Chapter 1
Naligalig na naman ang mundo ni Yasmin. Palaging ganoon ang nangyayari tuwing nakikita niya si Dr. Ethan Olivares. Dumaan kasi ito sa harapan niya at kahit malayo na, hinabol pa rin niya ito ng tingin.
Sino bang babae ang hindi maa-attract kay Ethan? Bukod sa mayaman, may hitsura at maganda pa ang katawan nito. Hindi nga pang matinee idol ang kaguwapuhan, pero nakatatawag pansin ang tindig at kilos nito. Maawtoridad. Isang katangiang makikita sa taong successful o sanay na sinusunod.
Itinukod ng dalaga ang siko sa mesa bago siya nangalumbaba, may matamis na ngiting nakapagkit sa kaniyang mga labi. Kailan kaya niya mahahaplos ang matipunong dibdib nito? Kailan niya matitikman ang mga labi nito? Masarap kaya itong humalik?
Nasa isip niya pa lang iyon pero kinikilig na siya. Kulang na lang, tumili siya. Para kasing may kumikiliti sa kaniya. Nasira lang ang pagdi-daydream niya nang hinampas siya ng papel sa mukha ng katabi niya.
"Aray!" reklamo niya. "Ba't ba nanghahampas ka? At, mukha ko pa talaga ang pinag-initan mo."
"Kanina pa tumutunog 'yang telepono. Ilang beses na rin kitang tinawag, pero lutang 'yang isip mo." Pinandilatan siya ng mata ni Jessica. Medical receptionist din ito kagaya niya sa pinapasukang private clinic. Pito ang doktor doon na may kaniya-kaniyang specialization. May sariling pathology laboratory din iyong clinic.
"Tigil-tigilan mo 'yang kalokohan mo. May asawa na 'yang pinagnanasaan mo. Saka, 'di papatol sa 'yo 'yon. Ganda kaya ng asawa n'yon," patuloy ni Jessica.
Umasim ang mukha niya. Hindi niya alam kung dahil na-offend siya sa sinabi nitong hindi siya papatulan, o dahil sa maganda ang asawa ng doktor.
"Ano namang akala mo sa 'kin, pangit?"
"Ayun! So, ano? May balak ka?"
"Maging mistress?" Ngumisi siya. "Not bad. I like the sound of it."
"Eh, kerida? Kulasisi? Number 2? Maganda bang pakinggan?"
"Ikaw"-tinuro niya ang daliri dito-"galing mong mambasag ng trip, ano?"
"Huwag mong sabihing seryoso ka? Sayang ang ganda mo, 'day, kung sa may asawa ka lang lalagpak."
"Inamin mo ring maganda ako," may halong yabang na sabi ni Yasmin.
"Oo, maganda ka. But no offense meant, magkaiba kayo ng standard ng asawa n'ya."
She's pretty, but not extremely beautiful. Iyon ang pinupunto ni Jessica. Simple lang ang ayos niya. Nakalugay ang kaniyang unat at hanggang balikat na buhok. Lipstick at mascara lang ang in-apply sa mukha. Hindi siya gumagamit ng pressed powder. Nagtitipid kasi siya kaya nagtitiyaga siya sa baby powder. Hugis ng katawan ang talagang asset niya. Balingkinitan iyon, pero may kalusugan ang dibdib at matambok pa ang puwet. Kapag wala siyang suot na heels, nasa 5'4" ang taas niya.
"Wow, ha! Kung maka-standard ka, akala mo, diyosa ng kagandahan 'yang asawa ni Doc. Pero salamat na rin kahit nang-insulto ka."
Matamang tinitigan siya ni Jessica bago nito sinabing, "Siguro kung maaayusan ka, baka pwede pa. Nakita mo na ba 'yong asawa ni Dr. Olivares?"
"Hindi pa. Pumupunta ba 'yon dito?"
Matagal nang namamasukan ang kausap kumpara sa kaniya na tatlong buwan pa lang sa clinic. Hindi nakapagtatakang mas marami itong alam kaysa sa kaniya.
Umiling ito. "Nakita ko siya last Christmas party. Teka,"-kinuha nito ang cell phone-"may kuha siya sa akin dito."
Excited na naghintay si Yasmin. Ang tagal niya nang sini-search sa Facebook si Ethan kahit sa tingin niya, malabong mag-facebook ang isang katulad nito. Agad niyang hinablot ang cell phone nang iniabot ni Jessica iyon sa kaniya.
She felt her stomach flutter when she saw Ethan's photo. He was staring straight at the camera. Pakiramdam niya tuloy sa kaniya ito nakatingin. And, he was actually smiling. Nanibago siya, lagi kasing seryoso ito. Kapag gini-great niya nga ito, tango lang ang sagot nito. Ni hindi nga ito lumilingon sa direksiyon niya.
Lumipat ang paningin niya sa katabi nito. Hula niya, iyon ang asawa ni Ethan. Sophisticated and stunningly beautiful. Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Her heart sank. Why did she ever think she could compete with this woman? Tama si Jessica. Malabong pansinin siya ni Ethan.
"Kilala mo 'yong asawa ni Doc?" tanong ni Yasmin. Kasama ni Jessica iyong mag-asawa sa picture.
"Pinakilala ko sarili ko. But I doubt it kung matatandaan n'ya pa ako."
"Ano'ng pangalan n'ya?"
"Lara."
Tinitigan niya uli iyong picture. Unlike Ethan, his wife wasn't smiling. Her face seemed carved in marble, cold ang expressionless. May bad vibes kaagad siyang naramdaman sa babae kahit picture pa lang at hindi niya pa ito nakikita ng personal. Dala marahil iyon ng selos o inggit. She zoomed it in. Iyong image na lang ni Lara ang nasa screen ng cell phone. Hindi siya sigurado kung likas na makinis ang kutis nito, o epekto lang iyon ng foundation.
Sinulyapan niya si Jessica. Kausap nito ang kadarating na pasyente. Nagmamadali naman niyang pinadala iyong image sa messenger niya. Kaagad niyang binura iyon sa cell phone ni Jessica para hindi nito mahalata.
"Ano'ng say mo?" tanong ni Jessica pagkaalis ng kausap. "She's classy and super-duper gorgeous, 'di ba?"
Ibinalik niya ang cell phone dito. "Yeah, ganda n'ya nga, 'teh!"
"Kaya kung ako sa 'yo, ilibing mo na sa hukay 'yang pangarap mo. Hindi ka papansinin ni Dr. Olivares."
"Humahanga lang ako sa tao at wala akong nakikitang masama ro'n." Humaba ang nguso niya. "Ikaw 'tong marumi ang isip."
Nag-ring uli iyong phone. It's an internal call. Nagbi-blink iyong button na naka-assign kay Ethan. Nanuyo kaagad ang lalamunan ni Yasmin. Bigla ring lumamig ang palad niya. Bakit ba ganoon na lang ang reaksiyon niya sa lalaki?
Sa edad niyang dalawampu't apat na taon, ngayon lang siya nakaramdam ng matinding pagkagusto sa isang lalaki. Kaya nga never siyang nagka-boyfriend. Saka, ayaw niya ring pumasok sa isang relasyon dahil magiging sagabal lang iyon sa pag-aaral niya. Working student siya noon. Nagsikap siya hanggang sa makatapos. Hindi niya gustong matulad sa magulang na ipinanganak na mahirap at mamatay na mahirap pa rin. Wala na ngang maipakain sa mga anak, dagdag pa rin nang dagdag ng bibig na palalamunin. Sa katunayan, pangatlo siya sa sampung magkakapatid.
Tumikhim siya bago niya pinindot iyong button. "Hi, Dr. Olivares. How may I help you?"
"I need someone to assist me."
"Of course, Doctor, I'll be there in a sec."
Tumayo siya at kampanteng naglakad papunta sa office ni Ethan. Kahit na ang totoo, kumakabog nang malakas ang dibdib niya. Kumatok siya sa pinto bago niya binuksan iyon.
"You need my help?"
Tumango si Ethan. "Please assist Mrs. Javier. I'll do a pelvic exam on her."
Ngumiti si Yasmin sa pasyente. "Sunod ho kayo sa akin, Ma'am."
Katabi lang ng table ni Ethan ang examination table. Protocol sa clinic na tuwing magpi-perform ng ganoong klaseng procedure, kailangan may ibang staff bukod sa doktor at pasyente sa loob ng opisina.
Isinara ni Yasmin iyong kurtina para magkaroon ng privacy si Mrs. Javier. "Pakihubad ho 'yong pang-ibabang suot. Tapos mahiga ho kayo. Tawagin n'yo ho ako 'pag nakahiga na kayo."
"Got it," nakangiting sabi nito.
"Gamitin n'yo ho 'yong kumot pantakip sa lower body n'yo."
Lumabas si Yasmin at tumayo sa tabi ng kurtina. Pinanood niya si Ethan na inihahanda ang mga kakailanganin. He was totally unaware of her presence. Naghugas ng kamay ito bago pinunasan iyon.
Pumasok siya sa loob nang marinig niya ang tawag ni Mrs. Javier. Tiniyak niya na nasa ayos ang lahat. Lumabas uli siya at kinuha iyong tray na nakita niyang inaayos ni Ethan kanina.
"She's ready, Doc," sabi niya. Kinakabahan pa rin siya. Iyon lang ang unang pagkakataong nakalapit siya at kinakausap ito.
"Thanks," sagot nito without looking at her.
Naglakad ito at pumuwesto ito sa tabi ni Mrs. Olivares. Sumunod si Yasmin dito at inilapag niya ang hawak sa mesang katabi ng higaan.
"We'll do an abdominal exam first. Can you lift your blouse up?"
Tumango si Mrs. Javier at itinaas nito ang suot. Kinapa ni Ethan ang tiyan ng pasyente. Nakikipag-usap ito kay Mrs. Javier habang ginagawa iyon. Light palpation muna ang ginawa nito para daw makita nito kung may namumuong laman na hindi dapat naroon.
"All good. We'll do the pelvic exam next. I'll get my gloves." Sumulyap ito kay Yasmin. "You know what to do?"
"Definitely, Doc," sagot niya. Lumamig ang palad niya nang saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Ipinilig niya ang ulo bago niya hinarap si Mrs. Javier. "Kaya n'yo ho bang umusod pababa, Ma'am?"
"I guess I can," sagot nito.
"Pakipatong na lang ho 'yong paa sa stirrups."
"And, this is the part where I need to spread my knees apart, right?"
"I'm afraid so."
"Why do we have to do this?" rhetorical na tanong nito. Pagkatapos ay huminga ito nang malalim. "Nasubukan mo na ba 'to?"
"Hindi pa ho."
"When you do, find somebody like Dr. Olivares. Compassionate, knowledgeable and... hot."
"I heard that, Mrs. Javier," sabat ni Ethan. "My, my... Are you flirting with me?"
Tumawa si Mrs. Javier. "I suppose bawal nang mag-flirt 'pag matanda ka na?"
"Who told you you're old?"
"Now, who's flirting, young man?"
Napangiti na lang si Yasmin sa kanilang usapan. Mukhang komportable sa isa't isa ang dalawa. Kung tama ang hula niya, nasa sixties na ang edad ng babae.
Nakita niya nang humakbang si Ethan papunta sa paanan ng higaan, sa pagitan ng hita ng pasyente. Kapansin-pansin ang pagbago ng demeanour nito. Nagbalik ito sa pagiging doktor.
"Lights, please," sabi nito.
Yasmin switched on the light. Kinuha niya iyong tray bago siya tumayo sa gilid ng higaan. Nakaharap siya kay Ethan kaya napapagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. His face was a study in concentration, as if the sight in front of him was fascinating.
Nagsimulang maglaro ang isip niya. Ganito rin kaya ito kapag nakahubad siya habang nakahiga sa ibabaw ng kama at ito nama'y nakaluhod sa pagitan ng kaniyang hita?
Lihim niyang sinita ang sarili at pinilit niyang pakinggan ang sinasabi ni Ethan.
"Do you have any discharge that's bothering you?" tanong nito.
"No." Sinabayan iyon ng iling.
"There's no swelling or irritation, but there's some splitting of the skin and fissures that are very tender," sabi nito. Bahagyang umangat ang mukha nito. "Mrs. Javier, you'll feel me touch just on your thighs. And, then you'll feel me touch round the outside of your genital."
Tango lang ang sagot ni Mrs. Javier sa bawat sabihin ni Ethan. He was every inch a doctor, his voice was professional yet gentle. Para ngang nahihipnotismo si Yasmin. Nakatitig siyang mabuti sa kamay ng doktor hanggang mawala iyon sa paningin niya. Natakpan kasi iyon ng kumot. Pero hindi mawaglit sa isip niya ang sinabi nito. You'll feel me touch round the outside of your genital.
"I'm taking a look to make sure that everything's healthy."
Narinig niyang sabi ng doktor. Namuo ang pawis sa noo ni Yasmin. Nai-imagine niya kasi kung nasaan ang kamay nito.
"I have to probe you to look for irregularities. All right, Mrs. Javier?"
"Yes, Doc. Give it a go," pabirong sagot ni Mrs. Javier.
Ngumiti rin si Ethan. "I'll also examine you later using a speculum to check if there are abnormalities in your cervix."
"Just do it, Doc. Don't explain. It sounded so gross."
"It does, doesn't it?" sagot nito. "Relax your muscles and breathe deeply. That will lessen your discomfort. Just yell if you feel any pain."
Mrs. Javier's intake of breathe was audible. Pati nga siya ay napasinghap din. Napasulyap tuloy sa kaniya si Ethan. For several heartbeats, his eyes lingered on her face. Kumunot ang noo nito na para bang ngayon lang rumehistro sa isip nito ang presensiya niya.
May kakaibang init ang naglakbay sa buong katawan ni Yasmin. Namula rin ang pisngi niya. Hindi dahil sa hiya, kung 'di dahil sa ibang emosyon. Pakiramdam niya kasi sa kaniya ipinasok ng doctor ang daliri nito. Pinagdikit niyang mabuti ang kaniyang hita para pigilin ang sensasyong namumuo sa pagitan niyon.
"Can you tighten those muscles?" sabi nito sa pasyente. Nagkaroon ng saglit na katahimikan bago nito sinabing, "Excellent. Then I want you to lift those muscles and relax."
Palihim na minura ni Yasmin ang sarili. Kung bakit naman kasi imboluntaryong sumusunod din ang kaniya sa utos ng doctor.
"There seems to be no remarkable findings here, but a pap test will confirm everything," patuloy na sabi nito. "Hand me the instrument, Miss"-lumipat ang paningin nito sa bandang dibdib ng dalaga, sa name tag niya-"Prieto."
Dumikit na yata ang mga paa ni Yasmin sa sahig. Hindi niya ito maihakbang. Pati ang mga braso't bisig niya, pakiramdam niya'y naninigas na rin.
"Yasmin?" tawag nito.
Huminto nang ilang segundo ang pintig ng puso ng dalaga bago iyon tumibok nang mabilis. Gusto niyang lumukso sa tuwa. Hindi siya makapaniwalang tinawag siya ng doktor sa pangalan niya!
"H-heto, Doc." Talo niya pa ang nag-aalay sa altar nang lumapit siya rito dala ang tray sa kamay.
Kinuha nito ang speculum without bothering to glance her way. "This has been warmed, Mrs. Javier. Ididikit ko 'to sa hita mo para masigurong 'di ka mapapaso." Idinantay nito ang dulo sa hita ng pasyente. "Does that feel okay?"
"Yes, that's fine."
"There will be pressure when I insert and open the speculum, so you might feel a bit uncomfortable. Okay, it's going in now. Breathe deeply."
Dahil lumapit si Yasmin kay Ethan, mas nakikita na niya ang ginagawa nito. Hindi siya nandiri nang ipasok nito iyong speculum. Nanggilalas pa nga siya rito dahil mukhang ekspertong-eksperto ito. Mabilis at sigurado ang bawat kilos nito nang ipasok nito ang spatula sa speculum para kumuha ng cell sample sa cervix. Pinutol nito ang dulo ng spatula at inilagay sa pap medium. Parehong proseso ang ginawa nito gamit ang cytobrush.
"There's nothing remarkable here, except the cervix wall is a bit red. But let's wait for the pap test before we rule this out as the cause of your bleeding."
"At this point, you can't say yet what causes blood in my urine?"
"Not yet, so we have to discuss this further." Inalis nito ang gloves at itinapon sa basura. "I'll wait for you at my table."
Pakiramdam ng dalaga tumamlay ang paligid nang umalis ang doktor. Para bang lahat ng enerhiya ay dinala nito nang lumabas ito sa maliit na lugar na iyon.
Isinara ni Yasmin ang umawang na kurtina kung saan dumaan si Ethan. Saka siya lumapit kay Mrs. Javier para tulungan itong tumayo. Iniwan niya ito nang matiyak niyang kaya na nitong magbihis mag-isa.
Lumingon siya sa gawi ng doktor pero nakatuon ang mga mata nito sa monitor ng computer. Masaya pa rin siya. Nagkaroon kasi siya nang pagkakataong pansinin nito kanina. Lumabas siya sa office bitbit ang tray na ginamit nito. Dumaan siya sa laboratory bago siya bumalik sa reception area.
Wala si Jessica. Ang mga pasyente naman ay nasa kani-kanilang upuan, nagbabasa o abala sa pagkalikot ng cell phone nila.
Nagmamadali si Yasmin na umupo at kinuha sa bag ang phone niya. Luminga pa siya sa paligid bago niya inilagay sa search box ng google ang tanong na kanina pa nangungulit sa isip niya.
How to have blood in urine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top