Chapter 2

"Ano 'yan?" tanong ni Jessica.

Muntik mabitiwan ni Yasmin ang hawak na cell phone. "Kakagulat ka, bigla ka na lang sumulpot d'yan."

"Focus na focus ka kasi sa binabasa mo. Ano ba 'yan?"

"Wala, may tinitingnan lang ako." Itinabi niya ang kaniyang cell phone. Naisip niya, bakit niya gugustuhing magkasakit para lang mapalapit kay Ethan?

"Gusto mong sumama sa 'kin mamaya?"

"Sa'n lakad mo?"

"Magsha-shopping. S'weldo, eh. Saka, kailangan kong bumili ng makeup. Ubos na kasi 'yong lipstick at blush on ko."

Hindi kalakihan ang suweldo ni Yasmin. Tamang-tama lang sa pang-araw-araw na gastusin at sa pinapadala niya sa probinsiya. Kadalasan, humihingi pa ng dagdag na pera iyong magulang niya. Kaya iyong kaunting naitatabi niya, naibibigay niya rin.

"Ano, sama ka?" tanong uli ni Jessica.

"Sige, para malibang naman kahit paminsan-minsan. Lagi na lang bahay-clinic ang routine ko."

"Ayan, napapayag din kita!" Lumapad ang ngiti nito. "Bumili ka rin ng mga gamit mo, ha. Nagsasawa na akong makita 'yang suot mo. 'Di naman masamang tumulong sa pamilya, pero dapat, 'di mo rin pababayaan 'yang sarili mo. Minsan, dapat din nating pagbigyang ang luho ng katawan natin. Mabu-burn out ka kung puro trabaho na lang."

"Magkaiba kasi tayo. Ikaw, p'wede kang magbuhay dalaga. Kaya ng magulang mong pag-aralin mga kapatid mo. Ako, hindi. Mahirap lang kami. Malaki ang obligasyon ko sa pamilya ko."

"Huhu. Kakaiyak ang life story mo, beshy." Jessica pretended to cry, pointing at her face as if there were tears falling.

Hinampas niya ito sa braso. "Hirap mo talagang kausap. Para kang baliw."

"Masyado ka kasing seryoso. I don't know, but I hate hearing distressing stories. Nakakatanda!"

"Sa'ng mall ba tayo pupunta? Saka bukod sa mga bibilhin mo, ano pang gagawin natin?" Yasmin turned the conversation back to shopping.

"Ako nang bahala ro'n." Tumaas-baba ang kilay nito. "Hindi lang ako ang may bibilhin, ha. Pati ikaw. Deal natin 'yan. Or else, 'wag ka nang sumama. 'Di ko kailangan ng alalay."

Sa beauty salon sila unang nagpunta. Napahinuhod na rin si Yasmin na magpagupit ng buhok. Hindi naman siya nagsisi. Her new hairstyle suited her better. It drew attention to her face.

Bumili rin siya ng makeup, iyong mga essential lang. May bitbit siyang dalawang pares ng sapatos, skirt at ilang pirasong blusa pag-uwi niya. Nagastos niya halos kalahati ng perang naipon niya. Nagi-guilty nga siya, ngayon lang kasi siya gumastos nang ganoon, parang nagtatapon ng pera. Pero naisip niya, kailangan niya iyon sa kaniyang trabaho.

Iyon nga kaya ang dahilan? O, tinamaan ang ego niya sa sinabi ni Jessica na wala siyang laban sa asawa ni Ethan?

Whatever her reasons were, she went home with a light heart.

MAAGA pa lang, nasa clinic na si Yasmin. Excited siya. Feeling niya kasi, ang ganda-ganda niya. Bagong gupit, bagong damit, bagong sapatos. At bagong mukha. Nag-apply siya ng makeup for the very first time.

Kunyaring nagulat si Jessica pagkakita sa kaniya. Itinutop nito ang kamay sa dibdib. "Sino ka? Hindi kita kilala! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng guard!"

Tumawa siya, mataginting. Umikot siya sa harapan nito. Parang commercial sa TV na sumunod ang buhok niya sa kaniyang galaw. Pakiramdam niya talaga modelo siya, lalo't suot niya ang sapatos na may takong. Nakakadagdag rin pala iyon ng confidence.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Yasmin.

"Beautiful! Just amazing!"

Nagtawanan sila.

"Kakainis ka! Hindi nga, puwera biro. Okay na ba 'tong ayos ko?"

"May igaganda pa, pero p'wede na."

"So, kulang pa rin, gano'n ba?" Her enthusiasm deflated a bit.

"Considering na cheap 'yong binili mong damit, and you managed to still look pretty, that's already a big feat." Tinapik siya nito sa braso.

Ngumiti siya pero hindi niya naitago ang pagkadismaya. Sa department store na kilalang mura ang paninda siya bumili ng mga damit. Bukod sa walang brand, naka-sale pa ang mga iyon.

"Sorry, na-offend yata kita," sabi ni Jessica.

"Hindi, okay lang 'yon. Totoo naman ang sinabi mo. Kung ikukumpara ko 'tong suot ko sa damit mo, malayo naman talagang maganda 'yong sa 'yo."

"Kapag nakaipon ka na, saka ka na lang bumili nang medyo mahal. Kahit paisa-isa, basta maganda 'yong quality."

Naputol ang usapan nila nang may pasyenteng dumating. Buong maghapong abala sila. Alas tres na noong nakaluwag sila.

Kinalabit siya ni Jessica, pasimpleng ngumuso ito sa direksiyon ng pinto. Sumulyap naman si Yasmin doon, may kapapasok lang na babae. Sandaling huminto ito sa likod ng pinto. She narrowed her eyes, taking her time to adjust to the relative dimness of the room.

Sa buong buhay ni Yasmin, ngayon lang niya masasabing nakakita siya ng totoong maganda.

The woman was truly stunning!

Her hair was perfectly coiffed, no stray strands covering her captivating face. Her long thick lashes curled naturally, framing her almond-shaped eyes. Her slim turned up nose somehow complimented her full plump lips.

Sinundan ng mga mata ni Yasmin ang bawat galaw ng babae, her slender form clad only in a simple sleeveless blouse and a lightweight slack. Yet, she carried with her an air of elegance. Para nga itong rumarampa sa runway imbes na naglalakad sa loob ng klinik.

Ipinilig niya ang ulo nang lumagpas sa reception desk iyong babaeng bagong dating. Lumingon siya kay Jessica, binulungan siya nito.

"Si Lara, asawa ni Dr. Olivares."

Doon lang nag-sink in sa utak niya kung sino iyon. Lara's picture didn't do her justice. Maganda na ito roon pero mas maganda ito sa personal. She seemed to occupy the whole room by her very presence. Ganoon ang epekto ng personality nito. Dumaan pa lang iyon sa harapan nila, hindi pa iyon nagsasalita.

No wonder hindi pinapansin ni Ethan ang mga babae. With a wife like his, bakit titingin pa ito sa iba?

Kaninang umaga nga nang binati niya Ethan, tumango lang ito without even bothering to look her way. Nasayang ang lahat ng effort niya.

"See what I mean?" anas ni Jessica. "Ngayon, alam mo na kung ano'ng lebel ng asawa ni Dr. Olivares."

"Oo, alam kong wala akong binatbat kung ganda lang ang pag-uusapan. Ikaw lang 'tong marumi ang isip. Kahit naman sinong lalaki ang magpahaging sa 'kin, basta't may-asawa, basted na agad. Wala akong balak maging mistress, ano?"

Umikot ang mata nito. "Ang sinasabi ko, 'yong suot n'ya! Kahit nga 'tong damit ko, walang laban sa gamit n'ya. Baka nga 'yong presyo ng blouse n'ya katumbas na ng isang buwang sahod natin."

"Ah, 'yon ba?" Uminit ang pakiramdam niya. "Napansin ko nga, ang class ng suot kahit simple. Halatang mamahalin."

"Ba't pala 'yon agad ang unang pumasok sa isip mo?" Matamang tinitigan siya nito. "Ikaw, Yasmin, tigilan mo na 'yang kapapantasiya kay Dr. Olivares. Magiging obsessed lang ang kalalabasan mo."

Tumunog ang telepono. Sinagot iyon ni Jessica.

Hindi mapakali si Yasmin. Parang may nagtutulak sa kaniyang sundan ang babae. Na-curious siya kung bakit nandito ito. Nabanggit ni Jessica na hindi ito pumupunta roon. Kaya't ano'ng pakay nito ngayon? Gaano ba kahalaga iyon at hindi iyon makapaghintay na pag-usapan sa privacy ng bahay nila?

Habang may kausap si Jessica sa telepono, tumayo siya. Sinundan niya si Lara. Nasa dulo siya ng hallway nang maabutan niya ang pagpasok ng babae sa loob ng opisina ng asawa. Maya-maya, bumukas uli ang pinto at lumabas roon ang pasyente ng doktor.

Tumayo siya sa mismong tapat ng opisina ng doktor.  Dinig niya ang usapan ng mag-asawa.

"What do you mean you deactivated all my cards?" ani Lara. Mataas ang tono ng boses nito.

"Precisely that. You won't be able to use them, unless you promise you'll be with us this Saturday," sagot ni Ethan, his tone even.

"I told you I couldn't attend. We've been organizing this fashion show for several months now. I just can't cancel it in a snap of a finger!"

"That's more important to you than your daughter? She's expecting you to be there on the Family Day. You promised her the last time!"

"How would I know that it will fall smack-dab in the middle of our fashion event?"

"I don't want to repeat myself, Lara. I've already made myself clear."

"Fine! I'll ask my friends to pay for me, because my do-goody husband decided to take it upon himself to cut-off my allowance. See if that won't embarrass you."

Napapitlag si Yasmin nang marinig niya ang pagpihit ng seradura ng pinto sa isa sa mga opisina doon. Nagmamadaling bumalik siya sa reception desk.

Ilang minuto lang ang itinagal ni Lara sa clinic. She was visibly upset. Her lips compressed into a thin line. A faint furrow between her eyebrows marred her perfect feature. She marched out of the clinic without glancing at any of them.

"Parang may problema yata," mahinang sabi ni Jessica.

"Oo nga. Kaya siguro nandito."

Nagkibit-balikat ito. "Not our concern."

Tumango si Yasmin bago niya iniba ang usapan. "May anak na ba sila?" maang-maangan niya.

"Mayro'n na, babae. Four or five years old na yata."

"So, nasa preschool na?"

"Nag-aaral sa Montessori, 'yong malapit sa bahay nila. Nakalimutan ko na 'yong name ng school... Maria something."

"Sa'n ba sila nakatira?"

"Ayala, Alabang. May exclusive na subdivision do'n"

"Nakapunta ka na sa bahay nila?"

Tumawa si Jessica. "Hindi pa. Saka, ba't naman ako makakapunta ro'n. Ano 'ko, family friend?"

"Kasamahan ka naman sa trabaho, 'di ba? "

"Kahit pa. Hindi tayo p'wedeng makipagsosyalan sa kanila. Ibang social standing ng mga 'yan. 'Di tayo oobra d'yan."

"Sabagay."

Tumahimik na siya pero nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Nagtatalo ang loob niya kung itutuloy niya ang balak. Wala naman sigurong masama kung i-satisfy niya ang kaniyang curiosity, 'di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top