Josiah's Journal

Josiah's Journal

Paano ko nga ba uumpisahan to? Ah, siguro magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Joshiah Vergara. Kakambal ako ni Joshua Vergara. Nagtataka siguro kayo kung bakit ngayon niyo lang ako nakilala. Simple lang, dahil hindi ako normal. Noon.

Sakitin kasi ako nun, may sakit ako sa puso. Bahay ko na nga siguro yung ospital. Lagi kasi akong nandoon eh kaya kahit kelan hindi ako nakalabas at hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Hindi ko rin naranasang maglaro sa labas, magtakbuhan, magtaguan. Hindi ko nagawa ang mga ginagawa ng nga normal na tao kaya dun ko naisip na hindi ako normal.

Wala mag-isa lang lagi ako sa bahay. Kalaro ang personal nurse ko. Ayaw din kasi nina Mama na lumalabas ako. Para safe daw. Ospital-bahay lang kasi ako. Hindi din ako nag-aaral sa eskwelahan, home-schooled ako eh kaya nung una kong pasok sa eskwela ko e nanibago talaga ako.

Nung una naming pagkikita ni Hera, nagkataon lang talaga na kakalabas ko lang sa ospital tapos wala pa sina Kuya Joshua at sina Mama, tanging yung personal nurse ko lang ang naiwang kasama ko.

Nung time na yun, sinabukan kong taguan yung nurse ko. Pupunta sana ako nun sa may garden namin nung may marinig akong umiiyak na bata sa labas. Nung una ko siyang nakita, pumasok na lang bigla sa isip ko na sinagot na ng Diyos ang panalangin kong magkaroon ng kaibigan.

Tinawag ko siya nun. Nagulat na lang ako na isang magandang babae ang nasa harap ko nun. Isang anghel. Yan ang unang pumasok sa isip ko.

Nahihiya pa nga akong kausapin siya nun pero ayokong sayangin ang pagkakataon. Hindi ko makakalimutan ang unang ngiti niya sakin. At dun nagsimula ang mga hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Yung para bang lalabas na palagi ang puso ko kapag nakikita ko siya.

Isang araw. Isang araw lang tayong nagkalaro pero parang pakiramdam ko napakaespesyal mo na sakin. Siguro kasi ikaw ang una kong naging kaibigan. Pero hindi man lang tayo binigyan ng pagkakataon na malaman ang pangalan ng isa't isa. At iyon ang pinagsisihan ko.

Nung sumunod na araw, nagulat ako ng makita kitang kalaro ang Kuya ko. Ang saya-saya mo nun. Nagtatago lang ako sa may puno nun habang hawak ang mga laruang nilalaro natin kahapon.

"Ano bang pangalan mo? Laru tayo ng laru ditu pewo di ko pa lam pangalan mo.."

"Ako si Joshua."

Gusto kong sanang lumabas dito at sabihing ako yung nakalaro mo pero wala na eh. Napanghinaan na ako.

"Ako si Hera.."

Hera. Isang pangalan na hindi nagpatulog sakin magdamag. Oo ganun kalakas ang epekto mo sakin, Hera. Kala ko simpleng puppy love lang yun pero sa araw na araw, buwan o taon na tinitingnan kita sa malayo narealize ko kung ano ang totoo kong nararamdaman sa'yo.

Nakita ko ang paglaki mo. Lalo kang gumaganda. Lalo kang nagmumukhang anghel sa paningin ko. Hindi ko nga ba alam sa sarili ko kung paano ko nakayanang tingnan ka na lang sa malayo kahit na gustong gusto na kitang lapitan. Masaya na ko sa ganito. Sa patingin tingin na lang pero hindi ko maaalis na itanong sa sarili ko kung, 'Paano kaya kung nagpakita na ako sa kanya simula pa lang?'

Masaya akong makita kang masaya kasama ang kuya ko pero siguro mas sasaya ako kung ako mismo ang maging dahilan kung bakit ka masaya.

Dahil sa pagpunta punta mo sa bahay namin. Marami akong nalaman sa'yo. Katulad ng mga buo mong pangalan, mga paborito mong pagkain, kulay, mga tungkol sa pamilya mo, birthday mo. Mga tipong ganun.

Magbi-birthday ka nun, 12th birthday to be exact.. Lumabas ako ng bahay namin siguro mga alas onse na ng gabi. Nakasanayan ko na din kasi ang pagpunta sa park na malapit lang samin, isang oras bago mag12 sa birthday mo. Sinuot ko lang yung hoodie at mask at jogging pants na malimit kong isuot pag pumupunta ako. Naghintay lang akong mag12 nun tapos tumingin ako sa langit at binati kita. Hindi man kita mabati personally, alam naman ng Diyos at saksi ang buwan at mga bituin na may isang taong gustong gawin yun at hinihiling na sana magkaroon tayo ng pagkakataon na magkakilala. Ulit.

Nagulat na lang ako ng may marinig akong mga yabang papalapit sa kinatatayuan ko. At mas nagulat ako kung sino ang nakita ko.

Ikaw.

Pero hindi ngiti ang nakita sa mukha mo, kundi luha. Kelangan ba pag nagkikita tayo, palagi ka na lang umiiyak?

Inabutan kita ng panyo noon at pilit na pinatatahan pero patuloy ka pa ring umiiyak sakin. Naghiwalay na pala ang parents mo. Gusto kitang yakapin pero hindi ko nagawa. Ang sakit ng pinagdaanan mo, birthday mo pa naman.

Tinanong mo ang pangalan ko nun, pero hindi ko sinabi. Tinago ko. Tinago ko sa'yo ang tunay kong pagkatao. Yun ang pinaka pinagsisihan ko sa lahat ng mga ginawa ko sa mundong to.

Pero simula nun, madalas na tayong magkita dun sa park na yun. Tinuring mo akong kaibigan kahit na hindi mo nakikita ang mukha ko o hindi nalalaman ang pangaln ko. Lagi kang nagkkwento sa akin tungkol sa mga nangyayari sa buhay mo. Ang saya saya na nga ng mga kwento mo. Buti naman pinapasaya ka ni Kuya.

Gusto kong maging masaya para sa'yo pero bakit hindi ko magawa? Buong buhay ko nainggit ako kay kuya. Siya na palaging maraming magagandang laruan. Siya na madaming kaibigan. Siya na normal ang buhay. Siya na maraming alam sa mga nangyayari sa labas. Siya na malayang naglalaro. At siya na mahal ng babaeng mahal ko.

Ang mga tingin at titig mo kay Kuya Joshua pag nag-uusap kayo, kitang-kita kong mahal na mahal mo talaga siya. Alam ko, dahil ganun din ang tingin ko sa'yo.

Tuwing nagkikita tayo sa park, ilang beses na akong nag-attempt na sabihin sa'yo pero may mababago pa ba yun? Sa nakikita ko, masaya ka na kay Kuya. Nililigawan ka na nga niya eh. Ano pang mababago kung sabihin ko sa'yo?

Hanggang sa sinagot mo na nga siya. Ang mga ngiti mong yun parang unti-unti akong sinasaksak sa dibdib. Pero pinilit kong magpakasaya sa'yo. Hindi ko na nga sana itutuloy ang operation na inooffer sakin ng doctor ko kasi nag-aalala akong baka hindi ko kayanin. Naisip kita. Tanga man kung tawagin pero gusto ko pa ring manatili sa tabi mo. Kahit bilang kaibigan lang.

Kaya pumayag ako. A day after ng pagsagot mo kay Kuya Joshua. Kaba't takot ang naramdaman ko nun. Paano kung hindi maging successful? Hindi pa ata ako ready para dun.

Pero lumaban parin ako. Para sa'yo. Masaya ako ng maging successful ang operation ko. Matagal din akong nagstay sa hospital. Hindi na ako makapagintay na makita kita at marinig ang boses mo.

Dumiretso na agad kaming bahay nun ni Dad. Si Dad kasi ang kasama ko sa ospital. Nakita kong umiiyak nun si Mommy, nakaupo siya sa silys at nakatayo naman si Kuya Joshua sa harapan niya.

Dun namin napag-alamang may Leukemia si Kuya Joshua. Iyak ng iyak nun si Mama, biro mo kakagaling ko lang tapos si kuya naman ang magkakasakit? Bakit nga ba ganyan kahirap ang buhay? Hindi ko na alam kung sinong sisisihin ko.

"Kelan mo pa alam yang tungkol sa sakit mo?"

 

"Matagal na."

"Bakit hindi mo sinabi samin?! Bakit nilihim mo samin, Kuya?!"

 

"Dahil ayokong sabihin. Ayokong isipin tong sakit na to. Ni ayokong maalala na may sakit akong ganito. Gusto ko.. Gusto ko lang naman maging normal parin ang buhay ko pero parang hindi ko na kaya eh.."

"Kuya buhay na ang pinag-uusapan diyan! Hindi na biro yan!"

"Alam ko. Pwede bang humingi ako ng pabor sa'yo?"

"Ano yun?"

"Ikaw na ang bahala kay Hera. Alam ko namang aalagaan mo siya ngayong magaling ka na. Josiah, Hindi ko sinadyang umabot sa puntong to, nagsisimula pa lang kami. Ayokong.. Ayokong mawala na agad yun."

Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Gusto niyang ipagpatuloy ko ang nasimulan niya. Gusto niyang magpanggap ako bilang siya para hindi masaktan si Hera.

Napatawa na lang ako. Magtatago na naman ako. Magtatago na naman ako sa katauhan ng kapatid ko. Hanggang kelan ako magiging pangalawa lang?

"Mahal mo siya diba?"

"Wag na tayong maglokohan, Josiah. Hindi ako manhid. Alam ko kung anong nararamdaman mo. Mahal mo siya di ba?"

Ginawa ko ang pabor niya sa akin. Hindi ako sanay makisalamuha sa tao dahil home-schooled nga ako pero kinaya ko yun. Ginawa ko ang lahat para mas lalong mapalapit sa'yo. Ginawa ko ang lahat para mas mahigitan ang pagmamahal ni kuya sa'yo.

Pero hindi nga lang maiiwasan yung magtaka ka sa kakaibang kinikilos ko. Hindi nga pala caldereta ang paborito kong ulam, kundi adobo.

Akala mo nakakalimutan ko lang ang mga nakasanayan niyong gawin ni Kuya, gusto kong sabihin sa'yo ang totoo pero hindi pwede. Hindi pwede.

Ako ang tumupad sa mga wishes mo dahil gusto kong maging ako naman ang dahilan ng mga ngiti mo pero hindi ko maiwasang hindi malungkot pag binabanggit mo ang pangalan ni Kuya. Gusto kong sabihin sa'yo na hindi ako si Joshua pero hindi ganung kadali yun. Gusto kong mahalin mo din ako pero paano?

Nagbago ang buhay namin ni Kuya. Nagpalit kami ng kwarto, gamit, damit, lahat-lahat. Naranasan niya ang buhay na naranasan ko nung maliit pa ako. Nung mga panahong iniisip ko na hindi ako normal.

Gusto kong magkaroon ng puwang diyan sa puso mo. Na kahit, nakatago ako sa likod ng pangalang 'Joshua' masasabi mong minahal mo ako.

Nakita ko kung gaano ka kamahal ni kuya. Hindi man niya sabihin sakin, pero alam kong nasasaktan siyang makita na ako ang kasama mo araw-araw at hindi siya. Pero naranasan ko din naman yun di ba? Na hilinging kahit isang araw lang maging ako siya? Ang hirap pala.

Araw-araw nagpapabili si Kuya kay Mama ng puting rosas tapos kukuha siya ng sulatang papel at magsusulat. Ididikit niya iyon sa tangkay ng puting rosas.

Lagi kong nakikitang ginagawa niya yun hanggang sa sinabi mo sa kin sa locker room nun na lagi kang binibigyan ni Kuya ng puting rosas. Nung time yun na sinorpresa kita at nagpanggap na may sakit para lang matupad yung isa mong wish.

"Josiah nakita mo ba yug puting rosas sa bulsa ng hoodie mo?"

Nasa lamesa yung hoodie ko nun. Lumabas ata siya nung mga oras na yun. Sinabi kong hindi ko nakita kasi nasa kwarto lang naman ako nun. Kinuha niya yung hoodie ko at pumasok na sa kwarto niya.

Pero narinig kong sabi niya, "Nahulog ata.."

Hanggang sa bumalik na yung tatay mo. Nakita na naman kitang umiiyak. May sakit pala ang Daddy mo. Kung kaya ko lang mapawi ang sakit na naramdaman mo nun ginawa ko na pero hindi naman ako Diyos eh. Ang kaya ko lang gawin ay yakapin at patahanin ka.

Iuuwi na sana kita sa inyo kaso sabi mo dumaan tayo sa park dahil ipapakilala mo ko sa kaibigan mo. Sumama ako sa'yo para makilala nga siya pero hindi ko ineexpect na ipakikilala mo ako sa sarili kong kapatid.

"Ako si Joshua."

Kahit hindi niya aminin, alam kong nasaktan ko ang Kuya ko nun. Ginagamit din niya pala ang hoodie at mask na matagal ko ng ginamit. Pumupunta rin pala siya dito sa park gaya ng ginagawa ko noon nung may sakit pa ako. Oo nga pala, nagpalit nga pala kami ng buhay. Nagpalit kami ng pagkatao. Pero hindi ko magawang maging masaya. Hinding-hindi.

Nag-usap kami ni Kuya pagkatapos nun. "Masakit ba kuya? Masakit bang naranasan lahat ng naranasan ko noon?"

 

 

"Anong sinasabi mo?"

 

 

"Wag ka ng mag-maangmaangan! Alam mo kung anong sinasabi ko! Hanggang kelan tayo magpapanggap? Hanggang kelan ako magtatago sa katauhan mo?! Nahihirapan din naman ako eh.."

 

 

"Sa tingin mo ba ako hindi? Sino ba ang may sakit? Sino ba ang nakakulong dito? Wag mo nga akong masumbatan ng ganyan dahil alam ko na sobrang saya mo na dahil nagkapalit tayo ng pwesto. Di ba?"

 

 

"Ikaw ang humiling nito kuya."

 

 

"Hilingin ko man o hindi alam kong ito ang gusto mong mangyari. Matagal mo na siyang gustong kausapin, hawakan, at makasama di ba? Pinagbigyan kita. Tutal ayoko din namang masaktan si Hera."

 

 

"Mas nauna ko siyang nakilala.."

 

 

"Pero ako ang minahal niya.."

 

Oo nga naman. Bakit ko nakalimutang si Kuya nga pala ang mahal mo, Hera? Hahaha. Ang sakit lang, Hera.

"Nakalimutan mo na bang may sakit ka? Makakasama sa'yo ang paglabas-labas kuya!"

 

 

"Bakit ko naman makakalimutan? Ako naman ang mamamatay di ba?" Tinapik niya ang balikat ko, "Masaya na ko sa ginagawa ko pero kung ano ang talagang maging desisyon mo.. Okay lang sakin."

 

 

"Sasabihin ko na sa kanya ang totoo."

Ngayong alam mo na ang totoo, mapapatawad mo pa ba ko? Makikilala mo na ba ko?

Matagal na rin akong kumakatok sa puso mo.

Papapasukin mo na ba ako this time?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top