiti ako ng pilit. "Alam mo bang Copycat ako? Oo alam kong wala kang pake pero sinasabi ko" - napatawa nalang ako sa kagaguhang pinagsasabi ko.

"Pwede bang gayahin ang ginawa mo? Pwede bang magpakamatay nalang din ako? Pwede bang m-mawala na ako dito?" - sunod sunod na sabi ko kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng luha ko.

"Penelope, p-pwede bang sumunod nalang a-ako sayo?" - huling nasambit ko.

----------

Kadramahan 101

bukas naman yung iba geh bye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top