Chapter 5
Chapter 5 - He came back
Sa kuryusidad na rin siguro, napatakbo ako kung saan man dumiretso si Mr. Unknown. Nagbaka-sakali akong hindi pa siya ganoong nakakalayo kaya binilisan ko pa lalo ang takbo ko. Hindi ko na pinansin kung natakid man ako sa daan basta mahanap ko lang siya. Nasan na ba yun? Ang bilis niya naman ata. Pero sabagay, malay ko ba kung malapit lang talaga ang bahay niya dito.
Aish. Hindi ko tuloy siya naabutan. Napatingin ako sa puting rosas na hawak ko. Bakit kaya siya may ganito? Posible kayang siya si Joshua? Ha? E kung si Joshua yun, bakit kelangan niyang magtago ng mukha sakin pati ng pangalan. Hay nakakastress naman oh.
Napadaan ako sa bahay nina Joshua. Halos lahat naman patay na ang ilaw pwera lang dun sa..
Sa dulong kwarto.
Hindi ba ito yung nakalock na kwarto nina Joshua? May tao nga kaya dun? Pero malay ko ba kung nililinis ng katulong nila yung kwartong yun kaya yun na lang yung bukas. E kung tanungin mo kaya si Joshua! Ala, di bale na nga lang. Baka makulitan na naman siya sakin pag tinanong ko yung tungkol sa kwarto na yun.
Naglakad na ko papuntang amin. Nakatingin parin ako sa bulaklak na hawak ko. Lagi tuloy sumasagi sa isip ko na kay Joshua galing to. E pano naman kasi! Ganitong paraan siya magbigay sakin ng white rose eh!
Sinipa-sipa ko yung batong nasa sahig. "Nakakainis naman eh!"
Nagtaka na lang ako ng makita kong may nakaparadang itim na sasakyan sa tapat ng gate namin. Lalapit na sana ako ng makarinig ako ng nagbabasagang gamit.
"Hayop ka! May gana ka pang magpakita samin? Ha? Matapos ng lahat? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko noon?! Wag ka na ulit magpapakita samin ng mga anak mo!!!"
T-teka, Si Mama ba yun?
"Mommy, tama na!!"
"Eritte, please.."
Napaatras ako ng marinig ko yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit matagal na siyang wala at hindi nagpapakita sa amin, kahit kelan hindi ko makakalimutan ang boses na yun. Boses ng taong ayaw na ayaw kong makita. Ang daddy ko.
Tahimik lang akong nakatayo sa may gate at mula dito nakikita ko si mama na umiiyak na naman. Ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak simula nung nangyari. Alam kong nasasaktan parin siya, sana kaya kong pawiin yun. Bakit kasi bumalik pa yang taong yan? Maayos na kami ah?!
"Umalis ka na, Henry. Please. There's no room and place for you here kaya umalis ka na lang. Please!" galit at nakikiusap na sabi ni Mama.
Alam kong walang magawa si Kuya. Nakatayo lang kasi siya doon. Galit din kasi siya kay Papa. Galit na galit kaya sabi niya sakin, hindi naman daw namin kelangan si Papa at hindi niya kailanman kakailanganin ang isang taong pinabayaan at iniwan kami. Kahit kami na lang daw nina Mama tutal nandiyan naman siya, siya daw ang tatayong Daddy ko. Kaya simula nun, naging protective siya sakin.
Naiintindihan naman niya yun eh, gusto lang niyang palitan si Dad sa pwesto niya para kahit papano maramdaman ko na may tatay ako.
"Nasan si Hera? Gusto ko lang sanang makita ang anak ko, Eritte. Wag mo naman silang ipagdamot sakin."
"Ako pa ang madamot, Henry? Alalahanin mo ikaw ang pumili sa pwesto mong yan! Ikaw ang nagdesisyon na umalis sa pamilyang to kaya wala kang anak dito. Simula ng umalis ka, wala ka ng responsibilidad at wala ka na ring asawa at anak!"
Napaluha na lang ako ng marinig ko yun. Pinunasan ko agad ito pero para itong gripo na hindi matigil sa pagtulo. Sinubukan kong hindi humikbi pero hindi ko nagawa. Napatingin silang lahat sa akin.
"Hera, pumasok ka na sa kwarto mo. Madali!"
Papasok na sana ako ng harangin ako ni Papa. "Anak, kamusta ka na? Nandito na si Papa."
"Bitawan mo siya Henry!" Sinusubukan akong ilayo ni Mama kay Papa pero pareho silang nakakapit sa akin. Naiyak na lang ako sa nakikita ko. Pinag-aagawan nila ako. Kanino ako makikinig? Kanino ako sasama?
"Mag-uusap lang kami, Eritte. Pagbigyan mo na naman ako.."
"Hindi!"
"Ma, tama na yan. Bitawan niyo na si Hera."
Yan ang mga narinig ko sa kanila. Alam kong hinihintay lang nila akong magsalita. Pero ni isang salita hindi ko magawa.
"Hayaan niyo na nga siyang pumili! Wag niyo siyang pilitin. Tanungin niyo na lang siya Mommy, kung anong gusto niya! Tapos!" Tumahimik silang parehas ng sumigaw si Kuya. Siguro napikon na din siya sa mga nakikita niyang awayan ngayon.
Nakatingin lang silang pareho sakin. Hinihintay ang bawat salitang lalabas sa bibig ko. Isa lang ang nasa isip ko mula pa kanina, puro tanong. At alam kong hindi ko masasagot iyon kung hindi kami mag-uusap kaya..
"Mag-uusap lang po kami ni Papa."
Nabitawan ni Mama ang braso ko. Nakakunot siyang tumingin sa akin. Oo alam kong nangako ako sa kanyang kahit kelan hindi ko bibigyan si Papa ng chance na makipag-usap sakin at alamin lahat ng dahilan niya kung bakit siya umalis pero hindi ko na kaya. Matagal ko na tong gustong malaman. At ngayong nandito siya, bakit ko sasayangin ang pagkakataon?
Lumabas kami pareho ni Papa. Naririnig ko siyang nagsasalita pero hindi ko siya inintindi. Kinakamusta niya kasi ako at si Kuya. Alam kong hindi ako naging okay. Kasi aminin ko man o hindi, sira na ang pamilya ko. Sinong magiging okay dun?
"Anong gusto mong sabihin ko sa'yo?" yan ang unang lumabas sa bibig ko. Ewan ko kung san lupalop ko yan hinigot.
"Kwentuhan mo naman si Papa.. Matagal din akong nawala." pag-iiba niya at sinabi iyon sa malumanay na boses.
"Bakit ka pa bumalik?" walang galang kong tanong sa kanya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya pero alam kong nakatingin siya sakin.
"Hindi mo ba alam na maayos na ang buhay namin nung wala ka?"
"A-anak.." hinawakan niya ang braso ko pero iniwas ko lamang ito.
"Anak? Hindi mo ko anak! Kasi kung anak mo ko, hindi mo kami iniwan pero anong ginawa mo? Pinabayaan mo kami! Kaya sabihin mo nga, yan ba ang totoong tatay?"
Wala akong pakialam kung nakikita man niya akong umiiyak ngayon. Gusto ko lang sabihin sa kanya lahat ng hinanakit ko. Lahat.
"Alam mo ba kung gaano ako nainggit sa mga kaklase ko, na may tatay na sumusundo sa kanila pagkatapos ng klase? Inggit na inggit ako! Kasi kahit kelan, hindi ako nagkaroon ng ganoon! Kasi wala ka! Wala ka!" Iyak pa rin ako ng iyak nun, sabay pahid ng mga luha ko
"Lagi nilang tinatanong, 'Hera nasan yung Daddy mo?' 'Hindi ko pa nakikita ang Daddy mo.' Alam mo bang isa lang ang laging sagot sa kanila?" tinuro ko yung dibdib ko, "Matagal na siyang namatay dito! Pareho lang naman yun eh, hindi na kita nakikita, hindi ka nagpaparamdam. Parang isang patay na tao. At kahit kelan, hindi ko hihilinging mabuhay."
Alam kong masakit ang sinabi ko kay Papa pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Masyado akong nasaktan sa pag-iwan niya samin.
Niyakap ako ni Papa. Nanatili lang akong nakatayo doon habang umiiyak. Ilang sandali pa, naramdaman kong may pumatak na luha sa balikat ko. At alam kong umiiyak na si Papa ngayon.
"I'm sorry anak. Ayokong maging pabigat sa inyo ng Mommy mo. Alam mo naman na naghihirap na tayo sa panahong iyon. Ayokong dumagdag sa paghihirap na yun, Hera. Ayokong makita kayong lalong maghirap kung nanatili ako. Nagsinungaling ako sa inyo. Sa inyo ng mga Mama mo."
Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya iyon. At napatakip na lang ako ng bibig at hindi na tumigil sa kakatulo ang luha ko ng marinig ko pa ang kasunod na sinabi niya..
"May cancer ako. At may taning na ang buhay ko."
***
Hindi ako pumasok kinabukasan. Hindi ko kaya. All this time, nagalit ako sa kanya sa dahilang iniwan niya kami. Tapos malalaman ko na lang to? Ang saklap naman ng nangyayari sa buhay ko. Hindi pa to alam ni Mama, si Papa narin ang nagsabing wag na muna ipaalam sa kanya. 1 buwan. 1 buwan na lang. Napakadali naman yata. Naiiyak na lang ako ng maalala ko iyon. Ang tanga-tanga ko para pagsabihan siya ng mga masasakit na salita.
Gusto kong sabihin ito kay Mama pero paano? Pero karapatan naman niyang malaman eh. Mas naaawa ako kay Papa dahil lalong nagalit sa kanya si Mama. Habang buhay niyang iisipin na naging makasarili si Papa gayong kami lang naman ang inisip niya ng mga panahon iyon.
Hindi rin pumasok sina Meredtih at Joshua ngayon. Dadamayan daw nila ako. Yeah, sila lang ang may alam. Ako na lang ang tao ngayon sa bahay. Si Mama, pumasok na sa work. Si Kuya naman, pumasok na din.
Tiningnan ko ang papel na nasa harapan ko. Address ni Papa. Pupuntahan ko siya doon. Aalagaan ko siya, yun na din siguro yung magiging bonding time namin. Pambawi sa mga times na hindi ko siya nakasama.
"Okay lang yan, friend." sabi sakin ni Mers at hinagod ang likod ko.
"Anong gagawin ko? Hindi to alam nina Mama. Ang nasa isip pa rin niya ay niloko kami ni Papa, na may ibang babae siya. P-pero hindi naman." nagsimula na naman akong humagulgol. Niyakap lang ako ni Joshua at inabutan ako ng tubig. Ano na lang gagawin ko kung wala sila?
"Karapatan din naman ng Mommy mo na malaman yung tungkol sa sakit ng Daddy mo, Hera. Pamilya pa rin naman kayo eh, di ba? And I'm sure maiintindihan yun ng Daddy mo kung hindi mo kinayang itago na lang yun."
Gustong-gusto ko ng sabihin kina Mama. Pero paano? Makikinig ba sila sakin? E ni pangalan ni Papa ayaw niyang marinig, lagi siyang nagagalit sakin.
Ilang oras ang nakalipas at inihatid nila ako pareho sa address na binigay ni Papa sakin. Sabi ni Joshua, magtext na lang daw ako sa kanya kung susunduin na niya ko. Nagpasalamat na lang ako sa kanilang dalawa kasi naabala ko pa sila.
dingdong..
Hindi pa ko nakakapasok ng bahay pero may namumuong luha na sa mata ko at tuluyan na itong bumuhos ng lumabas si Papa..
ng naka-wheelchair
"A-anak. Pasok ka.."
Kita kong mas namumutla na siya di gaya kahapon. Halatang-halata mo na talagang grabe na ang sakit niya. At nanghihina na siya.
Pagpasok ko, tumakbo ako papunta sa kanya at yinakap ko siya nang mahigpit. I'm sorry, Papa.
Buong hapon inalagaan ko siya. Hindi ko siya pinagawa ng kahit ano. Nagtaka nga ako kung bakit wala siyang kasama dito, paano na lang kung pinasok siya dito o ano? Ang sabi lang naman niya ay pinauwi muna niya ngayon kasi alam niya na dadating ako. Gusto daw niya na ako lang daw yung mag-alaga sa kanya.
"Gumagabi na, anak. Baka mapahamak ka pa sa daan, umuwi ka na."
"Pa, susunduin ako ni Joshua."
Alam na nga pala ni Papa yung tungkol kay Joshua. Kinuwento ko sa kanya yung tungkol samin and nakita ko naman na masaya siya para sakin. Para samin ni Joshua.
"Baka gabihin kayo. Magpasundo ka na sa kanya. Okay lang ako dito."
"Sure kayo, Pa?"
Tumango lang siya bilang sagot. Maya-maya lang ay dumating na si Joshua dahil tinext ko na din siya.
"Pa, si Joshua po. Boyfriend ko." nakatingin ako nun kay Papa, nakangiti lang siya sa amin ni Joshua. "Mmm Babe, si Papa.."
"Good evening po, Sir." ngumiti si Papa bilang sagot. "Alagaan mo ang anak ko ha? Kung sakaling mawala na ko-"
"Papa!" pinutol ko yung sinabi niya.
"Alagaan mo siya hijo, dahil ako hindi ako nagkaroon ng pagkakataong gawin yun sa kanya. Nagpapasalamat ako sa'yo kasi alam kong masaya sa'yo ang anak ko."
"Papa talaga!"
"Makakaasa po kayo, Sir. Hinding-hindi ko po sasaktan ang anak niyo."
"Sige na. Baka gabihin pa kayo."
"Alis na po kami. Salamat po, Sir,"
"Bye, Pa. I love you po. Mag-iingat kayo dito ha?" nagkiss ako sa kanya tapos nagpaalam na sa kanya.
Oo, naging masama ako. Nabuhay ako na may hinanakit sa kanya ng hindi man lang nalalaman ang side niya. Nung mga panahong yun, wala talaga akong balak makinig sa anumang sasabihin niya samin. Kahit gaano pa kagrabe yun, pero hindi ko inaasahan to. Nagalit kasi ako eh. Pero sa katunayan nga, wala akong dapat ikagalit sa tatay ko.
Gagawin ko ang lahat. Para bumawi sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top